INICIAR SESIÓN"Uuwi na ako. Pumapayag na akong magpakasal sa anak ni Mr. Elizondo.” Mahal na mahal ni Rory ang kaniyang fiancé. Buong akala niya'y nahanap na niya sa piling ni Dale ang wagas at totoong pag-ibig. Ngunit sa pagbalik ng kaniyang pandinig, natuklasan niya ang isang masakit na katotohanan— mali pala siya ng pagkakakilala sa lalaki. Mananatili siyang pangalawa sa buhay nito dahil mas prioridad ni Dale ang adopted sister nitong si Samantha. Dalawang taon siyang nagtiis, nagpatawad, at naging maunawain. Ngayon na alam na niya kung sino ang mas mahalaga para kay Dale, panahon na rin siguro na unahin niya ang kaniyang sarili. Sa kaniyang pagbabalik sa Manila, napilitan siyang magpakasal kay Aeros Elizondo, isang makisig, guwapo ngunit malupit na CEO. Wala siyang ibang maramdaman para rito kung hindi kaba. Kahit na napakagwapo ng lalaki, mabigat naman ang presensya nito kaya't malaki ang kaniyang pag-aalinlangan. Paano nila malalampasan ang mga pagsubok bilang mag-asawa gayong tila napilitan lang din silang magsama? Ano ang kahinanatngan ng kanilang pagsasama? Posible kayang mahulog sa kaniya ang lalaki kahit na substitute bride lamang siya? Magmamahal kayang muli ang nasawi niyang puso kahit na marami siyang pag-aalinlangan? Ano ang mangyayari kung sa hindi inaasahang tagpo at pagkakataon, mahanap nila ang isa't isa na nahuhulog na sa kasunduang pagsasama?
Ver más“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.
“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?” Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang banggitin ang pangalan na ’yon. “Kung walang magsasabi sa kaniya, hindi niya malalaman na nakauwi na si Sam. And I warn you, all of you, don’t you dare tell her…” Mahinang tawa ang sumunod. “Kahit sabihin namin, hindi naman kami maririnig ni Rory. She’s deaf, right?” Mapanuksong saad ng boses ng babae. Mas lalo lamang na nag-ugat ang mga paa ni Rory sa kaniyang kinatatayuan. Isang taon na siyang hindi makarinig dahil sa nangyaring aksidente noon. Alam niyang pinag-uusapan at kinukutya siya ng ilan, pero hindi niya naisip na kahit sa harap ng kaniyang boyfriend— fiancé— na si Dale ay nagagawa siyang pagtawanan ng mga kasama nito. Lalo lamang siyang nagdalawang-isip na pumasok sa loob ng private room kung saan nagkakasiyahan ang mga kaibigan ni Dale. Kahit paano’y gusto niyang marinig kung ipagtatanggol ba siya ng lalaki, o sasawayin ang mga kaibigan nitong pinagtatawanan ang kaniyang kapansanan Ngunit lumipas na lamang ang ilang minuto ay wala siyang narinig. Napakagat-labi siya. Kanina lamang ay tuwang-tuwa siya, hindi na siya mapakali, gustong-gusto na niyang tawagan si Dale sa telepono at sabihin ang magandang balita. Nakakarinig na siya. Hindi na siya bingi. Hindi na niya kailangan ng hearing aid para makarinig at masundan ang usapan ng mga taong nasa paligid niya. Ang saya at kagalakan ay unti-unting napawi. Napalitan iyon ng kaguluhan at sakit na hindi niya maipaliwanag dahil sa kaniyang mga naririnig. Sa tuwing magkasama sila ni Dale, pinapanatag nito palagi ang kaniyang loob. Palagi nitong sinasabi sa kaniya na magiging maayos din ang lahat at maibabalik din ang kaniyang pandinig. Hindi nito hinahayaan na insultuhin siya ng ibang tao. Ayaw nitong kinukutya siya. Pero bakit… kapag ang mga kaibigan nito ang tumatawa at ginagawang biro ang kaniyang kapansanan ay wala itong kibo? “Isang taon pa lang si Samantha sa Canada, hindi ba?” Tanong ng isang boses. “Hindi na yata makatiis, miss na miss na yata si Dale kaya nagpumilit nang umuwi.” Mas malakas na tawanan ang sumunod. At hindi kagaya kanina, narinig niya ang saway ni Dale sa tawanang iyon. “Don’t initiate something! Kapatid ko si Samantha.” Pagalit na saad ng lalaki. Kaysa na matakot sa pagtaas ng boses ni Dale, mas lalo lamang nagtawanan ang mga tao sa loob ng private room. “May kapatid din naman akong babae, Dale… pero hindi mo kami kailanman naabutang naghahalikan—” “F*ck off, Caleb!” Sigaw ni Dale, halatang naiinis lalo. “But what’s wrong with that? Hindi naman sila magkadugo ni Samantha, ampon lamang siya ng pamilya ni Dale kaya—” “Stop it.” Putol ulit ni Dale sa isa pang nagsalita. “Samantha is not just an adopted child for me. Kapatid ang turing ko sa kaniya, totoong kapatid. At isa