ログインLira Mae Alvarez badly needed a job, at ang posisyong inalok sa kanya ay parang panaginip na natupad— malaki ang sahod, maayos na tirahan, at pagtatrabaho para sa kilalang pamilya ng mga Delos Santos. Ang kanyang tungkulin? To assist, accompany, and essentially "babysit" their only son and heir, Gabriel Luis Delos Santos — isang lalaking kilala bilang malamig, nakakatakot, at napakahirap pasayahin o pakitunguhan. Inaasahan na ni Lira na mahirap ang magiging amo niya. She expected strict rules, awkward silence, and a lot of hard work. Pero hindi niya inaasahang makikilala niya ang isang lalaki na higit pa sa pagiging "Senyorito" na kinatatakutan ng lahat. Sa likod ng mamahaling kasuotan, seryosong mukha, at walang katapusang mga responsibilidad, Gabriel was just someone who was tired, lonely, and had forgotten what it felt like to be treated like a normal person—hindi bilang isang titulo, kundi bilang isang tao lang. Gabriel, who swore he would never let anyone enter his heart, bigla na lang natagpuan ang sarili na laging naghahanap sa Dalaga kahit saan man siya magpunta. Napagtanto niyang hindi lang pala niya ito kailangan bilang empleyada… kailangan niya ito bilang kanyang kapayapaan, kanyang kaligayahan, at kanyang tahanan. But the world they live in is full of boundaries. Siya ay simpleng babae lamang— he is the Senyorito. Society, family expectations, and their different worlds stand between them. Can a girl hired just to babysit the heir… become the one who ends up owning his whole heart?
もっと見るPAGOD niyang pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa kanyang noo. Isang oras yata ang nilakad niya para makarating sa bahay na nakatayo sa harap niya ngayon. Since it was a private subdivision, bawal pumasok ang mga pampublikong sasakyan o taxi, kaya wala siyang choice kundi maglakad all the way from the main gate.
Agad niyang kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa nang bigla itong tumunog at mag-ring. "Hello po, Tita?" sagot niya sa kabilang linya habang inaayos ang gamit na bitbit niya. "Nakarating ka na ba diyan, iha?" tanong ng kanyang Tita mula sa kabilang linya. "Opo, Tita. Nandito na po ako mismo sa tapat ng malaking gate. Pagod lang po nang kaunti kasi kailangan pang maglakad mula sa entrance, ang lawak naman kasi ng lugar na 'to," natatawa niyang sagot kahit ramdam na ang bigat ng mga binti. "Mabuti naman at nakarating ka nang ligtas. Pasensya ka na ha, alam mo naman na bawal talaga pumasok ang ibang sasakyan sa loob ng subdivision na 'yan. pero wag kang mag alala, sulit ang pagod mo, Lira. Alam mo naman kung gaano kalaki ang kailangan niyo ng pera ngayon, lalo na't may sakit ang nanay mo," paalala ng Tita niya sa malumanay ngunit seryosong boses. Napabuntong-hininga si Lira at napahawak nang mahigpit sa strap ng kanyang bag. "Opo, Tita. Naiintindihan ko po. Kaya naman po talaga ako nandito, gagawin ko ang lahat para lang makatulong sa kanila." "Tama 'yan. At saka tandaan mo ang mga bilin ko sa'yo ha? Ang pamilyang pag tratrabahohan mo ay sobrang yaman. Sila ang mga Delos Santos. Magalang ka palagi, sumunod sa lahat ng utos, at higit sa lahat… huwag na huwag kang lalampas sa hangganan. Ang pangunahing trabaho mo ay alagaan at samahan ang nag-iisang anak nilang lalaki, si Senyorito Gabriel. Pero babalaan kita, Lira… sobrang sungit non at masyadong suplado, Matapang ang ugali niyan at bihira ngumiti. kaya mag-iingat ka" Napakurap si Lira at bahagyang kinabahan sa narinig. "Ganoon po ba kasungit, Tita? Sige po, mag-iingat po ako at gagawin ko lang ang trabaho ko. Basta po trabaho lang, walang halong kung ano man." "Mabuti naman kung ganoon. Kailangan mo lang siyang pakisamahan, bantayan, at siguraduhing maayos ang lahat sa paligid niya. Tandaan mo, Lira.... Huwag kang magpapadala sa anumang ganda o yaman ng paligid, at huwag mong hahayaang maapektuhan ka ng kanyang ugali. Gawin mo lang ang tungkulin