登入CHAPTER 2 — THE BILLIONAIRE APPEARS
SOFIA's POV Tahimik. Iyon agad ang napansin ko habang sinusundan ko si Nanay Matet sa loob ng Monteverde Mansion. Hindi ito ang ordinaryong katahimikan na maririnig mo sa simbahan o sa library. Ito iyong klase ng katahimikan na parang pati ang hangin ay nagdadalawang-isip kung gumawa ng ingay. Napatingin ako sa paligid. May mga kasambahay na abala sa kani-kanilang trabaho. May naglilinis ng malalaking bintanang salamin, may nag-aayos ng mga sariwang bulaklak sa plorera, at may maingat na nagdadala ng tray ng tsaa. Lahat sila seryoso. Walang nagkukuwentuhan. Walang nagtatawanan. Parang bawal maging masaya rito. Ang boring naman. Lumapit ako nang kaunti kay Nanay Matet at marahang bumulong. "Nanay Matet..." Hindi siya lumingon, diretso lang ang lakad. "Ano 'yon?" "Bawal po bang huminga nang malakas dito?" Huminto siya sa paglalakad. Dahan-dahan niya akong nilingon. Seryoso ang mukha. "Hindi." Napangiti ako. "Ay, buti naman po." Napapikit lang ang matanda at marahang umiling, tila pinipigilan ang sarili niyang makipagtalo sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad at isa-isang ipinakita sa akin ang bawat sulok ng mansyon. "Ito ang main living room," panimula niya habang itinuturo ang napakalawak na sala. Halos malula ako sa laki. May dalawang grand piano sa magkabilang sulok, napakataas na kisame, at mga mamahaling painting na mukhang milyun-milyon ang halaga. "Wow..." Napakamot ako sa ulo. "Ilang araw kaya bago ko matapos alisin ang alikabok sa bahay na 'to?" "Walang alikabok rito," maikling sagot niya. Napakurap ako. "Ha?" "Araw-araw nililinis. Walang puwang ang dumi rito." Tahimik akong tumango. Sige, noted. Pati alikabok yata, takot sa may-ari ng bahay na 'to. Pakiramdam ko, sampung bahay na ang nalibot namin habang binabanggit niya ang mga kwarto: dining hall, receiving area, library, music room. Sa huli, huminto kami sa paanan ng isang malaking hagdan na gawa sa mamahaling marmol. "Makinig kang mabuti, Sofia. Ito ang mga pangunahing alituntunin sa bahay," seryosong sabi ni Nanay Matet. Bigla akong napaayos ng tayo. "Opo." "Una, bawal pumasok sa study room nang walang pahintulot. Pangalawa, hinding-hindi ka aakyat sa third floor. Pangatlo, huwag mong guguluhin o kakausapin si Sir Gab habang nagtatrabaho siya. Pang-apat, laging on time. At panglima, walang tsismisan habang naka-duty." Napakamot ako sa batok. "Nanay Matet, may curfew din po ba ang paghinga?" Hindi siya sumagot. Tinitigan niya lang ako nang malamig. Mahina akong umubo para bawiin ang biro ko. "Sabi ko nga po, gets ko na. Malinaw na malinaw pa sa sabaw ng nilaga." Habang muli kaming naglalakad patungo sa kabila, may isang malaking oil painting na biglang nakakuha ng pansin ko. Isang eleganteng babae ang nasa larawan. Mahaba ang buhok nito at may matalim ngunit tila mabait na mga mata. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong puwersa na humila sa akin upang huminto. May pamilyar na pakiramdam na dumaan sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko… parang nakita ko na ang mga matang iyon noon. "Sophie," tawag sa akin ni Nanay Matet. Napakurap ako at binitawan ang tingin sa painting. Lumingon ako sa kaniya. "Nandiyan na po." Tahimik akong sumunod, pilit na ipinagkibit-balikat ang kakaibang kaba sa puso ko. Gulat na lang ako nang biglang isa-isang tumigil sa paggalaw ang lahat ng staff sa paligid namin. Ang hardinero sa labas, ang kusinero sa may counter, ang driver na may dalang susi, pati ang kasambahay na may hawak na tray—lahat sila biglang naging estatwa. Tahimik. Walang gumagalaw. Napakurap ako at napatingin sa kisame. "May drill po ba?" bulong ko kay Nanay Matet. Walang sumagot sa akin. TOK... TOK... TOK... Isang mabigat at ritmikong tunog ng sapatos ang umalingawngaw mula sa ikalawang palapag. Unti-unti akong napatingala sa grand staircase. Isang pares ng makintab na itim na sapatos ang unang bumungad sa aking mga mata. Kasunod ang maayos na itim na trousers. Isang mamahaling relo ang bahagyang kumislap sa kaniyang pulso. Nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang dress pants habang dahan-dahan siyang bumababa. Mataas. Matipuno. Malinis ang tindig. At nang tuluyan kong makita ang mukha niya… napakurap ako. 