MasukSa ikatlong taon ng kanyang kasal kay Morgan Cuntis, natuklasan ni Yelena kung sino ang tunay na minamahal ng asawa niya. Ang hipag nito, asawa ng yumao nitong kapatid na si Morris. Habang nasa gitna ng pagluluksa ang pamilya ay sumiklab ang gulo at walang pakialam ang lalaki basta’t maipagtanggol lang si Nova, sukdulang siya ang mabastos at masaktan. Tanggap naman ni Yelena ang dahilan ng pagpapakasal sa kaniya ni Morgan. Walang pagmamahal na nagbibigkis sa kanila. Napilitan lang itong pakisamahan siya dahil sa lahat ng babaeng pinagpipilian ng pamilya nito, siya ang masasabing matalino at masunuring manugang. Sa pagtatapos ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, patutunayan niyang hindi siya ang luluhod at magmakaawa. Babangon siya at magtatagumpay dahil nasa likod niya ang lalaking batas ang bawat salita at buhay ang katumbas ng bawat pagkakamali. Si Argus Armadda. Top Boss ng LE CADRAN PH. Isang Business empire na nagko-kontrol sa economic movers ng bansa at may sapat na kapangyarihang dumurog ng kalaban sa isang kisap lang ng mata. Mabubuo ba ang matibay na pagmamahalan sa pagitan nila kung unang mahuhubog ang obsession ni Argus kay Yelena?
Lihat lebih banyakTatlong taon ng pagiging mag-asawa nila ay mistulang alikabok na hindi na mahagilap ni Yelena ang halaga. Kaya matapos mamatay ang panganay na kapatid ni Morgan, naglakas-loob siyang mag-file ng annulment. Gusto niyang lumaya, sa kabila ng mga pangamba sa posibleng epekto ng desisyon niya sa buong pamilya at sa mismong sarili niya, dahil aaminin man niya o hindi, minahal niya nang buong puso ang asawa.
"Ano ito?" Sumimangot si Morgan, nakarehistro sa mga mata ang gulat. "Dahil lamang hinarang ko ang sampal mo para kay Nova?" angil ng lalaking hindi makapaniwala.
Tuwing binabanggit nito ang pangalan ng hipag, naroon ang pagsuyo na hindi niya madama kapag pangalan niya ang sinasambit ng lalaki.
Hinamig ni Yelena ang sarili at malamig na sumagot, "Oo, dahil sa ilang beses mong pagtatanggol sa kaniya. Pinagmumukha mo akong kawawa, Morgan. Ako ang asawa mo at hipag mo lang si Nova. Pero nasaan ba ang simpatiya mo? Hindi ko na hihintaying sabihin mong umalis ako dahil mas importante sa iyo ang asawa ng kapatid mo.”
Iniwas ng lalaki ang mukha. Naiwan pa ang bakat ng palad niya sa pisngi nito. Parang dumi sa gwapo nitong mukha. He became a knight with losing armor. How cheap. Pumapayag na tamaan ng sampal niya para lang protektahan si Nova. Nagulat din naman ang pamilya nito, gaya niya. Pero nakakatawa. Kung hindi dahil sa bakat ng palad niya sa mukha nito, hindi siya magkakaroon ng sapat na tapang upang magpasya na palayain na ang sarili sa tanikala ng kanilang kasal, kahit ang kapalit niyon ay pagkadurog ng puso niya.
Masakit magmahal. Literal na itinuro iyon sa kaniya ni Morgan.
Three days ago...
Wedding anniversary nila ni Morgan. Naghanda si Yelena ng sorpresa para sa asawa. Naglakbay pa siya at pinuntahan ang negosyanteng kinomisyon niya para gumawa ng customized pocket watch. Hinatid niya iyon sa Baguio kung saan may business trip si Morgan. Pero sa halip na magiging memorable ang araw na iyon para sa kaniya'y inubos siya ng sakit at pagkawasak pagkatapos marinig ang pakikipag-usap nito sa mga kaibigan.
"Morgan, bakit ba tuwing wedding anniversary ninyo ni Yelena ay nagtatago ka? Ako na ang naaawa sa asawa mo. Tapat siya at mabuting babae, bigyan mo naman ng konsiderasyon ang kaniyang effort para mapasaya ka."
"Sa palagay mo ba gusto ko?" May bahid ng guilt sa tono ng lalaki. "Kung hindi ko ito gagawin, hindi siya maniniwala na hanggang ngayon ay hindi ko ginagalaw si Yelena. Na walang nangyari sa amin ng asawa ko."
Napalunok si Yelena habang tahimik na nakikinig mula sa kaniyang kinatatayuan. Hindi mapapansin kahit anino niya dahil malikot ang liwanag ng ilaw bagamat mahina at subtle lang ang musika.
