Nang matapos ako sa paghahanda, lumabas na ako ng aking kwarto. Pagdating ko sa labas ng bahay, nadatnan ko na ang driver na naghihintay sa akin. "Alis na po tayo, Ma'am?" magalang nitong tanong. "Opo, Manong," sagot ko. Agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Nang makasakay ako, umikot siya sa kabilang bahagi at pinaandar ang kotse.Habang nasa biyahe, nakatutok lamang ang pansin ko sa aking cellphone. "Manong, huwag na po ninyo akong sunduin mamaya," sabi ko. "Okay po, Ma'am," sagot niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagmamaneho. "Bukas na lang po. Bukas ng hapon ninyo ako sunduin," nakangiting dagdag ko."Sige po, Ma'am." Nang makarating kami sa paaralan, agad akong bumaba ng sasakyan at naglakad patungo sa unang klase ko para sa araw na iyon. Pagdating ko sa silid-aralan ay wala pa si Amarah, kaya agad kong hinanap ang aking upuan at naupo. Ilang sandali pa ang lumipas nang dumating siya. Agad kong napansin na tila malungkot siya. Umupo siya sa tabi ko at tahimi
อ่านเพิ่มเติม