LOGINKeilani POV
Tinitigan lang ako ni Sylas. Ang buong akala ko ay magagalit siya. Kaya lang seryoso siya, walang pinakitang emosyon sa akin. Parang wala lang. Naghintay ako sa sasabihin niya, siguro mga dalawang minuto siyang tahimik at nakatingin lang sa akin kaya ako na ulit ang nagsalita.
“So, anong masasabi mo, Sir Sylas? Hindi ka manlang ba magagalit sa kanila, sa asawa mo? Wala ka manlang bang gagawin para pigilan si Ma’am Davina. Kasi, mahal na mahal ko po ‘yung asawa ko!”
Iba talaga ang nagagawa ng alak. Kung hindi ako nakainom, hindi ko naman masasabi ito. Mabuti na lang at naaya ko si Fletcher na uminom ng alak kanina. Kung hindi, wala, baka kung sumugod ako dito ng walang tama ng alak ay baka pipi at hindi manlang ako nagsasalita.
“Don’t cause a scene here in my office. Let’s talk some other day. I’m not the type of person to chase after someone who doesn’t want me. And if you want to know my plans, fine, pag-usapan natin sa ibang araw. Ang gusto ko kapag nakausap kita, ‘yung normal na at hindi mukhang lango sa alak,” cold niyang sabi habang nakatingin sa papeles na pinipirmahan niya. Siya ata ‘yung kauna-unahang tao na nakita ko na kalmadong walang kaemo-emosyon, kahit na sinabi ko nang nangangaliwa ang asawa niya.
Napailing ako. Sa sinabi niya, parang matagal na niyang alam na lumalandi sa iba ang asawa niya. Ni hindi manlang kasi siya nagulat kanina. Tapos, ngayong nagsabi ako, wala manlang siyang agarang gustong gawin. Bakit kaya? Anong mayroon sa Davina na iyon at hinahayaan niya lang lumandi sa iba? Mag-asawa ba talaga sila o hindi? Nahihiwagaan talaga ako.
“Sige, Sir Sylas, tawagan mo na lang po ako kung gusto mo na akong makausap ulit at kung anong gusto niyong mangyari,” sabi ko at saka ko kinuha ang ballpen sa harap niya. Sa isang sticky note ko sinulat ang phone number ko. Pagkatapos kong ibigay ang number ko ay bigla siyang nagsalita kaya nahinto ako sa pagsasalita.
“Sandali,” sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa office table niya at saka naglakad palapit sa akin. Parang bumagal ang oras at slow motion ko siyang nakitang naglakad palapit sa akin.
T-teka, lasing lang siguro ako. Ang gara, b-bakit, parang naaakit ako sa lalaking ito? Hindi, mali ‘to, siguro, kaya ko ‘to nararamdaman ay dahil ngayon lang ako nakakita ng gaya niyang pormado, boss ang datingan at talaga namang parang artista kung titignan.
“Nagtaksil naman na ang asawa mo at ang asawa ko, kaya wala naman sigurong masama kung gagawin ko ‘to sa ‘yo,” sabi niya at nagulat na lang ako nang hawakan niya nang mahigpit ang dalawa kong pisngi. Malakas niyang nilapit iyon sa mukha niya at pagkatapos, ayon na, naramdaman ko na lang na lumapat ang labi ko sa mga labi niya.
Smack lang dapat ata iyon, pero tila nilamon ni Sylas ang buong bibig ko. Wala akong nagawa nang laplapin niya ang bibig ko. Akala mo ay gusto na niyang kainin ang buong labi ko. Grabe siya humalik, parang may magnet ang bibig niya na hindi ko kayang hiwalayan o pigilan. Nakapikit siya habang hinahalikan ako, habang nanlalaki naman ang mga mata ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung ilang minuto niyang minukbang ang bibig ko, ang lala niya, grabe!
Matapos niyang gawin ‘yon, dinukot niya ang pitaka sa bulsa ng pantalon niya. Patuloy na namilog ang mga mata ko nang abutan niya ako ng makapal na puro one hundred dollars. “Prepare yourself. Buy plenty of beautiful clothes, makeup, bags, and jewelry—you’ll need them to teach your husband a lesson. For now, that’s all I can tell you. I’ll share the rest of my plans with you later,” sabi niya saka ako tinalikuran para bumalik na sa upuan niya.