"Siya? Si Nova ba ang tinutukoy mo?" Halos violent ang naging reaction ng mga kaibigan ni Morgan, partikular na si Mark. Pati ang kumakanta sa song box ay natigil dahil sa narinig. "Seryoso ka? Si Nova ba ang tinutukoy mo? Bakit? Ano'ng problema niya kung gagalawin mo si Yelena, eh, asawa mo iyon? May sira ka na sa utak, Morgan. Nanganak na 'yong hipag mo, pero hindi mo pa rin siya mapakawalan? Naintindihan kong first love mo si Nova at mahirap siyang kalimutan, pero si Yelena ang pinili mong pakasalan. Bigyan mo naman ng kunting respeto ang asawa mo!" May bakas ng inis sa boses ni Mark. "Isa pa, masyado mo nang binu-bully si Yelena. Mamaya niyan babalikan ka ni Argus."
"He won't and he can't." Piniga ni Morgan ang mga kamay. "Wedding of the decade kung ituring ang kasal namin ni Yelena. Walang magtatangkang guluhin kami, kahit si Argus pa. Besides, matagal nang blocked sa lahat ng communication outlet ng socmed ang taong iyon. For three years, wala siyang update sa naging buhay namin ng asawa ko."
Umatras na palayo si Yelena. Sapat na ang kaniyang narinig. Alam naman niya noon pa na may girlfriend si Morgan nang ikasal sila. Pero walang nagsabi sa kaniya kung sino ang babae. May kutob siya pero hindi rin niya makompirma. Hindi lang niya inaasahan na si Nova pala. Kapatid pa man din ang turing niya sa babae. Sa loob ng tatlong taon hindi niya ito pinag-iisipan ng masama. Nahihiya siya para sa sarili niyang katangahan.
Mag-isa siyang bumiyahe pauwi ng Maharlika Valley. Sa bigat ng loob ay nagpaulan siya patungo sa mansion, inisip na gaya lang ng mantsa ang sugat sa puso niya. Kapag binanlawan ay maglalaho. Basang-basa siya hanggang sa nilagnat tuloy siya na nagtagal ng dalawang araw. Noon dumating ang balitang naaksidente si Morris, nakatatandang kapatid ni Morgan at asawa ni Nova.
Sa Maharlika Valley ginanap ang burol at funeral ng lalaki. Dalawa hanggang tatlong oras lamang ang pahinga ni Yelena habang nagsisilbi sa burol. Matapos ilibing si Morris, pakiramdam niya ay malapit na rin siyang sumunod dito sa hukay dahil bumibigay na ang kaniyang resistensiya.
"Mang Carlos, doon tayo sa bahay," aniya sa diver pagkapasok sa loob ng sasakyan.
"Hindi ka uuwi ng Espace Elegance?" tanong ni Mang Carlos.
"Hindi po."
Tapos na ang libing pero tingin niya ay hindi pa tapos gumawa ng gulo ang mga Cuntis. Si Morris ang panganay na anak at apo, lumaki itong hawak ang ningning ng buwan at mga bituin. Ang hindi inaasahang pagpanaw nito ay nag-ugat sa kakulitan ni Nova sa extreme sports. Pinilit nitong mag-skydive si Morris pero disgrasyang napigtas ang harness kaya nahulog ang lalaki na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Noong dinala naman ito sa hospital, hindi rin agad naasikaso. Ang galit ng pamilya kay Nova ay wala pa sa sukdulan. Ayaw niyang makitang ipagtatanggol na naman ng asawa niya ang babaeng iyon.
Umuusad na ang sasakyan nang bigla silang harangin ni Morgan, Binuksan nito ang pinto at pumasok. Pure blacksuit, ang suot ng lalaki. Matangkad ito at slender built, ang gwapong mukha ay kababakasan ng pagiging masungit. Pero noon lagi niyang hinahanap-hanap ang mukhang iyon.
"Ready to go home?" tanong nito.
Tumango lang siya at itinapon ang paningin sa labas ng bintana. Hindi na siya nag-abalang tingnan itong muli dahil nasa tabi na nito sina Nova at Philip, ang anak ni Morris na apat na taong gulang pa lamang.
