LOGINTumakas si Xie Xiah Xein sa kamay ng pekeng asawa dahil sa pag aakalang ikakasal na ito sa iba, at lingid sa kanyang kaalaman na buntis pala siya sa anak nito. Pinasuk niya kasi ang pinaka nakakatakot na trabaho para may pangpagamot sa matandang nag-aruga sa kanya. Walong taon palang kasi siya ng mamayapa ang mga magulang niya, kaya naman ang isang batang ulila tulad nya ay nabuhay sa pag dampot ng mga basura para may makain ang sarili, lahat kasi ng iniwan ng mahirap niyang mga magulang ay kinuha ng tita at tito niya, ang bahay at sakahan. Sa maliit na bayan ng bataraza habang nag pupulot ng basura ay nakita siya ng isang matanda naawa ito sa kanya kaya isinama siya sa maynila, doon siya pinag-aral, ngunit hindi nag tagal ay nagkaroon ng malubhang sakit ang matandang kumopkop sa kanya, na naging dahilan ng pag tigil niya sa pag aaral at pag hanap ng trabaho. Ang hangarin niya lang ay gumaling ang matandang babae dahil ito nalang ang kaniyang nag iisang pamilya. Lingid sa kanyang kaalaman na isa pala siyang hiridira, nag iisang anak ng mag asawang bilyonaryo sa lungsod ng maynila na matagal ng nawawala dahil sa nangyaring kidnap noong anim na taon pa lamang siya.
View MoreNaka upo ako ngayun sa isang sofa, sa inoopahan naming apartment habang pinapanood ang paglalaro ng mahal kung anak, ang bilis ng panahon hindi ko akalain na ang dating nasa tiyan kolang ngayun masaya ng naglalaro sa harap ko, nakakapag salita na, at subrang gandang bata.
Limang taon na pala si Xie Rahn ang anak kung babae, malambing siya at matalino, napaka galing niyang mag drawing , at mapag mahal na anak, saludo ako sa anak ko dahil sa katangian niyang ito, marahil namana niya sa ama ang talento niya. "Mom, look po ng draw ko" Masaya niyang wika habang papalapit saakin, umupo siya sa tabi ko at iniabot ang di-drawing niya, pinag masdan ko ito at sandaling napa isip, bakit ganito ang drawing nya? Isang masayang pamilya at buo, nangungulila ba siya sa kanyang ama?. Mahirap mag dahilan sa tuwing hinahanap niya ang dad niya, hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin para pakalmahin siya, at ngayun ang drawing niya nagpapatunay na gusto niya ng buo at masayang pamilya, pero....., hindi koyon maibibigay sa kanya dahil ang ama niya ay kasal na sa iba. "Oh awesome, very good darling" nakangiti kung turan, kahit ano pa kaylangan kung puriin ang guhit niya lalo't maganda naman talaga ito, sa edad niya na lima ang kakayahan niya sa pag drawing ay kakaiba, masasabi na may talento talaga, kung pag mamasdan ang drawing niya may damdamin, sa Isang tingin lang alam mona ang gusto niyang iparating. Katulad ngayun kahit hindi niya sabihin alam ko ang gusto niyang iparating at iyon ay ang makita ang ama niya at mabuo kami, ito na marahil ang pinaka mahirap kung hamon araw araw lalo kung tinatanung niya ang ama niya, marami na akong dahilan na nasabi hindi kona nga alam kung naniniwala pa siya. "Mom can you please ask me why I draw these?" Kinabahan ako dahil sa sinabi niya, alam kona ang dahilan bakit kopa itatanung "Oh then tell me darling, why?" Pag sunod ko sa tanung niya, dahil matampuhin din itong anak ko, kaya mabuti ng sakyan ang gusto niya "Kasi po, umaasa ako na mabuo tayo nila daddy" napailing iling ako, diko alam ang sasabihin ko, walang araw na hindi niya nabaggit ang dad niya, naaawa na ako pero hindi korin pweding ipakilala sa kanya ang dad niya, hindi ko siya kayang ipakilala sa dad niya, dahil natatakot ako na baka kunin siya, paano na ako? Siya nalang at si lola ang kayamanan na meron ako. At dahil sa sinasabi niya bigla kona lang naalala si Xidrick Iearahn Hue, ang totoo niyang ama, ang CEO na nagbayad saakin para maging pekeng asawa, at ang lalaki na minsan kung minahal ng tahimik Noon kinaylangan kung mag trabaho sa nakakatakot na CEO kapalit ng bayad na magpapagamot kay lola, kaylangan naming mag panggap na mag asawa para mapasaya niya ang kanyang lola, natutuwa nga ako dahil ang sabi nila nakakatakot si