Mag-log inHindi sinasadya o sinadya man ng Tadhana na mag-krus ang landas ng lasing na si Bethany at nagtatanggal stress lang na si Gavin ng gabi ng engagement party ng ex-boyfriend ng dalaga; naniniwala sila na may malaking purpose ang pagtatagpo nila. Pagkatapos kasi ng gabing iyon ay sunod-sunod na ang naging interaksyon ng dalawa hanggang sa may mamuong pag-ibig at tuluyang mahulog ang damdamin sa bawat isa. Ngunit subalit datapwat, kagaya lang din ng ibang relasyon at pareha; susubukin sila ng panahon, huhubugin ng mga problema at susukatin ang tatag ng music teacher na si Bethany Guzman at ng abugadong si Gavin Dankworth kung hanggang saan aabot ang binhi ng pagmamahalan nilang naipunla.
view moreSA MISMONG GABI ng engagement party ni Albert ay mag-isang nagtungo ng bar at nagpakalasing si Bethany Guzman; ang ex-girlfriend ng lalake. Subalit hindi rin siya nagtagal dahil sa mabilis siyang malasing. Lumabas siya ng bar at nagpasyang umuwi na lang. Pagdating niya sa bahaging madilim na pasilyo papalabas ng bahay-aliwan ay may natanaw siyang bulto ng katawan, nakatalikod ‘yun banda sa dalaga. Napagkamalan niya itong ang ex-boyfriend, bunga ng espirito ng alak. Mahigpit niya itong niyakap. Biglang humarap sa kanya ang nagulat na binata. Namumungay ang mga matang inilagay ni Bethany ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ng lalake. Hindi pa siya doon nakuntento, tumingkayad pa ang dalaga upang abutin at taniman ng mariing halik ang labi ng lalakeng bahagyang napaawang na lang ang bibig dala ng labis niyang pagkagulat.
“Alam kong miss na miss mo na rin ako, Albert…” usal ni Bethany sa pagitan ng kanilang mga halik, ginantihan na rin kasi siya ng lalake bagamat hindi siya kilala. “Hindi mo ako kayang tiisin kaya ka nga narito ngayon ‘di ba?” masuyong himas pa ng dalaga sa leeg ng lalake.
Muli niya itong siniil ng halik, ngunit agad na nangunot ang noo ni Bethany nang malasahan ang hindi pamilyar na lasa ng laway ng lalake. Bahagya niyang inilayo ang katawan nito, ngunit huli na ‘yun. Nagawa na ng estrangherong lalake na hapitin siya sa bewang upang pigilan sa tangka n’ya sanang pagkuha ng distansya dahil sa bigla na lang naalarma s’ya.
“Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Miss?”
Nakakakiliti para kay Bethany ang dating ng mahinang bulong na iyon ng lalake sa tainga. Tuluyang nahulasan at nilubayan ng espirito ng alak sa katawan si Bethany. Biglang naitulak na niya ang bulto ng lalake palayo sa kanya. Napamulagat ang mga mata niya na halos lumuwa nang makilala kung sino ang napagkamalang dating kasintahan niya.
Si Gavin Dankworth iyon.
Ang pinakamagaling at sikat na lawyer sa bansa na may iba’t-ibang negosyong nakapangalan sa kanya.
‘Oh my God! Anong katangahan mo ito, Bethany, ha?!’
Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya?
Maliban na lang siguro iyong mga nakatira sa bundok na hindi sakop ng kuryente at ng mga teknolohiya kung saan ay sikat ito. Hindi lang ‘yun, ang lalakeng ito rin ay ang future brother-in-law ng ex-boyfriend niyang si Albert. Sa kaalamang iyon ay napaatras na si Bethany, kamuntikan pa nga siyang matumba dahil biglang nagbuhol ang kanyang mga paa.
“Oops, mag-iingat ka Miss. Baka mapasama ang bagsak mo at mabingutan ka. Sayang ang ganda.”
Napangiti na ng pilit si Bethany na may pagngatal pa ng labi sa huling sinabi nito. Halatang palaban ang lalake sa anging hamon niya. Naisip niyang kung nagawa nga siyang lokohin ni Albert, bakit hindi niya pwedeng gawin din iyon lalo pa at wala naman na silang dalawa? Hindi niya kailangang magpa-demure at maging mabuting babae sa mata ng lahat. Bakit hindi niya pagbigyan ang sarili na gawin ang gusto niya kahit sa gabing iyon lang?
‘Ngayong gabi lang, Bethany.’
Sa halip na tumakbo palayo ay muling lumapit si Bethany sa lalake. Muling itinapon ang sarili para yakapin ng nabiglang lalake. Maganda siya, kaaya-aya rin ang hugis ng katawan niya pati amoy niya. Siguro naman ay hindi siya nito magagawang basta na lang tanggihan.
DAHIL SA URI ng propesyon ni Gavin Dankworth ay hindi niya basta maitaboy palayo ang babae. Handa siyang magkaroon ng panandaliang relasyon dito kahit sa gabing iyon lang. Nakita niya kasing malungkot ito at puno ng pananabik ang itinatapong mga tingin sa kanya.
“Uulitin ko ang tanong ko Miss, seryoso ka ba?” binasa pa ni Gavin ang labi habang nakatingin sa magandang mga mata ni Bethany.
Lumunok muna ng laway si Bethany. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang dagundong ng tibok ng puso niya sa loob ng dibdib. Pinadausdos niya ang hintuturo sa bridge ng ilong nito saka malapad na ngumiti.
“Oo naman—”
“Kung ganun, umalis tayo dito.” bulong ni Gavin na hinapit na muli sa beywang si Bethany upang mas ilapit pa ang katawan sa kanya.
Naranasan ng mahalikan ni Bethany, pero hanggang doon lang iyon. Hindi lumagpas doon ang kanyang limitasyon sa katawan. Nananatili pa ring malinis ang puri niya. Birhen pa siya dahil nangako siya sa sariling ibibigay lang niya ito oras na pakasalan siya ng magiging asawa.
“Huwag na, dito na lang tayo. Hindi ko pa nagawang subukan na makipag-make out sa lugar na ito.” pinalambing pa ni Bethany ang boses para mas maging tunog aggressive at expert iyon sa bagay na tinutukoy niya, “Wala naman ditong masyadong dumadaan eh…”
Hindi inaasahan iyong sagot ni Gavin. Mukha kasing inosente ang babaeng kaharap at para bang wala rin itong muwang sa kamunduhan na sinasabi ng katawan nito. Gayunpaman ay hindi na lang nagsalita si Gavin, tutal ngayon lang naman iyon bakit hindi na lang niya pagbigyan? Inilapit na niya ang mukha sa babae at walang pakundangang inangkin ang labi nitong sobrang lambot at matamis kahit nalalasahan pa niya dito ang alak na ininom kanina.
Kagaya lang din sila ng ibang mga lalake at babae na nagma-make out dala ng espirito ng alak. Malayang pinagbibigyan ang nag-uumalpas na init ng kanilang mga katawan kahit na panandalian lamang ang tagpong iyon sa kanilang pagitan.
“A-Albert…” tawag ni Bethany sa pangalan ng kanyang ex-boyfriend matapos na panandaliang tanggalin ni Gavin ang mapulang labi sa bibig.
Bakas ang pagkaasar na bumalatay sa mukha ng lalake ng mapagtanto na napagkamalan lang pala siya ng babae. Ang buong akala pa niya ay nahimasmasan na ito at namukhaan s’ya.
DUSTIN’S BODY HIT the expensive Rolls-Royce with a bang, but Maverick didn't care at all. He stepped forward and grabbed Dustin's collar and sneered. Dala ng pagkabigla ay hindi na nagawa pang makalaban ni Dustin na nabitawan ang kanyang mga dala. Tumilapon iyon sa lupa. Sinundan iyon ng tingin ni Savanna na nanghihinayang na sa mga pagkain.“Sa tingin mo, dapat kang pahalagahan porket naging karelasyon ka niya? Hindi mo siya mahal—” “Bakit Mr. Alvarez, mahal mo ba siya? Iyon ba ang gusto mong palabasin? Mahal mo siya? Kung mahal mo siya, hindi mo siya iiwan. Hindi mo siya sasaktan at hindi mo hahayaang pumunta siya sa mismong araw ng kasal mo!” Dustin's face was all colored. But at this time, he felt extremely sad and angry. The inferiority complex of being betrayed by a woman and following a rich man took over all his rationality. He grabbed Maverick's collar and started fighting with him. Hindi na niya pinansin ang agwat ng kanilang edad tutal si Maverick naman ang naunang mag-am
AFTER BREAKFAST AND changing clothes, Savanna went downstairs carrying her bag. The air is fresh after the rain. Huminga siya nang malalim, dumiretso sa kotse ni Maverick, inabot ang kamay at kumatok sa bintana. The car window was lowered, revealing a slightly tired handsome face of Maverick. Matapos magpuyat buong gabi, hindi na kasing-fresh ng dati ang itsura ni Maverick. Lumingon siya at tahimik na tumingin sa mukha ni Savanna.“Get in the car, ihahatid na kita.”Hindi gumalaw si Savanna upang sunumunod sa kanya. Pinag-isipan niya ito sandali bago sinagot ang sinabi ni Maverick.“Magda-drive ako ng sasakyan. Nilapitan lang kita para sabihan ka na huwag mo ng ulitin na pumunta dito.” Hindi sumagot si Maverick na nanatili ang tingin sa kanya. “It was impossible for us in the past, it is impossible now, and it will be impossible in the future.”Maverick smiled softly. Hindi dinamdam ang mga salitang kanyang binitawan.“Why, my car is parked here and it's in your way? Public parking
MAYROONG NAIS NA sabihin si Savanna ngunit hindi siya hinayaan ng kanyang inang gawin ang bagay na iyon. Humakbang ito patungo sa may bintana na naging dahilan upang sundan ng babae ng tingin ang ginawa ng kanyang ina. Ilang segundong tumitig ang Ginang sa itim na sasakyan na nasa ibaba ng kanilang tirahan. Lumalim pa ang iniisip nito. “Anak, gusto ko lang sabihin sa’yo na mahirap ang maging stepmother.” turan ng Ginang nang lumingon na sa banda ni Savanna na natitigilan pa rin ng mga sandaling iyon, “Kaya pag-isipan mo sanang mabuti bago ka magdesisyon.” Savanna couldn't help but have tears in her eyes. Alam niya kung ano ang tinutukoy ng Ginang kung tungkol saan iyon.“Mom, I never thought about being with him. Hindi na po ako makikipagbalikan sa kanya kahit na anong gawin niya. Napakatagal ng panahon noong magkaroon kami ng relasyon. Huwag niyo na pong alalahanin pa ang bagay na iyon.” Hindi na napigilan ni Savanna na mamasa ang kanyang mga mata nang sabihin ang litanyang iyon.
SAVANNA LOOKED SIDEWAYS at him. She smiled softly. Mga ngiting halatang mayroong pang-uuyam sa bultong kaharap.“Does it hurt? Mabuti naman kung ganun dahil ngayon ay alam mo na.” sambit ni Savanna na para bang natutuwa pa siya sa reaction noon ni Maverick sa kanyang mga sinabi. “It hurt a hundred times more than this before. Ganun ang ginawa mo sa akin ng pinagmukha mo akong tanga dahil ibang babae ang pinili mong pakasalan at hindi ako. Ganitong-ganito.”Savanna finally left, walking up the steps step by step under Maverick gaze and leaving his sight step by step. Maverick leaned against the wall. Kung hindi niya gagawin iyon ay baka bumagsak ang katawan niya dala ng kanyang panghihina. Maverick lit a cigarette irritably. Doon niya na ibinaling ang kanyang atensyon. He knew that Savanna would not accept him easily, but she didn't soften at all after so long. Dapat sa ganitong klase ng panghihinuyo niya ay may improvement na. It was because he hurt her too deeply. Naiintindihan ni Ma
SINUKLIAN LANG IYON ni Piper ng panibagong ngiti. Hindi naman siya madaldal upang makipagkwentuhan sa kanila. Just then, a group of people came down from the elevator on the second floor, led by none other than Bryson Dankworth. Sa dami ng taong kanyang makikita, ang lalaki pa talaga? Binawi niya
ILANG BESES NA bumukas ang bibig ni Piper. Nais niya sanang barahin na kasalanan niya din dahil pinamihasa niya na maging ganun ang ugali ni Savanna. Siya rin naman ang nagto-tolerate kaya marapat lang na pagtiisan na lang niya iyon. Marami pa doob ang nais niyang sabihin ngunit sa bandang huli ay
BIGLANG NAGING PROBLEMADO ang matandang babae sa kanyang narinig na dahilan ni Piper. Gusto niya ng sabihin kay Piper ang totoo na nangyari kanina, na huli na siya dahil alam na ng ama ng mga bata, ngunit natatakot siya. Baka mamaya kapag nalaman nito, ora-oradang mag-alsa balutan sila at lumayas.
NAKA-ORDER NA SILA, ngunit wala pang bakanteng upuan for four. Tumayo si Gabe upang tingnan kung ano ang nangyayari. Pinansin siya doon ng manager.“There are a lot of reservations today, Attorney Dankworth. Wala ng bakanteng upuan para sa kanila.”Gabe pondered and wanted to deal with it, but when






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Ratings
RebyuMore