author-banner
Black_ink
Black_ink
Author

Novelas de Black_ink

Mini Me, Instant Daddy!

Mini Me, Instant Daddy!

Sa araw na sana ay handa nang magpropose ni Primo kay Brenna. Ngunit nang araw ring iyon ay ang araw pala na makikipaghiwalay nito sa kanya. Nagawang magsinungaling ni Brenna kay Primo. Napaniwala niyang itong hindi niya totoong minahal ang lalaki bagay na kinasuklam sa kanya ni Primo. Bilang kabayaran ni Brenna, bago siya nito pakawalan sa roof top ay inangkin niya muna ang katawan nito. Hindi niya alam na nagbunga ng kambal. Mas ginusto pa ni Brenna ang kamuhian siya ni Primo habang siya ay nakakulong sa bilanguan sa kasalanang hindi siya ang may gawa. Isa na siyang kriminal at hindi na nababagay sa lalaki. Makalipas ang limang taon. Lumaya na si Brenna, ang akala niyang pagsisimulang muli ay umpisa pa lang pala ng paghihiganti ni Primo. "You're the man in the old photo of my Mom, are you my Daddy? You look like me!" May pag-asa pa bang mabuo muli ang tiwalang nasira, maitatama pa kaya ang kasinungalinan alang-alang sa batang tanging hangad ay buo sila.
Leer
Chapter: Chapter 4 - Panganib
Brenna’s POVNakahiga na ako, ngunit dahil sa sobrang saya, tila gusto ko nang hilahin nang mabilis ang gabi upang maging umaga na agad. Sa wakas! Makakalaya na rin ako bukas. Makakasama ko na nang tuluyan ang anak ko!Hindi ako mapakali. May babangon, uupo, tatayo, lalakad. Naiinip akong maghintay sa oras na lilipas pa.Nang makaramdam ako ng pag-ihi, tumungo ako sa banyo. Ngunit nang matapos na ako at lalabas na sana, biglang sumulpot si Mayang sa harap ko. Siya ang kinatatakutan ng lahat dito sa loob — siya ang tinuturing na reyna ng mga bilanggo.Pero ni minsan ay hindi niya ako binigyan ng pansin, kaya nagtataka akong napatitig sa kanya.“Mayang, ano ka ba… nakakagulat ka naman,” sabi ko. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin, may kabang bumalatay agad sa dibdib ko.“Gagamit ka rin ba ng banyo? Sige, tapos na ako." Akmang lalabas na ako at iiwasan na siya, sadyang humarang siya sa dadaanan ko. Kunot-noong hinarap ko siya.“Talagang lalaya ka na bukas, ‘di ba?” tanong niya. Mababa a
Última actualización: 2026-05-29
Chapter: Chapter 3 - After five years
“May anak siya?” wala sa sariling sambit ko. Nasa malalim akong pag-iisip sa mga sandaling iyon. Kasabay ko lang nanganak ang babae. Ibig sabihin… si Primo ang totoong manloloko sa aming dalawa.“Ang kapal ng mukha niya!” naikuyom ko nang mahigpit aking kamay sa bed sheet dahil matinding galit. Kaya ba siya nagpo-propose noon ay dahil may kailangan lang siyang pagtakpan?Napakasinungaling!“Best friend… okay ka lang?” tanong ni Malia habang lumalapit nang may pag-aalala. “Sabi ko naman kasi sa’yo, ‘wag mo na lang alamin eh.”“Tanga! Bakit mo pa kasi sinabi? Edi sana hindi mo na lang pinaalam na may nakita kang kakilala! Shunga-shunga ka talaga!” inis na saway naman ni Clarisse sabay irap kay Malia.“Sorry na. Kasalanan ko na nga! Itong bibig ko kasi, hindi matigil!”Pagak akong natawa at napapailing. “Hinayaan ko siyang makuha ako. Tinanggap ko ang galit niya no’ng araw na iyon dahil iyon lang ang paraan para makalayo ako sa kanya. Tapos, heto… Napaka-walanghiya niya! “Shh… baka map
Última actualización: 2026-05-29
