LOGINTatlong taon nang kasal sina Keilani at Braxton, pero sa halip na lumigaya, nauwi sa sumbatan, kasinungalingan, at pananakit ang kanilang relasyon. Sa likod ng mga ngiti nila, may sikretong nakatago. Si Braxton pala ay may kabit. At si Keilani? May lihim din na nakakatikimang lalaki. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, pumasok sa buhay ni Keilani si Sylas, ang CEO at Bilyonaryong asawa ng kabit ni Braxton na si Davina. Habang tinatago ni Keilani na alam niyang nangangabit ang asawa niya, doon na rin siya nademonyong gumawa ng mali. Nabighani si Keilani sa asawa ni Davina na si Sylas dahil sa guwapo at ganda ng katawan nito. Nung una, dapat ay magkakampihan lang sila sa pagtugis sa kani-kaniyang asawa, pero iba ang nangyari dahil nagkahulugan sila. Hindi na dapat itutuloy ni Keilani ang binabalak niyang pagtataksil na rin sa asawa niyang si Braxton, kaya lang, kakaiba mang-akit si Sylas, kaya nung gabing iyon, hindi na rin niya napigilang gawin ang kakaibang tikim na nasubukan niya sa piling ni Sylas. Simula nang may mangyari sa kanila, nagsunod-sunod na ito dahil aminado si Keilani na ibang sarap ang dulot ng isang Sylas sa kama kapag kasama niya ito. Pagkalipas ng ilang buwan, lumubo na lang bigla ang tiyan ni Keilani. Nung malaman ni Braxton na buntis na siya, doon ito biglang nagbago. Hindi na siya nakikipagkita kay Davina, nagbalik ang dating niyang asawang mabait, sweet at maalaga. Naiyak na lang si Keilani kasi alam niyang siya naman ang may malaking problema ngayon. Kung kailan nagseryoso na ang asawa niya, saka naman na niya ito gustong hiwalayan dahil nahulog na ang loob niya kay Sylas.
View MoreKeilani POV
Pagdilat ng mata ko sa umaga, wala na akong karapatang tumunganga pa dahil kailangan kong ipagluto ng almusal ang mahal kong asawa. May pasok kasi ito araw-araw sa pinagtatrabahuhan niyang Merritt wine company. Masaya ako kasi maganda-ganda na ang trabaho niya ngayon. Hindi na niya kailangang magtiis pa sa pagiging waiter sa isang maliit na restuarant na ang liit nang kinikita niya kasi dati, madalas kaming magtipid para lang mabayaran ang mga bills namin dito sa bahay.
Tatlong taon na kaming nagsasama ni Braxton. Kasal na kami, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nagiging anak. Nagpapa-check up naman kami, okay ako, pero siya, simula nung unang check up, hindi na nasundan kasi sobrang busy niya palagi sa trabaho niya. Isa siyang sales manager sa Merritt wine companu kaya madalas siya talaga siyang busy.
“Oh babe, maaga ka palang nakagayak ngayon, tamang-tama, luto na ang almusal natin, kumain ka muna bago ka umalis,” sabi ko sa kaniya nang makita kong lumabas na siya sa banyo nang naka-topless.
“Babe, kailangan kong umalis ng maaga. May meeting kami ng maaga at bawal ma-late, kaya baka doon na ako mag-almusal sa office namin,” pagtatanggi niya agad sa akin. Ni hindi manlang niya ako tinapunan nang tingin. Wala na rin ang morning kiss na madalas niyang gawin dati.
Minsan, naiisip ko, parang may iba na siya. Sa totoo lang, tatlong buwan na siyang nagtatrabaho sa Merritt wine company, at napansin ko, simula nung pumasok siya roon, parang nanlalamig na ako sa kaniya. Hindi naman ako ganitong asawa dati, pero ngayon, naaamoy at nararamdaman kong parang may babae na siyang iba.
