로그인"TUMAWAG NA BA KAYO NG AMBULANSYA?!"
Nagkakagulo na ang lahat. Walang lumalapit at lahat ay hindi malaman ang gagawin. Lumakas ang tibok ng puso ni Czarina habang nakatingin sa may katandaan ng lalaki na nakahiga sa sahig. Bumilis ang paghinga niya at iniisip mabuti kung ano ang dapat niyang gawin sa ganoong sitwasyon. Nag-aral ng medisina si Czarina, bagaman hindi na siya nag-take ng board exam at wala gaanong aktwal na experience sa paggagamot. Sa kabila no'n ay patuloy ang pag-aaral niya ng medisina, madalas siyang magbasa ng mga libro tungkol doon, manood ng medical films, at manood ng mga aktwal na operasyon. Iritado siya na lumapit kay Mr. Freddie pero agad siyang hinarangan ng mga naroon. "I'll check on him," aniya pero sa halip na palapitin ay mas lalo siyang hinarangan. "Kaya mo? Alam naming lahat na galing ka sa pamilya ng mga doctor pero hindi ka doctor, Czarina. Wala kang alam sa mga ganitong bagay kaya 'wag ka nalang mangielam. 'Wag kang magmagaling." Kinagat niya ang dila sa loob ng bibig. Bumibigat na lalo ang paghinga niya. Ayaw niyang patulan iyon dahil mas importante ang pasyente sa kanyang harapan. Pero dinagdagan pa iyon ng mga boses sa kanyang likuran. "Buhay ang nakasalalay rito, Miss Laude. Huwag ka dito magpasikat." "Kaya mo bang ako-in ang responsibilidad? Of course, not. Idadaan niyo lang na naman sa pera kapag may nangyaring hindi maganda." "Huwag niyong palapitin. We can't let Mr. Jao die in her hands." Nanlulumong napapikit si Czarina. Gusto niya lang naman tingnan ang aktwal na sitwasyon ni Mr. Freddie Jao. Hindi naman siya gagawa ng aksyon na hindi niya sigurado. "Ano ang gagawin natin?" naiinis na sabi niya sa mga naroon. "Hihintayin natin ang ambulansya? Tingin niyo ba ay aabot pa iyon?" "Ano ang gusto mong gawin namin? Panoorin siyang mamatay sa mga kamay mo?" dinig niyang sabi ng isang babae. Tila tinutusok ng kutsilyo ang puso ni Czarina sa mga naririnig. She wasn't used to being looked down. At ngayon na harap-harapan niyang naririnig ang mga bagay na iyon ay sobrang nasasaktan ang damdamin niya. Napaatras siya ng dalawang beses, nanghihina ang buong katawan. She graduated with flying colors in medicine. Ilang beses na rin siyang sumama sa mga volunteers sa paggagamot. How can someone question her ability like that? "I'm a doctor!" Ang boses na iyon ang umagaw ng atensyon ng lahat. Hindi na kailangan pang lumingon ni Czarina dahil alam na alam niya kung kaninong boses iyon. It is the voice of her ex-bestfriend, Chloe. "Padaanin niyo, that's Doctor Chloe Smith, a heart surgeon," sabi ng isang naroon. Lahat ay namamangha at wala ni isang humarang sa babae. Nag-squat si Chloe sa tabi ni Mr. Jao at agad naglabas ng gamot na nasa bulsa nito. Binuksan nito ang ilang butones ng damit ng matanda. "Nandito ba ang pamilya ni Mr. Jao?" tanong ni Chloe at tumingin sa mga taong naroon. "May iba pa ba itong sakit maliban sa sakit sa puso?" Walang sumagot kaagad. "Assistant o kahit na sinong malapit sa kanya," dagdag ni Chloe. "Hindi ma-contact ang assistant niya," sabi ng isang lalaki roon. Hindi na nahintay ni Chloe ang sagot sa tanong niya. Agad niyang binigyan ng gamot ang matanda at nag-perform ng CPR. Isang malaking event iyon, present sa araw na iyon ang malalaking mga tao, mga celebrities, politicians, at mga anak ng mga mayayamang businessman. Pagkakataon iyon ni Chloe para magpasikat at hindi niya hahayaang magkamali kahit kaunti. Pasimple niyang nilingon ang gawi ni Zayden. Para bumagay sa lalaki, para maging katanggap-tanggap siya sa pamilya nito, ay kailangan niyang gumawa ng sariling pangalan. Pangalan na mas angat kaysa kay Czarina. Lumipas ang ilang minuto pero walang nangyayari. Nakatingin ang lahat maski si Zayden at Czarina. Kinakabahan si Zayden habang nakatingin kay Chloe. May takot sa dibdib niya na baka magkamali ang babae at baka hindi nito kayanin ang posibleng masasakit na salita na maririnig niya mula sa mga tao roon. Samantalang si Czarina ay walang pakielam kay Chloe at nakatuon ang buong atensyon kay Mr. Jao. Wala siyang pakielam kung si Chloe ang makakatulong dito, ang mahalaga ay maging ligtas ito. "He's moving!" bulalas ng isang naroon. Lahat ay natataranta na sa pagkakataong iyon, ang iba ay napahiyaw sa sobrang saya, at ang ilan ay tila nakahinga nang maayos pagkatapos magising ni Mr. Jao. "Mr. Jao, kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" tanong ni Chloe. Hindi nagsalita ang lalaki, halatang hirap pa rin ito sa paghinga. Umangat ang kamay nito at inilagay sa kanyang dibdib. "Malapit na ang ambulance, ligtas ka na," anunsyo ni Chloe. Nagpalakpakan ang mga naroon at nagpaligo ng sandamakmak na papuri para sa babae. "Kung wala ka, Ms. Smith, ay hindi na namin alam ang gagawin," sabi ng isang babae na nasa thirties na ang edad. "Ganyan dapat, doctor at may alam, hindi yung nagfi-feeling lang na kaya niyang isalba ang isang tao kahit wala naman siyang alam," parinig ng isa roon. Hindi na kailangan pang pangalanan, alam na ni Czarina kung sino ang tinutukoy nila. "Magagaling na doctors ang pamilya niya pero nakapasok lang naman sa university dahil sa koneksyon at pera. At talagang gusto niya pang gamutin si Mr. Jao gayong wala naman siyang alam.""Czarina?"Nagulat si Czarina nang ang bumungad sa kanya sa bahay nila noon ni Zayden, na bahay nalang ng lalaki ngayon, ay walang iba kundi si Chloe.Alam ni Zayden na darating siya ngayon kaya bakit nandito si Chloe? He knows they're not in good terms. Ano kaya naman ang nasa isip ng lalaki?Bahagyang dumilim ang mukha ni Czarina at halata na hindi ito natuwa nang makita ang babae."Nandito ako para kausapin si Zayden," aniya."Oh," gulat na sabi ni Chloe at pagkatapos ay ngumiti sa kanya. "May meeting lang si Zayden sa taas. Pasok ka muna."Niluwagan ni Chloe ang pagbubukas ng pinto na parang siya na talaga ang may-ari ng bahay.Pagpasok sa loob ay iminuwestra ni Chloe ang upuan na para bang hindi ilang taon na tumira roon si Czarina. Kumuha rin ito ng tubig upang ibigay sa kanya.Tahimik na pinagmasdan ni Czarina ang bawat kilos ni Chloe. She looks too homey. Parang ilang taon na itong nakatira sa bahay na iyon at kabisado na niya ang lahat.Palihim din namang pinag-aralan ni Chlo
Bitin ang tulog ni Czarina dahil mag-uumaga na siya nakauwi. Una niyang hinanap ang kanyang cellphone pero lowbatt iyon at hindi na ma-open kaya chinarge niya muna at habang hinihintay iyon ay kakain muna siya. Mag-a-alas nwebe na pala ng umaga.Patapos na mag-breakfast ang mga magulang nang makababa siya, medyo nagulat pa nga siya nang maabutan pa ang mga ito roon."Good morning, mom, dad, lolo, lola," aniya bago umupo sa kanyang upuan."How's your sleep? Hindi na kita naabutan kagabi na nakauwi, ah?" sabi ng dad niya."Medyo late na nga, dad. May minor incident din kasi so I took care of it before going home.""Mamaya na ang cruise party, 'wag kang mawawala doon ha. Nakahanda na ang mga gamit mo at isusuot. And that's a great place to socialize," sabi naman ng mommy niya.Ngumiti siya rito at hindi na sumagot. May plano siya sa kanyang isipan pero hindi niya alam kung paano iyon iaanunsyo sa pamilya.But she has to."Uh... may sasabihin po pala ako..." Nakuha niya agad ang atensyon
Kita ang gulat sa mukha ni Czarina nang banggitin ni Kyle Ford ang pangalan niya. Pamilyar ang babae rito dahil sa industriya nila ay malaking aspeto ang dapat kilala niyo ang isa't isa.Wala siyang maalala na naging pag-uusap nila ng lalaki noon at hindi rin pamilyar ang mukha nito sa kanya pero sa pangalang gamit nito ay alam iyon ni Czarina. Lumaki sa ibang bansa ang lalaki kaya hindi rin talaga ito nakakasalamuha ng babae."So, I assume we're friends now," mahina pero nakangiting wika ni Kyle.Pinanliitan ng mata ni Czarina si Kyle. "Why would you even assume that, Mr. Ford?""Because Zayden and I are good friends?" patanong na sagot nito. "And if I'm not mistaken, you're Zayden's wife.""Oh," mabilis na reaksyon ni Czarina. "Seems like you're really mistaken, Mr. Ford. Akala ko ba magkaibigan kayo? Bakit hindi ka updated sa buhay niya?"Bumalatay ang pagkalito sa mukha ni Kyle. Lumipat ang tingin nito kay Ichan na hindi pamilyar kung sino ba ang mga Ford. Ang mga mata ni Kyle ay
