Share

Chapter 3

Author: MysterRyght
last update publish date: 2026-07-01 20:59:03

Franco

“Fuck, Georgina!” sigaw ko habang dali-daling binunot ang aking pagkalalaki bago nagsimulang hanapin ang brief at pantalon na kanina’y buong giliw kong hinubad na parang wala nang bukas.

Napatingin ako sa sahig. Tangina. Nasaan na nga ba ‘yung brief ko?

“Gov naman!” sigaw ni Georgina na personal kong katulong slash bantay-sarado slash kontrabida sa buhay ko, habang nakatayo sa may malapit sa poste na papunta ng kitchen na parang principal na nakahuli ng estudyanteng nagyoyosi sa likod ng gym.

“Ilang hakbang na lang ang kwarto niyo! Bakit dito pa sa sala? Baka akala ng CCTV, may live show kayo!”

Halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Putcha, may CCTV nga pala. Hindi ko na naisip kanina dahil nga medyo madilim naman.

“Sino siya?” gulat na tanong ng babaeng kanina lang ay parang pusa na nakakunyapi sa sandalan ng sofa, ngayon ay parang naliligaw na tupa, habang hawak-hawak ang kanyang dress na parang wala siyang ideya kung saang butas dapat ipasok ang kamay.

“’Yun pa o, panty mo,” sabat ni Georgina sabay turo sa manipis na telang itim na parang pamunas lang ng salamin. “Baka maiwan mo eh gawin pang souvenir ng amo ko. Ayaw kong labhan 'yan."

Bwisit talaga ang bibig ng babaeng ito? Saan ba nakuha ng aking mga magulang ang Georgina na 'to?

“Bakit ba gising ka pa?” iritado kong tanong habang sinusubukan kong ipasok ang isang paa sa pantalon, na parang ayaw makisama sa akin ngayon.

“Nakita mo na, Gov. Nakalimutan mo na naman, no?” Tumitig siya sa akin na parang nanay kong ilang beses nang sinabi na huwag isawsaw ang kamay sa ketchup bottle. Nakahalukipkip pa ito, at sinusundan ng tingin ang bawat kilos ko.

“Bakit nga kasi?!” Kumulo na ang dugo ko. Kung hindi lang ako n*******d ay baka nasakal ko na ‘tong babaeng ‘to. "Tsaka 'yang mga mata mo! Kung saan saan mo tinitingin!"

"Kasalanan ko pa ngayon dahil nakita ko ang talong mo pati na ang lubot mong kakulay ng hating gabi?"

"Lubot ko? Kakulay ng hating gabi? Hoy Georgina, kahit ingudngod ko ang mukha mo dito eh hinding hindi ka mauulingan no!" malakas kong sabi at tuluyan ng nakalimutan ang babaeng kasama ko. "Sagutin mo ang tanong ko. Bakit gising ka pa? Don't tell me hinihintay mo ko!"

"Kakaloka, ba't naman kita hihintayin eh hindi mo naman dala yung kama?" Umiikot na naman ang mga mata niya ng magsalita. "Hindi ba’t ilang beses ko nang sinabi? Maaga tayong pinapauwi ng daddy mo sa isla!” Pabuga niyang sagot habang nagkakamot ng kili-kili na tila hindi nakakaramdam ng hiya kahit na may kaharap na lalaki.

Natigilan ako. Oo nga pala.

“Eh, anong oras pa lang ah?” Pilit kong tanggi sabay tingin sa aking wristwatch at kinakabit ang butones ng pantalon ko na ayaw pa yatang magkasya.

“Gan’to po talaga ako nagigising ‘pag pabalik na ng isla. Nagluluto pa ako ng agahan para sa mga bodyguard niyo. Eh ikaw, nagluluto ng eskandalo!” sabay irap.

Bwisit. Bakit nga ba nakalimutan ko na rin ‘yon?

“Excuse me,” sabat ng babae habang sinusubukang ayusin ang suot na damit na para bang puzzle. “Where’s your room?”

Pasimpleng lumingon ako sa kanya, sinubukang ngumiti kahit halata na ang pagkayamot sa mukha ko.

“I’m so sorry. I just remembered— I had something urgent. I’m afraid I need to send you out.”

“Out? Not home?” maarteng tanong niya na hindi naman uubra sa akin. Hindi pa ako nakapaghatid sa bahay ng kahit na sinong babae na nabembang ko. Lalo na siya na hindi naman natuloy. 

Kitang-kita ko ang pag-ikot ng mata ni Georgina bago tumalikod at naglakad papunta sa kusina, habang nagsasalita pa ito nang hindi lumilingon.

“Kung gusto mo, Gov, ipag-pack ko siya ng tinapay. Para may baon pa pauwi,” sabi bita sabay pindot sa switch ng ilaw sa kusina na nadaanan niya.

Nagngitngit ako sa inis dahil sigurado akong nakangisi siya or making faces habang sinasabi iyon dahil hindi ko nakikita ang mukha niya.

“No, thanks.” Napatingin ako sa nagsalitang babae na hindi ko alam ang pangalan at wala na rin naman akong balak alamin. “I’ll go ahead.”

Nagsimula na itong maglakad papunta sa pintuan at nakita kong may dinampot siya sa sahig na napag-alaman kong purse niya.

Ako naman ay dinampot ang long sleeve polo at sinuot bago pumunta sa kusina kung saan nadatnan ko si Georgina na tila nagsasaing na.

“Ay kalabaw! Ano ba naman Gov, akala ko sa kwarto na kayo dumiretso!” Hawak pa ng bruha ang kanyang dibdib na akala mo naman talaga ay gulat na gulat ng mapatingin sa akin. Pinatong niya ang kaserola sa kalan at binuksan iyon.

“Kailangan nating mag-usap,” sabi ko.

Natigilan siya at nanatiling nakatingin lang sa akin. Ang seryoso ng kanyang mukha, siguro ay alam na niya na talagang hindi ko na nagugustuhan ang kinikilos niya.

Hindi sa minamaliit ko siya at ang trabaho niya. Pero gusto kong ipaalala sa kanya na katulong siya dito kaya hindi pwede ang paraan niya ng pagsasalita at pakikitungo sa akin.

“Kailanman ay hindi ako tumingin sa katayuan ng kahit na sino, pero ayaw ko sa paraan ng pakikipag-usap mo sa akin,” seryoso kong sabi. “Sa susunod na umasta ka pa rin ng kagaya ng pag-asta mo kanina ay talagang sisisantehin kita.”

Hinintay ko na magsalita siya. Maigi na yung ganito na pinagsabihan ko muna siya kaysa naman basta ko na lang tanggalin sa trabaho.

“Alam niyo, Sir,” sabi niya makalipas lang ang ilang saglit. Ewan ko, pero may palagay akong hindi pa rin maganda ang lalabas sa bibig niya.

“Kapag nabitin kayo, huwag niyo akong idamay. Na-pollute na nga ang innocent eyes and mind ko eh sa akin niyo pa ibubunton ang init ng ulo niyo sa baba. Sige na ho, pumunta na kayo sa kwarto niyo at ilabas niyo sa banyo lahat ng frustrations niyo habang nagluluto ako ng almusal. Gutom lang din ‘yan.”

Napanganga na lang ako dahil sa sinabi niya lalo at tinalikuran niya na ako para kumuha ng lulutuin sa ref. Did she just ignore me?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 7

    GeorginaAnong sinasabi nito?Anong naisipan niya para sabihin yon?“Franco, matanda ka na. Alam mo ba kung ano ang puwedeng sabihin ng mga tao kapag nalaman nila ang ginawa mo?” Seryoso ang mukha ng dating gobernador. Aakalain ng kahit sinong makakarinig na talagang hindi puwedeng mabali ang sinabi niya.“What happened was a mistake. Georgina and I were both drugged!”“Oo nga po, Sir Kiko. Mananatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko ipagkakalat dahil talagang nakakahiya. Sabihin na lang ng mga tao ay wala na akong ibang nakitang lalaki. Na basta na lang may lawit ay pinatulan ko.”“Teka, anong sinasabi mo?” asar na tugon ni Franco. “Nagsasabi lang ako ng totoo, Gov. Alam naman ng lahat ang reputasyon mo at para sa akin, nakakahiyang malaman ng iba ang tungkol sa malaking pagkakamaling naganap.” Ang sama ng tingin na ibinigay sa akin ni Franco.“Georgina, hija. Babae ka, paano kung mabuntis ka dahil sa nangyari?” singit ni Cataleya, bakas sa mukha niya ang genuine na pag-aalala sa akin

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 6

    GeorginaDahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at feeling disoriented pa ako na parang may agiw pa ang utak ko.Bumangon ako sabay kamot ng aking ulo bago tumingala, tsaka pinaikot iyon bilang exercise at pinatunog ang aking leeg. Nakasanayan ko ng gawin ito sa tuwing nagigising.Patayo na ako ng biglang may pumigil sa akin na kung anong mabigat. Naikunot ko ang aking noo at yumuko. Doon ko nakita ang braso na nasa tiyan ko habang ang kamay ay humahagod sa tagiliran ko na tila ba nagugustuhan nito ang ginagawa.“Mmm…” Lumingon ako sa aking kaliwa kung saan nagmula ang tila pag-ungol. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Franco Villarreal na ngayon ay unti-unti ng dumidilat.“Ahhhhhh!!!!!!!!!!!” sabay naming sigaw. Pagkatapos ay biglang bumukas ang pintuan ng silid kasunod ang pagpasok ng mga magulang ni Franco.“Georgina!” bulalas ni Ma'am Cataleya.“Ma'am!” malakas kong sabi din.“Franco!” Si Sir Kiko naman ang siyang nagsalita. Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa anak

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 5

    Mature ContentGeorginaNagkakasiyahan na sila, pero ako ay nakamanman lang sa paligid. Pinapanood ang bawat kilos ng lahat at naghahanap ng pagkakataon para makapasok sa opisina ni Kiko Villarreal.Dalawang buwan na akong personal na katulong ni Franco ngunit hindi pa ako magkaroon ng pagkakataon na makapasok sa opisina ng kanyang ama na si Kiko Villarreal na siyang dahilan kung bakit ako nandito.Nakita ko ng pumasok sa kanyang silid ang manyak na governor na hinatid pa ng kanyang ina na bumalik na rin sa baba pagkatapos para samahan ang asawa. Pinakiramdaman ko pa ang paligid at sa palagay ko ay pwede ko ng subukan na pasukin ang study room ni Kiko. I was on my way ng bigla kong matigil sa paglakad ng biglang may tumawag sa akin. “Georgina!” Paglingon ko ay ang nakangiting mukha ng ina ni Franco ang nakita ko.“Ma'am Cataleya, may kailangan po kayo?” nakangiti ko ring bati. Mabait ang ginang sa totoo lang. Very down to earth kahit na nga sobrang yaman niya. Pero hindi nababago n

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 4

    Franco"Sinabi ko na sayo, hindi ko tatanggalin si Georgina.” Hindi ko talaga maisip kung bakit ganun na lang ang pagpipilit ng aking ama na panatilihin sa tabi ko ang babaeng kagit na 'yon na ginawa na yatang hobby ang pambabara at pagsagot-sagot sa akin.Isang oras na ang nakalipas ng makarating ako ng bahay.“Hindi mo naman siguro balak na gawing kabit ang babaeng yon.” “Franco!” bulalas ng aking ama. Kitang-kita ang disbelief sa kanyang mukha.“Nagtatanong lang, alam ko naman na hindi mo magagawang saktan si Mommy.”“Talagang hindi,” mabilis niyang tugon. Mula pagkabata ay nakita ko na kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa. Kahit ang buong probinsya ng Catanduanes ay nakita iyon. Kaya lang, wala na akong maisip na ibang dahilan para hayaang manatili sa tabi ko ang Georgina na 'yon."Sumasakit ang ulo ko sa babaeng 'yon, Dad,” sabi ko habang napapailing pa.“Sigurado ako na mabait siyang bata, Franco. Bakit hindi mo iyon makita?” tanong naman ng aking ama. "Kahit ang mommy mo ay g

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 3

    Franco“Fuck, Georgina!” sigaw ko habang dali-daling binunot ang aking pagkalalaki bago nagsimulang hanapin ang brief at pantalon na kanina’y buong giliw kong hinubad na parang wala nang bukas.Napatingin ako sa sahig. Tangina. Nasaan na nga ba ‘yung brief ko?“Gov naman!” sigaw ni Georgina na personal kong katulong slash bantay-sarado slash kontrabida sa buhay ko, habang nakatayo sa may malapit sa poste na papunta ng kitchen na parang principal na nakahuli ng estudyanteng nagyoyosi sa likod ng gym.“Ilang hakbang na lang ang kwarto niyo! Bakit dito pa sa sala? Baka akala ng CCTV, may live show kayo!”Halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Putcha, may CCTV nga pala. Hindi ko na naisip kanina dahil nga medyo madilim naman.“Sino siya?” gulat na tanong ng babaeng kanina lang ay parang pusa na nakakunyapi sa sandalan ng sofa, ngayon ay parang naliligaw na tupa, habang hawak-hawak ang kanyang dress na parang wala siyang ideya kung saang butas dapat ipasok ang kamay.“’Yun pa o, panty m

  • The Governor's Lost Heiress   Chapter 2

    Franco“Hi, handsome.” Mabilis kong pinalis ang kamay ng babaeng lumapit sa akin. Sa lahat ng ayaw ko ay yung hinahawakan ako ng walang paalam. Mahilig ako sa babae pero hindi ako sabik. Kaya hindi rin lahat ng lumalapit sa akin ay pinapatos ko. Taliwas sa sinasabi ng Georgina na yon na kahit posteng nakapalda ay papatulan ko.“Hmp, snob!” sabi ng babae na hindi na rin nagpumilit. Mukhang hindi niya ako kilala kaya niya nasabi iyon. Ngayon nga ay nasa party na ako ng isa sa mga naging kaibigan ko dito sa Manila noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo.Kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga nagkalat na couch sa isang private club na nirentahan ng babaerong si Michael. Anak din ng politiko pero sa bayan naman ng Taytay sa Rizal. Kanina ko pa tinitignan ang babaeng hindi rin naaalis ang tingin sa akin na nakaupo sa di kalayuan.Mukha itong matangkad kahit na nakaupo, maputi at base sa postura ay sigurado akong maganda ang katawan. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko dahil alam ko naman na s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status