Nung isang araw, may nakita akong isang pirasong buhok na blonde ang buhok sa polong lalabhan ko na. Binalewala ko lang ‘yun nung una, kasi baka may napunta lang doon na buhok ng ka-workmate niya, pero nung sumunod, lipgloss naman ang nakita ko sa bulsa ng jacket niya, sabi naman niya sa akin, ginagamit niya iyon kapag dry ang lips niya, eh, ni minsan o kahit dati, wala naman siyang pakelam sa mga makeup.
Basta, simula nang magtrabaho siya sa Merritt wine company, malaki na ang pinagbago niya.
“Sure ka ba, kahit manlang tinapay at kape ay ayaw mo?” alok ko pa nang lumabas na siya sa kuwarto namin habang nakagayak na, gulo-gulo pa ang buhok niya at halatang nagmamadali.
Ang pinagtataka ko lang, wala naman atang nagkakaroon ng meeting ng ganitong kaaga, alas singko ng umaga o ala sais ng umaga? Ang weird lang, puwede naman niyang isingit ang kahit limang minuto na pag-aalmusal.
**
IBA NA ang kutob ko kaya nung umalis siya, gumayak agad ako para sundan siya. Nakasakay siya sa sasakyan niya, habang ako ay nakasakay sa taxi na agad kong pinara pag-alis niya. Mabuti na lang at magaling magmaneho ang taxi driver, nasundan pa rin niya ang sasakyan ni Braxton.
Sana mali ang kutob ko, sana mali talaga ako. Pero mainam na ‘yung malaman ko ang totoo, para mapanatag na rin ang loob ko.
Kakapanalangin ko lang, na sana ay mali ang kutob ko, pero nang makita kong bumaba at nag-park ng kotse si Braxton sa tapat ng isang mamahaling coffee shop, doon na lalong kumabog ang dibdib ko.
“Kuya, diyan na lang ako sa tabi,” sabi ko sa taxi driver habang nagmamadaling i-abot ang bayad sa kaniya.
Palihim akong sumunod sa kaniya habang suot ang itim niyang cup at face mask. Habang papalapit ako sa kaniya at papasok siya sa loob, nanghihina na agad ang mga tuhod ko. Iba talaga ang pakiramdam ko. Ang sabi niya ay meeting sa office, pero bakit coffee shop ang pinuntahan niya ngayon?
Pagpasok niya sa loob, lumapit siya sa isang lamesa na may magandang babae na nakaupo na tila kanina pa nag-aabang sa kaniya. Napakunot ang noo ko. Naisip ko, isang babae lang ang ka-meeting niya, akala ko ay marami?
Tumayo ang magandang babae na sobrang sexy. Nang makita nito si Braxton ay sumilay ang napakaganda nitong ngiti sa asawa ko. Ngiti na mukhang hindi sa ka-workmate, kundi ngiti na para bang may relasyon sila.
“Putangina!”
Napamura na lang ako bigla sa nakita ko matapos niyang salubungin ang asawa ko. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya hinalikan sa labi ang asawa ko. Kitang-kita ng mga mata ko kung gaano napangiti ng husto ang asawa ko na dati ay ako lang ang nakakagawa. Ganito siya ka-sweet at ka-inlove dati, alam na alam ko ang ganitong itsura ni Braxton. Hindi siya ganito sa akin, ibang-iba siya ngayon sa akin, cold.
Tila gumuho ang mundo ko nang mapatunayan ko sa sarili ko na may something talaga sa kaniya. At ang hinalang iyon ay tama pala talaga. May kabit ang asawa ko, at ang malala pa roon, sobrang ganda at sobrang sexy pa nito. Mukha pang mayaman, kaya ano na lang ang panlaban ko sa kaniya?
Umalis ako sa harap ng coffee shop na iyon na bumabaha ang luha sa mga mata ko. Para akong zombie maglakad habang papalayo roon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang gusto ko lang ay makalayo at umiyak nang umiyak dahil parang binibiyak ang puso ko ngayon.
