LOGINCHAPTER 3 — FINISHED?
SOFIA'S POV Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ang buong Monteverde Mansion. Ako? Kanina pa gising. Hindi dahil masipag ako o ganado sa unang opisyal na araw ko ng pagtatrabaho. Kundi dahil naligaw lang naman ako kagabi papunta sa banyo sa dulo ng quarters namin. "Huwag kang tatawa, Sophie," bulong ko sa sarili habang naglalakad sa malawak na pasilyo patungo sa kusina. "Isang barangay ba naman ang laki ng bahay na 'to, natural lang na mawalan ka ng direksyon." Pagpasok ko sa kusina, bumungad sa akin ang ilang staff na seryosong abala sa paghahanda ng almusal. "Good morning po," masigla kong bati. Halos sabay-sabay silang tumango, pero walang nagsalita. Parang natatakot silang ngumiti o gumawa ng kahit anong emosyon. Grabe, sa ganda ng mansyong ito, parang may multo yata sa takot ng mga tao rito. "Magandang umaga," seryosong bati rin ni Nanay Matet habang papalapit sa akin. "Magandang umaga po, Nanay Matet." Tinanguan niya ako at itinuro ang isang tray sa counter. "Ikaw ang magdadala ng kape ni Sir Gab sa study room niya." Napakurap ako. "Ako po agad? Bakit ako?" "Dahil ikaw ang pinakamalapit sa kaniya ngayon." Napakamot ako sa ulo. "Mukhang malas yata ang pagiging malapit." Inilapag ng head cook ang isang puting porselanang tasa sa ibabaw ng tray. "Black coffee. Walang asukal. Walang cream. At siguraduhing mainit kapag nakarating sa lamesa niya." Tumango ako. "Copy po." Bago ko mabuhat ang tray, humarang si Nanay Matet sa harap ko. "At isa pa, Sofia." "Po?" "Huwag kang magsasalita. Maliban na lang kung direkta ka niyang kausapin. Huwag mo ring guguluhin ang anumang ginagawa niya. At huwag kang magtatagal sa loob." Napabuntong-hininga ako. "Parang military training naman po pala rito." Tinapik niya ang balikat ko na tila nakikiramay. "Mas mahirap pa rito." Huminga muna ako nang malalim bago marahang kumatok sa malaking pinto ng study room sa dulo ng ikalawang palapag. Tok... tok... "Come in." Malamig. Kalmado. Walang kaano-anong emosyon. Pinaglihi ba ito sa sama ng loob noong nasa sinapupunan? M Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Halos mapasinghap ako sa laki ng kaniyang personal na opisina. Napapalibutan ito ng matataas na bookshelf na umaabot hanggang sa kisame, may malalawak na bintanang salamin, at isang mahabang conference table sa gilid. At sa pinakadulo, sa likod ng kaniyang malaking mahogany desk, nakaupo si Elias Gabriel Monteverde. Nakatutok ang kaniyang tingin sa hawak na tablet habang may ilang dokumentong nakalatag sa mesa. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin nang pumasok ako. Tahimik akong lumapit at maingat na inilapag ang tray. "Sir… ang kape n'yo po." Wala pa ring sagot. Ni hindi gumagalaw ang kaniyang mga mata mula sa screen. Tatalikod na sana ako para lumabas tulad ng instruction ni Nanay Matet, nang marinig ko ang mahinang tunog ng porselana mula sa likod ko. Tik. Napalingon ako. Dahan-dahan niyang itinulak palayo ang tasa ng kape gamit ang kaniyang mahahabang daliri. Hindi niya ito ininom; hindi man lang tinikman. At lalong hindi siya nagsalita. Tiningnan ko ang kape. Binalik ko rin ang tingin ko sa kanya. Napakunot ang noo ko. Ano ’yon? Lumipas ang ilang segundo ng nakabibinging katahimikan. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpapaliwanag. Napabuntong-hininga ako. "Sir..." Tahimik pa rin. "Hindi n'yo po ba gusto ang timpla?" Walang sagot. Napatingin ako sa tray at napasinghap nang mahina. "Ay… nakalimutan ko yatang lagyan ng kutsarita. Pero sandali..." Umiling-iling ako. "Black coffee nga pala. Wala namang hahaluin doon." Napakamot ako sa ulo at tumingin nang diretso sa kaniya. "Sana sinabi n'yo na lang po kung may mali, hindi 'yung tinutulak n'yo ang tasa na parang may lason. Hindi po kasi ako marunong manghula." Dahan-dahan at swabe iniangat ni Sir Gab ang kaniyang tingin. Ang kaniyang madilim at malamig na mga mata ay dumiretso sa akin. Hindi ko napigilang magsalita. "Mayaman ka lang naman, Sir. Hindi ibig sabihin no'n, lagi kang tama." Tahimik ang buong study room. Sobrang tahimik na halos marinig ko ang sarili kong tibok ng puso. Lumipas ang ilang segundong katahimikan bago niya dahan-dahan ibinaba ang tablet sa ibabaw ng mesa. Tumayo siya mula sa kaniyang high-back chair. Isang hakbang. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa huminto siya sa mismong tapat ko. Dahil sa tangkad niya, halos mapatingala ako nang kaunti para mapanatili ang tingin sa kaniya. Hindi siya galit. Hindi siya sumigaw. Wala ring bakas ng pagkainis sa kaniyang mukha. Mas lalo lang lumamig at naging seryoso ang kaniyang ekspresyon. Pero sa unang pagkakataon… gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi ko. Tinitigan niya ako nang diretso sa mga mata. Nang magsalita siya, ang boses niya ay napakahina, napakakalmado, ngunit may talim na nakatutusok sa balat. "Finished?" Napakurap ako, bahagyang natigilan sa kakaibang lakas ng kaniyang presensya. "Po?" "Finished?" Pag-uulit niya sa parehong mahina ngunit mapang-utos na tono. Napalunok ako. Hindi ko namalayang napaatras ako ng isang hakbang palayo sa kaniya dahil sa kakaibang intensity ng aura niya. Ilang segundo pa kaming nagtitigan nang walang kumukurap. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang inilihis ang kaniyang tingin patungo sa direksyon ng kaniyang mesa. "From today onward," panimula niya habang naglalakad pabalik sa upuan. "You'll be responsible for cleaning this study." Bahagya siyang huminto. Kasabay ng isa na namang katahimikan. "Every day. Until I say otherwise." Iyon lang. Binalikan niya ang tablet na para bang walang nangyaring anuman sa pagitan namin. Napanguso ako habang nakatitig sa kaniya. Parusa na ba 'yon? O gusto lang talaga niyang magpalinis ng opisina niya? Bilyonaryo nga naman… kung magbibigay ng parusa, parang gumagawa lang ng panibagong assignment. Tahimik akong lumingon at lumabas ng study room. Pagkasara ko pa lang sa mabigat na pinto, bumungad na agad sa harap ko ang mukha ni Nanay Matet na halatang kanina pa naghihintay doon. "Diyos ko, Sofia…" mahinang bulong niya, hawak ang kaniyang dibdib. "Ano'ng ginawa mo sa loob? Bakit natagalan ka?" Napakurap ako at ngumiti nang tipid. "Wala naman po, Nanay Matet. Pinagsabihan ko lang nang kaunti." Nanlaki nang todo ang mga mata ng matanda. "Pinagsabihan mo? Si Sir Gab?" "Opo," tumango-tango ako, Napapikit si Nanay Matet at napahawak sa kaniyang noo, tila nagdarasal sa langit. "Diyos ko… pangalawang araw mo pa lang, sumagot ka na kay Sir. Magdasal ka na." Napakamot na lang ako sa ulo. "Grabe naman… nagsasabi lang ako ng totoo."CHAPTER 12 — THE FAVORITISM RUMORSOFIA'S POVMasarap ang gising ko kinaumagahan. Ewan ko ba, parang may kung anong liwanag ang nakapalibot sa akin habang nag-uunat ako. Sino ba namang hindi gaganahang magtrabaho kung ang pinakamasungit na bilyonaryo sa bansa ay dalawang beses nang nagpasalamat sa iyo at may bonus pang 'Good work' kagabi? Feeling ko talaga, unti-unti ko nang nakukuha ang tiwala ng boss ko. Ayiee… muntik ko nang sabihing puso.Ngunit ang magandang mood ko ay agad na nawala rin nang magsimula na ako sa aking mga routine sa ikalawang palapag.Habang hawak ko ang walis at marahang naglilinis sa hallway, napansin ko ang tatlong kasambahay sa may gilid ng linen closet. Mabilis silang nagkumpulan at nagbubulungan habang nakasulyap sa direksyon ko, mga marites!"Siya na naman ang pinapasok sa study room kahapon, ’di ba?" pabulong na sadyang pinaparinig ng isa sa akin. "Oo. At balita ko pa nga, siya pa raw ang nagtimpla ng kape para kay Sir Gab kagabi," sagot naman ng isa pa.
