The Fake Doctor is Actually My One-Night Stand Billionaire

The Fake Doctor is Actually My One-Night Stand Billionaire

last updateLast Updated : 2026-07-15
By:  NERISSAUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
15views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang gabing pagkakamali. Iyan lang ang akala ni Freya nang pasukin niya ang maling kwarto habang lasing at isuko ang lahat sa isang misteryosong lalaki. Iniwan niya ito pagkagising at umaasang hindi na sila muling magkikita. Ngunit mapaglaro ang tadhana dahil nagtagpo silang muli sa ospital kinabuksan at ito ang OBGYN na mag-eexamine sa kaniya. “Lie down on that bed. Take your pants off now then spread your legs—I need to check you." Sa takot at pagkalito, sumunod si Freya bago niya napagtantong pekeng doktor pala ito! Hindi alam ni Freya na ang pekeng doktor na ito ay walang iba kundi si Gideon Venturi. Ang pinakamakapangyarihan at kinatatakutang bilyonaryo sa elite circle ng Lucena. Isang lalaking kilalang mailap sa mga babae, ngunit ngayon ay baliw na baliw at handang gawin ang lahat maangkin lang siya, may kasintahan man siya o wala. He was a wolf in a doctor's clothing, and I was the foolish rabbit who stripped for him.

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Uminom ka pa, Freya Mendoza! Minsan lang 'to!" malakas na tawa ni Macey sa gitna ng malakas na tugtog.

Napailing si Freya, halos hindi na maidilat nang maayos ang mga mata dahil sa hilo. "Macey, tama na... umiikot na ang paningin ko. I think I’ll vomit anytime."

Ngumuso ang matalik niyang kaibigan bago may dinukot sa loob ng mamahalin nitong purse. "Ang kj naman! Oh siya, heto ang keycard ng kwarto. Mauna ka na sa taas at magpahinga. Susunod ako kapag tapos na ang party."

Kinuha iyon ni Freya bago naglakad palayo. Umiikot ang buong paligid at parang may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya habang binabagtas ang tahimik na hallway ng luxury hotel.

Dahil sa kalasingan, hindi na niya tiningnang mabuti ang numero sa p***o. Nang makita ang isang Presidential Suite, ipinasok niya ang keycard at laking pasasalamat niya nang tumunog iyon at bumukas.

"Why everything is spinning..." paos niyang bulong.

Diretso ang bagsak ng mga paa niya sa malambot at malaking kama. Pagkahiga pa lang niya ay tuluyan nang bumigat ang kanyang mga pilikmata at nawalan siya ng malay.

Ilang sandali lang ang lumipas, marahang bumukas ang p***o ng banyo.

Kakalabas lang ni Gideon mula sa shower. Galing siya sa isang mahabang business dinner kaya pagod ang kanyang katawan. Naka-towel lang ang kanyang baywang habang tamad na pinupunasan ang basang buhok.

Subalit natigilan siya nang lumingon sa direksyon ng kanyang higaan. Napakunot ang noo niya at agad na dinaluyan ng inis ang kanyang sistema.

"What the hell..." mahinang bulong niya.

Isang babaeng nakasuot ng pulang dress ang mahimbing na natutulog doon.

Sino na namang business partner ang nag-iwan ng babae sa kama ko? Inis na sa-isip niya.

Sanay na siya sa mga ganoong maruruming patibong. 

Lumapit siya sa gilid ng kama para gisingin ang babae. Hinawakan niya ang balikat nito at marahas na niyugyog.

"Hey. Wake up," malamig niyang utos. "Wrong room, Miss. Umalis ka rito."

Pero hindi man lang ito sumagot. Isang mahinang ungol lang ang pinakawalan nito bago mas sumiksik sa unan.

Napabuntong-hininga na lang si Gideon. Dahil gentleman at lumaki pa ring may respeto sa babae, ayaw naman niyang kaladkarin ito sa labas habang walang malay. Humiga siya sa pinakagilid ng kama iyong malayong-malayo sa pwesto ng babae at nagpasyang matulog na lang muna.

Pero hindi niya akalain na malikot matulog ang estranghera.

Bago pa man maipikit ni Gideon ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang marahang pagdantay ng binti ng babae sa kanyang baywang. Bigla rin nitong ipinulupot ang dalawang braso sa leeg niya.

"Damn it, Miss. Bitawan mo ako," mariing saway ni Gideon habang sinusubukang alisin ang mga braso nito.

Pero imbes na lumayo, mas lalo itong sumiksik sa leeg niya. 

Amoy alak ito pero may kakaiba at matamis na bango na biglang nagpahinto sa paghinga ni Gideon.

"Hmm... ang bango..." nakapikit na bulong ng babae.

Sumikip ang paghinga ng lalaki. Sinubukan niyang itulak ito palayo para lumayo sa tukso.

"Huwag kang malikot…" reklamo pa ng babae, habang humihalinghing.

Saka nito binuksan ang bibig at walang pakundangang kinagat ang Adam’s apple ni Gideon.

“Fuck!” Napamura si Gideon. 

Doon na tuluyang nawala ang kontrol niya. Ang kuryenteng gumapang sa buong katawan niya ay hindi na niya mapigilan. Mabilis niyang hinawakan ang baywang nito gamit ang malalaki niyang kamay at binaligtad niya ang posisyon nilang dalawa.

Siya na ang nasa ibabaw nito ngayon, madilim ang mga matang nakatitig sa mapupulang labi ng babae.

"You really don't know what you're doing, do you?” paos na tanong ni Gideon. "Ikaw ang nagsimula nito. Don't blame me for this."

Hindi na niya pinatagal ang sarili. Iniyuko niya ang ulo at hinalikan agad ang malalambot nitong labi. 

Ilang taon siyang hindi pumapansin ng babae dahil nakatutok sa trabaho, pero ang isang lasing na estranghera lang pala ang gigising sa natutulog niyang sistema.

Naging magulo at mapusok ang buong gabi. Nagkalat ang mga damit at underwear sa sahig ng marangyang silid.

Sa ibabaw ng kama, magkayakap ang dalawang katawan. Bahagyang natauhan si Freya sa gitna ng bigat at lakas ng lalaking nasa ibabaw niya, namumula at habol ang hininga.

"H-hindi ko na kaya… tama na, please…" umiiyak na pakiusap ni Freya, nakakapit sa malalapad na balikat ng lalaki.

"One more... just one more," paos na sagot ni Gideon sa mismong tainga niya, ang boses ay puno ng pagnanasa. "You're driving me crazy."

Mas lalo lang nitong hinigpitan ang hawak sa kanyang baywang at ipinagpatuloy ang marahas ngunit mapusok na pag-angkin. Pakiramdam ni Freya, paulit-ulit siyang dinadala sa langit bago ibinababa nang mabilis, hanggang sa muli siyang lamunin ng kadiliman.

Halos mag-uumaga na nang tuluyang matapos ang bagyo sa pagitan nila, at sabay silang nakatulog sa matinding pagod.

Kinabukasan, tumama ang sinag ng araw sa mukha ni Gideon. Kumunot ang noo niya at unti-unting iminulat ang mga mata, inaasahan ang mainit na katawan ng babaeng katabi niya kagabi.

"We need to talk..." paos na bulong ni Gideon habang kinakapa ang kabilang gilid ng kama.

Pero natigilan siya dahil walang siyang makapa na katabi. Agad siyang napabangon, magulo ang buhok, at iginala ang paningin sa buong kwarto.

Wala na ang babaeng naka-pulang dress. Wala na ang estrangherang umangkin sa buong gabi niya. Ang tanging naiwan lang ay ang lukot na kumot at ang mahinang amoy ng pabango nito.

"Shit," mariing mura ni Gideon, nag-igting ang panga. Kailangan niyang hanapin ang babaeng 'yon.

***

Hapon na nang magising si Freya.

Pagdilat ng mga mata niya, hindi lang ang matinding sakit at ngalay sa buong katawan ang naramdaman niya. 

Kumakabog ang dibdib niya habang pilit inaalala ang nangyari noong gabi. 

“Ano’ng ginagawa ko rito?” bulong niya sa sarili habang pinupulot ang kanyang damit. 

Mas lalo siyang napatulala nang mapansin na nakakulong siya sa mga braso ng isang lalaki.

Sobrang higpit ng yakap nito sa kanya.

Tinitigan niya ang mukha nito at halos mapasinghap siya. 

Ang gwapo! 

Sobrang gwapo, mukhang arabic na italyano. Daig pa nito ang mga sikat na artista sa telebisyon o male model. Mukha siyang isang mayamang prinsipe na diretsong lumabas mula sa isang comic book sa sobrang perpekto ng bawat anggulo ng mukha.

Kahit tulog ito, umaapaw pa rin ang awtoridad at pagiging marangya na parang hindi mo pwedeng basta hawakan lang.

Napatigil ang paghinga ni Freya. Oh my God... Sinong lalaki 'to?

Hindi niya akalain na ang lalaking walang awa na kumuha sa pagkababae kagabi ay may ganito palang mukha. Kahit galit si Freya, alam niyang wala siyang magagawa. Kasalanan niya dahil nalasing siya at pumasok sa maling kwarto.

"Kailangan ko nang umalis bago siya magising. Kung hindi, patay ako," bulong niya sa sarili habang kinakabahan.

Gusto man niyang umiyak, alam niyang hindi ito ang tamang oras. Kailangan na niyang tumakas agad. Kung magigising ang lalaking ito at tatanungin siya kung bakit siya pumasok dito, mas lalong magiging magulo.

Pero kahit papaano, buti na lang at hindi ito mukhang monster. Kung pagdilat kasi ng mga mata niya ay isang pangit na lalaki ang kumuha ng virginity niya, baka naiyak na siya hanggang sa mamatay.

Dahan-dahan niyang inalis ang mga braso ng lalaki na nakapulupot sa kanya. Pilit niyang pinakalma ang sarili habang bumabangon mula sa malaking kama. 

Agad niyang pinulot ang red dress at mga panloob niya na nagkalat sa sahig.

Salamat na lang at hindi punit ang damit niya at pwede pa ring isuot.

Nagmamadali niyang isinuot ang damit, lumingon pa ng isang beses sa gwapong lalaki na mahimbing pa ring natutulog saka lumabas ng kwarto nang hindi na lumingon pa.

"Ituturing ko na lang na isang masamang panaginip ang lahat," sabi niya sa sarili habang isinasara ang p***o ng suite.

Nanginginig ang mga binti ni Freya nang makalabas siya ng hotel. Agad siyang pumara ng taxi para makauwi sa inuupahan niyang kwarto.

Habang nasa byahe, doon pa lang siya nagkaroon ng oras para tingnan ang bag at cellphone niya. Sandamakmak na missed calls mula sa bestfriend niya ang bumungad sa screen.

Dahil ayaw niyang mag-alala ito, tinawagan niya ito pabalik.

"Freya! Salamat naman at sumagot ka na! Kanina pa ako tumatawag sa 'yo, bakit hindi mo sinasagot?" bungad agad ni Maceynang sumagot ito.

Kinagat ni Freya ang labi niya.

Napalunok si Freya, pinipilit na huwag manginig ang boses. "Sorry, Macey... Sobrang napadami ang inom ko kagabi, hindi ko na narinig ang ring ng phone ko..."

"Okay lang, okay lang. Pero nasaan ka ba natulog kagabi? Pumunta ako sa kwartong pina-reserve ko para sa 'yo pero walang tao! Sabi pa sa reception, walang nag-check in doon! Did you stay outside?"

Nag-isip mabilis si Freya at nagdesisyong magsinungaling na lang muna.

Napilitang magpalusot si Freya dahil sa hiya. Ayaw niyang malaman ng kaibigan ang nangyari. 

"Ah... nakakuha na kasi ako ng ibang kwarto para sa sarili ko bago mo pa ako i-reserve. Lasing na ako kaya hindi ko na nasabi sa 'yo, sorry talaga."