mo at sigurado akong magiging maayos ang lahat." "Opo, Tita. Naiintindihan ko po lahat 'yan. Salamat po talaga sa pagtulong niyo sa akin para makuha ang trabahong ito. Pangako po, ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko, Hindi ko kayo ipapahiya" tapat niyang sagot habang nakatingin sa mataas at malaking tarangkahan sa harap niya. "Sige, iha. Pumasok ka na. Siguradong naghihintay na sa'yo doon sa loob si madam. Good luck, Lira. Kayang-kaya mo 'yan." "Salamat po, Tita. Ingat po kayo diyan," paalam niya bago pinatay ang tawag. Pinagpag niya nang kaunti ang kanyang damit, humugot ng malalim na hininga, at muling tiningnan ang napakaganda at marangyang bahay sa harap niya. This is it, sabi niya sa sarili. Dito na magsisimula ang lahat. Naglakad siya papunta sa main door at agad na pinindot ang doorbell. Ilang sandali pa ang lumipas bago ito bumukas. Bumungad sa kanya ang isang matandang babae na nakasuot ng maayos na itim na uniporme. Agad niyang nilagay sa mukha ang pinakamalapad na ngiti at magalang na bumati rito. "Hello po, ako po pala si Lira... ang bago ninyong kasambahay," pagpapakilala niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, tila inii-inspeksyon ang bawat galaw at suot niya. Sa sobrang kaba, agad niyang pinagdikit ang dalawang binti at inayos ang tayo, takot na baka may magawang mali o hindi magustuhan nito. "Pumasok ka na," maikli at seryosong utos ng matanda. Agad siyang nakahinga ng maluwag dahil hindi naman siya nito pinalayas, mabilis na sumunod siya sa likuran nito habang naglalakad sila papasok. Nasa pintuan pa lang siya, napanganga na agad siya sa ganda at laki ng bahay na bumungad sa kanya. Ang kisame ay sobrang taas na halos hindi niya makita ang dulo. Puro makikinang at mamahaling kagamitan ang nakapaligid—mga muwebles na parang hindi pwedeng hawakan, at mga palamuting kumikinang sa liwanag. Jusko... nakakatakot namang gumalaw dito, naiisip niya habang dahan-dahang lumalakad, takot na baka may matabig o masira siyang kahit kaunti. Parang bawal humawak, bawal dumapo, bawal magkamali. Ang ganda, oo... pero ang lamig at ang tahimik. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Wala siyang ibang nakikita kundi puro mga kasambahay na abala sa kani-kanilang gawain. But she decided not to mind them at all, at ibinalik na lang ang atensyon sa pagsunod sa matandang babae. Dinala siya nito sa isang opisina sa loob ng bahay. Kumatok muna ito nang tatlong beses bago binuksan ang pinto at pinapasok siya sa loob. Pagpasok na pagpasok niya, agad na nahagip ng kanyang mata ang isang may edad na babae na nakaupo sa likod ng malaking mesa. Kahit matanda na, kitang-kita pa rin ang ganda at angas sa itsura nito. But despite that, nakakatakot ang ekspresyon ng mukha nito—sobrang seryoso at matalim ang tingin, para bang isang maling salita lang o maling galaw, pwede na siyang palayasin agad. Mamaaaa, help me… pipi niyang panalangin habang pakiramdam niya ay unti-unting tumatakas ang kanyang lakas dahil sa kaba. "Sit down." Agad siyang umupo, mabilis at maingat, takot na baka magalit o mainis pa ito sa kanya. May binasa itong isang papel sa harapan—ang sa tingin niya ay ang resume na ipinasa niya noong nakaraan. Tinitigan nito ang nakasulat doon na parang sinusuri ang bawat detalye. "Lira Mae Alvarez… 21 years old. Still studying?" seryosong tanong nito habang nakapako ang tingin sa papel. "Opo, graduating student po, Ma'am," mahinang sagot niya habang nakayuko nang bahagya. "Okay. As I see in your resume, there's nothing wrong with it. Maayos at malinis ang record mo. Your job was simple… Take care of my son, Gabriel. And that's all," maikli at walang emosyong utos nito bago ibinaba ang papel. Nag-alangan si Lira sandali, pero pinilit pa ring magtanong para malinaw sa kanya ang lahat. "Pwede po bang malaman kung ano po ang eksaktong trabaho o mga gawain na dapat kong gawin, Ma'am?" "You dare to question me, Ms. Alvarez?" Napalunok siya nang malalim sa sobrang kaba. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang mga kamay. Grabe naman, nagtatanong lang naman po ako eh. Gusto ko lang naman pong maging sigurado. "Hindi po, Ma'am… Gusto ko lang pong malaman nang maayos para hindi po ako magkamali o makagawa ng masama," paliwanag niya sa pinakamalumanay na boses na kaya niya. "Kung ano ang sinabi ko, 'yon lang ang eksaktong gagawin mo. Huwag ka nang maraming tanong. And I don't like that you're questioning my job for you," mariing sabi nito na may halong babala sa boses. Napayuko siya nang tuluyan dahil sa takot at panghihinayang na nagsalita pa siya. "Sorry po, Ma'am. Hindi na po mauulit. Masusunod po sa lahat," sagot niya agad. May ibinulong itong sinabi sa matandang babae na kasama niya kanina, mga salitang hindi naman niya narinig o naintindihan. Tumango lang ang matanda bilang sagot, at agad na sinenyasan si Lira na sumama sa kanya. Bago tuluyang lumabas ng silid, yumuko muna siya bilang paggalang bago tuluyang sumunod. Paglabas na paglabas niya ng pinto, parang biglang hinigop ang lahat ng lakas at hangin sa kanyang katawan dahil sa sobrang kaba at bigat ng pakiramdam. Napahawak siya sa dibdib habang humihinga nang malalim, pasasalamat na lang at nakalabas siya nang buhay mula roon. Ginaya siya ng matanda papasok sa isang kwarto na may nakalagay na sign na Maids' Room. "Sa ngayon, ito na lang ang natitirang kwarto dahil okupado na ang iba. Kaya mag-isa ka lang diyan, pero hindi ibig sabihin niyan ay magiging kampante ka na," seryosong paalala nito habang nakakunot ang noo. "Tandaan mo, lagi kitang babantayan lalo na't baguhan ka pa lang dito. Kaya huwag kang gagawa ng anumang kalokohan o bagay na hindi tama. Naiintindihan mo ba?" Mabilis siyang tumango bilang sagot, takot na magalit ito ulit. "Opo, ah... Ma'am—" "Mayordoma!" mariing pagputol nito sa kung ano man ang sasabihin niya. "Ha?" taka at naguguluhan niyang ani. "Tawagin mo akong Mayordoma. Ako ang in-charge sa lahat ng gawain at empleyado dito sa bahay. Kaya kung ano ang ipapagawa ko sa'yo, bawal ang reklamo at bawal ang sumagot. Aligrado?" Pinigilan niyang sumaludo dahil sa tindi ng awtoridad nito, at kagat-labi na lang siyang tumango bilang pagsang-ayon. "Ah... kailan po pala ako magsisimula sa trabaho?" tanong niya matapos huminga nang palihim. "Ngayon din. Pauwi na ang Senyorito galing sa business trip niya at ikaw ang nakatalagang in-charge sa kanya mula ngayon," sagot nito sabay turo sa kanyang gamit. Dahan-dahan niyang ibinaba ang dala-dala niyang bag sa ibabaw ng kama. "Ano po ang una kong gagawin, Mayordoma?" tanong niya na may halong excitement sa boses—'di halata ha, hehe. "Maligo." "Po?" mas lalong napuno ng pagtataka at gulat ang itsura niya. "Maligo ka muna bago ka magsimula ng trabaho—huwag mong sasabihin sa akin na haharap ka sa Senyorito na ganyan ang amoy at itsura?" pangangaral nito. Napatingin siya sa sarili at dahan-dahang inamoy ang kanyang kilikili at damit. Oo nga naman, amoy pawis ka be. Nakakahiya rin naman. "Hindi po, maliligo na po agad," mabilis niyang sagot. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at napailing na lang. "O, ayan ang damit mo." May nilapag itong itim at puting uniporme sa tabi ng kama. "Simula ngayon, 'yan lang ang isusuot mo sa oras ng trabaho, wala nang iba. Maliwanag?" "Opo, maliwanag po." Hindi na siya nito sinagot pa at agad na lumabas ng kwarto habang isinasara ang pinto nang bahagya. Napabuntong-hininga naman siya at napapaupo pabalik sa kama. "Ang hiwaga ng ugali ni Mayordoma... Jusko naman, mukhang mahihirapan akong pakisamahan siya," reklamo niya sa sarili habang napapadyak at umiikot-ikot sa kama sa sobrang inis. "Masungit na nga ang amo, pati Mayordoma ganun din... ano na lang kaya ang itsura at ugali ng Senyorito? Mukhang mamatay yata ako dito nang hindi man lang nakaka-graduate!" MATAPOS ang