Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at ngumiti sa akin. "Mag-order na lang tayo ng pagkain," saad niya. Ngumiti rin siya bago inilabas ang kanyang cellphone upang maghanap ng ma-oorder. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Sige, ikaw na ang bahala," sagot ko.. "Okay," aniya habang abala sa pagpili ng pagkain. Tumayo na rin ako mula sa sofa. "Maliligo muna ako," paalam ko sa kanya. "Sige. Nandito lang ako," sagot niya habang nakangiti. Tumango ako bago naglakad patungo sa kwarto. Nang makapasok ako sa loob, agad kong isinara ang pinto at napabuntong-hininga. Hindi ko pa rin mapigilang ngumiti habang naaalala ang mga sinabi niya kanina. Pakiramdam ko ay unti-unting nawawala ang mga pag-aalala ko. Maya-maya pa ay kumuha na ako ng pamalit na damit at nagtungo sa banyo upang maligo. Pumasok na ako sa banyo upang maligo. Ilang minuto rin akong nagtagal doon habang hinahayaan ang malamig na tubig na pawiin ang pagod na naramdaman ko sa buong araw. Pagkatapos maligo, nagbihis ako ng
Read more