LOGINNang mangailangan si Celestine Alarice Reyes ng malaking halaga para sa pagpapagamot ng kanyang ama, wala siyang ibang malapitan kundi ang kanyang amo na si Lucian Kael Montecarlos. Ngunit ang perang ipinahiram nito ay may kapalit. Isang contract marriage. Dahil sa desperasyon, pumayag si Celestine na maging asawa ni Lucian sa papel. Ang akala niya ay isang simpleng kasunduan lamang iyon na matatapos sa itinakdang panahon. Ngunit habang tumatagal ang kanilang pagsasama, unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng pagpapanggap at totoong damdamin. Hanggang sa dumating ang araw na kinailangan niyang mawala. Makalipas ang ilang taon, muling nagkrus ang kanilang landas. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na lamang si Celestine ang nasa harapan ni Lucian. Kasama niya ang batang lalaking may parehong mga mata ng bilyonaryo. Ang babaeng minsan niyang minahal ay nagtago ng pinakamalaking sikreto sa kanya—ang kanilang anak. Ngayon na muli silang pinagtagpo ng tadhana, handa ba silang harapin ang nakaraan? O tuluyan nang sisirain ng mga lihim ang pangalawang pagkakataong ibinigay sa kanila ng pag-ibig?
View MoreMaaga pa lang, nagising na ako kahit pakiramdam ko hindi naman talaga ako nakatulog. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama ng papa ko sa ICU habang pinapakinggan ang tuloy-tuloy na tunog ng monitor. Parang bawat beep na lumalabas doon, pinapaalala sa akin na nandito pa siya pero unti-unti nang nauubos ang oras niya. Hawak ko ang kamay niya kahit malamig na at mahina, na parang ako na lang ang kumakapit.
“Pa…” mahinang tawag ko, pero hindi na siya sumagot. Alam ko naman na hindi na niya kayang sumagot, pero kahit ganoon, hindi ko pa rin mapigilang gawin ‘yon—ang tawagin siya. Para kasing kapag tinatawag ko siya, kahit sandali lang, baka maramdaman niya na nandito pa rin ako.
May kumatok sa pinto at pumasok ang nurse na may dalang folder. Hindi ko na kailangang tanungin kung ano ‘yon dahil kabisado ko na. Bill na naman. Mas malaki na naman ito panigurado kaysa sa kahapon. “Miss Reyes, kailangan po ng partial payment today. Otherwise po, baka ma-limit na yung treatment options,” sabi niya bago ako iwan ulit.
Natigilan ako habang nakatayo sa gitna ng kwarto, nakatingin sa papa ko na hindi na gumagalaw nang maayos. Lahat ng tunog sa paligid ko ay parang lumalabo dahil sa malinaw na bigat sa dibdib ko. Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang tinanong sa sarili ko kung saan ako kukuha ng pera, pero lagi pa ring pareho ang sagot ko sa sarili na wala akong mahuhugutan.
Lumabas ako ng ICU at umupo sa hallway bench habang hawak ko pa rin yung folder. Binuksan ko ‘yon kahit alam ko na ang laman. Numbers, bills, at mga salitang parang walang pakialam kung mabubuhay pa ba ang tao o hindi. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit nang mariin, pilit pinipigilan yung pagod at takot na nag-aagawan sa dibdib ko.
“Paano na…” mahina kong bulong. Wala akong ibang naiisip kundi kung paano ko pa ‘to masasalo, kasi kung hindi ako kikilos, wala nang matitira sa papa ko.
Ilang sandali lang ang lumipas nang tumunog ang phone ko. Isang unknown number. Saglit akong nag-alinlangan bago ko sinagot. “Hello?” mahinang sagot ko.
Sa kabilang linya, isang pormal na boses ang nagsalita at diretsong nagpakilala. “Miss Celestine Reyes, report tomorrow at the Montecarlos Mansion. You’re officially hired. It's A live-in maid position and confidential arrangement but with high compensation.”
Natigilan ako sa narinig ko, hindi agad nakasagot dahil parang doon pa lang sa salitang “high compensation,” may nagbago na agad sa hangin sa paligid ko. Pinakinggan ko lang habang binibigay niya ang detalye at sinabing kailangan kong mag-report within twenty-four hours kung interesado ako, bago niya ibaba ang tawag.
Nanatili akong nakatingin sa phone ko kahit tapos na ang tawag. Hindi ko alam kung anong klaseng trabaho ‘to, kung totoo ba o kung anong kapalit, pero isang bagay lang ang malinaw sa akin sa sandaling ‘yon—kailangan ko ng pera, at wala na akong oras para maghintay ng ibang paraan.
Kahit natatakot ako sa mga naririnig ko tungkol sa lalaking papasukan ko, mas natatakot akong wala akong magawa habang nakahiga si papa doon.