Ang tanong sa isip ko ngayon, kailan pa niya ito ginagawa? Kailan pa niya naramdaman na hindi na siya masaya sa piling ko? Dahil ba ‘to sa tanong ng mga pamilya niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin kami magkaanak? nakulili na ba ang tenga niya sa mga sulsol at mga negatibong dila ng angkan niya? Ibang babae na ba ang sinusubukan niyang anakan?
Pinili ko siya kaysa sa pamilya ko. Pinili ko siya kasi alam kong mahal niya ako at seryoso siya sa akin, kaya nga kami tumagal ng tatlong taon. Pero ngayong nalaman ko na may kabit na pala siya, pakiramdam ko ay parang mali ang naging desisyon ko noon. Hindi ako makapaniwala, sobrang nagulat ako sa natuklasan ko.
Hindi ko inaasahang darating ang araw na mambabae siya. Grabe ang halikan nila kanina, smack lang dapat, pero nilaplap na agad siya nung magandang babae.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Tinawagan ko ang bestfriend kong si Fletcher na pinagseselosan niya palagi.
“Aba, himala, after ng ilang buwan ay nagparamdam ang bestfriend ko, anong kailangan mo?” tanong niya agad sa kabilang linya nang sagutin ang tawag ko.
“On the way na ako sa bahay ninyo. Maggayak ka ng alak at pulutan, ako na ang mababayad pagdating ko diyan,” direstyo kong sabi habang ngarag ang boses ko.
Magsasalita at aangal pa sana siya, kaya binaba ko na ang linya ko. Sumakay nalang ako ulit ng taxi para tumuloy na sa bahay nila. Kailangan ko nang makakausap, kailangan kong makalimot, kailangan ko ng alak kahit hindi naman ako umiinom ng alak.
Sylaila POVOne year had changed almost everything in my life.Bumalik na ang lahat ng alaala ko. Bumalik ang dating confidence ko. Bumalik ang pagiging hands-on ko sa negosyo, pero may isang bagay na hindi na talaga nawala sa akin, at ayaw ko na ring mawala iyon.Ito ay ang pagmamahal ko sa simpleng pamumuhay. Marami ang nagtatanong kung bakit, kahit isa na naman akong CEO ng isang malaking private aviation company, mas gusto ko pa ring kumain sa mga karinderya, ihawan, lugawan, at mga maliliit na tindahan sa gilid ng kalsada.Simple lang ang sagot ko, doon ako natutong mabuhay. Doon ako natutong magsimula ulit, at doon ko nakilala ang mga taong walang-wala, pero handang magbahagi ng kahit kaunting mayroon sila. Kaya kahit gaano pa kalaki ang kinikita ko ngayon, hindi ko kailanman ikahihiya ang pagkain sa bangketa.BANDANG ALAS SAIS na ng hapon nang matapos ang work ko. Paglabas ko ng Merritt Aviation Tower, agad akong sinalubong ng driver ko.“Ma’am, uuwi na po ba tayo?”Napatingin
Sylaila POVOne year later...Isang taon na ang lumipas simula nang magbago ang buong buhay ko. Isang taon mula nang makabalik ako sa pamilya ko, at isang taon mula nang unti-unting bumalik ang lahat ng alaala ko.Ngayon, masasabi kong ako na ulit ang dating Sylaila Merritt.Businesswoman, daughter of the Merritt family, mother of the cutest little princess, Isla.And the woman who never gave up despite losing five years of her life.Napangiti ako habang nakatanaw sa napakalaking opisina ko. Nasa ika-limampung palapag ako ng Merritt Aviation Tower dito sa Manila. Mula rito, tanaw ko ang buong skyline ng Metro Manila.Hindi ko maiwasang mapangiti. A year ago, pangarap ko pa lang makita ang matatayog na gusaling ito.Ngayon, isa na ako sa mga taong nagmamay-ari ng ilan sa mga iyon.“Ma’am Sylaila.” Napalingon ako sa pinto ng office ko. Lumapit ang executive assistant kong si Diane. “They’re all waiting inside the conference room.”I smiled confidently. “Thank you. I’ll be there.”I adju
Sera POVHindi ko alam kung pang-ilang bote na ng alak ang nasa harapan ko. Nakalat ang mga wine bottle sa sahig ng villa ko dito sa Korea. May ilan pang hindi ko natapos, habang ang iba naman ay wala nang laman. Nakaupo ako ngayon sa malamig na sahig ng sala. May hawak na wine glass, habang paulit-ulit kong iniikot ang pulang alak sa loob nito.Napatawa ako ng sobrang pait. Mas mapait pa sa alak ang buhay ko ngayon. Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang sabihin ng doctor na may breast cancer ako, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap.Hindi ko alam kung bakit sa akin pa nangyari ito. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa.Pero ang mas masakit, hindi pala ang sakit, kundi ang katotohanang kung kailan wala na si Chusan sa tabi ko ay saka pa ako nagkaroon ng ganitong kalalang sakit.Napapikit ako sa inis. Panay ang tungayaw ko kapag naiisip kong ang lungkot at ang lala na ng buhay ko ngayon.Hindi ko namalayang napahawak naman ako sa dibdib ko. Doon mismo sa bahaging may bukol.
