LOGINSi Athena De Vera, dalawampu't dalawang taong gulang, ay isang masayahin at simpleng dalaga na naniniwalang darating ang tamang tao sa tamang panahon. Ngunit hindi niya inaasahan na ang taong magpapabilis ng tibok ng kanyang puso ay ang lalaking hindi niya dapat mahalin—si Leonardo Del Castillo, ang guwapo, matagumpay, at respetadong ama ng kanyang matalik na kaibigan. Sa una, itinuring lamang ni Athena si leonardo bilang isang mabait at responsableng ama. Ngunit habang mas madalas siyang bumibisita sa bahay ng kanyang best friend, mas lalo niyang nakikilala ang lalaki. Unti-unti niyang nakita ang kabutihan, pag-aaruga, at tunay na pagkatao nito sa likod ng malamig at seryosong imahe na ipinapakita nito sa iba. Sa bawat pag-uusap at bawat sandaling magkasama sila, isang damdaming hindi nila inaasahan ang namuo sa pagitan nila. Damdaming pilit nilang nilalabanan dahil alam nilang maraming masasaktan kapag nalaman ang katotohanan. Ngunit gaano man nila subukang pigilan ang kanilang mga puso, mas lalo lamang silang nahuhulog sa isa't isa. Dahil sa takot sa paghusga ng iba at sa posibilidad na masira ang kanilang mga relasyon, pinili nilang itago ang kanilang pag-iibigan. Sa mata ng lahat, isa lamang si Athena sa pinakamatalik na kaibigan ng anak ni Leonardo. Ngunit sa likod ng mga saradong pinto at lihim na pagkikita, may isang pag-ibig na unti-unting lumalalim sa bawat araw na lumilipas. Ngunit walang lihim na nananatiling nakatago habambuhay. Paano kung malaman ng kanyang best friend ang kanilang relasyon? Paano kung tutulan ito ng kanilang mga pamilya? At paano kung dumating ang araw na kailangan nilang pumili sa pagitan ng pagmamahalan at ng mga taong mahalaga sa kanilang buhay? Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang isang pag-ibig na ipinagkait ng pagkakataon ngunit kusang pinili ng kanilang mga puso?
View MoreTumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at ngumiti sa akin. "Mag-order na lang tayo ng pagkain," saad niya. Ngumiti rin siya bago inilabas ang kanyang cellphone upang maghanap ng ma-oorder. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Sige, ikaw na ang bahala," sagot ko.. "Okay," aniya habang abala sa pagpili ng pagkain. Tumayo na rin ako mula sa sofa. "Maliligo muna ako," paalam ko sa kanya. "Sige. Nandito lang ako," sagot niya habang nakangiti. Tumango ako bago naglakad patungo sa kwarto. Nang makapasok ako sa loob, agad kong isinara ang pinto at napabuntong-hininga. Hindi ko pa rin mapigilang ngumiti habang naaalala ang mga sinabi niya kanina. Pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang mga pag-aalala ko. Maya-maya pa ay kumuha na ako ng pamalit na damit at nagtungo sa banyo upang maligo. Pumasok na ako sa banyo upang maligo. Ilang minuto rin akong nagtagal doon habang hinahayaan ang malamig na tubig na pawiin ang pagod na naramdaman ko sa buong araw. Pagkatapos maligo, nagbihis ako ng
Nang matapos ako sa paghahanda, lumabas na ako ng aking kwarto. Pagdating ko sa labas ng bahay, nadatnan ko na ang driver na naghihintay sa akin. "Alis na po tayo, Ma'am?" magalang nitong tanong. "Opo, Manong," sagot ko. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Nang makasakay ako, umikot siya sa kabilang bahagi at pinaandar ang kotse.Habang nasa biyahe, nakatutok lamang ang pansin ko sa aking cellphone. "Manong, huwag na po ninyo akong sunduin mamaya," sabi ko. "Okay po, Ma'am," sagot niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagmamaneho. "Bukas na lang po. Bukas ng hapon ninyo ako sunduin," nakangiting dagdag ko."Sige po, Ma'am." Nang makarating kami sa paaralan, agad akong bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa unang klase ko para sa araw na iyon. Pagdating ko sa silid-aralan ay wala pa si Amarah, kaya agad kong hinanap ang aking upuan at naupo. Ilang sandali pa ang lumipas nang dumating siya. Agad kong napansin na tila malungkot siya. Umupo siya sa tabi ko at tahimi
