The Billionaire's Sassy Maid

The Billionaire's Sassy Maid

last updateLast Updated : 2026-07-06
By:  Maxellian AxtonUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Mayaman ka lang, Sir. Pero Hindi ibig sabihin no'n, lagi kang tama." - Sophie Akala ni Elias Gabriel "Gab" Monteverde, pera ang kayang magpasunod sa lahat. Bilang isa sa pinakabatang billionaire sa buong bansa, sanay siyang sumunod sa lahat ng gusto at utos niya. Walang empleyadong nagtatagal sa kanyang mansyon dahil sa pagiging suplado, istrikto at perfectionist niya. Hanggang sa dumating si Sofia "Sophie" Montereal. Isang babaeng madaldal, makulit, nakakairita at walang takot na maid na hindi marunong yumuko sa kahit sino—lalo na sa kanyang amo. Sa halip na matakot… nagagawa pa niyang sagutin-sagutin ang isang billionaire na kagaya ni Gab. Mula sa walang katapusang bangayan, nakakahiya ngunit nakakatawang mga insidente, at mga asarang nagpapabilis ng tibok ng puso, unti-unting nababasag ang malamig na puso ni Gab. Ngunit paano kung ang simpleng maid na pilit niyang gustong tanggalin… ang siya ring babaeng hindi niya kayang pakawalan? Sa isang mansyon na puno ng lihim, tawanan, at pagmamahalan—sino ang unang susuko? Ang billionaire na sanay na nasusunod… o ang Sassy Maid na hindi kailanman nagpapatalo?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

(CHAPTER 1 - WELCOME TO MONTEVERDE MANSION)

SOFIA's POV

Hindi ko akalaing ang pagtanggap ko sa trabahong ito ang tuluyang magpapabago sa buhay ko.

"Kapag hindi ka pa rin tumagal dito, ewan ko na lang talaga," sabi ng aking agency manager na si Suzette, habang binababa ang mga gamit ko. Hinatid niya ako sa tapat ng isang napakalaking mansyon na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.

Napanganga ako habang nakatingala sa napakataas na itim na bakal na gate na may gintong nakaukit na apelyidong 'MONTEVERDE' sa gitna. Sa likod nito ay tanaw ko ang malawak na hardin na puno ng pulang rosas, isang napakalaking fountain, at isang mansyon na halos hindi ko maaninag ang dulo.

"Grabe… bahay ba 'to o hotel?" bulong ko sa aking sarili.

Napailing ang aking manager. "Huwag kang masyadong maingay. Kilalang-kilala ang magiging amo mo."

"Hmm... celebrity?" curious kong tanong.

"Hindi," sabi niya habang nakataas ang kilay.

"Politiko?" hirit ko pa rin.

"Hindi rin."

"Artista?" Napanguso ako. Ang hirap namang hulaan. Paanong kilala-kilala, eh marami-rami lang ang may kakayahang bumili ng ganito karangya at kalaking mansyon.

"Mas nakakatakot pa," bumuntong-hininga ang aking manager.

Napakunot-noo ako. "Eh, sino ba?"

Huminga siya nang malalim. "Sí, Elias Gabriel Monteverde aka Sir Gab."

Natigilan ako. "Ah..."

Napatingin siya sa akin. "Narinig mo na ang pangalan niya?"

Napakamot ako sa ulo ko. "Hindi. Sino ba siya?"

Halos mapa-facepalm si manager dahil sa sagot ko. "Isa siya sa pinakabatang billionaire sa buong bansa."

Tumango-tango ako, "Ah… kaya pala ang laki ng bahay niya kasi billionaire pala siya."

Muling bumuntong-hininga si manager. "Hindi 'yan ang problema."

"Ano po ang problema?"

"Ikaw," turo niya sa akin.

"Ha? Ako?" Paanong ako?

"Walang maid na tumatagal sa mansyon na 'yan. Nakakailang tawag na sa akin ang management para magpadala ng maid sa mansyon na ito. Kaya nag-aalala ako… dahil ikaw ang napili nila para ipadala dito. Isa ka ring walang tinatagalan na employer, eh."

Napataas ang kilay ko, "Bakit? Nangangagat ba ang amo?"

"Hindi." Humikab siya.

" Nambabato...?"

"Hindi!"

"Edi ano pala?" naiinis kong sabi.

"Masungit."

"Sus, 'yon lang pala. Akala ko naman nangangatok sa gitna ng gabi." Napabuntong-hininga ko.

Napahawak siya sa noo. "Ano'ng 'yon lang?

"Oo," mayabang kong sagot.

"Alam mo bang limang taon nang walang tumatagal na maid sa mansyon na iyan! At ilang maid na rin ang naipadala namin sa kanya. Ikaw na nga lang ang last option, eh!"

"Five years?" Tinaas ko ang aking kamay sa harapan niya habang nagugulat sa sinabi nito.

Tumango siya. "May tumagal ng tatlong araw."

"O? Anong nangyari?" Maang tanong ko,

"Umiiyak nang umalis."

"Mahina," umiiling na sabi ko habang nakatayo pa rin kami sa tarangkahan ng mansyon at bitbit ang aking mga gamit habang naghihintay sa magbubukas para sa amin.

"May tumagal na rin ng isang linggo."

"Ow, tapos?" Na-curious ako sa maid na nakatagal ng isang linggo.

"Nag-resign habang nanginginig." Walang ganang sagot ni manager na para bang nawawalan na ng pag-asa.