Matagal akong napako doon, nakatitig sa kaniya dahil sa nangyari habang hawak ang makapal na puro one hundred dollars.
“Umalis ka na, may mga meeting pa ako, naiistorbo mo na ako e,” sabi pa niya nang hindi tumitingin sa akin.
**
Pag-uwi ko sa bahay, tulala at masakit na ang ulo ko dahil sa ininom kong alak. Hanggang ngayon, nakahawak pa rin ako sa labi kong halos nilamon ng buong bibig kanina ni Sylas. Ang weird, bakit hindi maalis sa isipan ko ang ginawa niya? Saka, bakit kailangan pa niyang gawin ‘yon? Anong gusto niyang palabasin? Hindi kaya clue niya ‘yon para sa planong sinasabi niya?
‘Yung perang binigay niya ay tinabi ko na agad sa cabinet ko, hindi iyon puwedeng makita ni Braxton. Sa ngayon, titignan ko muna ang planong gagawin ni Sylas.
Sa totoo lang, nung makita kong nagtaksil si Braxton, nawalan na ako ng gana sa kaniya.
“Braxton, anak, nandiyan ka ba?” napatingin ako sa bintana nang marinig ko ang boses ng mama niya. Umikot agad ang mga mata ko kasi nandito na naman ang bruha niyang ina.
Tumayo ako at naglakad para buksan ang pinto. “Nasa trabaho pa po siya,” sagot ko habang nasa labas ako ng pinto.
“Aba, hindi mo manlang ba ako pagbubuksan ng gate?” nakasigaw siya agad.
“Sandali lang po, heto na,” sabi ko sa kaniya na pilit na nagbibigay ng galang kasi ina pa rin siya ng asawa ko.
Pero, hindi, taksil na nga pala siya. Dapat ko pa bang igalang ang bruhang ito?
Binuksan ko ang gate. Agad naman siyang pumasok at sinagasaan pa ako. Muntik pa akong mabuwal, lasing pa naman ako gawa ng alak na ininom ko kanina. Nagtimpi na lang ako kahit na gusto ko nang magsalita.
“Hihintayin ko siya at may ibibigay daw kasi sa akin ang anak ko,” sabi pa niya at tuloy-tuloy na itong pumasok sa loob ng bahay namin.
“Nag-aagaw na ang liwanag at dilim kung umuwi si Braxton,” paalala ko sa kaniya para umalis na agad siya. Ayoko kasing nandito ang lintek na ito at baka hindi na talaga ako makapagpigil at masampal ko na lang bigla.
“Wala akong pakelam. Habang hinihintay ko siya ay ipagluto mo na muna ako ng merienda, nagugutom ako,” sabi niya na parang amo.
Napapayukom na lang talaga ang kamao ko. “Sige po, ano bang gusto niyo?” tanong ko pa.
“Kahit ano, buwisit na ‘to, pinag-isip pa ako,” iritadong sagot niya. Siya na nga ang tinatanong kung anong gusto, nagagalit pa. Nakakairita na talaga!
“Lason ba, gusto niyo po?” hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lasing nga kasi ako, e.
“Ano kamo, tama ba ang dinig ko, lason? Lalasunin mo ako, Keilani?!”
Lalong umusok ang ilong niya. Para na naman itong dragon na gusto nang bumuga ng apoy dahil sa dalit.
“Mama, lanson po na kakanin, hindi lason. May lanson po kasi sa fridge, puwede kong iinit, tapos igagawa ko na lang kayo ng tsaa na masarap ka-partner nito kapag kinakain,” paliwanag ko. Mabuti na lang at may lanson talaga sa fridge kaya nakalusot ako.
Umirap siya at hindi na lang nagsalita. Bumalik na ito sa sofa at nanuod na lang ng tv.
Pero sa susunod, kapag lumala pa ang ginagawa ng anak niya at sumabay pa siya sa stress na nararanasan ko ngayon, hindi malayo na lason na talaga ang ipakain ko sa kaniya.