pakikipaglaban sa sarili at pag-aayos, agad siyang lumabas ng kwarto matapos maligo. Muntikan pa siyang mawala at maligaw dahil sa sobrang laki at lawak ng pamamahay ng mga Delos Santos. Buti na lang, naisipan nilang maglagay ng mga sign sa gilid ng bawat pintuan—kaya salamat sa Diyos, natagpuan din niya ang kusina. O kitam, kusina pa lang 'yan ah, isipin mo na lang yung iba. Pagpasok niya sa loob, nakita niya ang Mayordoma na kinakausap ang isa pang kasambahay. Agad siyang tumikhim nang mahina para kunin ang atensyon nito. Lumingon naman ito sa kanya at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Bagay sa'yo 'yang suot mo," komento nito. Bago pa man siya makangiti at matuwa sa sinabi nito, agad naman itong nagbigay ng bagong utos. "O siya, ngayon pumunta ka sa kwarto ng Senyorito. Malinis na 'yon, ang kailangan mo lang gawin ay ihanda ang paliguan niya. Siguradong pagod 'yon galing sa byahe." Tumango siya habang pinaglalaruan ang daliri, pero agad naman siyang sinenyasan nitong umalis na na kinataranta siya. "Ano pang hinihintay mo? Kilos na!" "Opo, opo!" mabilis siyang lumabas ng kusina pero agad ding bumalik sa loob ilang sandali pa. "Saan po ang kwarto ng Senyorito?" nahihiya niyang tanong. It’s normal duh, bago pa lang kaya siya dito. Napabuntong-hininga ang Mayordoma at binatukan siya nang mahina. "Sa second floor, liko sa kaliwa. Nag-iisa lang ang malaking pintuan doon kaya makikita mo agad." Napakamot siya sa parte ng noo na binatok nito. "Bakit kailangan pa akong batukan? Hindi ko naman po kasi alam eh," napanguso siya sa sarili pero binatukan lang siya nito ulit. "Naman e..." reklamo niyang mahina. Pinanlakihan siya nito ng mata. "Lakad na!" "Opo..." Nakanguso siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor. Agad din naman niyang nakita ang malaking pintuan sa kaliwa gaya ng sinabi nito. Kaya pumasok na agad siya para gawin ang trabaho. Expected na niya na tila kwarto ng prinsipe tulad sa mga pelikula ang makikita niya, pero mas nagulat pa rin siya sa ganda at laki nito. "Grabe..." napailing siya sa sarili habang tumitingin-tingin sa paligid. "Ang sarap maging mayaman." Sinimulan na niya ang trabaho, pagkita niya sa banyo nito hindi niya mapigilan na hindi ikumpara ito sa Bahay nila. Ang banyo nito halos buong bahay na nila sa probinsya. Napailing na lang siya, saka pinuno ng mainit na tubig ang bathtub at nilagyan ito ng mga talulot ng rosas na nakahanda sa gilid. Dahil sa pagod sa biyahe hindi niya maiwasan na hindi antukin dahil sa amoy ng scented candles sa banyo. sinandal niya ang ulo sa tiles habang hinihintay mapuno ng tubig ang bathtub. Nang matapos sinimulan naman niyang ayusin ang mga pinag gamitan niya bago lumabas. Pero bigla siyang napaupo sa gulat ng sumalubong sa kanya mukha ng isang lalaki. Nakakunot ang makapal nitong kilay Habang naka tingin sa kanya. may bitbit itong suitcase at naka amerikana. Agad siyang tumayo at yumuko dito—hula Niya ito Ang senyorito. "Good evening po, handa napo ang liguan niyo" Magalang niyang sabi. Hindi ito sumagot at basta lang siyang tinitigan. Naglakad ito patungo sa kama at umupo doon—hindi na alis ang tingin nito sa kanya Habang niluluwagan ang suot na necktie. "You're new?" tanong nito. Halos mapatalon siya sa lalim at tigas ng boses nito. "Opo," mahina at nakayuko niyang sagot—kaya hindi niya napansin ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi nito. Tumayo ito sa kama na kina atras niya ng bahagya. Tumigil ito sa harap niya mismo at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Pigil ang hininga niya ng bigla nitong ilapit ang mukha sa kanya. Bumulong ito sa tenga niya na kinatayo ng balahibo niya sa katawan. "Don't get comfortable, you don't know what's waiting ahead of you."Lirielle Amara DeLos Santos Mireille Alarih Delos Santos Salubong ang kilay niya habang pinapanood na bumaba ang kapatid niya mula sa kotse nito. Nakahanda na ang kamay