"Mas mahina," komento ko. Naku-curious tuloy ako kung bakit walang tumatagal na maid sa mansyon na ito. Pangit ba iyong bilyonaryo na iyon? Parang beauty and beast, nyayyy!

"May isa namang sinampal ang resignation letter sa lamesa."

Aba, matapang.... Napangiti ako. " Okay siya ah, gusto ko ang tapang niya."

Napapikit ang mata ng manager. Siguro nagtitiyaga siya na huwag akong pagsalitaan dahil alam niya ang ugali ko. Pakiramdam ko pa nga na parang napipilitan lang siyang ipadala ako dito. Nasabi pa nga niya na 'last option' niya lang ako na ipadala sa mansyon na ito.

"Makinig ka, Sophie."

"Okay, po."

"Please lang, Huwag mong sasagutin ang amo mo,"

"Paano kung mali siya?"

"..." Tinitigan ako ng manager ko. "Huwag."

"Eh, Kung unreasonable?" Napanguso ako ulit.

"Please, Sophie. Huwag."

"Paano kung siya ang nagsimula? Tapos, mali talaga siya?"

"Huwag pa rin." 'Yung mukha ng manager ko na ito, parang maiiyak na sa kunsumisyon sa akin.

Napakamot ako sa ulo. "Ang hirap naman n'on."

Bago pa siya makasagot ulit....

BEEEPPPP!

Unti-unting bumukas ang napakalaking gate.

Napalunok ako. Sabay ngiti, "Game na."

Tumingin ako sa manager ko na si Suzxette. "Ms. Suzxette, kalma ka lang. Ako lang ito, si Sophie. Ako ang bahala sa big client ng agency natin." Sabi ko, sabay kindat sa kanya.

Inirapan lang niya ako. Napatingin kaming dalawa sa matandang babae na lumabas sa bakal na gate.

"Ikaw ba si Sofia?" Tanong ng isang matangkad na babae na nasa limampung taong gulang, maayos ang postura at may seryosong mukha.

"Ayie, ayiehhh. Yes, madam!" sabi ko na sumaludo pa sa matandang mukhang mayodroma.

Hindi ako masyadong pinansin ng matanda. Tumingin ito kay Manager. "Na-briefing mo na ba siya? Mukhang maingay ang babaeng ito. Baka bukas lang din palayasin agad ito."

Grabe naman, makajudgemental ang mayodromang ito. Sumimangot ako.

"Ah... Opo, nasabi ko na po sa kanya tungkol sa mga maid na natanggal agad," mahinahon at nahihiyang sabi ni Manager.

"Last na itong chance ni Sir Gab sa inyo, kapag hindi pa rin niya nagustuhan ang mga pinapadala niyong maid, tapos na ang kontrata sa agency niyo."

Nilakihan ng matanda ang bukas sa gate. "Oo nga pala, ako si Mayodroma Matet. Nanay, Matet na lang ang itawag mo sa akin. Pumasok ka na at ayaw ni Sir Gab ng maraming tao sa tapat ng bahay niya. "

"Nanay Matet lang po? Akala ko po may 'Madam' sa unahan."

"Sophieee.... please behave yourself." pasimple akong kinurot nito sa tagiliran.

"Ouch, Ms. Suzxette!" sigaw ko.

"Shhhh!" saway agad ng matandang mayodroma.

Nakita ko ang mahinang pagtawa ni Manager. Pero alam ko, kinakabahan ito sa magiging resulta ng pagpapadala niya sa akin sa mansyon, na para bang isang nakakatakot na lugar, pero maraming perang naghihintay…

Hmmm.... Ganoon ba talaga siya kasungit? O baka naman pangit lang kaya laging nakasimangot?

Pagkapasok ko sa gilid na gate, para akong napunta sa ibang mundo. Sa magkabilang gilid ng malawak na driveway ay nakahanay ang mga pulang rosas na maingat na inaalagaan. Sa gitna naman, isang malaking fountain na ang linaw-linaw ng tubig na parang kumikislap sa sinag ng umaga.

Ilang hakbang pa lang, bumungad na sa akin ang napakalaking mansyon. Kulay puti ang panlabas nitong pader na may halong kulay abo at malalawak na bintanang salamin. Hindi ito mukhang bahay ng isang modernong bilyonaryo. Mas kahawig pa nga ito ng isang lumang European estate—simple, elegante, at tahimik.

Napalunok ako… "Grabe.... Ilang tao kaya ang kailangan para linisin 'to?" bulong ko.

Bumungad agad ang napakataas na kisame na may nakasabit na napakalaking crystal chandelier. Kumikinang ang marmol na sahig na para bang bawat sulok ay araw-araw pinapakintab. Sa magkabilang gilid ay may magagarang painting at mga antique na kasangkapan, habang sa gitna ay isang malawak na hagdang paikot paakyat sa ikalawang palapag.

"Sumunod ka sa akin," malamig na sabi ni Nanay Matet.

Habang sumusunod ako kay Nanay Matet, hindi ko napansing napahinto ako sandali nang mapadaan kami sa isang lumang oil painting ng isang eleganteng babae. May kung anong kakaibang pakiramdam na dumaan sa aking dibdib, pero agad ko rin iyong ipinagkibit-balikat.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang tumapak sa loob ng Monteverde Mansion. Hindi ko pa alam na ang bahay na ito ang magiging simula ng pinakamagulong kabanata ng buhay ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status