Xidrick ngunit nagiging malambot at malambing siya sa harap ng lola nya. At sa pag tagal diko namalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya, kahit pretend lang ang lahat, alam kung nasa kasunduan lang kami ng pekeng pag sasama, pero ang magkaroon ng damdamin sa kanya ay hindi ganun kahirap kahit pa sinabi niyang "Huwag kang magkakagusto saakin, dahil kaylan man hindi kita magugustuhan" "Kontrata lang ang meron tayo, walang pagmamahal" Nong una gusto ko ang kondisyon niyang iyon, dahil wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya at ang tanging gusto kolang mapagamutan si lola, ngunit ng tumagal, ang pekeng paglalambing na pinapakita niya, ang pekeng pagmamahal, at pekeng pag aalaga, nagpalambot sa puso ko, at hindi ko namalayan nahulog na pala ako. Gusto kung sabihin sakanya ang tungkol sa nararamdaman ko, baka sakaling nahulog narin siya saakin ngunit dumating saakin ang napaka sakit na balita, may kasunduan siyang kasal sa anak ng mayaman at kilalang pamilya sa lungsod, at mas nababagay sila ng babaeng iyon dahil pariho silang mayaman, habang ako? Ay hamak lang na binayaran para mag lingkod. Habang nag didilig nang mga bulaklak sa harden nila ay aksedente kong narinig ang pag-uusap nila ng kanyang assistant, at iyon mismo ang nagbigay ng dahilan saakin para tumakas sa mga kamay niya "Boss, kung itutuloy mo ang pagpapakasal, paano si madam?" "Anong kinakatakot mo?, malapit ng matapus ang kasunduan namin" "Pero hindi moba talaga siya minahal boss?" "Tulad ng sabi ko, isa lang pekeng kasal ang meron kami, at hindi ko siya magugustuhan" Tuluyan akong nanlumo dahil sa sinabi ni Xidrick, sa loob ng 11 months hindi niya pala talaga ako minahal, hindi siya nagkagusto saakin, Walang nabuong damdamin, at malinaw ang katutuhanan na isa lang akong piyesa na dapat niya nang palitan. "Mom?" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang pagtawag ng anak ko, at ganon nalang ang nagtataka niyang awra marahil dahil sa patatahimik ko "May iniisip kapo ba mom?" Nag aalalang tanung ni Xie Rahn saakin, at napailing iling ako bilang pag tanggi "Now darling sabihin mo kay mom, ang tungkol sa drawing mo" pag iiba ko ng usapan, dahil nasisiguro kona kung hindi malihis ay kukulitin niya ako tungkol sa iniisip ko "Ah... Ito pong pretty ay Ikaw mom, ito naman po sa gitna ako po, and itong nasa huli ay si daddy po, si lola naman po itong nasa tabi mo" ngumiti ako dahil sa sinabi niya, katulad niya gusto korin ng buong pamilya, ngunit anong magagawa ko kung ang ama niya ay hindi namin ka level at lalong wala kaming magagawa dahil kasal na ito, at sigurado akong meron ng sariling pamilya. "Mom si dad po kilan kopa makikita?" Ito na naman siya, nagsimula na naman siyang mag tanung tungkol sa tatay niya, napalunok ako ng sarili kung laway dahil sa tanung niya, patuloy na nag iisip ng dahilan "Apo ko!" Napunta ang tingin namin sa nag salita, mabilis na tumakbo si Xie Rahn palapit sa lola niya "Namimiss moba ako apo?" Masayang tanung ng matanda habang buhat buhat ang anak ko, napaka saya nila at napapangiti ako dahil don Nakahinga din ako ng maluwag dahil panandalian na hindi maitatanung ng anak ko ang tungkol sa ama niya, kapag kasi kasama nya ang lola nya nakakalimutan niya akong tanungin na busy siya sa pag kwento at pakikipag laro sa matanda. "May pasalubong ako apo" "Yeah" nagpatalon talon si Xie Rahn habang inaabot ang pasalubong ng matanda, napaka saya nila. Nakokonsensya lang ako at naaawa sa anak ko, dahil hindi niya pweding makita ang ama niya, hindi niya ito pweding makilala, dahil wala naman kaming connection ng lalaking iyon, tanging kasunduan lang, isa lang trabaho ang nag ugnay saamin kung saan siya ang amo habang ako ang alipin, diko din alam kung tatanggapin siya ng ama niya, kaya mas mainam na itago ang lahat sa kanya, at gagawin ko ang lahat para hindi sila mag kita ni Xidrick Iearahn Hue ng kanyang ama."Hello?" Sagot ko sa cellphone ko ng may biglang tumawag, naglalakad ako sa