แชร์

Kabanata 65

ผู้เขียน: Docky
last update วันที่เผยแพร่: 2026-07-29 08:41:07

Myla’s POV

~Few days later~

“Mama, kumusta po ang pakiramdam mo?” malambing kong tanong pagpasok ko ng hospital ward ni mama. Gising siya at nakasandal sa bedrest ng kama. “May dala akong pagkain. Paborito mo ‘to.”

“Nag-abala ka pa, anak. Alam mo namang hindi rin ako gaanong makakakain,” malungkot niyang turan pero tinanggap pa rin niya ang baunan na inabot ko. Agad kong inayos ang maliit niyang lamesa para masimulan na niyang kainin ang dala kong pagkain.

Nakakailang subo pa lang si Mama nang
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 65

    Myla’s POV~Few days later~“Mama, kumusta po ang pakiramdam mo?” malambing kong tanong pagpasok ko ng hospital ward ni mama. Gising siya at nakasandal sa bedrest ng kama. “May dala akong pagkain. Paborito mo ‘to.”“Nag-abala ka pa, anak. Alam mo namang hindi rin ako gaanong makakakain,” malungkot niyang turan pero tinanggap pa rin niya ang baunan na inabot ko. Agad kong inayos ang maliit niyang lamesa para masimulan na niyang kainin ang dala kong pagkain.Nakakailang subo pa lang si Mama nang tumigil siya at may kinuha sa ilalim ng unan niya. Isa iyong maliit na box. “Regalo ko ito sa’yo, anak. Happy birthday sa’yo,” nakangiti niyang bati sa akin.“Mama, hindi mo naman po kailangang magbigay sa akin ng regalo. Paano mo nabili ‘to?” Hindi ko pa rin kinukuha ang maliit na kahon sa kamay niya. “Baka naman kung kani-kanino ka pa nakiusap?”Sa halip na sagutin agad ako ay hinawakan niya ang kamay ko at sapilitan niyang inilagay ang maliit na kahon sa kamay ko. “Ano ka ba, hindi ko naman

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 64

    Myla’s POV“D-Daddy!” paulit-ulit na bulong ni Aleron habang nakasubsob siya sa dibdib ko. Mahigpit ko siyang niyakap habang nakaupo kami sa isa sa mga upuan na nakahelera sa hallway. Naghihintay kami ng balita sa doctor kung ano na ang lagay ni Raven.“Magiging okay ang lahat, Aleron. Magiging okay ang daddy mo,” sambit ko ng paulit-ulit sa kaniya at hinaplos ang likod niya.Ngunit kahit sinasabi ko ‘yon sa kaniya, hindi rin ako sigurado sa maaring mangyari kay Raven. Kita ko ang dugo sa damit niya at ang patalim na hawak-hawak ng lalaki habang tumatakbo ito palayo. Kung hindi dumating agad sina Hans ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Sabay kaming napatayo nang sa wakas ay lumabas na ang doctor. Napapailing ito at dismayado ang mukha.“Kayo ba ang pamilya ng pasyente?” tanong ng doktor habang nakatingin siya sa amin. Agad naman akong napatango at lumakad palapit sa kaniya.“Kami nga po, doc. Kumusta po ang lagay niya? Ayos na po ba siya? P’wede na po ba siyang ilipat ng kuwart

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 63

    Myla’s POVWala akong ibang ginawa kundi ang sundan ang bawat galaw ni Aleron. Takbo rito, takbo roon ang ginawa niya sa bawat kakaibang isdang makikita niya sa aquarium. Medyo nararamdaman ko na rin ang pananakit ng mga binti ko, samantalang si Raven ay tahimik lang na nakasunod sa amin at wala ring anumang reklamo.“Aleron, hindi ka ba nagugutom?” tanong ko nang sa wakas ay tumigil na siya. Nakaupo na kami ngayon sa isang bench habang hinihintay ang pagsisimula ng main event.“Here.”Hindi pa man nakakasagot si Aleron ay iniabot na ni Raven ang isang plastic bag na may lamang choco milk drink, fries, at Chickenjoy.“I knew you wanted to try that one, right?” malambing pa nitong dagdag.Napatingin ako sa ekspresyon ni Aleron. Mukha siyang nagulat sa ibinigay ng daddy niya. Marahil ay hindi rin niya inaasahang ang daddy niya mismo ang magbibigay noon sa kaniya.“H-Hmm... t-thank you, Daddy,” mahina niyang bulong bago tuluyang tinanggap ang plastic bag. Excited niyang tinikman ang frie