Chapter: Chapter 2 - Primo's Pov
Ilang buwan na ang lumipas matapos na makipag-hiwalay si Brenna sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.“Dude, pucha! Para na tayong tanga sa totoo lang… ilang araw na tayong pabalik-balik dito, wala namang Brenna ‘di ba?” reklamong saad ni Dexter. Nandito kami sa di-kalayuan sa bahay nina Brenna. Araw-araw ay naglalaan ako ng oras, nagbabaka-sakaling makita ko siya ulit. Gusto kong humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa ko — isang kasalanang alam kong hinding-hindi ko na mabubura pa. Napapikit ako at muling bumalik sa araw na iyon… sa gabing nagpaka-gago ako. Flashback – Rooftop“Makakauwi ka, pero hindi ka aalis nang hindi natin tinatapos ‘to.”Marahas ko siyang hinila at dinala sa isang sulok. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya no’ng araw na iyon, pero blangko na ang isipan ko. Nilamon na ng galit at selos ang puso ko. Tila hindi ko na nadidinig ang bawat pagmamakaawa niya. Ang tanging tumatak lang sa isipan ko: may mahal siyang iba, niloko lang niya ako.
Última actualización: 2026-05-29
Chapter: Chapter 1 - Hatol
“One, two, three, push!” “Uhmn… aghhh!” Hindi ko mapigilang mapasigaw sa tindi ng sakit habang umiire. Ang buong katawan ko nanginginig, pawis na pawis. “Okay, malapit na… nariyan na ang ulo. Kailangan mo nang mahabang ire. Kakayanin mo, Ms. Guevarra!” sigaw ng nagpapaanak sa akin. Tama siya. Kailangan kong ilabas ang mga anak ko nang maayos. Huminga ako nang malalim, kinagat ang telang nasa bibig ko, at buong lakas na umire. “Very good, Mommy! Ayan na!” Hingal na hingal ako, pero nung marinig ko ang unang iyak ng sanggol, napaluha ako sa saya. “Thank you, Lord…” mahinang usal ko. “Lumabas na ang baby boy. May isa pa,” sabi ng doktor. Naramdaman ko ulit ang hilab. Sakit na parang pinipiga ang katawan ko. “Push! Malapit na,” utos niyang muli. Mas mabilis lumabas ang kasunod kumpara sa una. “Okay, stop!” Ramdam kong hindi pa tuluyang lumabas ang anak ko. “Sandali lang, nakapulupot ang pusod ni baby sa leeg niya. Kailangan ko muna itong alisin. Nasasakal siya,” narin
Última actualización: 2026-05-28
Chapter: Prologue
“Relax, dude… maaga pa,” natatawang sabi ni Dexter sabay tapik sa balikat ko. Hawak ko ang maliit na pulang kahon. Ilang beses ko na ‘tong pinagmasdan. Paano kung magkamali ako? Paano kung hindi niya magustuhan? Hayst. Bahala na. “Sir, paakyat na po si Ms. Brenna,” sabi ng isa sa mga tauhan ko sa entrance. Nandito kami sa rooftop kasama ang mga ulupong kong kaibigan. Kapag pumalpak ‘to ngayon, damay-damay kaming mawawalan ng love life. “Okay,” sagot ko, humihinga nang malalim. “Dude, aalis na kami ha? Naka-ready na ang hidden camera. Manonood na lang kami sa suite mo kung gaano ka-corny mamaya,” pang-aasar ni Dexter. Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago.” “Tar*ndado ka talaga, Dex. Kita mong kinakabahan na si Primo, gusto mo bang isumbong ka sa mommy niya?” singit ni Kevin. Sabay silang nagtawanan. Mga hayop. Si Calix naman, tinanguan lang ako. Pero may nakakalokong ngisi. “Magsilayas na nga kayo rito! Baka hindi ko kayo imbitahan sa kasal ko, mga gunggong!” taboy ko sa k
Última actualización: 2026-05-28
The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go

The Billionaire's Regret : Chasing The One He Let Go

Synopsis Six years of chasing, four years of marriage. That was how long Killian Delavin waited for her husband Maxwell Torrecampo. Her secret husband. Akala niya may tamang panahon lang para matutunan siya nitong mahalin. But it's not gonna happen. Because his husband Maxwell was still into her first one-sided love. Sabrina Gomez, limang taon ang agwat nito sa babae. Kabataan pa lang nila noon pero minahal niya ito ng palihim. When time comes, Killian decides that she wants to cut ties with Maxwell. She filed a divorce but she did not let his husband know that he signed the divorce agreement. Nagulat na lamang ng isang araw si Maxwell. That he and Killian was finally divorce. Iniwan siya nito ng hindi niya namamalayan. He badly regret it! Kung kailang huli na. Maxwell Torrecampo. The Billionaire Divorce Lawyer lost in his own divorce case. And now, he's chasing the one he let go.
Leer
Chapter: Chapter 4 - Letting go
Nang marinig ni Sabrina halos magkatulad lang pala kami ng sitwasyon at pinagdaanan ay kita ko sa mga mata nito ang awa kaya hindi niya napigilan na aluin ako. “Dumaan rin ako sa ganyan. Pero, ayos lang. Kapag natapos na ‘t finally divorce ka na ay magiging maayos din ang lahat. Siguradong tutulungan ka ni Maxwell kagaya ko.” Hindi ko lang masabi sa kanya na tinulungan talaga ako ni Maxwell sa pinakamahirap na bahagi. Ang lihim na magpapairma ko rito. “Nasabi niya nga sa akin na siya ang humawak ng kaso mo. Congratulations nga pala.” bati ko sa kanya. “Kapag may dedekasyon talaga ang isang tao sa kanyang ginagawa ay nagtatagumpay.” “Yes, you're right. Malaki talaga ang naitulong ni Max sa akin lalo na sa pag-ipon ng mga evidence again my ex-husband. He never leaves me by my side and to make sure that I am safe. Kung hindi dumating si Max no’ng gabing iyon ay baka napatày na ako ng hayop na iyon! Handa na ako saksakin ng ex-husband ko ng kutsilyo, nababaliw na siya!” mahabang p
Última actualización: 2026-05-13
Chapter: Chapter 3 - Denied
Matamis akong ngumiti kahit sa loob ko ay tuluyan nang nasira. Pinigilan kong hindi maiyak sa harapan niya. Alam kong iyon lang ang hinihintay niya para tuluyan nang ipursige ulit si Sabrina. “Congratulations,” sabi ko. Kita ko ang kanyang pagkalito. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig kong sabihin. “What do you mean by that?” Ngumiti lang ako nang hindi nagsasalita. Double meaning kasi iyon. Congratulations, Maxwell Torrecampo. Ikaw naman ang susunod na magiging-divorced. Biglang nag-ring na naman ang cellphone niya. Nagmamadali siyang sinilip ang screen bago lumabas ng hallway para sagutin. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik siya. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya narinig niya kaming nag-uusap ni Stella. “Oo, hinihintay ko lang matapos ang waiting period. Fifteen days na lang at malaya na ako.” “Waiting period? Sinong magdidivorce?” Salamat na lang at naroon si Stella nang sandaling iyon itinuro ko siya kay Maxwell ikinalma ko ang sarili. “Si Stella. S
Última actualización: 2026-05-13
Chapter: Chapter 2 - Accident
Sumapit ang hating gabi pero hirap pa rin akong makatulog kahit ramdam ko naman ang antok. Inis na isinubsob ko ang mukha ko sa unan dahil may kung anong mabilis na tumatakbo sa utak ko nang naradamdam ko na lamang ang matigas na brasong pumulupot sa beywang ko. Mahigpit iyon at ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paglapit niya para halikan ako. Bago pa dumampi ang labi niya sa akin, itinukod ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at lumayo. Agad na natigilan siya, dahil, sa apat na taon naming pagsasama bilang mag-asawa ako ang palaging unang nagi-initiate at palagi pang wala ito sa mood. Ngayong mukhang siya ang may gana ay wala nang dahilan pa na pagbigyan ko pa siya sapagkat maghihiwalay na rin naman kami sa lalong madaling panahon at ayaw kong magkaroon pa ng kumplikasyon sa hinaharap. Ikinagulat niya ang pagtangi ko. "Why, you're not in the mood?” mahinang sabi na tila pa nang-aakit. Ngunit hindi ako magpapa
Última actualización: 2026-05-13
Chapter: Chapter 1 - Filed a divorce
In four years of our marriage. AkaIa ko ay matutunan din akong mahalin ng asawa ko– But I was wrong. And now, I made a dissicion what's the best for me. To choose myself in anyone else and finally end it. Gusto ko nang makipaghiwalay sa asawa kong si Maxwell Torrecampo–nang hindi niya alam. “I want to file a divorce.” Sa aking harapan ay matiim na nakatitig at nakikinig nang mabuti ang lawyer kong si Atty. Luke Del Rosario. Siya ang napili kong humawak at mag-process ng divorce ko. “Okay, Mrs. Torrecampo, para maituloy natin ang gusto mong pakikipag-divorce sa iyong asawa ay kailangan na pareho kayong pumirma sa mga dokumentong ibinigay ko. After that, there’s a thirty days of waiting period," paliwanag nito habang may pagtatakang tinitigan ako. "But where is he? Bakit wala rito ang asawa mo?” “He’s busy, Arty. But I assure you that he will signed. Ako na ang bahala roon,” sagot ko. “Uhmm... Then I'll do the draft for the divorce agreement. Wait me here." Tinalikuran na ak
Última actualización: 2026-05-13
También te puede gustar
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status