author-banner
divinagraciawrite
Author

Novels by divinagraciawrite

Substitute Bride of the Ruthless Tycoon

Substitute Bride of the Ruthless Tycoon

"Uuwi na ako. Pumapayag na akong magpakasal sa anak ni Mr. Elizondo.” Mahal na mahal ni Rory ang kaniyang fiancé. Buong akala niya'y nahanap na niya sa piling ni Dale ang wagas at totoong pag-ibig. Ngunit sa pagbalik ng kaniyang pandinig, natuklasan niya ang isang masakit na katotohanan— mali pala siya ng pagkakakilala sa lalaki. Mananatili siyang pangalawa sa buhay nito dahil mas prioridad ni Dale ang adopted sister nitong si Samantha. Dalawang taon siyang nagtiis, nagpatawad, at naging maunawain. Ngayon na alam na niya kung sino ang mas mahalaga para kay Dale, panahon na rin siguro na unahin niya ang kaniyang sarili. Sa kaniyang pagbabalik sa Manila, napilitan siyang magpakasal kay Aeros Elizondo, isang makisig, guwapo ngunit malupit na CEO. Wala siyang ibang maramdaman para rito kung hindi kaba. Kahit na napakagwapo ng lalaki, mabigat naman ang presensya nito kaya't malaki ang kaniyang pag-aalinlangan. Paano nila malalampasan ang mga pagsubok bilang mag-asawa gayong tila napilitan lang din silang magsama? Ano ang kahinanatngan ng kanilang pagsasama? Posible kayang mahulog sa kaniya ang lalaki kahit na substitute bride lamang siya? Magmamahal kayang muli ang nasawi niyang puso kahit na marami siyang pag-aalinlangan? Ano ang mangyayari kung sa hindi inaasahang tagpo at pagkakataon, mahanap nila ang isa't isa na nahuhulog na sa kasunduang pagsasama?
Read
Chapter: Kabanata 50
A kiss… is so tempting. Maisip pa lang iyon ay para na siyang natutuksong ibigay ang hinihiling nito. Ngunit alam niya kung ano ang nagagawa ng halik ni Aeros. Alam niya kung gaano kapanganin ang halik nito. Mawawala siya sa tamang pag-iisip sa oras na maglapat na naman ang kanilang mga labi. Mabablangko ang kaniyang utak. Mawawalan siya ng kontrol dahil ang tanging maghahari sa kaniya ay ang pagnanasang mapalalim lalo ang halik. Hanggang sa hind niya namamalayan, tuluyan na siyang nawawala sa sarili. Hindi niya maaaring hayaan na lang ang tukso na mapangunahan ang kaniyang rason. Umatras siya ng isang beses. Nag-iwas siya ng tingin at napalunok. “M-maliligo pa ako.” Utal niyang sabi at sinubukan na takasan ang lalaki.Nalagpasan niya si Aeros. Mabuti at hindi siya nito pinigilan. Dire-diretsong ang kaniyang lakad papasok ng silid, hindi na niya ito nilingon pa. Dinampot niya sa kama ang kaniyang underwear, shorts at t-shirt saka naglakad papasok ng banyo. Hinahapo niyang isina
Last Updated: 2026-07-04
Chapter: Kabanata 49
Nasa dulo na ng dila ni Rory ang mga tanong. Para saan ang gamot? Bakit hindi ka makatulog hangga't hindi iyon naiinom? May sakit ka ba?Kuryuso siya, ngunit hindi niya alam kung sapat ba ang kaniyang lakas ng loob para magtanong.Ngunit bago niya pa maibuka ang kaniyang bibig, naglakad na paalis si Aeros at iniwan siyang nakatayo roon. Nagulat siya sa pagdaan ng lalaki sa kaniyang tabi.Is it sleeping pills? Hirap ba siyang makatulog dahil sa mental issue? May depresyon ba ito? O insomnia?Ngunit nakita niya rin noon si Aeros na umiinom ng walang label na gamot sa loob ng sasakyan nang sunduin siya sa airport.Magkaiba ba iyon sa gamot na ininom nito ngayon?Hindi siya mapanatag. Magulo ang kaniyang isip dahil sa kuryusidad sa kalusugan ng lalaki, ngunit hindi niya rin magawang magtanong.Pagpasok niya sa loob ng silid, naabutan niyang nakabukas pa ang pinto ng banyo, ngunit agad din naman iyong sumara.Narinig niya ang tunog ng umaagos na tubig pagkaraan, siguro'y maliligo ang la
Last Updated: 2026-07-03
Chapter: Kabanata 48