Halata ang takot at nerbiyos sa driver pero hindi iyon nakabawas sa husay nitong magmaneho. Hinintay sana ni Yelena na magkamali ito para makakilos din siya. Tanaw nila ang parating na pulis para harangin sila pero bigla itong pinigilan ng kasama nito.Nataranta siya. Baka hindi na siya makatakas pa. Hindi niya maaring isugal ang kaligtasan ni Argus pero hindi rin pwedeng silang dalawa ng anak niya ang mapapahamak. Palihim niyang kinalikot ang lock ng bintana pero hindi niya mabuksan. Naka-automatic lock iyon. Wala siyang ibang choice kundi magdabog sa loob at katukin nang malakas ang salamin. Pero sinaklot siya ng lalaking katabi.Dumaing siya sa sakit at halos mapaluha. "Mahahanap din tayo ni Argus, mabuti pang sumuko na kayo at pakawalan n'yo ako ngayon din!" singhal niya. "Alam ko kung ano ang kayang gawin ng lalaking iyon kaya nga tayo aalis agad. Hindi takot mamatay si Argus." Nagsalita ang lalaki at nabasa ni Yelena ang pagkatuliro sa mga mata nito. Naguguluhan din kung ano an
Ramdam sa tono ni Argus ang labis na pag-aalala at pati si Lola Rosela ay hindi na rin mapigil ang ligalig. "Kung may maitutulong ako, sabihin mo lang, Argus..." aniya sa lalaking palakad-lakad habang hinihintay nila roon sa bakuran si Morgan. "Malaking bagay na ho ang tulong ninyo para makuha ko ang antidote," sagot niya at muling pinukol ng tanaw ang direksiyon patungong garden. "Brian, ipa-trace kung nasaan ang secretary ni Morgan na sumundo kay Yelena," utos niya sa bodyguard."On-going na, Boss. Mamaya lang ay may update na tayo mula sa team ni Javier." "Lola, thank you sa pag-accommodate sa amin ngayon. Alam kong malaking abala itong ginawa namin," muli niyang hinarap ang matandang babae."Ano ka ba, apo rin ang turing ko kay Yelena. Dapat lang nagpunta ka rito para malaman na rin ni Morgan." Kapwa sila bumaling sa parating na lalaki. Bakas din ang pag-aalala nito, marahil ay nasabi na ng katulong na may sumundo kay Yelena sa hospital. "Argus...""Yelena is missing and she
Kahit itanggi pa ni Argus pero ang katotohanan ay lahat sila'y may malalim na pagmamahal kay Yelena. Lumaki itong kasama nila at nasusundan ang bawat yugto ng buhay nito. Kung paano sila nito napatawa noon. Ito ang naging gamot sa kanilang lungkot. Ganoon din ang papel nito sa piling ni Morgan noong hindi pa kasal ang dalawa. Maaring iyon ang gustong ipaglaban ng lalaki. Nasa third floor ang private suite ni Madam Myrna pero hindi na naghintay pa si Argus ng elevator. Mabilis siyang bumaba sa fire exit stairs at dumiretso sa monitoring room.Ang gwardyang nakabantay roon ay hindi magkandaugaga sa pagsalubong sa kaniya. Banaag sa mukha ang takot at halos hindi na gumana ang utak dahil biglang nadapa sa sahig."Boss Argus, ano po ang atin?"Itinuro ni Brian sa nguso ang monitor screen. "I-play mo 'yung CCTV footage from half an hour ago mula sa entrance ng inpatient building."Mabilis na tumalima ang gwardya at nagmadaling hinanap ang footage.Madilim ang mukhang nakapako sa screen an
"Grandma, bakit si Argus tinulungan n'yo pero ako lagi ninyong binabara? Inaamin kong nagkamali ako noon pero handa akong magbago at mahal ko si Yelena," may hinanakit sa tono ni Morgan.Pero imbis na makuha ang simpatiya ng lola niya, lalo lamang dumilim ang mukha nito."Ano'ng gusto mong mangyari? Kailan ka ba titigil, kapag nakita mong napahamak na siya? Binigyan ka na ng mahabang panahon para patunayan ang sarili mo pero sinayang mo lang.""Paano n'yo po nasasabing ipapahamak ko siya? Gusto ko lang po bumawi sa kaniya.""Huli na ang lahat, Morgan. Guguluhin mo lang ang isip ni Yelena. Hindi makakatulong sa kaniya ang gagawin mo. Kung buhay lang ang lolo mo, baka nasinturon ka na."Ilang saglit ding nawalan ng kibo si Morgan. Sa kaniyang paghinga ay sumasabay ang huni ng ibon at kaluskos ng dahon."Noong bata ka, kapag pinapagalitan kita, ganyan din ang tingin mo. Parang ang buong mundo may kasalanan sa'yo.""Minsan na niya akong pinili, grandma. Gusto ko lang ulit na-""Pinili ka
Bumalik sa alaala ni Morgan ang nakaraan, kung paano siya nagtatago at nagsisinungaling noon kay Yelena para lang hindi magtampo si Nova. Ni hindi niya naranasang mag-celebrate ng birthday kasama ang asawa. "Do you have enough? Umalis ka na and put some sense in that brain of yours, Morgan." Taboy
Hindi man lang gumaan ang pakiramdam ni Yelena kahit sinubukan niyang ipahinga ang isip. "Yaale, uuwi na ako roon sa kabilang bahay. Nga pala, pwede mo bang ilihim muna kay Mark ang tungkol sa nalaman natin ngayon? Ayaw kong makarating ito kay Argus.""Yelena-""Hindi ako galit sa kaniya. Pero gust
Maaga pa at kagigising lamang ni Nova nang tumunog ang cellphone niya. Sinipat niya iyon habang humihikab. Tila broken-hearted ang antok niyang nag-alsa balutan paalis sa kaniyang sistema nang makitang si Madam Eleanor ang tumatawag."Pumunta ka sa lumang commercial house," may antagonismo sa boses
Nagsara ang pinto at nasadlak doon si Yelena, kasunod ang pagsalakay ng mapusok na halik ni Argus sa mga labi niya. Sinubukan pa niyang itulak ang lalaki pero napako ang sa may ulunan niya ang kaniyang kamay habang kaliwa niyang palad ay nakadiin sa dibdib nito. Dama niya ang yumayanig na tibok ng p












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Peringkat
Ulasan-ulasanLebih banyak