Pregnant with My Possessive CEO Husband

Pregnant with My Possessive CEO Husband

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-07-13
Oleh:  HirayaManawariBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
5Bab
12Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Nakatakda nang hiwalayan ni Klaire ang asawa niya nang malaman niyang bumalik na ang kaniyang kapatid, ang ex girlfriend ng kaniyang asawa na si Ethan. Sa loob ng limang taon nilang pagsasama, alam niyang ni kailan man ay hindi siya minahal ni Ethan Roswell, pinakasalan lamang siya nito dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya. Ngunit ngayong handa na siyang magparaya, nalaman niyang nagdadalang tao siya! Anong pipiliin ni Klaire? Ang manatili para mabigyan ng kumpletong pamilya ang magiging anak nila? O hiwalayan ang asawa para magpaubaya sa kaniyang kapatid? Pero ang tanong, papayag ba si Ethan Roswell na hiwalayan siya nito ngayong alam niya nang nagdadalang tao siya?

Lihat lebih banyak

Bab 1

1

Klaire's POV

"Congratulations, Mrs. Roswell. You're 6 weeks pregnant!" Masayang anunsyo ni Doc. Aquino na agad na ikinangilid ng luha sa mga mata ko.  

"Si-sigurado ka ba, D-doc?" Nauutal kong tanong sa doctor, puno ng takot ang boses ko. Pero imbes na sagutin ako ay ipinakita niya sa ultrasound machine ang isang irregular shape ng fetus. Prang kinurot ang puso ko.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng nga luha ko.

Bakit ngayon pa? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. 

Pagkatapos sabihin ng Doctor ang mga dapat kong gawin ay kaagad na rin akong umalis. Dumiretso ako sa kotse ko at mabilis na nagmaneho pauwi ng aming mansion. Habang nasa byahe ako ay walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko.

Bumalik na si Ayumi. Alam kong hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ni Ethan. Dahil sa una palang, sila naman dapat ang nagkatuluyan kung hindi lang nagkasakit si Ayumi.

Alam kong plinaplano niya na ang divorce namin ngayon para mapakasalan niya na si Ayumi. 

Pero ngayong buntis ako, paano naman kami ng anak niya?

Kahit sabihin ko sa kaniyang buntis ako, siguradong hindi niya rin matatanggap ang batang dinadala ko. Sa tuwing may mangyayari sa aming dalawa, kitang-kita ko ang pangdidiri niya sa akin.

He hates me.

Alam ko iyon.

Malaki ang galit niya sa akin dahil pumayag akong magpakasal sa kaniya kahit na alam kong ang kapatid ko ang mahal niya. 

Pinilit ko ang sarili ko sa kaniya noon dahil mahal ko siya.

Ngunit ngayong handa na akong bumitaw sa kaniya, saka pa may nabuo sa aming dalawa!

______

Pagkarating ko, agad akong bumaba sa sasakyan ko dala ang envelope kung saan nakalagay ang ultrasound results ko.

Pagkapasok ko ng mansyon ay dumiretso na ako sa hagdanan patungo sa aming kwarto, ngunit pipihitin ko na sana ang door knob nang bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang madilim na ekspresyon ng asawa ko.

Napasinghap ako sa gulat pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan niya na ako.

Anong ginagawa niya dito? Hindi ba may conference meeting siya ngayon?

"Where have you been?" Seryosong tanong niya. Humakbang siya papalapit sa akin at hinuli ang braso ko.

Napalunok ako. Bumababa ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin bago ko muling sinalubong ang madilim niyang mga mata. 

Kita ko ang galit doon pero kahit na gano'n ay hindi ako nakaramdam ng takot dahil kahit malamig ang pakikitungo niya sa akin, kahit kailan ay hindi niya ako nagawang pagbuhatan ng kamay.

"B-bakit ka nandito? Hindi ba may conference meeting ka ngayon?" Mahinang sabi ko.

Umigting ang panga niya.

"Don't answer me with question, Woman. Where have you been?" Seryosong sabi niya, pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang iritasyon sa boses niya na bahagyang ikina sikip ng dibdib ko.

Bakit ba ang lamig-lamig niya sa'kin? 

Kapag ba nalaman niyang buntis ako, mai-iba kaya ang trato niya sa akin? 

Mapakla akong natawa sa isip. 

Bakit kailangan ko pang isipin ang tanong na 'yon? Alam ko naman ang sagot.

"It's none of your business, Ethan." Malamig kong sabi sa mapait na boses. Kitang-kita ko ang bahagyang pagkatigil niya sa sinabi ko pero bago pa siya muling makapagsalita ay kinuha ko sa kaniya ang kamay ko at nilakdawan siya papasok ng aming kwarto.

"What did you do to the hospital?" Malamig niyang tanong na ikinatigil ko.

How did he know?— Fuck!

Nakalimutan kong cards niya nga pala ang gamit ko sa pagbayad kanina sa hospital! He probably got the notification!

Huminga ako ng malalim.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya nagpacheck-up ako," kalmadong sabi ko. Pero ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, alam kong nakatitig siya sa akin.

"That's why you got yourself an ultrasound, huh?" Sarkastiko niyang sabi.

Nanlamig ang buong katawan ko.

Paanong...

Bago pa man ako makapagsalita, naramdaman ko ang mabilis niyang paghakbang palapit sa akin. At sa isang mabilis na galaw, mabilis niyang nakuha ang hawak kong envelope.

Parang nabingi ako sa lakas ng tambol ng dibdib ko.

"Ethan!" Mabilis akong nabalik sa ulirat.

Agad kong inabot sa kaniya ang envelope bago niya pa man mabuksan ito.

Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya.

"What are you hiding from me, Woman?" Malamig niyang tanong habang nakatitig sa akin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. 

Hindi ko gagamitin ang anak ko para manatili siya sa akin.

Kumuyom ang kamay ko habang mahigpit na nakakapit sa envelope. Huminga ako ng malalim at muli siyang hinarap. Kahit nakakaintimida ang mga mata niya ay buong tapang kong sinalubong ang mga titig niya.

"I-I want a divorce, Ethan." Sinubukan kong huwag mautal pero hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko habang nag-iinit ang mga mata ko.

Kitang-kita ko ang pagdilim ng ekspresyon niya ngunit bago pa man siya makapagsalita ay pareho kaming napalingon sa hawak niyang cellphone ng biglang magring ito.

Tiningnan niya ito at nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kaniya, walang pag-aalinlangan niya itong sinagot.

"Ethan, nasaan ka?" Parang bumaliktad ang sikmura ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Humakbang si Ethan para talikuran ako at makausap ng maayos ang kapatid ko. Hindi ko alam pero parang may kung anong bumara sa dibdib ko at bigla akong nahirapan sa paghinga.

Nilagay niya ang cellphone sa kaniyang tenga, "I'm home, what happened?" Seryosong sabi niya.

"Ethan, I'm not feeling well... Pwede ka bang pumunta dito? Please..." Malambing na sabi ni Ayumi.

Kumuyom ang kamay ko.

Hindi na ba talaga sila makapaghintay at harap-harapan na nilang nilalantad ang mga sarili nila? 

Pinunasan ko ang tumulong luha sa mga mata ko. God, Klaire! Ano naman kung sila na ulit? Magdidivorce na rin naman kayo! Stop being stupid!

Bago pa tuluyang bumuhos ang mga luha ko ay mabilis akong tumalikod papasok ng aming kwarto— nang bigla niyang hulinin ang kamay ko na ikinatigil ko.

"L-let me go." Hikbi ko.

God! Gusto kong murahin ang sarili ko kung bakit sobrang emosyonal ko! 

"Let's talk," malamig niyang sabi na ikinanginig ng mga labi ko.

"B-Bitawan mo 'ko, Ethan. G-gusto ko nang magpahinga." Nanginginig ang boses na sabi ko.

Muling tumulo ang luha ko. Wala na kaming dapat pag-usapan pa!

"We're not done talking, Klaire." Seryosong sabi niya pero rinig na rinig ko ang iritasyon sa boses niya.

Galit ko siyang nilingon.

"Pumayag na akong makipaghiwalay sayo kaya ano pang gusto mong gawin ko? Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa! Pumunta ka na ro'n sa kalaguyo mo!" Sigaw ko sa kaniya at itinulak siya pero dahil sa sobrang laki niya ay hindi man lang siya gumalaw.

Kumunot ang noo niya na para bang hindi niya alam kung ano ang sinasabi ko. 

"What the fuck are you saying, Wife?" Naguguluhang tanong niya.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status