Sylaila POV“Ila, Love?”Nagising ako sa kalmadong boses ni Chusan nung umagang iyon. Mabilis naman akong magising, kaya dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at bumungad agad sa akin ang guwapong mukha ng asawa ko. Napapikit pa ulit ako sandali.“Love, five minutes.”Napangiti lang siya.“I wish I could give you five more minutes.”Napakunot-noo ako. “At bakit bawal? Wala naman tayong lakad ngayon ah?”May naging seryoso na ang ekspresyon na ang mukha niya.“Nasa labas kasi si Sera.”Parang biglanb kumulo ang dugo sa buong katawan ko sa narinig ko. Effective na pampagising iyon sa akin dahil pagkarinig ko palang ng pangalan ni Sera, talaga namang parang automatic akong napabangon.“Anong sinabi mo?” nataasan ko tuloy siya ng boses. Kahit si Chusan, nanlaki rin ang mata sa akin. Siguro ay natakot siya kasi namumula pa ang mata ko dahil kakagising lang, tapos pinanlakihan ko siya ng mata.“Nasa gate ng mansion siya ngayon, gusto raw niyang makausap tayong dalawa,” sabi pa ni Chusan
Sylaila POVTahimik kong ipinarada ang sasakyan ko sa basement ng condominium ni Toriana. Kanina pa kami magka-chat ni Toriana. Inaya ko na siyang magkita kahapon, pero ngayon raw siya available. Sabi pa niya, huwag na kaming kumain o magkape sa labas, dito na lang daw kami sa condo niya.Kaya, ako naman, hindi na nag-inarte. Bilang may asawang sikat na actor, aba, e, damay na rin ako sa kasikatan, kaya kung minsan, kapag nasa labas ako, hindi ko rin ma-enjoy mag-relax kasi may mga lumalapit para mag-hi, hello, at magpa-picture. Kaya naman tama ang naisip ni Toriana na dito na lang kami sa condo niya, tahimik pa kasi kaming dalawa lang.Pagdating ko sa floor kung saan naroon ang condo niya, bumukas ang elevator at agad kong nakita ang pinto ng unit niya. Hindi pa man ako nakakakatok ay bumukas na agad iyon.“You’re early,” nakangiting bati ni Toriana.Umiling-iling ako habang nakangiti sa kaniya. “I don’t want to waste time, alam mo ‘yan,” sagot ko naman.“Alam ko naman pero OA ka sa
Sylaila POVChill day na naman. Ito ang masarap na gusto kong nangyayari sa buong maghapon.Sa wakas kasi ay wala akong meeting sa aviation company at wala ring kailangang puntahang business event.Si Chusan naman ay nasa gym—dito lang din sa mansion habang kasama si Isla. Tinuruan niya ang anak namin ng simpleng stretching exercises habang ako naman ay naiwan sa sala para magpahinga, mag-relax, gaya nang gustong-gusto kong nangyayari ngayon sa araw-araw na ginawa ng diyos.May hawak akong mug ng mainit na green tea habang nakatutok ang mata ko sa malaking TV. Nakasanayan ko na rin ito kapag nasa bahay lang at nagpapahinga.Kung anu-anong balita lang ang lumalabas. Business, about sa panahon, sa traffic.Hanggang sa biglang nag-iba ang eksena ng news anchor.“We have breaking entertainment news.”Napatingin ako nang maigi sa TV. Bigla kasing lumabas doon ang isang pamilyar na pangalan.“Former half-Korean, half-Filipino actress Sera Park has officially returned to the Philippines afte
Sylaila POV“Saglit nga,” sabi na naman niya.Isusubo ko na dapat, pero bigla niyang hinila ang kamay ko para mapatayo ako ulit. Hinalikan niya ako. Magaslaw siyang humalik, parang lalamunin ako nang buo. Habang naglalaplapan kami, binaba niya ang mga kamay niya at saka hinawakan ang dalawang matatambok kong puwët. Pinisil-pisil niya ito.Maya maya ay binuhat niya ako habang naghahalikan pa rin kami. Naupo siya sa kama at saka ako pinaupo sa kandungan niya.Ngumiti siya. “Puwede naman sigurong bago kita pakainin ay magpainit muna tayo lalo,” sabi niya, kaya inilipat ko na ulit ang mukha ko sa kaniya. Siniil ko siya ng masiid na halik para pagbigyan siya sa gusto niyang ito.Maya maya, nilantakan niya ang mapupula kong mga utöng. Ito ang gustong-gusto niyang ginagawa sa akin. Lahat ginawa na niya. Sinìpsip, kìnagat, dinìlaan at nìlamạs-lamạs. Panay tulo tuloy ng laway niya habang ginagawang candy ang dibdib ko.“Sarap-sarap din talaga ng dede mo, Ila,” gigil niyang wika. Halatang nag-i
Sylaila POVNgayong araw, pareho kaming walang pasok ni Chusan. Wala ring pasok si Isla dahil school break, pero maaga itong isinama nina Mama Keilani at Papa Sylas sa isang educational museum. Excited na excited pa nga siyang magkuwento tungkol sa dinosaurs bago sila umalis. Talagang super close na agad siya sa mga lolo at lola niya.Nandito ako sa sala, umiinom ng tsaa habang nanunuod ng balita. Ilang sandali lang akong nandoon, inubos ko lang ang iniinom ko at pagkatapos ay tumayo na ako.Nang tuluyang tumahimik ang buong mansion, napatingin ako sa second floor. Napangiti ako kasi alam kong naroon si Chusan ngayon. Nandoon siya sa kuwarto namin at kanina pa hindi bumababa.Ngumiti ako nang nakakaloko sa bigla kong naisip ngayon.“Perfect ang araw na ito para sa aming dalawa.”Bago ako tumuloy doon, may ginawa muna ako. Pagkatapos, dahan-dahan akong umakyat ng hagdan habang patuloy na may tumatakbong kalokohan sa isip ko.Pagpasok ko sa bedroom namin, nadatnan ko siyang nakahiga sa
Sylaila POVOne year had changed almost everything in my life.Bumalik na ang lahat ng alaala ko. Bumalik ang dating confidence ko. Bumalik ang pagiging hands-on ko sa negosyo, pero may isang bagay na hindi na talaga nawala sa akin, at ayaw ko na ring mawala iyon.Ito ay ang pagmamahal ko sa simpleng pamumuhay. Marami ang nagtatanong kung bakit, kahit isa na naman akong CEO ng isang malaking private aviation company, mas gusto ko pa ring kumain sa mga karinderya, ihawan, lugawan, at mga maliliit na tindahan sa gilid ng kalsada.Simple lang ang sagot ko, doon ako natutong mabuhay. Doon ako natutong magsimula ulit, at doon ko nakilala ang mga taong walang-wala, pero handang magbahagi ng kahit kaunting mayroon sila. Kaya kahit gaano pa kalaki ang kinikita ko ngayon, hindi ko kailanman ikahihiya ang pagkain sa bangketa.BANDANG ALAS SAIS na ng hapon nang matapos ang work ko. Paglabas ko ng Merritt Aviation Tower, agad akong sinalubong ng driver ko.“Ma’am, uuwi na po ba tayo?”Napatingin
Ilaria POVNagising ako sa narinig kong sigaw.“Tubig! Pumasok na ang tubig sa loob ng villa!”Napamulat ang mga mata ko, sabay bangon mula sa hinihigaan naming sofa ni Keilys dito sa sala. Madilim pa ang paligid, tanging liwanag lang ng ilang kandilang halos nauupos na. Malakas pa rin ang ulan sa
Ilaria POVTahimik ang mansiyon nang hapon na iyon. Wala kasi sina Keilys at Sylaila. Natuloy na ‘yung pagpunta nila sa amusement park, kasama ang bruhang si Iliana. Pinili kong magpaiwan kahit na pinipilit ako ni Keilys na sumama. Ayokong sumama at baka ma-badtrip na naman ang bunsong kapatid niya
Ilaria POVLumapit si Mama Keilani sa akin para yakapin ako. Pinunasan din niya ng kamay niya ang luha sa mga mata ko. Maging si Papa Sylas, lumapit para bigyan din ako ng yakap.“Huwag kang mag-alala, hija, tutulungan ka naming makamit ang katarungan sa pagkamatay ng Nanay mo,” seryosong sabi ni P
Ilaria POVEksaktong alas-tres ng hapon nang dumating si Rica.Sa pinto pa lang ng kuwarto ni Loraine, sumenyas na siya sa akin na gawin na agad namin ang paghahanap sa susi habang tulog si Loraine, habang may oras kami, at habang namamahinga ang ilan sa mga staff ng mansiyon.Lumabas kami nang dah