Gulong-gulo ang isip niya. Sobrang nakakahiya na sabihin sa best friend niya na dahil sa pagkalasing ay maling kwarto ang napasukan niya at may nangyari sa kanila ng isang estranghero.

Gusto na lang niyang umakto na parang walang nangyari.

Nakahinga naman nang maluwag si Macey sa kabilang linya.

"Akala ko naman kung napaano ka na o kung natulog ka sa kung saan, sobrang nag-worry ako," sabi ni Macey. 

"Kasalanan ko rin naman. Kung hindi ko lang kasi kailangang asikasuhin 'yung ibang mga bisita sa birthday ko, ako na mismo ang maghahatid sa'yo sa kwarto mo," malungkot na sabi pa nito.

Umiling si Freya kahit hindi siya nakikita nito.

"Hindi, okay lang talaga. Huwag mo nang isipin 'yon," sagot ni Freya, bago naghanap ng dahilan para tapusin ang tawag dahil naiiyak na siya. "Sige na, Macey, medyo lowbat na ang phone ko, ha? Mag-usap na lang tayo ulit kapag naka-uwi na ako."

"Sige, sige. Mag-iingat ka sa biyahe, ha? Bye!" sagot ni Macey bago naputol ang linya.

Pagkababa ng tawag, biglang natigilan si Freya. Nanlamig ang buong katawan niya nang maalala ang isang napakahalagang bagay. 

Ilang beses may nangyari sa kanila ng lalaking 'yon kagabi at walang kahit anong proteksyon ang ginamit nila. 

Paano kung...?

Namilog ang mga mata niya sa takot. Naramdaman niya ang biglang pagbuhos ng malamig na pawis sa kanyang likod.

"Kuya, paki-hinto naman po sa tapat ng botika riyan sa unahan!" natatarantang utos niya sa driver ng taxi. 

"Sige po, ma'am," sagot ng driver sabay kabig ng manibela.

Huminto ang taxi sa tapat ng isang botika. Mabilis na bumaba si Freya at pumasok sa loob habang lumingon-lingon sa paligid, natatakot na may makakilala sa kanya.

"Miss, ano pong kailangan nila?" tanong ng pharmacist nang mapansin ang kanyang kaba at pamumutla. 

Hinawakan nang mahigpit ni Freya ang laylayan ng kanyang pulang dress, hiyang-hiya na yumuko. 

"May... mayroon po ba kayong emergency contraceptive pill?" mahinang tanong niya.

First time niyang bumili ng ganoon at wala siyang kaalam-alam, kaya naman pakiramdam niya ay pulang-pula na ang mukha niya sa hiya. Natatakot siya na baka husgahan siya ng ibang tao.

Buti na lang at propesyonal ang staff at ngumiti lang ito sa kanya.

"Opo, meron. Sandali lang po, ma'am," sabi nito.

Ilang saglit lang ay bumalik ito at iniabot sa kanya ang isang maliit na kahon. 

"First time niyo po ba itong iinumin, ma'am? Epektibo po ito sa loob ng 72 hours matapos ang intercourse. Isang beses lang po iinumin ang isang tableta, hindi kailangang damihan."

Tinatanggap ni Freya ang gamot.

"Salamat po... Magkano po ang lahat?" nanginginig na tanong ni Freya habang inilalabas ang cellphone.

"Two hundred fifty pesos lang po, ma'am." 

"Tumatanggap ba kayo ng QCash?" tanong ni Freya.

“Yes po, ma’am.” Itinuro nito ang QR code.

Matapos ma-scan at makabayad ay halos patakbong lumabas si Freya ng botika na parang may naghahabol sa kanya.

Napailing na lang ang pharmacist habang pinapanood ang pagmamadali ng dalaga.

"Sa panahon ngayon, marami na talagang mga kabataan ang hindi nag-iingat sa sarili nila," bulong nito sa sarili, bago binalikan ang listahan ng benta.

Si Freya na ang ikalimang babae na pumunta roon ngayong araw para lang bumili ng birth control pills. Araw-araw, palaging may pumupunta sa botika para sa ganoong uri ng gamot, at halos lahat sila ay mga batang babae.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status