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 62

    Myla's POVNakaupo na ako sa waiting area. Ilang minuto na lang at labasan na nila Aleron, pero hanggang ngayon wala pa rin si Raven. Ang usapan namin, agahan niya para sabay kaming manundo. Pero ito, wala pa siya.Napalingon ako sa guard na minsan ko nang nakausap noong unang punta ko rito. Ngumiti lang siya. Sunod naman akong lumingon sa mga nanay na nasa kabilang gilid. Isa roon si Ms. Sanchez na agad na napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. May binulong pa siya sa katabi niya na agad akong nilingon, pero umiwas din ng tingin. Mukhang nagkakalat pa rin ng maling impormasyon.Napailing na lang ako at inilabas ang cellphone ko sa bulsa. Agad akong nagtipa ng mensahe para kay Raven.  Typing… [Nandito na ako sa waiting area ng school ni Aleron. Nasaan ka na? Wala akong mga bodyguard na kasama ngayon para maging normal na bonding lang ang mangyayari sa ating tatlo. Bilisan mo

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 61

    Myla's POVPinagsiklop ko ang dalawa kong kamay habang nakaupo sa sofa sa sala. Anong oras na pero hindi pa rin bumabalik si Raven. Paano kung sa kaniya naman may nangyaring masama?Napapikit ako nang mariin. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Masyado na yata akong maraming pinagdaanan simula nang makilala ko sila kaya ganito na lang ako kabahan. Pero sino nga naman kasi ang hindi kakabahan kung katulad ni Rachel ang kalaban? Kahit si Aleron na bata, hindi niya pinalagpas. Sinong matinong tao ang handang gawin ang mga pinaggagawa niya?Mabilis akong napabalikwas ng tayo sa sofa nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad na nagsalubong ang tingin namin ni Raven. Pagod ang mukha niya at maging ang mga mata niya ay halo-halong emosyon ang nakikita ko. Ngunit mas nananaig doon ang lungkot. Kahit naman sino siguro ang nasa kalagayan niya, makakaramdam din ng lungkot. Wala akong kapatid pero minsan na rin akong nasaktan ng mga naging kaibigan ko. Paano pa kaya siya na mismong kap

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 60

    Raven's POV“A-Anong sinasabi mo, Raven… hindi kita maintindihan. Mukha ba akong nag-aakto?” Umiling-iling siya at muling humawak sa akin. “Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ito ang oras para magalit ka sa akin. Kapatid mo ako at ako ang magiging karamay mo sa mga ganitong sitwasyon.”Seryoso ko siyang tinitigan. Kung hindi ko lang alam ang totoo, baka napaniwala niya ako sa pag-arte niya. Hindi na ako nagtaka kung bakit ngayon ko lang nalaman na isa sa mga kaaway ko ay nasa tabi ko lang. Dahil kahit sino, hindi aakalaing siya ‘yon.“At anong sitwasyon ang sinasabi mo, Rachel?” muli kong tanong. Unti-unting kumakalat ang pait sa loob ng bibig ko. Hindi ko matanggap na siya mismo, ang kapatid ko, ay kakalabanin ako para lang sa pera at puwesto sa kumpanya.“I-Ito,” turo niya sa operating room kung saan nakasulat ang ON-GOING. “Nasa operasyon ang anak mo at nasa bingit ng kamatayan ang buhay niya. Sa tingin mo ba hahayaan kitang mag-isa rito na nakatayo lang at naghihintay ng balita?”

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 5 Failed Plan

    Zarina’s POVHindi ko maiwasang mapangisi habang pinapanood ko si Raven na sumimsim sa kopitang hawak niya. Ayos lang kung magalit siya sa akin o mapahiya ako ng kaunti. Ang akin lang, sa huli ay nasa akin pa rin ang huling halakhak.Kapag gumana na ang plano ko, tiyak na magiging akin na ng tuluya

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 4 Her First Dance

    Myla’s POVKabado man ay dahan-dahan kong inangat ang palad ko para tanggapin ang alok ni Raven. Unang lapat pa lang ng balat ko sa kaniya ay pakiramdam ko’y makukuryente ako. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Parang…parang hindi ito ang unang beses na na

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 3 Father and Son

    Myla’s POVHinawi ko ang mahaba at medyo kulot kong buhok. Ipinaskil ko rin ang pinakamatamis kong ngiti sa labi ko at humakbang palapit kay Mr. Coast. Binuka ko ang bibig ko para kunin ang atensyon niya ngunit nang maunahan niya ako ng tingin ay agad na umurong ang dila ko. Mabilis akong napaiwas

  • Tiny Cupid: Helping Daddy Catch Mommy   Kabanata 2 The Target

    Myla’s POV “Keep your head high, don’t look down!” Rinig ko ang maliit na boses ni Aleron mula sa earpieace na suot ko. Nakatayo ako ngayon sa entrance ng isang engrandeng open party sa isang malawak na resort. Puno ng mga tao ang paligid at halos lahat ng mga naroon ay may suot na magagandang da

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status