Napatingin ako sa ICU glass kung saan nakahiga pa rin ang papa ko. Parang kahit hindi siya nagsasalita, siya pa rin yung dahilan kung bakit ko kailangang gawin ito. Huminga ako nang malalim bago ko marahang sinabi sa sarili ko, “Sorry, Pa…” Huminga ako nang malalim at tumingin sa maliit kong bag sa tabi ng kama. Wala akong madadala kundi ilang damit, konting gamit, at sarili ko.
Kinabukasan, nakatayo na ako sa harap ng napakalaking gate na hindi ko akalain na mararating ko. Hindi ko alam kung ilang beses akong huminga bago ako nakapasok sa gate. Habang papasok ako, pakiramdam ko bawat hakbang ko mas lumiliit ako, parang hindi ako bagay sa lugar na ‘to. Malinis ang paligid, sobrang tahimik, at sobrang layo sa mundong kinalakihan ko.
Pagbukas pa lang ng malaking pinto ng mansyon, agad akong sinalubong ng isang babae na mukhang nasa limampung taong gulang. Nakaayos ang buhok niya at halatang matagal nang nagtatrabaho rito dahil sa paraan ng pagdadala niya sa sarili. Sandali niya akong sinukat mula ulo hanggang paa bago tumango.
“Ikaw si Celestine Reyes?” tanong niya. Nang sumagot ako ng oo, inutusan niya akong sumunod. “Follow me,” sabi niya lang bago siya tumalikod.
Sumunod ako kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Habang naglalakad kami sa loob ng mansyon, mas lalo kong nararamdaman kung gaano ako ka-out of place. Ang laki ng espasyo, ang katahimikan, at ang pakiramdam na parang kahit anino ko hindi bagay dito. Sa bawat hakbang niya, parang mas lalo kong naiintindihan kung gaano kaiba ang mundo na ito sa mundo ko.
Nang makarating kami sa living area, bigla siyang huminto. Napahinto rin ako at kusang napatingin sa direksyon ng tingin niya.
May isang lalaking nakaupo sa sofa habang binabasa ang ilang dokumentong nasa harap niya. Hindi ko pa man nakikita nang maayos ang mukha niya, alam ko na agad kung sino siya.
Siya ba si Lucian Kael Montecarlos?
“Sir, dumating na po ang bagong maid,” magalang na sabi ng babae.
Hindi agad sumagot si Lucian. Nagpatuloy lang siya sa pagbabasa ng hawak niyang dokumento na para bang wala siyang narinig. Lumipas ang ilang segundo bago niya isinara ang folder at dahan-dahang itinaas ang tingin niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit, pero doon ako mas kinabahan.
“Ano ang pangalan mo?” tanong niya.
“Celestine Reyes po.”
“Age?”
“Twenty-three po.”
Tumango lang siya bago muling tumingin sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang tinitingnan niya. Para bang may hinahanap siyang mali sa akin na ako mismo ay hindi ko alam.
“May experience ka ba bilang kasambahay?”
“Opo. Dalawang taon po akong tumulong sa isang pamilya sa Antipolo bago nagsara ang negosyo nila.”
Ilang segundo ang lumipas bago siya tuluyang tumayo mula sa kinauupuan niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba, pero ngayon ko lang napansin kung gaano siya katangkad. Hindi rin nakatulong na seryoso lang ang mukha niya habang papalapit nang ilang hakbang.
“Marami nang nagtrabaho rito bago ka,” sabi niya. Kalma lang ang boses niya, pero nakakatakot pa rin.“At karamihan sa kanila ay hindi tumagal.”
Pililit kong nilunok ang kaba sa lalamunan ko. “Gagawin ko po nang maayos ang trabaho ko, sir.”
Sandaling natahimik si Lucian habang nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko parang sinusubukan niya akong basahin. Para bang gusto niyang malaman kung nagsasabi ba ako ng totoo o isa lang ako sa mga taong madaling sumuko kapag nahirapan.
“We’ll see,” maikli niyang sagot. “Rules are simple. Do your job. Don’t speak unless spoken to. Don’t ask unnecessary questions.” Sandali siyang tumigil bago bahagyang lumingon sa akin. “Understood?”
Napakagat ako sa labi ako. Gusto kong magtanong kung hanggang kailan ako tatagal dito, kung paano ko gagawin ng tama ang lahat, pero alam ko ring wala akong karapatang magtanong ng kahit ano. Kaya tumango na lang ako. “Opo.”
Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo. Akala ko tapos na ang usapan namin nang muli siyang huminto at bahagyang lumingon sa akin.
“Isa lang ang ayokong bagay.” Napatayo ako nang tuwid. “Ang mga taong hindi marunong sumunod sa utos.”
Pagkatapos sabihin iyon, nagpatuloy na siya sa paglalakad na para bang wala lang siyang sinabi. Samantalang ako, naiwan na nakatayo sa gitna ng sala habang mas mabilis na tumitibok ang puso ko.
