LOGINCHLOE POVCHLOE POVHalos isang linggo na akong nakaratay sa loob ng ospital, pero ni anino ni Jerome ay hindi ko nasilayan.Sa bawat pagbukas ng pinto ng silid ko, umaasa akong siya ang papasok. Tuwing maririnig ko ang yabag ng mga doktor o nurse sa pasilyo, kusang napapalingon ang mga mata ko.Pero sa bawat pagkakataon, iba ang pumapasok.Hindi siya. Unti-unti nang nauubos ang pag-asang pilit kong kinakapitan.Sabagay, wala nga pala siyang pakialam sa akin. Wala din siyang alam tungkol sa sakit ko. Hindi niya din alam na may taning na ang buhay ko************Isang gabi, habang mahimbing ang tulog ng kasama kong pasyente sa kabilang kama, kinuha ko ang cellphone ko. Nanginginig ang mga daliri kong binuksan ang social media account ni Jerome.At doon...parang may libo-libong karayom na sabay-sabay tumarak sa puso ko.Nasa France siya.Masayang nakangiti habang yakap ang kanyang kalaguyo na si Elara. Sa bawat litrato ay halatang masaya silang magkasama, naglalakad sa ilalim ng Eiffel
CHLOE POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nawalan ng malay. Pero nang muli akong bumalik sa ulirat, nandoon pa rin ang sakit. Mainit ang dugong umaagos mula sa aking ilong. Nanginginig kong ipinatong ang isang kamay sa aking tiyan. “Baby...alam kong mahirap…pero, huwag kang mag-aalala, sa kabilang buhay, magkakasama pa rin naman tayong dalawa.” bigkas ko sa halos hindi ko na marinig ang sarili kong tinig. Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit, ang ulo kong tila sasabog, ang dibdib kong halos mapunit sa pagtataksil ni Jerome, o ang takot na baka pati ang anak ko ay mawala sa akin. Sapilitan kong inabot ang cellphone na nahulog ilang dipa ang layo mula sa akin. Nanginginig ang mga daliri kong gumapang sa sahig na nababahiran na ng aking dugo. Isang dangkal na lang...kaunti na lang... Ngunit sa mismong sandaling mahahawakan ko na sana iyon, bigla na namang sumakit nang husto ang aking ulo. “Ahhh!” Napasinghap ako habang n
CHLOE POV “Chloe...” malumanay niyang sabi. “Huwag mong hiwalayan si Jerome. Mahal ka niya. Baka pagsisihan mo ang desisyong ginagawa mo ngayon.” Napatingin ako sa kanyang mga mata at doon ko nakita ang tunay niyang kulay. Panunuya, tagumpay at puno ng pangungutya. “Bitawan mo ako.” Malamig kong bigkas. Marahan kong hinila ang aking kamay ngunit, sa mismong sandaling nabawi ko ang aking braso, hindi ko inaasahan ang gagawin niya .Bigla na lang siyang sumigaw. “Aah!” At sa harapan naming dalawa ni Jerome, kusang bumagsak si Elara sa sahig. Mahigpit niyang niyakap ang sariling tiyan habang umiiyak. “Jerome,itinulak ako ni Chloe! Ang baby natin...” humahagulhol na iyak na para bang inapi siya ng sobra. Kaagad din namang nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Sunod-sunod akong umiling. “H-Hindi. Hindi totoo iyan. Hi-hindi ko siya tinulak!” nanginginig ang boses na wika ko. Ngunit, huli na dahil naramdaman ko na lang ang isang malakas na puwersa ang humila sa akin. Kasun
CHLOE POV “What are you doing?” Malamig at puno ng disgusto ang tinig ni Jerome. Nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang plato na hahawakan ko pa lamang. Sa isang iglap, buong lakas niya iyong ibinato sa sahig. Nagkalat ang basag na porselana sa buong dining area. Napaatras ako sa matinding gulat. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang buong katawan ko. Katatapos ko lamang ihain ang lahat ng pagkain. Akala ko... kahit papaano ay maaari akong makisalo sa hapag, gaya ng isang normal na asawa. Ngunit mali pala ako. “Hindi ka pwedeng sumabay sa amin,” malamig niyang sabi. “Hindi mo ba nakikita ang kusina? Ang dami pang hugasin. Linisin mo muna ang lahat bago ka kumain.” Hindi ako agad nakasagot. Nakatitig lang ako sa kanya habang unti-unting bumibigat ang dibdib ko. Sa harap mismo ng babaeng ipinagpalit niya sa akin... Sa sarili naming bahay...ginagawa niya akong katulong. “Jerome...” halos pabulong kong sabi. “Asawa mo ako.” Isang mapanuyang tawa ang kumaw
CHLOE POV CHLOE POV “Ahh... ang sakit...” Mahina akong napaungol habang nakabaluktot sa kama. Mariin kong hawak ang aking ulo na tila ba sasabog anumang oras. Pakiramdam ko'y gusto ko na lang itong ihampas sa pader para matapos na ang napakasakit na kirot. “M-Mama... please... tulungan mo ako...” halos pabulong kong iyak. Kahit nanginginig ang buong katawan ko, pinilit kong gumapang patungo sa bedside table. Nanginginig ang aking kamay nang buksan ko ang maliit na drawer at kunin ang bote ng mga gamot. Isa lang ang natitira kong painkiller. Hindi na ako nagdalawang-isip. Mabilis ko iyong nilunok at marahang sumandal sa ulunan ng kama. Napapikit ako habang mariing kinukuyom ang kumot. “Chloe... kakayanin mo ito,” mahina kong bulong sa sarili. “Ilang buwan na lang... matatapos na rin ang lahat. Kailangan mong magtiis. Hindi ka dapat sumuko... dahil alam mong ang sakit na ito ang siyang kukuha sa'yo, hindi ang sarili mong pagkawala ng pag-asa.” Kasabay ng mga salita
CHLOE POV “Hindi...” mahina kong bulong. “Hindi ko siya kayang iwan. Trexie, bago ako mawala, gusto kong makabuo ng kahit na kaunting alaala na kasama siya." “Chloe!” napataas ang boses niya. “Kailan pa? Kailan ka magigising sa katotohanang hindi ka niya mahal? Na hindi ka na nga niya nirerespeto eh.” Para akong sinaksak sa dibdib. Hindi ko na kayang marinig pa ang iba niyang sasabihin. Mabilis akong tumayo at pinunasan ang aking mga luha. “Hanga’t buhay ako, aasa ako.” Umiiyak kong wika “Dapat sinabi mo na lang sa kanya ang tungkol sa sakit mo eh. Can’t you see yourself? Bagsak na ang katawan mo. Asawa siya at dapat lang na malaman niya ang tungkol sa kalagayan mo. Malay mo naman diba, kapag malaman niya ang katotohanan, baka sakaling magbago siya at magiging maayos ang maging pagtrato niya sa iyo.” Seryosong wika niya “No! Hindi maaari! Ayaw ko siyang maabala. Masyado siyang busy sa opisina para isipin niya pa ang kalagayan ko.” “Busy sa opisina or baka naman busy sa







