Compartir

CHAPTER 5

last update Fecha de publicación: 2026-07-03 17:40:07

CHAPTER 5 — THE CONCERT OUTSIDE THE DOOR

SOFIA'S POV

Tatlong araw pa lang ako rito sa Monteverde Mansion… pero pakiramdam ko, tatlong buwan na akong naglalakad sa paikot-ikot at napakalaking bahay na ito.

At hanggang ngayon, aaminin ko, naliligaw pa rin ako.

"Left ba 'to o right?" bulong ko sa aking sarili habang may maingat na hawak na tray ng meryenda. Tumingala ako sa kisame, sinusubukang alalahanin ang daan patungo sa study room. "Parang araw-araw yata itong study room na 'to lumilipat ng puwesto, eh."

Sa wakas, matapos ang ilang minutong pag-ikot, nakita ko rin ang tamang pasilyo. Sakto namang palabas si Nanay Matet mula sa pinto ng silid.

"Ayan ka na pala," sabi niya nang makita niya ako. Lumapit siya at bahagyang iniayos ang mga tasa sa tray. "Ipasok mo na ito kay Sir Gab."

Napatingin ako sa nakasarang pinto. "May meeting po ba siya ulit, Nanay Matet?"

Tumango siya nang seryoso. "Oo, isang napakahalagang virtual meeting. May kausap siyang mga foreign investors mula sa Europa at Amerika ngayon."

Bago niya ako iwan ay lumapit pa siya nang kaunti sa akin at mahinang bumulong sa mismong tainga ko. "Kaya pakiusap, Sofia… huwag na huwag kang gagawa ng kahit anong ingay habang nandoon ka."

Tumango ako nang mabilis at ngumiti. "Opo, Nanay Matet. Promise, parang pusa ako kung kumilos ngayon."

Napapikit lang si Nanay Matet at marahang bumuntong-hininga. Halatang-halata sa mukha niya na hindi siya buong-pusong naniwala sa akin.

Tahimik at maingat akong naglakad papunta sa tapat ng pinto. Pero bago ko pa man maitaas ang aking kamay para kumatok, narinig ko na ang malamig at baritunong boses ni Sir Gab mula sa loob.

"...our projections for the fourth quarter remain stable, and we are looking at a twenty-percent increase in our global market share."

Wow. Ang sosyal talaga ng isang ’to. English na English, tuwid na tuwid, at walang kahirap-hirap sa pagsasalita. Napanguso ako habang nakasandal sa pader sa labas. Parang G****e Translate ang utak. Napakaperpekto.

Naisip kong mukhang hindi pa tamang pumasok dahil seryoso pa ang diskusyon nila sa screen, kaya nagpasya muna akong maghintay sa labas.

Sa tabi ng pasilyo, may nakita akong walis na nakasandal. Dahil ayaw kong nakatayo lang nang walang ginagawa, pinulot ko muna ito para maglinis sa gilid. Habang marahang nagwawalis, hindi ko namamalayan na unti-unti na pala akong nagpapatugtog ng sarili kong background music sa utak.

Mahina lang ang boses ko sa umpisa.

"Bahay kubo... kahit munti..."

Nang mapansin kong walang sumasaway, lalo akong ginanahan sa mga sumunod na linya habang itinutulak ang walis sa makintab na sahig.

"Ang halaman doon.Ay, sari-sari!"

Napapaindak pa ang mga paa ko habang ginagawa kong imaginary microphone ang hawak na walis. Todo bigay ang emosyon ko. Nakalimutan kong ang pinto pala ng study room… ay may manipis na bahagi sa gitna.

Samantala, sa loob ng silid...

Tahimik na nakaupo si Sir Gab sa harap ng kaniyang napakalaking monitor. Sa screen ay malinaw na nakalatag ang mukha ng limang seryosong foreign investors na nakasuot ng mga mamahaling tuxedo. Lahat sila ay matamang nakikinig sa bawat salitang binibitawan ng CEO ng Monteverde Holdings.

Gabriel spoke calmly, his face completely expressionless.

"Our proposed acquisition will increase our operational efficiency in Asia, and—"

Biglang umalingawngaw ang isang boses mula sa labas ng pinto.

"...SINGKAMAS AT TALONG!! SIGARILYAS AT MANI!!"

Natigil si Gabriel sa gitna ng kaniyang pangungusap.

Katahimikan. Isang napakatinding katahimikan ang bumalot sa buong study room.

Sa monitor, ang limang foreign investors ay sabay-sabay na napalapit sa kani-kanilang mga camera. Ang kani-kanilang mga mukha ay hindi mawari kung anong emosyon ang ipapakita.

Isa sa mga investor mula sa New York ang marahang umayos ng kaniyang salamin at bumasag sa katahimikan ng video call.

"...Excuse me, Mr. Monteverde. Is that... background music?"

Nanatiling malamig at pormal ang mukha ni Gab, ngunit sa unang pagkakataon sa buong buhay niya, dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Nawala siya sa kaniyang train of thought. Ramdam na ramdam niya ang biglaang pag-init ng kaniyang tenga sa tindi ng nararamdamang hiya.

Muli niyang iminulat ang kaniyang mga mata at tumingin sa camera. "I apologize for the disruption, gentlemen. One moment."

Mabilis ngunit swabe napindot ni Gab ang mute button ng kaniyang microphone. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kaniyang upuan, madilim ang kaniyang aura, at tahimik na naglakad patungo sa pinto.

Sa labas ng pinto… ako? Todo bigay pa rin ang boses ko. Feel na feel ko ang bawat lyrics habang may matching ikot pa ng walis. Feeling ko talaga ay kasama ako sa opening number ng ASAP.

"SITAW, BATAW, PATANI... KUNDOL, PATOLA, UPO'T KALABASA—"

Click.

Biglang umikot ang door knob at unti-unting bumukas ang malaking pinto ng study room.

Agad na naputol ang kanta ko. Huminto ang pag-indak ko at dahan-dahan akong lumingon habang hawak-hawak pa rin ang aking walis sa tapat ng dibdib ko.

Naroon si Sir Gab. Nakatayo siya sa may pintuan, maayos ang tindig, at nakatitig nang diretso sa akin. Pareho pa rin ang malamig niyang mukha at pareho pa rin ang walang kaano-anong emosyon sa kaniyang mga mata.

Tahimik. Walang sinuman sa aming dalawa ang nagsasalita.

Unti-unti kong ibinaba ang hawak kong walis at dahan-dahang ngumiti ng pinakapilit na ngiti na kaya kong gawin. "Hehe... Sir. Good morning, po uli."

Dahan-dahan siyang humakbang palabas ng pinto, sapat lang para kami lang dalawa ang makarinig sa kaniyang sasabihin.  Mahina at napakalamig niyang binigkas ang pangalan ko.

"Sofia."

Hindi siya sumigaw. Hindi rin siya nagtaas ng boses. Mas lalo lang humina at lumalim ang tono ng pananalita niya. At doon ko biglang naalala ang Golden Rule ng staff sa mansyong ito: Kapag mas mahina ang boses ni Sir Gab, mas delikado ang sitwasyon.

Napalunok ako at napangiti nang alanganin. "Sir… ano pong… may kailangan po ba kayo?"

Nanatili siyang nakatitig sa akin ng ilang segundo bago muling nagsalita. Ang boses niya ay mababa at puno ng dry humor. "My meeting... isn't a concert venue."

Napakurap ako. Ay, oo nga pala. May foreign meeting nga pala ang boss ko na ito.

Napakamot ako sa aking ulo. Ramdam ko ang biglaang pagkapahiya ko sa sarili ko. "Sorry po, Sir… nakalimutan ko pong manipis pala ang pader n'yo."

Huminga siya nang marahan, tila pinipigilan ang kaniyang sarili na tuluyan akong itapon palabas ng mansyong ito.

Lumingon siya patungo sa loob ng kaniyang silid at saka muling ibinalik ang tingin sa akin.