Matapos ang mahabang pag-uusap, napagdesisyunan naming maging maingat. Pareho naming alam na hindi magiging madali ang sitwasyon namin, lalo na dahil maraming taong maaaring maapektuhan kapag nalaman ang tungkol sa amin.Kaya nagkasundo kami na kung kinakailangan naming mag-usap o magkita, sa lugar na iyon na lamang kami magkikita.Hindi dahil may itinatago kaming masama.Kundi dahil nais naming iwasan ang mga maling hinala at usap-usapan ng ibang tao.Pareho rin naming kailangan ng panahon upang pag-isipan ang lahat.Hindi simpleng damdamin ang nakataya rito. May pamilya, May pagkakaibigan. At may mga taong mahalaga sa amin. Ilang sandali pa kaming nag-usap tungkol sa iba't ibang bagay bago ako tumingin sa oras.Gabi na pala..Sa dami ng nangyari, hindi ko namalayang mabilis na lumipas ang panahon. "Mauna na po ako," sabi ko habang dahan-dahang tumatayo. Tumango siya. "Hahatid na kita sa baba." "Huwag na po. Kaya ko na." Ngunit tumayo pa rin siya. "Late na rin."Wala na akong nagawa
"Tungkol sa nangyari kagabi, Athena." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita habang nakatingin nang diretso sa akin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin n'ya, ngunit pakiramdam ko ay alam ko na ang direksiyon ng pag-uusap na ito. Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita."I'm sorry kung naging magulo ang lahat. Pero gusto kong maging tapat sa'yo." Napatigil ako. "Ano po'ng ibig ninyong sabihin?" Hindi niya agad sinagot ang tanong ko. Sa halip ay nanatili siyang nakatingin sa akin, para bang pinag-iisipan ang bawat salitang lalabas sa kanyang bibig."Matagal na kitang gusto, Athena." Parangvhuminto ang mundo ko sa narinig. Agad akong napaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o gulat. Hindi ko inasahan na maririnig ko mismo ang mga salitang iyon mula sa kanya. "Mr. Leonardo..."tawag ko sa kanya. "Athena, pakinggan mo muna ako." Tahimik akong napalunok."Hindi ko naman ito pinlano. Sinubukan kong balewalain dahil alam kong kaibigan k
Sorry po..."'yon na lamang ang naisagot ko. Punong-puno ng kaba ang aking dibdib habang hinihintay ang sasabihin n'ya. Ngunit sa halip na sumagot, ilang segundo lamang siyang nanahimik. Pagkatapos ay bigla niyang ibinaba ang tawag.Napatitig ako sa screen ng aking cellphone.Lalo akong kinabahan.
Matapos kaming kumain, agad kaming bumalik ni Amarah sa kanyang kuwarto upang ipagpatuloy ang aming ginagawa.Bago tuluyang makapasok sa loob, napalingon pa ako sa dining area. Hindi ko alam kung bakit, pero muli kong sinulyapan ang daddy ni Amarah.Nagulat ako nang makitang nakatingin din s'ya sa
Nakasakay ako ngayon sa sasakyan papunta sa school. Third-year college na ako sa isa sa mga kilalang unibersidad sa Manila. Pagdating namin sa tapat ng gate, agad kong kinausap ang driver."Kuya, dito na lang po ako. Huwag mo na akong ihatid sa loob," sabi ko habang inaayos ang aking bag. Tumango s
Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Amarah sa unibersidad. Habang naglalakad kami papunta sa aming classroom, hindi ko maiwasang mapailing nang mapansin ang malaking bag na dala niya. Alam ko kung ano ang laman noon.Mga damit na gagamitin niya mamaya at mga kakailanganin niya para sa kinabukasan.












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews