In four years of our marriage. AkaIa ko ay matutunan din akong mahalin ng asawa ko– But I was wrong. And now, I made a dissicion what's the best for me. To choose myself in anyone else and finally end it. Gusto ko nang makipaghiwalay sa asawa kong si Maxwell Torrecampo–nang hindi niya alam.
“I want to file a divorce.”
Sa aking harapan ay matiim na nakatitig at nakikinig nang mabuti ang lawyer kong si Atty. Luke Del Rosario. Siya ang napili kong humawak at mag-process ng divorce ko.
“Okay, Mrs. Torrecampo, para maituloy natin ang gusto mong pakikipag-divorce sa iyong asawa ay kailangan na pareho kayong pumirma sa mga dokumentong ibinigay ko. After that, there’s a thirty days of waiting period," paliwanag nito habang may pagtatakang tinitigan ako. "But where is he? Bakit wala rito ang asawa mo?”
“He’s busy, Arty. But I assure you that he will signed. Ako na ang bahala roon,” sagot ko.
“Uhmm... Then I'll do the draft for the divorce agreement. Wait me here." Tinalikuran na ako nito at hindi naman nagtagal ay bumalik ito sa dala na ang documents.
Habang bumababa na ako sa hagdan ay paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Hindi ko akalain na umabot na pala ng apat na taon ang pagiging tanga ko.
“Kil? What's brought you here?” Napahinto nang nadinig iyon. Nag umangat ang tingin ko ay agad na nagtama ang aming mga mata sabay kumalabog ng malakas ang dibdib ko, ganito ako palagi sa tuwing magkakatitigan kami ni Maxwell.
Ang mga mata niya ay tila kayang basahin ang laman ng aking isipan at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba dahil baka malaman nitong nagsisinungaling ako.
Napag-alaman ko na kakilala pala ni Maxwell ang lawyer na hahawak ng divorce ko kaya kailangan na mag-doble ingat– Pero, kung sa bagay wala naman siyang pakialam sa akin kaya sigurado akong hindi niya malalaman.
Huminga ako nang malalim at kumilos ng natural sa harap nito. “Ah– May pinakunsulta lang ako sandali. Have you remembered the property transfer agreement that I mentioned in you before?” agad na singit ko. “Here.” Sabay na inilabas ko ang ginawang agreement ng lawyer ko. I handled it over to him at agad na binuklat ko sa huling pahina, ibinigay ko na rin ang signing pen para pirmahan na niya agad.
Blangko lamang iyon at itinuro ko lang kung saan siya dapat na pumirma. Bilang isa ring abogado ay awtomatikong napakunot ang noo ni Maxwell. He's going to check it when he suddenly sees Sabrina.
Ang babaeng hindi ko man lang magawang mapalitan sa puso niya.
Papasok na ito sa elevator, dahil doon ay kita ko ang pag-aalinlangan ni Maxwell ngunit lihim akong natuwa nang agad na rin siyang pumirma. “Done. Kung wala ka nang kailangan, puwede bang mauna ka munang umuwi? Marami pa pala akong tatapusin. I forgot.”
“Oh, sure!” Gumaan ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko sandali ngunit agad itong napalitan ng matinding paghihinayang. Kung tiningnan at binuksan niya sana ito. Malalaman niyang hindi ito property transfer kun ‘di isang divorce agreement.
Mapait akong napangiti dahil ang buong atensyon niya ay nalipat na kay Sabrina na kapapasok lang ng elevator. Habang siya ‘y nakatitig sa magandang mukhang iyon ni Sab, may kung anong sakit at kirot akong nadama sa dibdib ko. Nagpasya na lamang ako na lisanin ang law firm at hinawakan ko nang mahigpit ang bag ko ‘t tumalikod para umalis at habang papalayo na ay narinig ko pa ang kanilang usapan.
“Who’s her, Max?” tanong ni Sab.
“Ah– Isang bagong client lang na nagtatanong about divorce,” tipid na sagot nito sa babae ngunit batid ko ang lambing roon na ni minsan ay hindi ko man lang narinig kausapin ako nang gano’n ng sarili kong asawa.
“Ang aga mo ah... Give me a minute. We're going to eat our lunch, okay?”
Pagkasabi niya no’n ay napatitig ako sa aking kamay na hawak ang pinirmahan niyang divorce agreement sa aking kamay. Napailing na lamang ako dahil totoo naman, nandito nga ako para sa diborsyo.
Isang buwan na lang, makukuha ko na kung anong gusto ko. Pareho na kaming lalaya sa sekreto naming kasal. Walang nakakaalam na ikinasal kami maliban sa aming mga pamilya.
Siya ang may gusto na panatilihing sikreto tungkol sa amin. College kami noon at nang una ko itong nakita first day of class ay talagang na-love at first sight na ako sa kanya. Sa aming dalawa, ako ang naghahabol sa loob ng apat na taon, pero, ni katiting na pagtingin ay hindi niya man lang ako tinapunan.
Hindi ako pinaghinaan ng loob noon. Kahit harap-harapan akong rejected ay ayos lang dahil wala naman akong nalaman na may nililigawan siya o girlfriend. Hindi rin siya interesado sa pakikipag-date. Iyon pala ay dahil nasa malayo si Sabrina at nasa ibang bansa nagtapos ng pag-aaral.