Malamig ang kaniyang mga mata. At higit na mas malamig ang iisang salitang lumabas sa kaniyang bibig.

"Inside."

Napalunok ako.

Napatingin ako sa loob ng madilim at seryosong study room, saka ako muling tumingin sa kaniya.

Ay, Lord...

Mukhang hindi na ito simpleng sermon.

Baka graduation ceremony na dahil sa katangahan ko.

Mahigpit kong hinawakan ang tray habang dahan-dahan akong humakbang papasok.

At sa likod ko...

Click.

Marahang sumara ang pinto.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 12

    CHAPTER 12 — THE FAVORITISM RUMORSOFIA'S POVMasarap ang gising ko kinaumagahan. Ewan ko ba, parang may kung anong liwanag ang nakapalibot sa akin habang nag-uunat ako. Sino ba namang hindi gaganahang magtrabaho kung ang pinakamasungit na bilyonaryo sa bansa ay dalawang beses nang nagpasalamat sa iyo at may bonus pang 'Good work' kagabi? Feeling ko talaga, unti-unti ko nang nakukuha ang tiwala ng boss ko. Ayiee… muntik ko nang sabihing puso.Ngunit ang magandang mood ko ay agad na nawala rin nang magsimula na ako sa aking mga routine sa ikalawang palapag.Habang hawak ko ang walis at marahang naglilinis sa hallway, napansin ko ang tatlong kasambahay sa may gilid ng linen closet. Mabilis silang nagkumpulan at nagbubulungan habang nakasulyap sa direksyon ko, mga marites!"Siya na naman ang pinapasok sa study room kahapon, ’di ba?" pabulong na sadyang pinaparinig ng isa sa akin. "Oo. At balita ko pa nga, siya pa raw ang nagtimpla ng kape para kay Sir Gab kagabi," sagot naman ng isa pa.

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 11

    CHAPTER 11 — THE MIDNIGHT COFFEESOFIA'S POVHalos alas-onse na ng gabi. Tahimik at madilim na ang malaking mansyon dahil tulog na ang halos lahat ng mga kasambahay sa kanilang mga quarters.Dahil sa tindi ng sikat ng araw kaninang hapon habang nagdidilig ako sa garden, nagising ako ngayong gabi na tuyong-tuyo ang lalamunan. Bumangon ako mula sa aking higaan at tahimik na naglakad pababa patungo sa kusina para uminom ng tubig.Habang binabaybay ko ang madilim na hallway sa ikalawang palapag, napahinto ako nang mapansing may kaunting liwanag na nanggagaling sa bahagyang nakabukas na pinto ng study room.Napakunot ang noo ko. Dahan-dahan akong lumapit at sumilip sa maliit na siwang ng pinto."Grabe… hindi pa rin ba natutulog ang taong 'yon?" bulong ko sa aking sarili.Sa loob ng silid, naroon si Sir Gab. Nakaupo pa rin siya sa kaniyang high-back leather chair sa harap ng kaniyang laptop.Halos mapuno ang malawak niyang lamesa ng mga makakapal na reports, conference documents, at mga fin

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 10

    CHAPTER 10 — THE MILLION-PESO INVENTORY PART 2SOFIA'S POVNang matapos ang buong audit, halos mapaupo na ako sa sahig ng study room sa tindi ng pagod. Pawis na pawis na ako at nakakaramdam na ako ng ngawit sa aking mga binti. Subukan mo kayang sumunod sa boss mong parang hindi marunong mapagod. Baka ikaw rin ang mawalan ng kaluluwa bago pa siya hingalin.Iyong mukha kang hagard, dosa, samantalang iyong kasama mong amo na nakatayo sa harap ng kaniyang desk… mukhang pa ring bagong ligo ang hitsura at hindi man lang nagulo ang kaniyang buhok. Nakakainis ang stamina ng mga bilyonaryong ito. Kahit siguro maghapong magtrabaho o tumayo ito sa labas ng gate, mukha pa rin itong mabango.Kinuha niya ang makapal na bundle ng aking inventory sheets. Isa-isa niyang binuklat ang mga pahina, seryosong sinusuri ang bawat numero, description, at halaga ng mga isinulat ko.Katahimikan. Kinakabahan ako habang nakatitig sa kaniya. Para akong naghihintay sa hatol ng isang propesor kung tama ba ang mga sa

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 9

    CHAPTER 9 — THE MILLION-PESO INVENTORYSOFIA'S POVAkala ko talaga, pagkatapos ng naganap na 'Crystal Vase Incident' kahapon kung saan lihim na ipinagtanggol ako ni Sir Gab gamit ang CCTV footage, ay magkakaroon na ako ng kahit isang araw lang ng katahimikan at kapayapaan sa mansyong ito.Hindi pala mangyayari. Kinaumagahan, habang masaya akong kumakain ng pandesal at humihigop ng mainit na kape sa kusina, biglang sumulpot sa harapan ko si Nanay Matet. May hawak siyang isang napakapal na clipboard at seryoso ang kaniyang mukha. Ano na naman kaya ito? "May annual insurance at inventory audit ang buong Monteverde Estate ngayon," pormal na bungad ni Nanay Matet.Napakurap ako. Muntik na akong mabulunan sa kinakaing pandesal. "Inventory... audit? Ano po ’yon?" Ano naman ang kinalaman ko doon?"Bibilangin, i-che-check, at pormal na idodokumento ang lahat ng antiques, paintings, sculptures, crystal collections, at vintage collectibles sa buong mansyon," paliwanag niya. "At may utos si, Si

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 8

    CHAPTER 8 — THE FIRST WARNINGSOFIA'S POVKinaumagahan pagkatapos ng aking madugong library test, maaga akong bumaba sa kusina para kumuha ng tsaa. Masaya ako dahil kahit papaano, nakakuha ako ng salitang 'Acceptable' mula sa pinakamasungit na bilyonaryong amo sa buong bansa.Para sa akin, katumbas na iyon ng isang gold medal, Enebe Yen...Ngunit pagpasok ko pa lang sa kusina, agad na naputol ang marahan kong pagmuni-muni. Ang ilang kasambahay na nakatipon sa gilid ng counter ay mabilis na nag-iwas ng tingin, ngunit malinaw ko pa ring narinig ang kanilang mga pabulong na usapan."Paborito ka na yata ni Sir Gab," mahinang wika ng isa na sapat lang para umabot sa pandinig ko."Oo nga," sang-ayon naman ang katabi nito. "Tatlong beses mo na siyang naiistorbo sa loob lang ng isang linggo—mula sa library, sa silent dance mo, hanggang doon sa malaking meeting sa foreign investors—pero hanggang ngayon, hindi ka pa rin niya pinapatalsik. Ang iba rito, isang maling galaw lang, i-impake na sila

  • The Billionaire's Sassy Maid   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 — THE UNEXPECTED TESTSOFIA'S POVMatapos ang halos limang minutong pakikipagngitian at pormal na pagpapakilala ko sa limang foreign investors on screen habang si Sir Gab ay tila nagpipigil na lang ng hininga sa tabi ko, natapos din sa wakas ang video conference.Click.Nang tuluyang mamatay ang monitor, muling bumalik ang nakabibinging katahimikan sa loob ng study room. Tahimik kong nilaro ang mga daliri ko habang nakatayo sa gilid, naghihintay ng hatol.Hindi agad tumayo si Sir Gab. Inayos niya ang kaniyang mga sleeves bago dahan-dahang sumandal sa kaniyang upuan.Tumingin siya sa akin—malamig, kalkulado, at walang kaano-anong emosyon."The investors like you," simpleng utos at pahayag niya. Ang boses niya ay mababa at baritono.Biglang nagliwanag ang mukha ko. Automatic na pumasok ang self-confidence ko sa katawan. "Talaga po, Sir? Naku, sabi ko naman sa inyo, effective talaga ’yung charisma ko kahit sa mga taga-ibang bansa. International market pala ang level ko—""That

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status