Klaire's POV"Congratulations, Mrs. Roswell. You're 6 weeks pregnant!" Masayang anunsyo ni Doc. Aquino na agad na ikinangilid ng luha sa mga mata ko. "Si-sigurado ka ba, D-doc?" Nauutal kong tanong sa doctor, puno ng takot ang boses ko. Pero imbes na sagutin ako ay ipinakita niya sa ultrasound machine ang isang irregular shape ng fetus. Prang kinurot ang puso ko.Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng nga luha ko.Bakit ngayon pa? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Pagkatapos sabihin ng Doctor ang mga dapat kong gawin ay kaagad na rin akong umalis. Dumiretso ako sa kotse ko at mabilis na nagmaneho pauwi ng aming mansion. Habang nasa byahe ako ay walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko.Bumalik na si Ayumi. Alam kong hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ni Ethan. Dahil sa una palang, sila naman dapat ang nagkatuluyan kung hindi lang nagkasakit si Ayumi.Alam kong plinaplano niya na ang divorce namin ngayon para mapakasalan niya na si Ayumi.
Last Updated : 2026-07-13 Read more