'Gwapo nga... pero parang freezer ang ugali.' Huminto siya sa huling baitang ng hagdan. Ang kaniyang malamig at madilim na mga mata ay diretso at walang pakundangan na tumatama sa akin. Walang nagsalita. Walang gumagalaw. Pakiramdam ko, kahit ang orasan sa dingding ay nahihiyang tumunog. Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon o sa presensya niya, pero kusa akong napalunok. Malamig at kontrolado ang boses niya nang magsalita. "Ikaw ang bagong maid?" "Opo," sagot ko, pilit na pinapanatili ang boses ko. "Name." "Sofia Montereal," Tahimik siyang tumingin sa akin. Walang emosyon ang mukha niya. Walang reaksyon. Para bang pangalan ko lang ang kailangan niyang malaman. "Rules," maikli niyang dugtong. Nalito ako. Napakurap ako. "Po?" Bago pa ako makasagot nang tuluyan, mabilis na sumingit si Nanay Matet. Halata ang bahagyang kaba sa boses. "Hindi pa po tapos ang orientation niya, Sir Gab. Kasalukuyan ko pa lang pong ipinaliliwanag." Hindi agad sumagot si Sir Gab. Nanatili ang malamig niyang tingin sa akin bago siya nagsalita uli. Ang boses niya ay hindi pasigaw, ngunit napakahina at napakatalim. "I don't repeat instructions." Pagkasabi niyon ay dumaan siya sa gilid namin at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng mansyon patungo sa naghihintay niyang sasakyan. Hindi na siya lumingon kahit isang beses. Nang tuluyang magsara ang malaking pinto… saka pa lang muling gumalaw ang lahat. May kusinerong napabuntong-hininga. May driver na muling naglakad, maging ang mga kasambahay na saka lang naglakas-loob na magsalita. Para bang ngayong lang pinayagang huminga ang buong mansyon. Matapos naming marinig ang pag-andar ng kaniyang sasakyan, palayo. Dahan-dahang napahawak sa dibdib si Nanay Matet at lumingon sa akin. Humakbang siya palapit at mahinang bumulong, "Makinig ka, Sofia. Kapag may isang mali kang nagawa sa harapan niya… wala ka na rito kinabukasan." Napakamot ako sa ulo ko habang nakatingin sa nakasarang pinto ng mansyon. "Seryoso po siya roon?" Tumingin ako sa malaking hagdan kung saan siya bumaba kanina. Napabuntong-hininga ako. 'Gwapo nga… pero parang kailangan niya ng isang tasang mainit na tsokolate para matunaw ang yelo sa ugali niya. Mukhang kailangan ko ng mahaba-habang pasensya ah,' Sa unang araw ko pa lang, pakiramdam ko talaga… hinding-hindi magiging tahimik ang buhay ko rito sa Monteverde Mansion. Hindi ko pala noon... Ang lalaking unang tumingin sa akin nang parang wala akong halaga... Siya rin pala ang taong unti-unting babago sa buong buhay ko…CHAPTER 7 — THE UNEXPECTED TESTSOFIA'S POVMatapos ang halos limang minutong pakikipagngitian at pormal na pagpapakilala ko sa limang foreign investors on screen habang si Sir Gab ay tila nagpipigil na lang ng hininga sa tabi ko, natapos din sa wakas ang video conference.Click.Nang tuluyang mamatay ang monitor, muling bumalik ang nakabibinging katahimikan sa loob ng study room. Tahimik kong nilaro ang mga daliri ko habang nakatayo sa gilid, naghihintay ng hatol.Hindi agad tumayo si Sir Gab. Inayos niya ang kaniyang mga sleeves bago dahan-dahang sumandal sa kaniyang upuan.Tumingin siya sa akin—malamig, kalkulado, at walang kaano-anong emosyon."The investors like you," simpleng utos at pahayag niya. Ang boses niya ay mababa at baritono.Biglang nagliwanag ang mukha ko. Automatic na pumasok ang self-confidence ko sa katawan. "Talaga po, Sir? Naku, sabi ko naman sa inyo, effective talaga ’yung charisma ko kahit sa mga taga-ibang bansa. International market pala ang level ko—""That
CHAPTER 6 — THE FOREIGN INVESTORS MET THE MAID SOFIA'S POV Click. Marahang sumara ang pinto ng study room sa likod ko. Pakiramdam ko, kasabay ng tunog na iyon ay ang tuluyang pagsara ng natitira kong pag-asa na makaligtas sa sermon ng seryosong bilyonaryong ito ngayon. Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang gilid ng tray habang dahan-dahang lumalapit sa kaniyang mesa. Hindi agad nagsalita si Sir Gab. Tahimik lang siyang bumalik sa kaniyang ergonomic high-back chair, inayos ang kaniyang mamahaling suit jacket, at pinindot ang isang button sa kaniyang keyless mechanical keyboard. Sa isang iglap, bumalik ang audio at video feed ng kaniyang conference call. "Ladies and gentlemen," malamig at swabe niyang panimula, na tila ba walang naganap na biglaang folk-song concert sa labas ng kaniyang pinto kanina. "Thank you for waiting. Let's resume the session." Napatingin ako sa napakalaking monitor na nakasabit sa pader. Halos mapasigaw ako sa gulat nang makita ang screen. Lima?! Liman