Nang grumaduate na kaming pareho, naging abala ako sa trabaho. Siya, nawalan kami ng komunikasyon pero ni minsan ay hindi ko siya nakalimutan.
Nagkanya-kanya kami ng aming landas, ngunit, laking gulat ko makalipas ang apat na taon. Muli ay pinagtagpo ang aming mga landas. Nagkita kami at sa isang blind date pa.
Mas lalo akong hindi makapaniwala nang diretsahan ako nitong tinanong kung gusto ko ba siyang pakasalan?
Hindi ko alam, wala akong edeya kung bakit? Kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ‘t nagmamadali siyang maikasal kami. Gayun pa man, hindi ko ikinakaila na masaya ako. For me, it's a dream come true!
Hindi niya inilihim sa akin na minamadali na siya ng parents niyang magkapamilya kaya agad-agad umo-o ako nang walang pag-aalinlangan. Unti-unti ko lang nalaman ang kanyang lihim matapos ang kasal.
Iyon ay ang tungkol kay Sabrina. Ngunit nabigo siya rito dahil nabalitaan niyang ikinasal na ito sa kaniyang boyfriend at pagkatapos ng graduation ay nakipagtanan na pala ito. Si Sabrina ay ang nakababatang kapatid ng kanyang matalik na kaibigang si Eliot. Five years ang tanda ni Maxwell kay Sabrina ngunit tanging nakatatakdang kapatid lang din ang turing nito sa kanya. Wala siyang niligawang ibang babae dahil naghihintay siya ng tamang pagkakataon sumablit huli na, nawasak si Maxwell kaya gusto niyang makalimot agad kung kaya‘y pinakasalan niya ako bilang rebound.
Nasaktan ako nang malaman ang tungkol doon. Ngunit nagpakatatag ako. Naisip ko, marami pa naman kaming oras. Kung magsisikap ako nang husto, sigurado akong makikita rin niya ang halaga ko.
Ngunit sa loob ng apat na taon naming pagsasama, nanatiling malamig at malayo ang loob ni Maxwell sa akin. Mas lalong nadurog ako nang makita ko ang isang photo album. Puno ito ng mga pictures at lahat ng iyon ay walang iba kun ‘di ay si Sabrina. Mula noong anim na taong gulang hanggang dalawampu’t lima. Hindi sana ito dapat masakit nang ganoon.
Pero paano kung ang babaeng iyon ang totoong mahal ng asawa ko? Tila may mga patalim na tinarak sa dibdib ko nang patuloy pa rin pala niya kinikolekta ang mga latest photos nito na nakalagay sa album. Kahit ikinasal kami nang hindi niya ako mahal ay hindi ko maiwasang masaktan.
Isang gabi ay umuwi si Maxwell na may kakaibang saya na tila ba nangliliwanag ang kanyang mukha at nagniningning ang mga mata. Iyon pala ay nalaman nitong naghiwalay si Sabrina at ang asawa nito. Nagbalik na pala ang babaeng mahal niya ng pagkatagal-tagal at siya ang napili nitong mag-asikaso ng divorce papers upang tuluyang lumaya sa mapanakit na asawa.
Mapait akong natawa at doon na ako nakapagpasyang tapusin na ang anumang namamagitan sa amin. Wala namang patutunguhan ang kasal na ito.
Nakaramdam ako ng kakaibang bigat sa dibdib nang bumalik ako sa bahay na pinagsaluhan namin sa loob ng apat na taon. Habang pinagmamasdan ko ang bahay na ito ay doon na bumuhos ang lahat ng aming mga alaala. Napako ang tingin ko sa wedding portrait namin sa sala. Ang larawang lagi kong pinananatiling malinis.
Nang makita ko ang pilit na ngiti ni Maxwell sa litrato, tila may humiwa sa puso ko. Kinuha ko ito at agad na itinapon sa basurahan. Ginugol ko ang natitirang gabi sa pag-aayos ng aking personal na kagamitan.
Nang dumating na Maxwell ay napansin agad nito na wala na ang wedding portrait namin. Bumaling ang tingin nito sa akin habang abala ako sa pagsusulat.
“Nasaan ang wedding photo natin?” kunot noo na tanong nito.
“Ah, lumuwag na kasi 'yung pako. Natakot naman akong baka malaglag at tuluyang mabasag kaya ibinaba ko na muna.”
Mukhang nakuntento naman siya sa sagot ko at hindi na muli pang nag-usisa. Inilapag niya ang mga dalang late-night snacks sa tabi ko bago pumasok sa study room. Nang malanghap ko ang matapang na amoy nito ay napatigil ako sa aking ginagawa.
Nang buksan ko iyon upang silipin ay agad na sumamyo sa ilong ko ang matapang at maanghang nitong amoy. Hindi ako mahilig sa mga pagkaing ito lalo na’t maanghang. May problema ako sa tiyan kaya mga matatabang lang na pagkain ang madalas kong kainin. Pero hindi iyon napansin ni Maxwell kailanman. Dati, napipilitan lang akong kainin ang mga dala niya. Anu mang dalhin niya ay tinatanggap ko para lang mapasaya siya, pero, ngayon, hindi na. Agad na dinampot ko ang mga pagkain at itinapon sa basurahan.
Simula ngayong araw na ito, nagpasya na akong iwan ang kung anumang lahat ng sakit at lungkot mula sa kasal na ito at tuluyan lilisanin, alisin si Maxwell sa buhay ko.