LOGINLakwatsera sa umaga, assassin sa gabi. Gumagala ako para kumalap ng impormasyon at hindi para sa luho. Gumagala ako dahil iyon ang trabaho ko. Sa lahat ng kamalasang naranasan ko noon, ang mabuhay mula sa laban na iyon at maging assassin ay isang swerte para sa akin. Nakakatawa, hindi ba? Pero muli kong mararanasan ang kamalasan nang makilala ko siya— simula sa isang mainit na gabi.
View MoreNakatingala ako sa madilim na kalangitan habang kinakalma ang nanginginig at malagkit kong kamay. Nagkalat ang mga bituin na siyang nagbibigay ng kislap at liwanag sa langit.
Liwanag. Tumakas ang isang butil ng luha mula sa mata ko. Kailan ko ba mararanasan na magkaroon ng liwanag sa buhay ko? Paano ba humantong ang lahat sa ganito? Gusto ko lang namang mabuhay nang payapa. Kahit hindi mayaman basta masaya. Mula sa kalangitan ay napunta ang tingin ko sa mga kamay kong nababalot ng dugo— dugo ng mga taong dapat ay naging sandalan namin ng kapatid ko. Oo, pinatay ko ang mga magulang namin. Napasalampak ako nang upo sa lupa. Wala nang pag-asang masilayan ko ang liwanag na iyon. Ang buhay kong matagal ng sira ay tuluyan nang nahulog sa bangin ng kadiliman at hindi na makakaahon pa. Sinasabi ng utak ko na tumakbo at tumakas. Pero ayaw umayon ng katawan ko. Para bang napagod na akong labanan ang hamon ng buhay. Isa pa... Hindi ko matatakasan ang bangungot na ito. Hindi kailanman. Malalim na ang gabi. Pero maingay pa rin ang paligid dahil nasa iskwater naman kami. Hindi kailanman naging tahimik ang lugar na ito. Araw-araw ay may nag-aaway, gabi-gabi ding may nag-iinuman. Kaya alam kong ilang sandali lang ay may makakakita na sa akin at malalaman nilang pinatay ko sina mama at papa. Pero wala na akong pakialam. Wala na akong lakas pa para ipaglaban ang sarili ko. Walang maniniwala sa akin. Walang papanig sa isang anak na pinatay ang mga magulang. Kahit pa sabihing walang kasingsama ang mga ginawa nila sa akin ay hindi makatarungan ang patayin sila. Ganoon naman talaga ang sistema ng mundong ito. Kung sinong nakapatay, siya ang dapat managot. Kung sinong dehado, siya ang talo. "A-Ate?" Nabalik ako sa hwisyo nang makitang nasa harapan ko na si Maelynn, ang nag-iisa kong kapatid. Hindi ko siya sinisisi kahit ni minsan pero sa totoo lang ay siya ang dahilan ng lahat ng ito. At ito siya, parang walang problema sa buhay. Ah, oo nga pala. Pinasan ko na ang problemang dapat ay kanya. Nakasuot pa siya ng school uniform at ngayon lang umuwi. Tamang oras pa ba ito sa uwian ng isang estudyante? Pero mabuti na rin iyon at wala siya nang hindi niya makita kung paano ko pinatay sina mama at papa. "B-Bakit ganyan ang ayos mo, ate?" tanong niya habang nakatingin sa mga kamay ko at sa damit ko. "A-Anong ginawa mo, ate?" Kaagad siyang tumakbo sa loob ng barong-barong naming bahay at hindi nagtagal ay naririnig ko na ang sigaw niya. Ilang sandali pa ay bumalik siya sa harapan ko at niyugyog ang mga balikat ko. "Anong ginawa mo, ate!" sigaw niya habang dumadaloy ang mga luhang hindi ko alam kung para kanino. Para ba sa akin dahil naaawa siya o para sa hayop naming mga magulang? Pero bakit parang galit siya? Pinatay ko sila dahil sa kanya. Iyon lang ang tanging paraan para maprotektahan ko siya. Pero