kawalan habang iniisip kung saan kukuha ng pera para sa pang gamot ni lola ngayung araw, at saan na naman ako mag hahanap ng bagong trabaho, nagising lang ako sa malalim kung iniisip ng may tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag."Ms: Xien right?" Tanung ng kabilang linya, at ng marinig yun, nakaramdam ako ng takot "Yes po" maikli kung tugon."Ang lola nyupo ma'am ay nandito sa hospital, maari ba kayong pumunta agad?" Naghabulan sa bilis ng pintig ang puso ko dahil sa narinig kung balita, at hindi nako nag dalawang isip pa, sumugod na ako agad sa nasabing hospital."Lola Zaxi!" Hinihingal kopang tawag dito habang papasuk sa room kung saan siya naka confined."Kamusta kana po lola?" Nag aalala kung tanung habang sinusuri kung ayus lang ba siya o may ano mang nangyari sa katawan niya."Nak... Ayus lang ako, ikaw hindi kaba papagalitan sa trabaho mo, bakit ka umuwe?" Natahimik ako dahil sa sinabi ni lo
"Nak anong sabi mo?, nagkita ang mag ama?" Tumingin ako kay lola Zaxi at sumenyas na huwag siyang maingay baka magising ang anak ko at marinig siya. Matagal ng gusto Makita ng anak ko ang totoo niyang ama, pero hindi na sila pweding magkita, dahil hindi ko hahayaan na masira ang pangalan niya at matawag pa siyang anak sa labas, baka maging dahilan pa iyon ng pambubully sa kanya, at bilang ina niya hindi ko gustong makita na magkakaganon ang anak ko, at gagawin ko ang lahat ng makaka buti sa kanya."Yes po lola, at nag pa DNA test pa sila" nanlaki ang mga mata ni lola dahil sa sinabi ko, parang hindi siya makapanila dahil kung totoo iyon bakit kasama kopang bumalik ang anak namin?, alam naman din niya na hindi papayag si Xidrick na ganito, at kapag nalaman niyang siya ang ama ng anak ko, sigurado na hindi siya magdadalawang isip na kunin ito."Anong nangyari?, bakit kasama mo parin si Xie Rahn bumalik?, hindi ba siya kinuha ng dad niya?" Nagtataka na tanung ni lola kaya napangiti ako
"Darling nasaan ka?" Pag tawag ko saaking anak, iniwan kolang siya saglit sa labas ng pinto dahil ipinasa ko ang aking resume para sa bago kung ina-applayan na trabaho, ngunit pag labas ko ay wala na siya sa pinto, kaya naman agad ko siyang hinanap ngunit hindi kona siya matagpuan, bilang ina labis na akong nag-aalala, hindi naman aalis ang anak ko ng hindi nag papaalam saakin, kaya saan siya pweding pumunta?, hindi naman sila nagkita ng ama niya diba?."Xie Rahn anak ko, nasaan kana ba, balik kana please nag aalala na si mommy" sa hindi malaman na dahilan ay nakararamdam ako ng takot sa puso ko, marahil dahil sa pag aalala dahil kahit minsan hindi pa nangyayari ang ganito, noon nong nasa korea pa kami kahit minsan hindi pa nawala ang anak ko, pero dito sa pilipinas isang araw palang ay nangyayari na ito!, natakot ako lalo na at dito ang kaniyang ama, paano kung magkita sila?.Pero okay lang kung ama nya ang makakuha sa kanya dahil masisiguro kona hindi siya sasaktan, pero katapusan k
"Hello daddy? , finally po nakita na kita!" Binalot ako ng gulat dahil sa pag tawag saakin ng daddy ng limang taong gulang na batang nasa harapan ko, ramdam ko ang takot ng babae dahil sa sinabi ng kanyang anak.Pero bakit hindi ako galit?, dati naman kapag ganitong may tumatawag saakin ng kahit ano ay nagagalit na ako, pero ngayun bakit ay kakaiba? Bakit parang masaya pa ako? Parang ang sarap sa pakiramdam na tawagin akong daddy ng batang ito. At yung babae parang pamilyar siya saakin.Kilala nya kaya ako?, kasi para siyang umiiwas saakin at kahit kanina ng makita palang ako ay ramdam kona ang takot niya, tila nag iingat siya na hindi ko alam. At ng marinig ko ang boses niya kusa kung naalala ang dati kung pekeng asawa, ang babaeng binayaran ko para mag panggap na asawa ko.Nang marinig ko ang boses niya ay nagawa niyang ibalik ang lahat ng nangyari limang taon na ang lumipas, ang biglang pagkawala ni Xie Xiah Xein, ang babaeng minahal ko ng patago, ang babaeng hanggang ngayun ay hin






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.