Pregnant by the Billionaire’s Heir

Pregnant by the Billionaire’s Heir

last updateLast Updated : 2026-07-19
By:  Alwida AlemUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
48Chapters
360views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

She needs his money. He needs her. One million pesos. Isang kontrata. Isang tagapagmana. At isang pusong hindi dapat masangkot. Upang mailigtas ang buhay ng kanyang ama, pumayag si Cara Valderama na dalhin ang anak ng bilyonaryong si Tristan Peralta—sa kondisyon na pagkatapos niyang manganak, wala na siyang karapatan sa bata… at sa ama nito. Ngunit habang lumalalim ang kanilang kasunduan, mas marami ring lihim ang nabubunyag. Paano kung ang lalaking nagbayad para sa kanyang sinapupunan… ang siya ring lalaking handa niyang isugal ang lahat?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Cara

“Hindi na ito madadala ng medesina na lang, Miss Valderama. “ Nakataas ang kilay na sinabi ng nurse sa akin.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya medyo nanliit ako.

Binalingan niya ako ng tingin. “At kung hindi agad mapaopera ang tatay mo, maaaring may masamang mangyari sa kanya.” Dagdag pa nito na tuluyan ng nagpaguho ng mundo ko.

Hindi ko kayang mawala si tatay, hindi ko kaya lalo at siya na lang ang nag-iisang kasama ko sa buhay.

“N-nurse gawin niyo po ang lahat upang magamot ang tatay ko.”

“Magagawa lang namin ‘yan kung may pera kang idedeposit para sa operasyon niya.”

Napalunok ako.

Pera?

Wala ako no’n.

Anong gagawin ko?

Pikit-mata akong nagtanong. “Magkano po?”

“Kalahating milyon hija at sususmatutal na isang milyon dahil kailangan niya ng medisina pagkatapos ng opera.” Ang doktor na nagcheck kay tatay ang sumagot.

Pinagmasdan niya akong mabuti, napalunok ako sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin pero tinatagan ko ang aking loob.

Pero nanlamig ang buong katawan ko nang maalala kung anong sinabi niya.

Saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera?

“And we need to do the operation as possible, because your father’s condition is critical.” Mabigat na sinabi ng doktor bago nila ako iniwan.

Imbes na magmukmok na lang ako doon at magtanong kung saan ako kukuha ng pera ay minabuti kong lumabas upang humingi ng tulong sa mga kakilala ko.

“Naku Cara, hindi kita mapapahiram ng ganyang kalaking pera.” Mabilis na sagot ng manager ko sa isang fast food.

“P-pero ma’am kailangan ko—“ napailing siya.

“Masyadong mataas ang isang milyon, isang libo lang ang kaya ko.”

Nanlumo ako. Para akong binabsakan ng langit at lupa.

Paano na ang tatay ko?

“Pero gusto mo ba talagang kumita ng ganyan kalaking pera?” Tumango ako, desperada.

Tinapik niya ang balikat ko, pinagmasdan ang aking mukha at katawan. “May alam akong mabilis na pagkakakitaan…kaso nga lang ay hindi ako sigurado kung papayag ka.”

“Ano po ‘yon? Kahit ano basta para sa tatay ko.”

Nagkibitbalikat siya at tumalikod. “Si Mr. Peralta, mahal magbayad sa kanyang katulong.”

Kumunot ang noo ko.

Katulong?

Mr. Peralta?

Sino naman iyon?

Nang makita ang paglukot ng aking mukha, lumapit siya sa akin para bumulong. “Si Mr. Peralta ay matagal ng naghahanap ng personal maid kaya kailangan mabait ka sa kanya para tumagal ka.”

“B-bakit?”

“Hindi ko alam, pero milyones siya kung magbayad sa kanyang katulong kapag tumagal ng isang buwan.” Napalunok ako, ilang beses.

“Pero ang balita ko’y walang tumatagal sa kanya,” she paused. “Pero wala naman akong nababalitaan na may masamang nangyayari.” Ngumiti siya, hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Basta, kakaiba si Mr. Peralta kaya kailangan good girl ka lang.”

Nagsitaasan ang aking mga balahibo habang iniisip pa lang kung ano ba talaga ang kayang gawin ni Mr. Peralta.

Lunukin ko na lang muna ang pride ko dahil hindi naman ako ipinanganak na mayaman.

Dahil mahihirap, bawal magreklamo.

Hindi ako nagsalita pero may ibinigay na damit, sandal at make up ang manager sa akin. “Suotin mo ‘to para maging presentable ka naman tingnan.” Sambit niya kaya napatingin ako sa aking kasuotan na parang basahan na.

“Mahigpit si Mr. Peralta. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang mga patakaran niya at wala kang magiging problema.” Sinabi niya, akala ko ayniyon na pero may pahabol pa siya. “Siya nga pala, paalala na masyadong malamig at ruthless ang lalaking iyon kaya dapat behave ka lang, ‘kay?”

Ayaw ko man, wala akong nagawa kundi ang tumango na lang.

Huminga ako ng malalim at agad na nagtungo sa lugar.

Pinindot ko ang doorbell.

Umihip ang malamig na hangin habang nakatayo ako sa may pintuan, hinihintay ang pagbukas ng gate.

“Ikaw na ba si Miss Cara Valderama?” Isang babaeng nasa mid 40’s ang bumukas ng gate.

Wala siyang kahit anong emosyon na ipinapakita at malamig ang kanyang pakikitungo.

“Opo,” magalang kong sagot.

Nauna siyang naglakad, sumunod naman ako. “Gusto kong malaman mo na bawal mong sabihin sa labas kung anong nasaksihan o narinig mo sa loob. At higit sa lahat, sundin mo ang utos ni sir at magtatagal ka dito.”

Tumango lang ako kahit hindi naman niya nakikita.

Malawak ang area bago makarating sa mismong mansyon na tila nababalot ng kadiliman. Gusto kong humakbang paatras pero kailangan kong magpakatatag.

Hindi ako puwedeng magpakita ng kahinaan.

Ang kailangan ko lang gawin ay maging good girl at may milyones na ako.

Iyon lang.

Tahimik ang buong mansyon. Walang maririnig kundi ang tunog ng aking sapatos sa marmol na sahig. Para bang kahit ang hangin ay natatakot gumawa ng ingay.

Nakapagtatakang wala akong nakikita kahit ni isang larawan sa lawak ng mansion na ito, at ang mga katulong ay nakayuko lang palagi na tila ba natatakot na may makita o masabi.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nakinig na lang ako sa babae habang sinasabi niya ang sandamakmak na mga utos na alam kong hindi ko naman kayang sauluhin.

“Bawal kang umakyat sa floorth floor, maglilinis ka lang sa labas at higit sa lahat bawal kang makipag-usap sa kahit kanino maliban kung inuutusan ka.” Nilingon niya ako, nakataas ang kanyang kilay. “maliwanag ba?”

“O-opo,” mabilis kong tugon sa kabila ng panginginig ng aking labi.

Nasa sahig lamang ang aking tingin, hindi kayang tingnan ang babae dahil sa takot. Mahigpit ang paghawak ko sa aking palda.

“Magsimula ka ng maglinis,” matigas niyang utos na parang bato.

Sinunod ko ang sinabi niya ngunit bago man ako makapaglinis ay isang malamig, at matigas na boses ang aking narinig. At tila ba ang buong paligid ay tumigil nang magsalita siya, na maging paghinga ko ay pinigilan ko.

“Is that the new maid?”

Nag-angat ako ng tingin.

At doon ay nakita ko ang lalaking sinasabi ni manager na handang magbayad ng milyones para lang sa isang maid.

Si Mr. Peralta.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Ilocano writer
Ilocano writer
Highly recommended 🫶
2026-07-14 14:39:54
1
0
48 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status