Mabilis na iniwan na rin ni Zayden si Ivan sa park at nagmaneho na pauwi. Litong-lito siya sa mga nangyayari at hindi rin siya natutuwa sa mga pasaring ni Ivan na hindi naman nililinaw kung ano.Kitang-kita sa bilis ng pagda-drive niya ang galit. Nang medyo makalayo na ay huminto muna ito sandali upang huminga at pakalmahin ang sarili.Paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang mga litanya ni Ivan. Aminado siya na nitong mga nakaraan ay nagiging emosyonal siya, bagay na hindi naman niya personalidad.Naglabas ito ng sigarilyo pero bago pa man niya iyon masindihan ay lumitaw ang maamong mukha ni Czarina sa kanyang isipan. That angelic face that glares at him when he smoke. Ayaw na ayaw nito ang amoy ng sigarilyo.Huminga ito nang malalim, binuksan ang bintana ng sasakyan, at itinuloy pa rin ang pagsindi sa sigarilyo. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili at ang isipan niya sa mga oras na iyon. He needs to clear things up with himself. Including his feelings for a certain woman.Hindi
"Ang saya naman ng mala-telenovelang love life mo, President Hart," nang-uuyam na turan ni Ivan. "Don't test my patient, Karlos," iritadong sagot ni Zayden dito. "Hindi ka pa rin nagbabago. Mula noong mga bata pa tayo ay iyan na ang problema mo, hindi mo kayang panghawakan ang sarili mong nararamdaman. That might be a strength on some areas as a businessman, but we both knew that all in all in this life, that's a weakness." Nandidilim na ang paningin ni Zayden kay Ivan. Talaga bang ngayon pa siya iti-trigger nito? Pero hindi niya maipagkakaila na tama naman ang lalaki. Ivan Karlos used to be his a close friend. Kilalang-kilala siya nito. Kung si Calix ay iniisip na isa lang siyang babaero na hindi makapili kina Chloe at Czarina, iba naman ang impresyon ni Ivan doon. He just know him so much to know that Zayden cannot handle his feelings and emotions well. Pero hindi na sila magkaibigan para pakinggan pa ang pinagsasabi ni Ivan. Paalis na sana si Zayden at wala ng balak na patul
Nagkatinginan sina Czarina at Zayden nang makita kung sino ang nagsalita. Kapwa sila nagulat at nagtaka kung bakit nandoon si Ivan. "Mr. Karlos!" bulalas ni Czarina. "Ano'ng ginagawa mo rito?" "Sinundan kita. Nahuli lang dahil may kausap ako kanina." Itinaas nito ang kamay na may suot na relo. "Medyo late na. I just want to make sure you go home safe." Awtomatikong nagsalubong ang dalawang kilay ni Zayden at tila nandilim ang paningin. Ang ibig bang sabihin no'n ay magkasama ang dalawa kanina? At kailan pa sila naging close para lumabas na sila lang? "Tss," iling ni Czarina. "Kaya kong umuwi ng mas late pa rito at normal na sa akin iyon. It's actually a good thing I have my car with me. Na-try ko na maglakad mag-isa ng hatinggabi noon." Bumalik ang mata ni Zayden kay Czarina. Hindi niya alam kung para saan at sinabi iyon ng babae kay Ivan. Pinupunto ba nito na kaya niyang mag-isa, o na walang kwenta ang asawa niya noon, o gusto lang nito mag-share ng karanasan kay Ivan? "Oh?"
Paglabas ay agad inalis ni Czarina ang kamay sa kanya ni Zayden. Natigilan si Zayden at tiningnan ang babae pero nilagpasan lamang siya ni Czarina. Wala siyang nagawa kung hindi ang sundan ito. "Saan ka pupunta?" "Hindi mo na ako kailangang ihatid," walang emosyong sabi ni Czarina. Sa ilang tao
"Hindi ako si Chloe, Zayden," pag-uulit ni Czarina nang ayaw pa rin siya pakawalan ni Zayden.Kinakabahan siya. Nasa proseso siya ng pagmo-move on at ang mga ganitong galawan ni Zayden ay hindi makabubuti sa puso niya."I..."Bago pa maituloy ni Zayden ang gustong sabihin ay malakas na bumukas ang
Malakas ang ulan nang lumabas ng bar si Czarina. Napangiti siya at niyakap ng bahagya ang sarili dahil sa malakas na simoy ng hanging dumapo sa kanyang balat.Pero agad siyang napaigtad sa gulat nang biglang kumulog at kumidlat ng napakalakas. Halos mangiyak-ngiyak niyang nilakad ng mabilis ang daa
Isang oras na ang lumipas pero walang dumating na kahit sino. Nakabusangot na si Chloe at halos sakalin na sa kanyang isipan ang kung sino mang hacker na iyon. Kung wala lang siyang kailangan doon ay hindi siya maghihintay ng ganito katagal. "Ma'am, darating pa po ba iyon?" nag-aalalang tanong ng