Dalawang taon pala ang agwat nilang dalawa ni Aeros. Siya ay bente sais pa lang, si Aeros ay bente otso na. Tama din siya sa kaniyang hula na nasa late twenties na ang lalaki.Ngunit nakakamanghang isipin na si Aeros, sa edad na bente otso ay marami nang na-accomplish sa buhay— pagiging CEO, malaking savings, maraming pera, at may penthouse pa. Samantalang siya’y parang hindi umuusad. Parang walang naaabot na pangarap.Then, for a moment, she realized something. Naalala niya kung gaano kahirap ang kaniyang sitwasyon noong nawalan siya ng pandinig. Doon niya mas lalong naramdaman na naging stagnant ang kaniyang growth. Kinailangan niyang magresign sa trabaho, para makapagpokus sa pagpapagaling. Ngunit dahil nasanay siyang tumutulong kay Dale sa kompanya, tinanggap niya ang offer na maging website manager. Siya ang nag-aasikaso at namamahala sa website ng kompanya. Sa bahay lamang siya nagtratrabaho, ngunit walong oras mahigit din siyang babad sa laptop at cellphone.Ngayo’y iniwan niya
Last Updated: 2026-07-01
Chapter: Kabanata 47
“We have properties in Samar.” Bigla’y saad ni Aeros.Wala sa sarili siyang napalingon sa lalaki at naabutang titig na titig ito sa kaniya. Ang tingin nito'y nakapako na sa kaniyang mga labi.Unti-unting napawi ang kaniyang ngiti.Kung sakali na matuloy ang plano ng kaniyang ina na ipalit si Wenona sa kaniya kapag nakabalik na ito, siguro’y hindi siya makakapagtago kay Aeros kapag dumating na ang panahong iyon. Marami ang properties nito sa Pilipinas. Kahit na magtago siya sa pinakasulok nitong bansa, malaki pa rin ang tyansa na magkatagpo sila ng lalaki.“My mother’s mom owns a land in Samar. Sa Northern Samar iyon kung hindi ako nagkakamali. Malaki ang kanilang hacienda. We can go visit it, if you want to.” Dagdag nito, hindi inaalis ang tingin sa kaniya.Maliban pala sa ina ni Marshall na si Mercedes, mukhang may ibubuga rin ang ina ni Lyanna. Hindi lang pala ang pamilya ng ama ni Aeros ang mayaman, maging ang pamilya ng ina nito ay mayroong mga hacienda. Talaga palang mayaman at m
Last Updated: 2026-06-30
Chapter: Kabanata 46
Hindi niya alam kung gaano kalaki ang lupaing kinatitirikan ng Casa Verde, ngunit sigurado siyang malawak iyon para magkaroon ng gubat sa tabi ng lawa. Hindi niya pa nakikita ang kabuuan ng Casa Verde, ngunit kung sakaling ma-explore niya nga ang bawat sulok ay mapagtatanto niya rin sa huli na ekta-ektarya ang lupaing ito. “Do you like it here?” Lumipas na ang ilang minuto na walang umiimik sa kanila kaya nagulat siya nang magtanong si Aeros. Hindi niya inaasahan na magsasalita si Aeros at mas lalong hindi niya inaasahan na ganoon ang tanong nito sa kaniya. Sinulyapan niya ang lalaki, malayo pa rin ang tingin nito. Kalahati lamang ng mukha nito ang kaniyang nakikita. Ang kalahati ng mukha nito'y nasisinagan ng liwanag ng ilaw sa kanilang kaliwa, ngunit ang kalahati'y nilalamon ng dilim. Sa ilalim ng mga ilaw at dilaw na liwanag ng buwan, parang mas nakakahipnotismo ang kaguwapuha ng lalaki. Ang matangos na ilong ay mas lalong nagyayabang at ang mahabang pilik mata ay kumukurba,
Last Updated: 2026-06-30
Chapter: Kabanata 45
Parang may nagbago. Iyon agad ang naisip ni Rory nang gumabi na at nasa magkabilang dulo sila ng kabisera ni Aeros. Tahimik na kumakain ang lalaki, samantalang hindi niya maiwasan na hindi mapasulyap sa direksyon nito. Sa tuwing umiinom siya ng tubig ay sinasadya niyang ipako ang tingin sa direksyon ni Aeros para mapagmasdan ito ng ilang segundo. Hindi siya nito tinitingnan, nakapokus ang atensyon nito sa pagkain. Hindi naman ito mukhang galit, pero may kakaiba sa mukha nito na hindi niya matukoy. Ayaw niyang isipin na may nangyari kanina habang inihahatid nito ang mga pinsan paalis ng Casa Verde. Simula kasi kanina no’ng iwan siya nito sa casita at binalikan ang mga pinsan para ihatid paalis, hindi na sila muling nagkausap ni Aeros. Hindi na siya nito binalikan sa casita. Saka na lamang ulit sila nagkita noong pinatawag siya nito para kumain na nang hapunan. Ngayon, mas nadepina ang katahimikan ng buong casa. Kung kanina’y maingay pa sila sa hapag dahil sa pag-uusap ng mga pinsan
Last Updated: 2026-06-29
You may also like
Thank God I Found You
Thank God I Found You
Romance · Tiraycute062
9.7K views
Perfectly Fake Marriage
Perfectly Fake Marriage
Romance · astralence
9.7K views
The CEO's Fling
The CEO's Fling
Romance · LalaRia
9.7K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status