CHAPTER 5 — THE CONCERT OUTSIDE THE DOORSOFIA'S POVTatlong araw pa lang ako rito sa Monteverde Mansion… pero pakiramdam ko, tatlong buwan na akong naglalakad sa paikot-ikot at napakalaking bahay na ito.At hanggang ngayon, aaminin ko, naliligaw pa rin ako."Left ba 'to o right?" bulong ko sa aking sarili habang may maingat na hawak na tray ng meryenda. Tumingala ako sa kisame, sinusubukang alalahanin ang daan patungo sa study room. "Parang araw-araw yata itong study room na 'to lumilipat ng puwesto, eh."Sa wakas, matapos ang ilang minutong pag-ikot, nakita ko rin ang tamang pasilyo. Sakto namang palabas si Nanay Matet mula sa pinto ng silid."Ayan ka na pala," sabi niya nang makita niya ako. Lumapit siya at bahagyang iniayos ang mga tasa sa tray. "Ipasok mo na ito kay Sir Gab."Napatingin ako sa nakasarang pinto. "May meeting po ba siya ulit, Nanay Matet?"Tumango siya nang seryoso. "Oo, isang napakahalagang virtual meeting. May kausap siyang mga foreign investors mula sa Europa at
CHAPTER 4 — THE PUNISHMENT PROTOCOLSOFIA'S POV"Magdasal ka na." Iyon ang huling salitang iniwan sa akin ni Nanay Matet bago niya ako tuluyang iniwang nakatulala sa labas ng study room. Napakamot ako sa aking ulo habang dahan-dahang sumusunod sa kaniya pabalik sa kusina. "Grabe naman po… nagsabi lang naman ako ng totoo. Masama na ba ang maging matapat ngayon?"Pagpasok namin sa kusina, parang may biglang dumaan na anghel. Sabay-sabay na napatingin sa akin ang lahat ng staff. May nagpipigil ng hininga, may mga napapikit, at may isa pang palihim na nag-sign of the cross habang nakatingin sa akin.Napakurap ako. "Bakit po kayo ganyan tumingin? Parang ihahatid n'yo ako sa sementeryo, ah."Tahimik. Walang sumagot.Hanggang sa ang isang matandang kusinero ang marahang nag-angat ng tingin mula sa kaniyang hinahalo. "Ilang taon na akong nagtatrabaho rito sa mga Monteverde, Sofia… pero ikaw pa lang ang nakita kong unang nangahas na sumagot kay Sir Gab."Napakamot ulit ako sa ulo ko. "Talaga
CHAPTER 3 — FINISHED? SOFIA'S POV Alas-sais pa lang ng umaga, gising na ang buong Monteverde Mansion. Ako? Kanina pa gising. Hindi dahil masipag ako o ganado sa unang opisyal na araw ko ng pagtatrabaho. Kundi dahil naligaw lang naman ako kagabi papunta sa banyo sa dulo ng quarters namin. "Huwag kang tatawa, Sophie," bulong ko sa sarili habang naglalakad sa malawak na pasilyo patungo sa kusina. "Isang barangay ba naman ang laki ng bahay na 'to, natural lang na mawalan ka ng direksyon." Pagpasok ko sa kusina, bumungad sa akin ang ilang staff na seryosong abala sa paghahanda ng almusal. "Good morning po," masigla kong bati. Halos sabay-sabay silang tumango, pero walang nagsalita. Parang natatakot silang ngumiti o gumawa ng kahit anong emosyon. Grabe, sa ganda ng mansyong ito, parang may multo yata sa takot ng mga tao rito. "Magandang umaga," seryosong bati rin ni Nanay Matet habang papalapit sa akin. "Magandang umaga po, Nanay Matet." Tinanguan niya ako at itinuro ang isang tr
CHAPTER 2 — THE BILLIONAIRE APPEARS SOFIA's POV Tahimik. Iyon agad ang napansin ko habang sinusundan ko si Nanay Matet sa loob ng Monteverde Mansion. Hindi ito ang ordinaryong katahimikan na maririnig mo sa simbahan o sa library. Ito iyong klase ng katahimikan na parang pati ang hangin ay nagdadalawang-isip kung gumawa ng ingay. Napatingin ako sa paligid. May mga kasambahay na abala sa kani-kanilang trabaho. May naglilinis ng malalaking bintanang salamin, may nag-aayos ng mga sariwang bulaklak sa plorera, at may maingat na nagdadala ng tray ng tsaa. Lahat sila seryoso. Walang nagkukuwentuhan. Walang nagtatawanan. Parang bawal maging masaya rito. Ang boring naman. Lumapit ako nang kaunti kay Nanay Matet at marahang bumulong. "Nanay Matet..." Hindi siya lumingon, diretso lang ang lakad. "Ano 'yon?" "Bawal po bang huminga nang malakas dito?" Huminto siya sa paglalakad. Dahan-dahan niya akong nilingon. Seryoso ang mukha. "Hindi." Napangiti ako. "Ay, buti naman po." Napapiki







