تسجيل الدخولCara
Ilang beses akong napalunok ng sarili kong laway habang iniisip ang sinabi ng lalaki. Nasa trabaho pa rin kasi ako dahil kailangan ko namang kumita pa rin ng pera kahit may ibinibigay sa akin si Mr. Peralta.
"Focus, Cara," mahinahong bulong sa akin ng kaibigan ko na si Perry.
Kanina pa kasi ako balisa. Hindi ko naman masabi sa kanya ang problema ko dahil baka husgahan niya ako, kaya tumango na lang ako at pinilit kong alisin ang anumang bumabagabag sa aking utak.
"Hindi naman ito ang order ko." Humingi na lang ako ng tawad sa lalaki dahil alam ko naman na kasalanan ko talaga.
Sa mga sumunod na oras, panay ang pagtunog ng cp ko, pero dahil alas-otso pa ang labas ko, hindi ako puwedeng mag-cellphone, kaya hinayaan ko na lang.
Pagsapit ng alas-otso, binuksan ko ang aking cellphone at nakita ko ang text at tawag ni Mr. Peralta. Bigla akong hindi makahinga dahil sa pag-aalala.
Nagtungo ako sa aking locker, inilagay ko roon ang suot ko, at mabilis na umalis kahit niyaya ako ng kasamahan kong uminom.
Patay talaga ako kay Mr. Peralta nito.
Pagdating ko sa mansyon, ramdam ko na naman iyong nakakakilabot na pakiramdam kapag pumapasok ako sa loob. Lalo na, bawat hakbang ko patungo sa second floor ay may matang nakatuon sa akin—ang mayordoma nila.
Pumasok ako sa kuwarto gaya ng utos ni Mr. Peralta. Pagpasok ko pa lang, agad na sumara nang kusa ang pinto, kaya napalunok ako ng sarili kong laway.
"You're 3 hours late," isang malamig na boses ang nagsalita sa madidilim na kuwarto, na dahilan upang magsitayuan ang balahibo ko.
Tangina!
Habang hinahanap ko siya, naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking batok.
Napasinghap ako.
Ang liksi niyang kumilos, tapos walang ingay dahil hindi ko man lang naramdaman na bigla na lang siyang nasa likod ko.
Sobrang lapit niya dahil amoy na amoy ko ang pinaghalong pabango niya. He smelled of cedarwood and expensive leather, with a faint trace of smoky amber lingering on his clothes.
Halos nanuyo ang lalamunan ko.
Ang bawat yabag niya patungo sa harap ay rinig na rinig ko. Ngayong magkaharap kami, kitang-kita ko ang kanyang ekspresyon at mukhang hindi siya nagbibiro.
"Pinaghintay mo ako ng 3 oras, Cara Valderama." He whispered my name like I had committed a sin that he wouldn't forgive so easily.
Tumiim ang kanyang bagang.
"Kailangan kong..." napahinto ako. Hindi ko maidugtong ang sasabihin ko dahil nanghihina ako sa bawat pagtitig niya sa akin.
"What?" He whispered in a low and eerie voice.
"Nagtrabaho kasi ako kaya--"Napahinto ako nang bigla siyang tumawa kahit wala namang nakakatawa habang nakatingin sa akin.
"Are you that greedy?" Nakakainsulto niyang tanong, "I already paid you a million, then I heard from you that you're still working?"
Lumapit siya sa akin, may nakakainsultong tingin. "Ano? May iba ka rin bang pinagtatrabahuhan habang hindi ko pa oras, ha?"
Napanganga ako. Hindi ako makapaniwalang iniisip niyang isa talaga akong babaeng gahaman sa pera.
Siguro nga ay gahaman ako sa pera. Desperada ako para sa tatay ko.
Hindi na ako nagpaliwanag; hinayaan ko na siya sa kung anong gusto niyang isipin. Basta kapag natapos na ako dito, wala na.
Siyam na buwan lang naman.
Kapalit no'n, ang buhay ni Tatay at marangyang buhay, kahit papaano, tapos wala na.
Hanggang don lang.
Tama.
Kaya kailangang simulan na ito.
His jaw tightened when I didn't even try to explain myself.
He clicked his tongue inside his cheeks and turned his back on me.
He also turned on the light; may hawak na siyang papel ngayon at inihagis niya iyon sa lamesa. Kumunot ang noo ko.
"Kontrata iyan," sagot niya nang makita ang tanong sa mukha ko. "Isang segradong kasunduan tungkol sa pagsilang mo sa aking tagapagmana, at hindi mo puwedeng aangkinin ang anak ko. Pagkatapos mo siyang isilang, iyon na rin ang pag-alis mo sa buhay ko."
He said brutally.
Habang pinapakinggan ko pa lang iyon, parang sinasaksak ng ilang kutsilyo ang puso ko.
Ganito ba talaga siya kabrutal?
Pero hindi ko na dapat kwestunin iyon, dahil alam kong may dahilan siya at may dahilan din ako kung bakit ako nandito sa sitwasyong ito.
Binasa ko lahat ng nakasulat, "read everything carefully and back out if you want." Tumigil siya. Nag-angat ako ng tingin. "Pero babawiin ko ang isang milyon."
My stomach dropped.
Wala akong nagawa kundi pumirma dahil kailangan ko.
Akala ko naman ay makakatakas na ako, pero mukhang wala siyang balak palagpasin ang pagkakataong ito dahil agad niyang nilakasan ang pagkakaharap.
My heart thudded in my ears.
Shit!
Ang pinaghalong mint at alak na hininga niya ay langhap na langhap ko dahil magkalapit na ang aming mga mukha.
Mahigpit akong napahawak sa suot kong jeans habang sinasalubong ko ang kanyang tingin.
"You can't escape to me now, Cara." He whispered, his hot breath brushing my cheeks.
And the next thing I know, his kisses are deeper, and since the first time, hindi ko alam kung anong gagawin, pero gusto ko ang ginagawa niya. Kahit ayaw ng isipan ko, hindi ko siya itinatanggi ng katawan ko.
He guided me, and before I could try to compose everything...he unhooked my bra without me noticing it—para siyang eksperto na sa gawaing ito.
Naglalaban ang apoy at desire sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin, "I want you."
Ngunit bago pa man kami tuluyang lamunin ng makamundong pagnanasa, may kumatok sa pinto niya.
Ilang malulutong na mura ang pinakawalan niya; tumiim ang kanyang bagang at tinitigan niya ako.
"Fix yourself," utos niya, at naglakad siya patungo sa pinto habang nagtatago ako sa gilid para ayusin ang bra ko.
"Sir, may naghahanap po sa Inyo sa baba." Narinig kong impormasyon mula sa kasambahay niya tungkol sa lalaki: "urgent raw po." Rinig ko ang panginginig ng kanyang boses.
"Siguraduhin mo lang na urgent," malamig niyang sinabi.
Isinara niya ang pinto at bumaling sa akin.
"Tomorrow, I'll pick you up at your apartment to meet your father."
Iyon lang ang sinabi niya.
Ha?
Bakit alam niyang nag-a-apartment lang ako?
Teka, alam ba niya kung nasaan ang apartment ko?
Cara Tyler came to my house. "Kailangan niyo nang umalis, bilis na!" sigaw ni Tyler sa akin. My son, who was now just seven years old, was confused about what was happening but packed his things anyway. Gusto kong maiyak dahil bakit kailangan pa naming magtago sa pamilyang Peralta, gayong pamilya rin naman nila ang anak ko. I put my things on the floor and faced Tyler. "Bakit kailangan pa naming umalis? Bakit hindi ko haharapin si Mr. Peralta at ipapaliwanag ang lahat sa kanya?" Tyler shook his head; fear was evident in his eyes. "You don't know what you're talking about, so just fvcking pack your things and stop asking me!" Singhal niya, kaya wala akong magawa kundi gawin ang gusto niya, dahil alam ko naman na hindi siya magiging ganito kung wala siyang dahilan. Ano ba talaga ang mayroon sa mga Peralta, at tila takot na takot si Tyler na muling magtagpo kami ng lolo nila? Nang matapos kami, we climbed up to his car and then thought about a lot of things happe
Cara Dinala si Tristan sa ospital. Sasama sana kami ni Ethan nang pigilan kami ni Tyler. "You won't like it when lolo finds you out," may banta niyang sinabi. My heart was beating loudly when I heard those from him. Oo nga pala, ang lolo niya. Agad kong niyakap si Ethan at umalis na doon kasama ang mga batang anak nina Yna at Alisha. Nang makita ko ang mga ina nila, agad ko na silang iniwan doon. I've heard them calling my name, but I didn't turn back while holding Ethan's hand. No baby, I won't even dare to give them the chance to have you. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin, anak, nang ganoon-ganoon na lang. Huminga ako nang malalim, tapos bumalik kami sa bahay. Siguro naman ay hindi niya kami pupuntahan dito kapag nalaman niya na ang anak ko ang nanakit sa apo niya. And I'm pretty sure Tyler won't even say anything to his lolo. He was helping us pa nga eh. And I know Tristan, he wouldn't even dare na ipahamak ang anak ko. Sana lang talaga.
Cara Nag-uusap lang kami nang bigla kong maramdaman na wala na ang ingay ng anak ko. Paglingon ko, hindi nga ako nagkamali dahil nawawala nga siya pati iyong mga kalaro niya na mga anak nina Alisha at Yna. "Anak," tawag ko. Bumangon ako. My whole body was shaking while I couldn't even stand up when I tried to. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Katulad ng nangyari noong nawala siya habang nasa festival kami. Ang daming tao kahit weekday, kaya hindi ko alam kung madali ko bang mahanap ang anak ko. Alisha and Yna were looking for their children, while Ana held my hand. "Ano? You're going to cry at hindi hanapin si Ethan?" Tumayo ako; pinilit ko kahit halos mangatog na ang tuhod ko. I was looking for my son; my chest tightened, and no words came out while I was trying to shout for my son's name. "Anak, si Mama 'to. Nasaan ka?" Sigaw ko. Nagtanong na kami sa ilang nandoon, pero wala silang nakita. Gusto kong umiyak, pero kailangan ko munang hanapi
Cara "Nakakahalata na si Tristan," iyon ang bungad ni Tyler sa akin nang pumasok kami sa bahay. He called me, saying we need to talk about something urgent. Alas sais na ng gabi. Mukhang tulog na si Ethan dahil tahimik ang paligid, o di kaya ay nag-aaral iyon nang mabuti. I turned to Tyler, who was serious about his words. "Kung ganoon, ano'ng gagawin natin?" "I don't know. How about you? Do you have any better solution?" Ngumuso ako, umiling. Wala akong maisip. Hindi ko naman alam na may mangyayaring ganito kasi kampante naman ako na walang mabubunyag, pero ayon na nga. There's always a way to dig up the past, no matter what... Huminga ako nang malalim. Nagkatinginan lang kaming dalawa, tapos bigla siyang nagsalita. "We need to make a way para hindi siya lumapit sa'yo o sa inyo ni Ethan." "Anong naiisip mo?" Ngumuso siya; mukhang hindi rin sigurado sa plano niyang gawin. He leaned closer, naamoy ko ang kanyang pabango na pinaghalong musky at s
Tristan After that incident, wala na naman akong maalala. Parang na-tu-trigger lang siya kapag nagawa ko na yung ginagawa ko ngayon. Kung ganoon, napaglutuan ko na ba si Cara ng pagkain noon? How come? I am a CEO, a multi-billionaire, so how can I have time to cook for someone I didn't know? Hindi eh. Hindi talaga puwedeng wala lang si Cara. Kilala ko siya. Sigurado ako doon. Ano bang nililihim nila sa akin at bakit sila takot na malaman ko iyon? Ano bang tinatago ng pinsan ko at ni Cara? Kung ano man iyon, kailangan kong alamin kahit anong mangyari. Madalas akong bumisita kina Cara. Hindi naman niya ako sinusuway. Tuwang-tuwa naman si Ethan kapag nandoon ako at mukhang sinanay na lang ni Cara ang sarili niya na nandoon ang presensya ko. Hindi ko naman mapigilang matuwa dahil kapag ganoon, ibig sabihin lang na unti-unti nang bumabalik ang mga alaala ko. Na di cannot wait for it to happen. But while I was enjoying my day with Ethan, Crystal was
Cara Tumayo siya, "Ano, Tristan?" The tension in the air was too thick as we stared at each other. My fist clenched at my side while throwing a piercing look towards him. My breath became heavy as I stared at him with my son. "Mama, I invited Papa to our house, so it's basically my fault po." Nilingon ko ang aking anak. Agad akong nahimasmasan nang makitang nasa tabi niya pala ang anak ko. I licked my lower lip and tried to smile at him genuinely. "It's okay, baby," bulong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin, niyakap ko siya nang mahigpit, tapos nilambing. "Ayos lang 'yon, baby, okay? Akala lang ni Mama na pumasok siya nang walang pahintulot