bakit parang kasalanan ko pa? Nagpatuloy siya sa pagsigaw kaya isa-isang dumating ang mga kapitbahay namin. Napuno nang bulung-bulungan ang paligid hanggang sa may pumasok sa bahay. At iyon ang dahilan kung bakit nasa prisinto na ako ngayon. "Nagbigay na ng pahayag ang kapatid mo," sabi ng pulis na umaresto sa akin kanina. "Ayon sa pahayag niya, nagtutugma ang lahat na ikaw nga ang pumatay sa mga magulang ninyo. Malinaw rin ang mga ebidensya." Nagbigay siya ng pahayag laban sa akin? Kung tutuusin ay dahil sa kanya kaya ko nagawa iyon. Ginawa ko ang lahat para sa kanya pero sa huli hindi man lang siya kumampi sa akin. Tumigil ako sa pag-aaral para tulungan siyang makapag-aral. Sinalo ko ang kapalarang dapat siya ang nagdudusa. "Ngayon, kailangan namin ang pahayag mo, Miss Yzrahlynn Ramirez." Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "Ano pang saysay ng pahayag ko? Ako ang pumatay, tapos ang usapan." "Ano ang motibo mo sa pagpatay sa kanila?" dagdag niya pang tanong. "Kailangan naming malaman. Under surveillance ang mga magulang ninyo kaya kailangan naming malaman kung ano talaga ang nangyari. Nasa dalawang bagay lang iyan, makakatulong ang pahayag mo o magiging malaking laban sa iyo kapag haharap ka na sa korte." Makakatulong? Ano pang silbi niyon? Wala nang bukas na naghihintay sa akin. Wala na ring pamilya. Ipinagkanulo ako ng kapatid ko. Tanggap ko nang ito ang kapalaran ko. At dahil doon ay nakulong nga ako. Hanggang dito sa kulungan ay sinusundan pa rin ako ng malas. Pinanganak lang yata ako sa mundo para may magsalo sa lahat ng kamalasan sa mundo. May gawin man ako o wala ay ako lang yata ang nakikita. Kahit nakaupo lang ako sa sulok, kahit tahimik lang ako sa tabi, parang ako lang ang nakikita. O baka naman iyon lang ang papel ko sa mundo? "Hoy! Tumayo ka riyan!" Biglang may humila sa buhok ko kaya napatayo ako mula sa pagkuskos ng sahig ng banyo. "Kapag kinakausap ka, sumagot ka!" Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko. Sa sobrang lakas ng sampal ay natumba ako at tumama ang ulo ko sa sementong dingding. Napapikit na lang ako habang nararamdaman ang sakit sa pisngi ko at sa bahagi ng ulo kong tumama sa dingding. Ilang buwan na rin akong naging punching bag ng mga sigang babae rito. Hindi rin ako nag-aksaya pang lumaban o depensahan ang sarili ko. Para ano pa? Mas mabuti ngang mamatay na lang. Ilang sandali pa ay pinagtulungan nila akong sipa-sipain. Natamaan muli ang ulo ko at nagsimula nang dumilim ang paningin ko. Ito na ba ang katapusan ko? Matatapos na ba ang mga paghihirap ko? "Ang ingay ninyo, mga leche kayo!" Natigil sila sa panggugulpi sa akin dahil sa sigaw na iyon. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit. "At sino ka naman sa inaakala mo?" "Ako? Hindi naman ako mahalagang tao para makilala ninyo," sabi ng babaeng bagong dating. "Naghahanap ka yata ng sakit sa katawan!" Nahihilo na ako at sa isang iglap ay dumilim ang lahat sa akin. Paggising ko ay nasa ibang lugar na ako. "Gising ka na pala." Ang boses na iyon. Siya ang sumigaw kanina. Napabalikwas ako ng bangon. Kaagad kong nilibot ng tingin ang paligid. Parang nasa isang lumang building kami. Basag-basag ang mga bintana at tanging mga puno ang nakikita ko sa labas. "N-Nasaan ako?" "Nakalabas ka na ng kulungan, congratulations!" Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. "S-Sino ka?" "Ako si Charm, ang tinatawag na lucky charm ng mga babaeng tulad mo. Dumarating ako sa oras na pinakakailangan ninyo." "Nagkakamali ka, hindi ko kailangan ng tulong kaya ibalik mo na ako sa kulungan," sabi ko at sinubukan kong tumayo. "Talaga?" tanong niya at base sa tono niyang iyon ay nang-uuyam siya. Idagdag pa ang pagkakangisi niya, kaya alam kong may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan. "Paano kung sabihin ko sayo na hindi mo naman sila tunay na mga magulang?" "A-Anong sabi mo?" "Paano kung ang kapatid na pinrotektahan mo ay isa namang p****k at ilang lalake na rin ang nakatira sa kanya? Ni hindi na siya nag-aaral kahit pa hirap na hirap ka na sa pagtatrabaho mapag-aral lang siya." Nanlaki ang mga mata ko. "H-Hindi totoo iyan..." "Isang gabi ay nahuli mo ang kinilala ninyong ama na may balak na masama sa kapatid mo, at dahil mahal na mahal mo ang kapatid mo ay sinabi mong ikaw na lang at huwag galawin ang kapatid mo, tama ba, Yzrahlynn?" Paano niya nalaman? "Ilang taon ding ganoon ang nangyari, pero tiniis mo alang-alang sa p****k mong kapatid. Hinayaan mong lawayan ka at gahasain ka ng taong tinatawag mong papa!" "Tumigil ka na!" sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na kayang tanggapin ang mga sinasabi niya. Ayaw kong maniwala pero bakit nasasaktan ako? "At nang gabing pinatay mo sila..." dagdag niya habang hinuhuli ang tingin ko. "Narinig mo silang nag-uusap. Nagpaplano silang ibenta ang kapatid mo sa mga sindikato." Sino ba talaga ang babaeng ito? Paano niya nalaman ang lahat ng iyon? "Pero sa huli ay anong napala mo? Iniwan ka rin ng kapatid mong pinag-alayan mo ng buhay mo!" "Tama na... t-tama na..." Tinakpan ko ang mga tainga ko gamit ang mga kamay ko. Ayaw ko nang makinig. "Sabihin mo sa akin ngayon na ayaw mo nang bawiin ang buhay na nawala sa iyo, na ayaw mong lumabas sa kadiliman para hanapin ang liwanag na inaasam-asam mo," sabi niya pa at pinilit niya akong tumingin sa kanya. "Sabihin mong ayaw mo nang mabuhay dahil ako mismo ang papatay sa iyo." Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may hawak siyang kutsilyo. Ayaw ko na ba talagang mabuhay? Wala na ba talagang pag-asa ang isang tulad ko? Napapikit na lang ako nang itatarak niya na ang kutsilyo sa akin.Bago pa man ako makakilos para suntukin siya ay bumukas muli ang pinto. Mabuti na lang talaga. Wala akong planong ipakita sa kanila kung anong kaya kong gawin at baka makadagdag pa sa hinala nila na ako nga ang pumatay corrupt na mayor na iyon!"Ako ang abogado ni Miss Valmores."Kaagad kong nilingon ang pamilyar na boses. Si Attorney Abigaile Madrigal iyon. Siya ang attorney na naka-assigned sa grupo namin.Nasa iisang syudad lang naman ang buong grupo. Pero hindi kami maaaring magsama sa iisang bubong para na rin sa seguridad. Kaya may kanya-kanya kaming condo. Nagkikita lang kami kapag may misyon at kapag pupunta ng isla.Hindi rin kami nag-uusap gamit ang cellphone o kahit anong means of communication. May pinapadalang secured email sa amin para sa mga misyon namin kung saan naroon na lahat ang kailangang gawin, mga plano, assigned areas, target, location, at duration ng misyon. Kapag bubuksan namin ang email na iyon ay kailangan naming suutin ang contact lense na nag-da-download