niya para batukan ito pagkalapit na pagkalapit pa lang nito—dahil sa totoo lang, hindi na naman ito pumasok sa klase. The moment her younger sister caught sight of her standing there, instantly recognizing the deadly glare on her face, bigla itong nag-alinlangan na pumasok sa loob ng bahay. "A-Ate... hi?" Mireille offered a weak, nervous smile, taking a cautious step backward toward her car. "Mireille, sumunod ka sa akin," malamig niyang utos bago tumalikod para pumasok sa loob ng mansyon. "Gusto mo bang i-cut off ko naman ang allowance mo, ha?!" inis na banta ng dalaga pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa malawak na sala. She turned around, crossing her arms as she stared down her younger sister. "Mireille, pang-ilang beses mo na ba itong hindi pagpasok? You’re wasting your tuition, and Dad will absolutely l
Lirielle Amara DeLos Santos Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa kusina, nakita na niya agad ang mga magulang niya na naglalambingan. Hindi niya mapigilang mapangiwi. As their daughter, she was genuinely happy for them, but sometimes, their extreme sweetness just makes her cringe."Ang aga-aga naman para sa teleserye niyo, Ami, Dad," She cleared her throat loudly as she walked toward the refrigerator.Natawa si Gabriel at dahan-dahang binitawan ang baywang ng asawa. He leaned back against the kitchen counter, casually folding his arms across his chest. Kayang-kaya niyang patakbuhin ang isang dambuhalang business empire nang walang takot, pero pagdating sa anak niya, he always had this soft, teasing smile."Good morning to you too, Doc," Gabriel said, looking incredibly handsome for a father of a grown-up daughter. "Inggit ka lang. Bakit hindi mo kasi ipakilala sa amin 'yang sinasabi ng mga nurse mo na misteryosong pasyente mo?"She nearly choked on her glass of water. Misteryosong pa
Lirielle Amara DeLos SantosPagod siyang naglalakad sa hallway ng hospital nang tawagin ulit siya ng isang nurse. Gusto na niyang magmura sa sobrang inis, pero pilit pa rin siyang ngumiti bago ito hinarap."Yes?""Doc, 'yong isang patient mo kasi nagwawala naman," sumbong nito.Napahilot siya sa kanyang sintido sa narinig. "Alam mo, dapat sa mental hospital nila dinala 'yon, hindi dito," inis niyang ani habang naglalakad na sila pabalik.Ito 'yong pasyente niya na ayaw na ayaw na hinahawakan siya. Tingin niya nga ay may sakit talaga ito sa utak. Nag-suggest na siya sa pamilya nito na ilipat na lang ang lalaki sa psychiatric facility, pero natatakot ang mga ito na baka mas lalong mabaliw ang anak nila.Hello? Pero kami naman ang nababaliw dito ngayon.Isinuot niya ang kanyang doctor’s coat bago tuluyang pumasok sa kwarto nito. Bukas ang pinto at agad niyang nakita ang lalaking nakatayo sa tapat ng malaking bintana. Sobrang gulo ng kwarto—nagkalat ang mga bedsheet sa sahig at literal na
Bago naging tahanan ni Gabriel ang mga bisig ni Lira, ang buhay niya ay isang malaking silid na gawa sa yelo. Growing up, he was the definition of cold and emotionless. Sa labas, he was the envy of everyone—the perfect, handsome heir to a multi-billion empire. Pero sa loob ng mansyon nila, he was nothing but an empty shell. Ang bawat kilos niya, bawat salita, at maging ang mga taong kakaibiganin niya ay kailangang dumaan sa approval ng kanyang ina. "You are a Delos Santos. You don't show weakness. You don't show emotions. Emotions make you pathetic," his mother's cold, sharp voice would always echo in his mind. He was trained to be a robot. Bata pa lang siya, bawal na siyang umiyak kapag nadadapa. Bawal siyang magreklamo kahit pagod na siya sa sandamakmak na lessons at business meetings na ipinipilit sa kanya. High school and college passed like a blur—he had no real friends, only connections that would benefit the family business. He didn't know what happiness felt like because he






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビュー