INICIAR SESIÓNCara
“Did I say to raise your head?” Malamig niyang tanong kaya agad akong nagbaba ng tingin. My body was trembling, holding my breath. “Paakyatin mo siya sa second floor, Manang Doring.” Utos niya sa babaeng kausap ko kanina. Agad naman akong pinatayo niya Manang Doring at pinasunod sa kanya. Habang umaakyat ako pataas ay para ko ring inilalagay ang sarili ko sa panganib. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, isa-isang bomba ang sumasabog. Anong gagawin niya sa akin? Nang nasa tapat na kami ng pinto, huminto si manang Doring at ganoon na rin ako. “Sundin mo ang lahat ng utos niya.” Paalala niya sa akin sa mahinang boses na tila ba nakakatakot. Kinatok niya ang pinto, pinihit ang doorknob at pinapasok na ako. Bumungad agad sa akin ang mababang temperatura, tila ba pinapaalala sa akin kung sino ang hari sa lugar na ito. “Lumapit ka,” matigas niyang utos. Naglakad ako patungo sa kung saan, pero hindi ako sinalubong ng madilim niyang tingin. “This is my doctor,” pakikipag-usap niya sa lalaking nasa tabi niya na mukhang may mataas na antas sa buhay. “She will be going to examine you for a medical examination.” Walang emosyon niyang sinabi at tiningnan niya ang babae. Agad niya akong pinahiga at umalis si Mr. Peralta sa loob. Gustuhin ko mang magtanong, hindi ko na nagawa dahil maraming test ang ginawa niya. Ganito ba talaga kapag naging katulong ka ng isang tanyag na pamilya? Sige lang Cara, tiisin mo lang. Malusog ka naman kaya sigurado akong matatanggap ka. *** “She’s healthy, and fertile.” Anunsyo ng doktor sa kanya, wala siyang sinabi at pinasadahan lang ako ng tingin. Umalis na ang babae kaya ngayon ay kami na lang ang naiwan. Kumunot ang noo ko. Ang kabang naramdaman ko kanina ay tila napalitan ng isang tanong. Anong ginagawa niya? “You’re good, healthy, and fertile just like what I need. I’ll deposit the 500 thousand then the other half will be at the end of the month.” Walang paligoy-ligoy niyang sinabi. Napakunok ako. Kumuha ng lakas ng loob. “Ano pong gagawin ko, sir?” Tanong ko, pilit kong pinapa-steady ang boses ko. “Babaeng maipresenta kay Lolo bilang tagapagmana ko.” Nalaglag ang aking panga. “You’re not going to be a maid, but a mother of my heir.” Halos kapusin ako ng hininga sa kanyang sinabi. Magdadala ng magiging tagamana niya? “Do you agree or disagree, Miss Valderama?” Tanong niya, tinapik niya sa kanyang lamesa ang kanyang kuko tila ba naghihintay sa sagot ko. Kaya ko ba talagang gawin ito? Pero kung hindi…maaaring mawala sa akin ang aking tatay at hindi ko iyon kakayanin. Ngunit kapalit naman nito ang dignidad ko. Pero mahalaga pa ba ang dignidad mo kung nag-aagaw-buhay na ang tatay mo, Cara? Taas noo akong tumingin sa kanya, sinalubong ng madilim niyang mga mata. “Papayag ako sa isang kondisyon, Mr. Peralta.” Tumaas ang kanyang kilay, pero hindi siya nagsalita. “Kailangan ko ng bayad sa bawat buwan na nasa sinapupunan ko ang anak mo.” Tumawa siya, isang malamig at malalim na tawa. “Gahaman ka rin masyado.” “Hindi lang basta-basta ang hinihiling mo, Mr. Peralta.” Tumaas ang sulok ng kanyang labi, at walang pasabing tumango kaya napakurap ako. Talaga bang…pumayag siya? “It’s a deal,” he said and give me a check. “You may now go, and I’ll ask for your presence when I need you.” Iyon ang huli niyang sinabi bago ako iniwan sa kuwartong iyon. *** Wala akong inaksayang oras. Kailangan ni tatay na magamot kaya nagbayad agad ako sa cashier. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin; inasikaso nila kami nang maayos, pinalipat kami ng kuwarto at itinuring kaming espesyal na tao sa loob ng ospital. May pinapirmahan sila sa akin na isang mahalagang dokumento. Binasa ko iyon para makasiguro at para maayos na, kaya agad na akong lumagda. “Well going to start the surgery, Miss Valderama.” Nakangiting nag-anunsyo ang nurse at inilipat nila si Tatay sa isang bed stretcher, tapos dinala sa OR. Sumunod ako, kaso lang ay hindi ako puwedeng pumasok. “Anong oras po kaya matatapos ang operasyon ni Tatay?” “Tatlong oras po dahil mahaba ang proseso. Sige po, ma’am.” Sambit niya at umalis. Abot-abot ang tahip ng kaba sa dibdib ko. Halos maiyak na ako habang naghihintay kay tatay. Hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako nang back and forth habang nakatingin sa orasan. Sa bawat paggalaw ng orasan, lalong bumibigat ang dibdib ko. Sana po ay maging maayos ang tatay ko. Hindi nga nagtagal, inilipat na si Tatay sa kanyang kuwarto. “Good news, Miss Valderama, the operation is successful, but he needs to take meds para po magtuloy-tuloy ang kanyang paggaling.” Nakangiting sambit ng doktor at may iniwang listahan sa akin. Kailangan ko ngang bumalik at madaliin ang mga kailangan kong gawin para kay Mr. Peralta upang mapabilis ang paggaling ni Tatay. Dahil kung magdedepende lang ako sa sahod ko sa fast food. Kulang na kulang pa iyon. “Kaya ko ‘to,” bulong ko sa aking sarili. Sa bawat araw na nasa ospital si Tatay, mas lumalaki ang bill ng ospital namin, kaya habang hindi pa ako pinatawag ni Mr. Peralta, kailangan kong humanap pa ng part-time job. Ngunit hindi pa rin iyon sapat. Isang araw, tumunog ang cellphone ko. Hindi iyon pamilyar na numero, pero sinagot ko pa rin—baka importante. Hindi nga ako nagkamali. “Pinapatawag ka ni Mr.Peralta, Cara.” Mabilis akong nag-ayos. Naligo at naglinis ng katawan upang maging handa sa anumang maaaring mangyari. Dahil simula nang pumayag ako sa alok niya, alam kong pagmamay-ari na niya ako at kaya na niyang gawin ang gusto niya. “Kailangan na kailangan mo talaga ng pera?” Sa mapang-insultong tanong niya, hindi ako nagsalita. Nilunok ko lang lahat. “My lolo wants an heir for a month, so I need you to bear my heir next month.” Napakurap ako. “P-pero,” “No buts, Cara, unless you give me back the money I paid you first.” Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng puting bestidang suot ko. Magpakumbaba ka lang, Cara, dahil ikaw ang nangangailangan. “Ang kalahating milyon bago ako pumayag sa maaaring mangyari sa atin.” Matapang kong sinabi. He clicked his tongue inside his cheek, amused by what I offered. Naglakad siya papalapit sa akin at lalong sumisikip ang malawak na kuwartong ito habang papalapit siya. Tila siya lang ang nakikita nito. My whole body trembled. My throat tightened. He stopped midway, but leaned closer until I could feel his hot breath in my cheeks. “I need to mark you first before I give it to you, woman.” His voice hoarse, halos makalimutan ko na ang huminga at nafroze na lang ako sa aking kinatatayuan.CaraLiteral na tumigil ang mundo ko sa sandaling iyon. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Saan niya nakuha ang bagay na iyan? “Ethan,” I walked through. “Sinong nagsabi niyan sa’yo, baby?”“Teacher,” sagot niya. “She said that there is mommy and then there is daddy, so why do I only have m
Cara“Cara, maraming nagpa-ansin sa ship natin kapag nandiyan ka.” Siko sa akin ng aking cashier na si Yna.“Oo nga,” ang server na palagi kong sinasahaman na si Alisha ay dumagdag naman para magtungan ang pagiging ilusyunada ng grupo. “Naku, kung ako sa’yo, si Gabriel na lang ang papatulan ko sa lahat.” Singit na ng baked ko na si Ana. “At bakit naman?” Nakapameywang na ang tanong ni Alisha dahil si Enzo ang gusto niya, habang si Yna naman ay si Kokoy ang gusto niya. Napailing na lang ako. Noon ko pa sinabi sa kanila na naka-focus ako sa anak ko, pero heto sila, nag-aaway na naman sa lalaking karapat-dapat sa akin. “Naku, Cara,” pinaharap ako ni Yna sa kanya. “Si Kokoy na lang kasi hindi matapobre ang pamilya at botong-boto pa sa’yo.” Si Alisha naman ang humila sa akin upang ipaharap sa kanya habang siya ay nakaharap kay Yna. “Ano namang gagawin mo sa kokoy na ’yan? Mabait nga ang pamilya pero batugan naman.” Ngumisi siya nang tumingin siya sa akin. “Cara, kapag si Enzo. Hardwo
Cara7 years later…“M-mama!” Tawag sa akin ang anak ko na naglalaro ng kanyang toys kasama ang lolo niya. Homeschooled lang si Ethan dahil ayokong may makakita sa kanya. If you asked me how I got Ethan, well, it was simple. Sabi nga nila pag may nawala, may darating but noNang manganak ako. I immediately got my son even if I was in pain. Tinulungan ako ng nurse na nagbabantay sa anak ko na tumakas, kasi sabi ko sa kanya, kukunin ng ama niya ang anak ko, at mukhang maawain siya, kaya agad niya akong tinulungan nang walang sinabi. Pinasakay pa niya ako sa Grab. Pinalabas ko si Tatay sa ospital. Nang makita niya ang kalagayan ko, halos malula siya. Pero walang tanong-tanong na umalis kami sa ospital na iyon dahil full payment naman namin. Salamat sa pera ni Tristan.Alam kong tumiwalag ako sa usapan namin, pero pag naging nanay ka, bigla-bigla mong nakakalimutan ang lahat. Kahit pa ang pera. Nang makita ko ang bata, para akong tinutusok ng karayom habang nakikita ko siyang umiiy
CaraUmalis na siya; pinaalis ko na, pero ang panginginig ng aking katawan ay nandito pa rin. Sobrang laki ng pawis na tumutulo sa mukha ko kahit naka-on naman ang aircon sa sala. What the hell? Malapit na ako oh, makakaalis na ako dito. Hindi ko na magugulo si Tristan. Wala na akong kakatakutan. Ilang linggo na lang. Sana ay walang gawing masama ang babaeng iyon, dahil kapag mayroon. Hindi ko alam kung anong magagawa ko. Huminga ako nang malalim bago ko pinilit na ngumiti at umakyat sa taas. Pero hindi pa man ako nakakaakyat sa hagdan upang sana ay matulog-tulugan nang makita ko si Trustan na bumaba, kinukusot ang mga mata. Nanlaki ang aking mga mata. Nakaalis na ba sila? "Good morning, Tristan," I said, keeping my voice composed and steady while trying to show him my genuine smile. His forehead knitted. "Morning," he greeted me with his deep voice. Hindi ko magawang i-appreciate iyon dahil kabado ako na baka bumalik ang mga iyon at magkita sila ni Tristan. Siguradong
Cara"Yes?" Bungad ko sa babaeng kumakatok. "Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa baba." Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa sinabi ng babae. Bumaba ako sa hagdan at halos tumigil ang mundo ko nang makita ko kung sino ang nandoon at naghihintay sa akin. Nang magtama ang mga mata namin, tumingin siya sa aking mukha pababa sa aking tiyan, tapos ay ngumiwi."Akala mo talaga napabait mo kung makadiri ka sa akin; mas malala ka pa pala kaysa sa akin!" She spatted. I tightened the grip of the hawakan ng hagdan while looking at her way. Ang kanyang mga anak ay nakaupo lang sa sofa habang namamangha sa mga nakikita nila. Kami naman, ng mga magulang nila, ay nagtatapatan kung sino ang mas angat na ang buhay ngayon. Dahil iyon naman talaga ang gusto niya… ang makipagkompetensya. Tangina talaga. Kahit saan ata ako magpunta, maamoy nila ako dahil para silang mga bangaw na kung saan ako, doon din sila nakasunod. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa matigas na Boses. At higit
CaraAs I stepped closer to where I was supposed to be, everything didn't make sense. Like, why the hell am I even here and attached to this family? Kay Tristan. At sa bata. Bakit, habang tumatagal, bigla-bigla kong nakakalimutan kung ano ba talaga ang ipinunta ko rito? Am I on the right path? Hindi ko alam kung tama ba ito o kung ano ba ito dahil kahit ako ay nahihirapan na rin sa mga pinaggagagawa ko, pero may iba pa ba akong choice? Mukhang wala na eh.Huminga ako nang malalim. At hinayaan na lang ang sarili na mag-go with the flow. Walong buwan na ang batang nasa sinapupunan ko, at habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman na ayoko siyang alisin sa buhay ko. Pero kailangan kong umalis; kailangan kong panindigan ang usapan namin ni Tristan dahil iyon ang kasunduan at may nakasulat na kontrata. Ngumiti ako habang pinipilit kong alisin ang mga negatibong bagay na nasa isip ko.Kailangan ko lang ngumiti at kalimutan ang anumang mangyayari pagkatapos nito. "Dito na ako sa







