Sa 'di kalayuan, hinarap ni Kiara si Jayson nang may nagngangalit na mga mata."Ano bang pinagsasabi mo, Jayson?! Anong minax-out ang card mo?!" bulyaw ni Kiara, pinabababa niya ang kaniyang boses para hindi iyon umabot sa kumpol ng mga tao."Huwag ka nang magkaila! Nakatanggap ako ng sunod-sunod na billing alerts ngayon lang! Ubos ang limit ng credit card ko!" galit na sigaw ni Jayson habang dinuduro ang dalaga. "Ang kapal ng mukha mo, Kiara! Kahit na hindi mo ako sinagot, ginamit mo pa rin ang pera ko! Akala mo ba hindi kita sisingilin?!"Isang matalim na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kiara. Humakbang siya nang mas malapit kay Jayson, walang bakas ng takot, kung hindi purong panghahamak ang nakasulat sa kaniyang mukha."Mas makapal ang mukha mo, Jayson," banat ni Kiara, ang boses ay tila talim ng kutsilyo. "Ang kapal ng mukha mong magpumilit na manligaw sa akin sa mall, mag-iwan ng credit card sa locker ko na parang binibili mo ako, habang may asawa ka palang tao!"Napatigil si J
Read more