pa, ‘yong naabutan mo, dahil lang ‘yon sa lasing siya. Inaalalayan ko siya dahil hindi makalakad ng maayos dala ng kalasingan. Hindi ko alam na hihilig siya sa akin at magtatama ang labi namin!” “Mukhang hindi aksidente ang nakita ko no’n.” Dipensa ng kausap ni Dale. Parang nahulog sa bangin ang puso ni Rory. Naalala niya bigla kung bakit galit na galit sa kaniya si Samantha at kung bakit nagawa nitong saktan siya. Napahigpit ang hawak niya sa maliit na velvet box na kaniyang dala. Sa loob no’n ay isang bago at mamahaling singsing. Kahit na simple lamang ang design, hindi maipagkakamaling malaki ang halaga nito. Bago siya pumunta rito sa club, napadaan siya sa isang jewelry store at bumili ng singsing na balak niya sanang iregalo kay Dale bilang pasasalamat sa mga nagawa nitong sakripisyo para sa kaniya at para na rin maging opisyal nang muli ang kanilang engagement. Bigla’y may nalasahan siyang pait sa dulo ng kaniyang dila. Isang taon na ang nakalipas simula nang napag-usapan nila ni Dale na magpakasal na, pumayag siya kahit na hindi naman ito nagpropose o lumuhod para makuha ang matamis niyang “oo”. Basta’t pumayag siya nang banggitin nitong magpapakasal na sila, pinangakuan siya nitong isasapubliko ang kanilang engagement party kung saan doon din nito ibibigay ang pangakong singsing. Ngunit bago ang araw ng kanilang engagement party, isang aksidente ang naganap. Sadya siyang sinagasaan ng isang itim na sasakyan habang papatawid ng kalsada. Dahil sa nangyari, kinailangan siyang isugod sa ospital para magamot lalo’t marami siyang sugat at galos sa buong katawan. Sa lakas ng pagkabangga sa kaniya ng sasakyan, ilang araw siyang walang malay at isang buwan din siyang nanatili sa ospital. Ang pinakamalala pa, nawala ang kaniyang pandinig dahil sa aksidente kaya’t isang taon siyang bingi’t umaasa lamang sa pag-sa-sign language kapag may kausap. Pagkatapos ng imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya na ang lalaking nakabangga sa kaniya ay binayaran pala ni Samantha. Nagalit ang pamilya ni Dale kaya’t nagpasya silang parusahan si Samantha at ipatapon sa Canada. Naalala niyang kinausap siya noon ni Dale, huwag na raw siyang magsampa ng kaso laban kay Samantha dahil ang pamilya na lamang nito ang bahalang umayos sa gulo. Sa awa kay Dale dahil sa pakiusap nito, lumambot ang kaniyang puso at pinagbigyan ang lalaki. Akala niya’y habang-buhay na si Samantha sa Canada, ngunit isang taon pa lang nakabalik na agad ng Pilipinas ang babae. At talagang umuwi pa ito ng Cagayan de Oro. Nasaan ang pangako ni Dale sa kaniya na ito ang magbibigay hustisya sa ginawa ni Samantha sa kaniya? “Bakit hindi mo na lang sabihin kay Rory na nakauwi na si Samantha? Mukhang mabait naman si Rory, siguro napatawad na niya si Samantha kaya hindi niyo na kailangan itago sa kaniya na nakauwi na ang kapatid mo.” “I doubt that.” Maagap na tugon ng panibagong boses ng babae. Mas mahinhin ang boses, mas malamya. “Kung ako ang nasa sitwasyon ni Rory, mahihirapan akong patawarin si Samantha. She’s deaf now because of what happened. Kung ako ‘yon…” “Sam is only twenty. What do we expect? She’s still childish.” Pagtatanggol ni Dale. Napaawang ang bibig ni Rory. Childish? That's what you call it? Nag-agaw-buhay siya dahil sa ginawa ni Samantha. Hindi man ito ang sumagasa sa kaniya, hindi maitatanggi na si Samantha pa rin ang nagplano no’n. Hindi na iyon pagiging isip-bata kung may plano ka nang patayin ang isang tao. Iniangat niya ang kaniyang kamay, gusto nang itulak ang pinto para tumambad sa harap ng mga taong pinag-uusapan siya, pero napatigil din siya agad nang maramdaman ang sunod-sunod na vibration galing sa suot na pants. Kinapa niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pants at nang makita ang sunod-sunod na mensahe galing sa kaniyang Mommy ay tuluyan siyang napaatras. Kumunot ang kaniyang noo at wala sa sariling lumayo sa pinto ng private room nila Dale. Sa isang sulok ay tumayo siya para makapagpokus sa pagbabasa ng mahabang mensahe ng kaniyang ina. Ngunit bago niya pa masimulan, isang panibagong mensahe ang lumitaw sa screen at napatigil ang kaniyang mundo. Mommy: Please, do this for me. For us. Marry the Elizondo’s heir.Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong sinasabi ni Aeros sa kaniya. Hindi ito ang pinag-uusapan nila, bakit iyon bigla ang sasabihin ni Aeros? Just to caught her off guard? Nag-angat siya ng tingin at muli na namang natigilan nang makita ang takot at pag-aalala sa mga mata nito. It feels like he's losing something he doesn't want to lose. Naguguluhan siya. Hindi niya kailanman nakita na ganito ka-expressive ang mga mata ni Aeros. “A-ano bang sinasabi mo?” Nautal niyang tanong. He paused. Parang pinagdedebatehan pa sa isip kung itutuloy ang sinabi o hindi. Ngunit kalaunan, huminga ito ng malalim at pumikit saglit. At nang magmulat ang mga mata nito, nakita niya ang dumaang pagod. “When we were in the woods, you asked me… kung ilan na ang naging girlfriend ko. I… I couldn't tell you. I didn't commit to any serious relationship because I think… it’s useless. Wala akong sineryoso na babae. Wala pa akong naging girlfriend.” Umawang ang kaniyang bibig. Hindi niya napig
“Kanina ka pa tahimik.” Puna ni Aeros nang nasa sala na sila. Dire-diretso ang kaniyang lakad papunta sa master bedroom. Kung hindi pa dahil sinabi ni Aeros ay hindi niya rin mapapansin na kanina pa niya ito hindi kinikibo. “Hindi naman.” Tanging nasabi niya upang itanggi iyon. Pagkapasok sa kuwarto, saka niya lang din napagtanto na wala siyang ibang gagawin. Masyado pang maaga, mahigit isang oras pa bago ang kanilang brunch meeting. Magpapalit na ba siya ng damit para lang makaiwas kay Aeros? Teka… Ano’ng makaiwas kay Aeros? Naguguluhan niyang tanong sa sarili. Naisip niyang iwasan si Aeros? Bakit naman niya iiwasan? “Are you mad?” He followed closely. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, nasa likod na niya si Aeros at mako-corner siya agad kung dadaan siya sa may pinto. Nakaligo na siya sa casita kanina, hindi na niya maaaring idahilan na maliligo siya. Hindi rin siya maaaring bumaba para magluto ng pagkain dahil brunch nga ang kanilang pupuntahan mamaya! “
Iginiya sila ng piloto papunta sa maingay na chopper. Malakas ang hangin na dulot ng umiikot na blades— humahampas iyon sa kaniyang damit at buhok. Hinayaan niyang liparin ng malakas na hangin ang kaniyang buhok, ang importante'y hindi umangat ang kaniyang skirt kaya inilagay niya ang mga kamay sa kaniyang hita habang naglalakad. Nakaalalay naman sa kaniyang likod si Aeros. Nang makapasok ang piloto sa harap ng chopper, sumenyas ito na maaari na silang sumakay sa likod. Hinawakan ni Aeros ang taas ng kaniyang ulo at pinayuko siya nang papasok na sila sa loob ng chopper. Hindi ito ang kaniyang unang beses na makasakay ng chopper, ngunit hindi na niya maalala kung kailan ang una at huli. Humawak siya sa gilid, at itinulak naman ng maingat at dahan-dahan ni Aeros ang kaniyang likod para maalalayan siya sa pag-akyat. Nang makapasok sa loob, inabot sa kaniya ng piloto ang noise cancelation headset. Tinanggap niya iyon at isinuot. Nakaakyat na rin si Aeros at ngayon ay nakaupo na sa
Kelly Zaragosa. Isang bigating artista ng sikat na entertainment company. Madalas niya itong makita sa mga teleserye at commercial sa tv.Walang ibang kasama ang babae. Mag-isa lamang ito at parang kagaya niya, gulat din ito nang makita sila.Sila? O si…Napatingin siya kay Aeros. Walang ekspresyon ang mukha nitong nakatingin din sa babae.Ibinalik niya ang tingin kay Kelly ay napagtanto ang isang bagay.Nakatingin ng diretso si Kelly Zaragosa kay Aeros. Ang gulat sa mukha nito’y para lamang kay Aeros.Unti-unti nang sumasara ang pinto ng elevator dahil naestatwa na lamang sa labas si Kelly Zaragosa. Saka lamang ito natauhan nang makitang pasara na ang pinto ng elevator.Mabilis nitong inilagay sa gitna ng pasarang pinto ang isang kamay. Muli iyong bumukas nang makadetect ng movement. Mabilis nitong itinulak ang sarili papasok ng elevator, nagmamadaling makapasok. Tumalikod ito sa kanila kaya nakita niya ang flawless nitong likod. Backless ang suot nitong damit, hanggang sa may baywa
“Aeros?” Napalingon sila sa may hagdan nang marinig na may tumawag sa pangalan ni Aeros. Isang matandang kasambahay ang umaakyat sa hagdan. Nakasuot ito ng unipormeng pangkasambahay. Puno na ng puti ang buhok nito, ngunit kahit na mukhang lagpas sesenta na ito ay malakas pa rin. “Ngayon ko lang
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.