Kanina pa ako nakaupo rito sa loob ng interrogation room. Hindi ko alam kung bakit dinala pa nila ako rito dahil wala namang nagtatanong o nag-i-interrogate sa akin.Dalawang oras na ang lumipas at kanina pa umalis ang eroplanong sasakyan ko. Kapag ako nakatanggap ng parusa mula kay Charm, babalikan ko ang mga hayop na iyon.Sa twing naaalala ko ang lalakeng iyon, gusto kong sabunutan ang sarili ko. Paano ko hinayaan ang sarili kong magkaroon ng ugnayan sa isang pulis!On the second thought, hindi ko rin naman kasalanan dahil malay ko bang pulis pala siya. Alangan namang bago ako makipag-sex sa kanya ay tatanungin ko muna siya kung anong trabaho niya?Pero kasalanan ko rin naman dahil naglasing ako.Pero hindi pa naman ito nangyayari sa akin noon pa—Teka lang...Planado ba ito lahat ng pulis na iyon?Mas lalo tuloy akong naiinis!Kapag nalaman ng grupo na naisahan ako ng isang hamak na pulis, hindi lang nila ako pagtatawanan, araw-araw nila akong aasarin!Kung planado niya ito, ibig
Naalimpungatan ako sa tunog ng cellphone ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang unan at matutulog na sana ulit nang bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi. May lalakeng humalik sa akin. Binuhat niya ako papunta sa VIP room. Tapos... Tapos! Sa sobrang pagkabigla ay napabalikwas ako nang bangon at kaagad na napatingin sa sarili ko. Kumunot ang noo ko nang makitang suot ko ang mga damit ko. Kahit ang undies ko ay suot ko pa. Panaginip lang ba iyong kagabi? Teka? Bakit parang disappointed ako? Tumunog ulit ang cellphone ko at nang hanapin ko iyon ay maayos itong nakalagay sa bedside table kasama ang card holder ko at susi ng sasakyan ko. Inabot ko ang cellphone ko at nakitang si Charm iyon— ang handler ng grupo namin. Kaagad ko iyong sinagot. "Vivian is coming." Kaagad niya ring pinatay ang tawag. Walang tanong-tanong, walang kailangang ipaliwanag. Iyon ang rules niya. Pure work. Hindi niya pinapakialaman ang personal naming buhay. Pero sa oras na pumalpak kami pag
Inisang lagok ko ang natitirang laman ng shotglass. Napapikit ako nang dumaan ang alak sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong maglasing sa twing sasapit ang araw na ito. Dahil ba naaalala ko ang araw na iyon na kinailangan kong pumatay para mabuhay? O dahil bumabalik lang sa isipan ko ang lahat ng nangyari bago ako napunta sa ring na iyon? Oo, nabuhay ako matapos akong masaksak sa tagiliran at mapatay ang babaeng iyon. It's been ten years actually. At kada taon, nagpapakalunod ako sa alak, same bar, same spot. Kilala na nga ako ng mga staff dito. Kapag lango na ako sa alak, dadalhin na lang nila ako sa VIP room dito at kinabukasan na ako uuwi. Ganoon lagi ang nangyayari. Pero hindi ngayon. Dahil may isang lalakeng bigla na lang akong hinila at hinalikan sa mga labi ko. Kung sa ibang pagkakataon ay kanina ko pa siya napatay pero dala marahil ng tama ng alak ay hinalikan ko siya pabalik. "What the hell! Sino ang babaeng iyan, Diego!" sigaw ng isang babae. M







![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.