Hindi pa man ako nagsisimulang magtrabaho, pakiramdam ko nasubukan na agad ako ng lalaking iyon. At sa unang pagkakataon mula nang tanggapin ko ang trabahong ito, naisip ko kung tama ba talaga ang desisyon kong pumasok sa mansyon na ito.
Agad akong napalingon sa entrance ng ospital. Mabilis na nananakbo si Caleb papunta sa kinaroroonan ko. Nang huminto siya, hingal na hingal siya. Saglit siyang huminto para habulin ang hininga bago magsalita." Ayos ka lang ba? Pasensiya na masyado kasing traffic kaya natagalan ako." At dumako ang tingin niya kay Lucian. "Sino siya?""Si—""I'll give you ten more minutes to go back, Ms. Reyes." Pinutol niya ang sasabihin ko. Sabay tumalikod.Hinila ni Caleb ang braso ni Lucian. "Hoy, at sino kang akala mo para utusan siya ng ganyan?" sikla ni Caleb na halatang nainis sa tono ni Lucian.Napatigil si Lucian at humarap. Pinagpagan niya ang parte ng suit niya na nahawakan ni Caleb. Malamig ang ekspresyon ng mukha niya. "Ms. Reyes, pwede bang sabihin mo sa kaibigan mo na ayusin muna nag sarili niya bago ko sagutin ang tanong niya?""A-ah—Caleb, huminahon ka nga. Boss ko 'yan, ano ba. Kapag ako natanggal sa trabaho.""E ano naman? Kung siya rin naman ang boss mo, huwag na lang."Napaarko an
Pinalipas ko muna ang oras kasama si papa bago ako nagpunta sa counter para magbayad ng lahat ng bills. Kailangan ko na magmadali dahil gabi na. Usapan namin ni Lucian na kailangan ko makabalik.Kinausap ko Dr. Castillo tungkol sa surgery ni papa dahil hindi rin ako kampante na umalis na hindi sine-settle lahat ng kailangan. "Doc, kayo na po muna ang bahala sa papa ko.""Bakit, Ms. Reyes? Hindi mo ba hihintayin na matapos muna ang surgery bago umalis?" nagtataka niyang tanong."Ah, doc, kailangan ko na po kasi umalis. Hanggang gabi lang po ako pinauagan ng boss ko.""Wala bang iba na pwedeng magbantay kahit kaibigan mo? Hindi kasi pwedeng mag-proceed ang surgery na walang bantay ang pasyente.""Iba po? T-teka, doc. May tatawagan lang po ako.""Sige, puntahan mo na lang ako sa kwarto na papa kung ano ang magiging lagay.""Opo, Excuse me po." Sabay tumalikod na ako.Lumabas ako ng hospital para tumawag. Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya."Hello, Celest? Ano probelma at
Sinundan ko si Lucian papasok ng Master's office. Tahimik lang siya. Nakarating na kami sa loob at naupo siya sa office chair bago yumuko para may kunin sa drawer ng desk. INilabas niya ang piraso ng papel.Ano kaya iyon?Tumingin siya sa akin at hinagod muna ako ng tingin. "What happened out there earlier, Ms. Reyes?"Napahigpit ang kapit ko sa damit. "S-sorry, sir. May personal matter lang po.""That should be really serious para mangyari ang insidenteng nangyari kanina. Dahil kung hinde, There will be no exception." Malamig ang kanyang tono. Seryoso siya.Nakayuko lang ako at hindi nakatingin. "Tungkol po kasi sa papa ko. Tumawag ang ospital at kailangan na ng agarang surgery para kay papa dahil malala na ang kalagayan niya."Biglang tumamlay ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Ganoon ba kalala?"Tumango ako. "Kaya ako nanlambot dahil hindi ko pa nga nababayaran ang bills namin noong nakaraang buwan sa ospital, biglang may urgent request na ng surgery." Huminto ako saglit bago muli
Nagising ako bago pa man tumunog ang alarm ko.Ilang segundo akong nakatitig sa kisame ng maliit na kwarto habang pilit na iniisip kung nasaan na ako. Wala na ako apartment na inuupahan namin o sa plastik na upuan sa tabi ng kama ng papa ko sa ospital kung saan halos isang linggo na akong pabalik-balik. Nasa Montecarlos Mansion ako ngayon, at kahit gaano ko pa gustuhing isipin na masamang panaginip lang ang lahat, hindi mababago noon ang katotohanan.Dahan-dahan akong bumangon at agad na kinuha ang phone ko sa ibabaw ng side table. Ang una kong ginawa ay tingnan kung may mensahe mula sa ospital. Pero wala.Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa naging desisyon ko.Napabuntong-hininga ako bago tumayo at nagsimulang mag-ayos. Kailangan kong magtagal sa trabahong ito. Hindi mahalaga kung gaano kahirap o gaano kabigat. Dahil sa ngayon, ito na lang ang natitirang paraan para matulungan ko ang papa ko.Paglabas ko ng staff quarters, agad kong naramdaman ang pagiging abala ng


![The Wild Virgin [SPG]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)









Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.