CHAPTER 11 — THE MIDNIGHT COFFEESOFIA'S POVHalos alas-onse na ng gabi. Tahimik at madilim na ang malaking mansyon dahil tulog na ang halos lahat ng mga kasambahay sa kanilang mga quarters.Dahil sa tindi ng sikat ng araw kaninang hapon habang nagdidilig ako sa garden, nagising ako ngayong gabi na tuyong-tuyo ang lalamunan. Bumangon ako mula sa aking higaan at tahimik na naglakad pababa patungo sa kusina para uminom ng tubig.Habang binabaybay ko ang madilim na hallway sa ikalawang palapag, napahinto ako nang mapansing may kaunting liwanag na nanggagaling sa bahagyang nakabukas na pinto ng study room.Napakunot ang noo ko. Dahan-dahan akong lumapit at sumilip sa maliit na siwang ng pinto."Grabe… hindi pa rin ba natutulog ang taong 'yon?" bulong ko sa aking sarili.Sa loob ng silid, naroon si Sir Gab. Nakaupo pa rin siya sa kaniyang high-back leather chair sa harap ng kaniyang laptop.Halos mapuno ang malawak niyang lamesa ng mga makakapal na reports, conference documents, at mga fin
CHAPTER 10 — THE MILLION-PESO INVENTORY PART 2SOFIA'S POVNang matapos ang buong audit, halos mapaupo na ako sa sahig ng study room sa tindi ng pagod. Pawis na pawis na ako at nakakaramdam na ako ng ngawit sa aking mga binti. Subukan mo kayang sumunod sa boss mong parang hindi marunong mapagod. Baka ikaw rin ang mawalan ng kaluluwa bago pa siya hingalin.Iyong mukha kang hagard, dosa, samantalang iyong kasama mong amo na nakatayo sa harap ng kaniyang desk… mukhang pa ring bagong ligo ang hitsura at hindi man lang nagulo ang kaniyang buhok. Nakakainis ang stamina ng mga bilyonaryong ito. Kahit siguro maghapong magtrabaho o tumayo ito sa labas ng gate, mukha pa rin itong mabango.Kinuha niya ang makapal na bundle ng aking inventory sheets. Isa-isa niyang binuklat ang mga pahina, seryosong sinusuri ang bawat numero, description, at halaga ng mga isinulat ko.Katahimikan. Kinakabahan ako habang nakatitig sa kaniya. Para akong naghihintay sa hatol ng isang propesor kung tama ba ang mga sa
CHAPTER 9 — THE MILLION-PESO INVENTORYSOFIA'S POVAkala ko talaga, pagkatapos ng naganap na 'Crystal Vase Incident' kahapon kung saan lihim na ipinagtanggol ako ni Sir Gab gamit ang CCTV footage, ay magkakaroon na ako ng kahit isang araw lang ng katahimikan at kapayapaan sa mansyong ito.Hindi pala mangyayari. Kinaumagahan, habang masaya akong kumakain ng pandesal at humihigop ng mainit na kape sa kusina, biglang sumulpot sa harapan ko si Nanay Matet. May hawak siyang isang napakapal na clipboard at seryoso ang kaniyang mukha. Ano na naman kaya ito? "May annual insurance at inventory audit ang buong Monteverde Estate ngayon," pormal na bungad ni Nanay Matet.Napakurap ako. Muntik na akong mabulunan sa kinakaing pandesal. "Inventory... audit? Ano po ’yon?" Ano naman ang kinalaman ko doon?"Bibilangin, i-che-check, at pormal na idodokumento ang lahat ng antiques, paintings, sculptures, crystal collections, at vintage collectibles sa buong mansyon," paliwanag niya. "At may utos si, Si
CHAPTER 8 — THE FIRST WARNINGSOFIA'S POVKinaumagahan pagkatapos ng aking madugong library test, maaga akong bumaba sa kusina para kumuha ng tsaa. Masaya ako dahil kahit papaano, nakakuha ako ng salitang 'Acceptable' mula sa pinakamasungit na bilyonaryong amo sa buong bansa.Para sa akin, katumbas na iyon ng isang gold medal, Enebe Yen...Ngunit pagpasok ko pa lang sa kusina, agad na naputol ang marahan kong pagmuni-muni. Ang ilang kasambahay na nakatipon sa gilid ng counter ay mabilis na nag-iwas ng tingin, ngunit malinaw ko pa ring narinig ang kanilang mga pabulong na usapan."Paborito ka na yata ni Sir Gab," mahinang wika ng isa na sapat lang para umabot sa pandinig ko."Oo nga," sang-ayon naman ang katabi nito. "Tatlong beses mo na siyang naiistorbo sa loob lang ng isang linggo—mula sa library, sa silent dance mo, hanggang doon sa malaking meeting sa foreign investors—pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin niya pinapatalsik. Ang iba rito, isang maling galaw lang, i-impake na sila
CHAPTER 7 — THE UNEXPECTED TESTSOFIA'S POVMatapos ang halos limang minutong pakikipagngitian at pormal na pagpapakilala ko sa limang foreign investors on screen habang si Sir Gab ay tila nagpipigil na lang ng hininga sa tabi ko, natapos din sa wakas ang video conference.Click.Nang tuluyang mamatay ang monitor, muling bumalik ang nakabibinging katahimikan sa loob ng study room. Tahimik kong nilaro ang mga daliri ko habang nakatayo sa gilid, naghihintay ng hatol.Hindi agad tumayo si Sir Gab. Inayos niya ang kaniyang mga sleeves bago dahan-dahang sumandal sa kaniyang upuan.Tumingin siya sa akin—malamig, kalkulado, at walang kaano-anong emosyon."The investors like you," simpleng utos at pahayag niya. Ang boses niya ay mababa at baritono.Biglang nagliwanag ang mukha ko. Automatic na pumasok ang self-confidence ko sa katawan. "Talaga po, Sir? Naku, sabi ko naman sa inyo, effective talaga ’yung charisma ko kahit sa mga taga-ibang bansa. International market pala ang level ko—""That