Sylaila POVPagkatapos naming mag-usap ni Toriana sa sala, ako na mismo ang nag-aya sa kanya sa kuwarto ko.“Tara, gusto mong silipin ang room ko? Doon, mas makakapagkuwentuhan tayo ng maigi,” aya ko sa kaniya.Pumayag naman agad siya. Sa sala kasi, maraming kasambahay, siyempre, umuuwi-uwi pa rin ang mga iyon sa pami-pamilya nila. Hindi malabong makinig sila sa pinag-uusapan namin ni Toriana. Baka agad nilang ikalat na si Sera ang dahilan kung bakit naaksidente ako. Wala pang kasiguraduhan, kaya ayaw ko munang may makaalam at makarinig.Tahimik kaming umakyat sa second floor ng mansion. Habang naglalakad kami sa mahabang hallway, paminsan-minsan ay palihim ko siyang sinusulyapan. Patingin-tingin siya sa mga paintingsnanin sa dingding.Pagdating namin sa kuwarto ko, binuksan ko ang pinto. Napatingin agad si Toriana sa buong paligid.“Wow, naiba na rin pala ang bedroom mo,” sabi niya. Mukhang dati ko na rin pala siyang napapapasok sa room ko.“Oo, siguro ay inayos nila ulit nung malama
Ilaria POVNaka-idlip ako matapos makainom ng gamot. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Keilys. Siguro, may ilang minuto akong nakatulog. Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng kuwarto namin.“Pasok,” sagot ko. Kasi iyon lang naman ang susi para matigil ang pagkatok nila sa pinto.Biglang bumu
Ilaria POVNasa loob na ako ulit ng kuwarto. Pero hindi naman naka-lock ang pinto. Maluwag pa rin. Pagbangon ko, makirot ang ulo ko. Bukod doon, pati ang tiyan ko ay kumukulo na. Kailangan ko nang kumain at lalo lang akong manghihina.Dahan-dahan akong lumabas. Sumilip ako sa sala, walang tao. Sumi
Ilaria POVParang panaginip pa rin ang lahat kahit nakasuot na sa daliri ko ang singsing na binigay ni Keilys. Nakatayo ako sa gitna ng resort, hawak ang kamay ni Keilys, habang nakatingin sa buong paligid. Kanina, sa sobrang dilim, napakapangit ng lugar na ito, pero ngayong maliwanag na, aba, napa
Ilaria POVHindi na mabigat ang ulo ko nung magising ako sa dibdib ni Keilys. Wala na rin ang panginginig ng katawan ko. Huminga ako nang malalim at doon ko lang napagtantong magaling na agad ako.“Salamat naman,” bulong ko sa sarili ko.Bahagya akong gumalaw at agad kong naramdaman ang braso ni Ke












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore