공유

Kabanata 3

작가: Divina Gracia
last update 게시일: 2026-06-05 06:26:09

Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lahat ng nga pagkakasala at hihingi ito ng tawad upang maging maayos na silang dalawa.

Ayaw niya mang makitang muli si Samantha, alam niyang parte pa rin ng pamilya ni Dale ang babae. Ayaw niyang ipagdamot kay Dale ang karapatan nitong makasama ang kapatid kahit na malaki ang naging kasalanan nito sa kaniya.

Ngunit sa mga sandaling ito, naunawaan niyang hindi pa rin pala talaga nagbabago si Samantha.

Gusto niyang pumihit paharap sa babae, pero pinigilan niya ang sarili.

Humakbang palapit si Dale sa kaniya at sinubukang hawakan ang kaniyang braso. Para bang gusto nitong ilayo siya kay Samantha. O baka gusto nitong ilayo si Samantha sa kaniya.

“Samantha, you should go. Habang hindi ka pa napapansin ni Rory.” Saad ng babaeng nasa gilid ng sofa.

Mabilis nitong itinaas ang hawak na inumin para matakpan ang bibig.

Kung hindi pa siguro bumabalik ang kaniyang pandinig hindi niya mapapansin kung sino-sino ang nagsasalita, pero dahil nakaririnig na siya alam niya kung sino ang nagsasalita at kung sino ang kinakausap.

“Why? Nasa likod naman niya ako kaya hindi niya ako makikita.”

Narinig niya ang yabag ni Samantha na palapit sa kaniya. Naging tensyunado si Dale at halata sa mga mata nito ang pagbabanta.

Umakto naman siyang hindi niya alam ang nangyayari sa kaniyang paligid at hindi niya naririnig ang tunog ng takong ni Samantha.

“Hindi niya rin ako naririnig kaya kahit magsalita ako, hindi niya malalaman na narito ako. Poor, Rory. My poor deaf Rory.”

Parang kutsilyong itinatarak sa dibdib ni Rory ang mga salita ni Samantha. Wala man lang pagsisisi sa tono nito habang nagsasalita. Lahat iyon ay pangungutya.

Nakita niya ang pagdilim ng mga mata ni Dale. Alam niyang galit na ito, ngunit hindi maibuka ang mga labi dahil mapapansin niya. Muli siyang hinila ni Dale papunta sa sofa, pero tumigil din.

Naisip marahil ng lalaki na kung uupo sila, haharap na sila sa may pinto at makikita niya si Samantha kaya naman, ipinalibot na lamang ni Dale ang mga kamay sa kaniyang bewang at pinanatili siya sa kanilang kinatatayuan.

Nakatingala sa kanilang dalawa ang mga kaibigan ni Dale na nakaupo pa rin sa sofa.

“Uminom kayo. Huwag niyong ipahalata kay Rory.” Natawa si Dale, kunwa’y masayang inanyayahan ang mga kaibigan na uminom.

Hindi niya dapat alam ang nangyayari, kung hindi lamang bumalik ang kaniyang pandinig. Iisipin niyang inaalok lamang ni Dale ang mga kaibigan na uminom pa ng mas marami at huwag siyang pansinin, pero dahil naririnig na niya ang lahat mas lalong sumasakit ang kaniyang dibdib.

Prinoprotektahan niya lang ba ang nararamdaman ko? O prinoprotektahan niya si Samantha dahil ayaw niyang malaman ko na narito ang babae? Bulong ng kaniyang isip.

Itinaas ni Chek ang baso. “Cheers! Salamat at hindi tayo marinig ni Rory!” Masaya nitong sabi, natatawa.

“G*g*. Kung may hearing aid ‘yan baka binatukan ka na.” Itinaas din ng isa pang lalaki ang hawak na inumin.

“She’s so pity.” Ani isang babae na ininom ang laman ng baso.

Nanlamig lang lalo ang pakiramdam ni Rory. Buong akala niya’y mabubuting tao ang mga kaibigan ni Dale. Sa tuwing isinasama siya ni Dale sa mga pagtitipon at kasiyahan, palagi siyang nginingitian ng mga kaibigan nito.

May ilan na nag-aral pang sumenyas ng ‘Hi’ at ilang pagbati para lang sa kaniya. Akala niya’y naiintindihan siya ng mga taong ito, iyon pala… pinagtatawanan nila ang kaniyang kapansanan. Tuwang-tuwa pa silang lahat na hindi siya makarinig at walang alam sa kaniyang paligid.

Nanubig ang kaniyang mga mata. Mabuti na lamang at madilim ang silid kaya hindi iyon madaling mapapansin. Tanging ang LED lights at malilikot na neon lights ang nagbibigay liwanag.

Nilingon niya bahagya si Dale at nakitang sumisimsim ito sa inumin, walang sinasabi at hindi sinasaway ang mga kaibigan.

Bumigat lalo ang kaniyang dibdib.

Hindi niya akalain na ayos lang pala kay Dale na pag-usapan siya ng harap-harapan at hamakin ng ganito.

Muli niyang narinig ang mahinang tawa ni Samantha galing sa kaniyang likod.

Akala niya’y umalis na ito, pero mukhang nanatili ang babae para marinig ang mga panghahamak sa kaniya.

“Poor little thing, she’s unaware you hate her.” Ani Samantha.

Muling nanigas ang katawan ni Rory sa kaniyang narinig. Hindi niya alam kung sino ang kausap ni Samantha.

Napatingin sa kaniya si Dale, napansin ang kaniyang naging reaksyon.

Sumenyas ito.“Are you okay?”

Bahagya siyang tumango.

“Gusto mong uminom?” Tanong ni Dale.

Umiling siya.

“Nahirapan si Dale mag-aral ng sign language dahil sa kaniya. Ang arte din kasi minsan, ayaw isuot ang hearing aid para marinig na lang niya si Dale na nagsasalita.” Boses ng babae malapit sa liquor counter ang narinig niya.

Isa iyon sa mga college friend ni Dale na madalas ngumiti at kumaway sa kaniya kapag nakikita siya. Ginny, Ginny ang pangalan nito.

“Masakit nga naman kasi sa tainga ang hearing aid, Ginny. Mas nagiging sensitive ang tao kapag may suot no’n. Kaya siguro ayaw niya.” Sagot ng kasama nitong lalaki na nagsasalin na ngayon ng inumin.

“Still, she’s so maarte.” Ani Ginny.

Napatingin siya sa babae, hindi na napigilan ang sarili. Ngunit kaysa na galit o pagkamuhi ang rumeplekta sa mukha nito, nagawa pang ngumiti at kumaway sa kaniya ng babae na para bang hindi siya pinagsasalitaan ng masama.

Hindi niya nasuklian ang ngiti nito.

Ganito pala ang mga kaibigan ni Dale. Maling-mali ang pagkakakikala niya sa mga taong ito.

“Sometimes I wish she’s just dead. At least in that way, hindi na siya nagiging problema kay Dale.” Walang pakundangang saad ni Samantha.

Sabay-sabay napatingin sa likod niya ang mga taong nasa sofa. Kahit si Dale ay napalingon dahil sa sinabi ni Samantha.

“Sam!” Pigil nitong sigaw saka ibinalik ang tingin sa kaniya, nag-aalala na napansin niya ang pagsigaw nito.

Ngumiti pa si Dale.

Mas lalong sumikip ang dibdib ni Rory.

This is too much. Bulong niya sa sarili.

Kung hindi pa bumalik ang kaniyang pandinig ay patuloy siyang magiging katatawanan.

“What?” Maarteng tanong ni Samantha.

“Hindi naman niya ako naririnig e. At ayaw ko pa rin siya para sa'yo, Dale. She’s a slut!”

Natawa si Chek. Ganoon din ang dalawang tao na malapit sa counter. Ang tanging nagpigil lamang ng tawa ay ang iilang nasa sofa.

Si Dale, parang walang narinig, kahit na mukhang tensyunado ay mukhang hindi ginawang big deal ang sinabi ni Samantha.

This is enough.

Inalis niya ang kamay ni Dale na nakapulupot sa kaniyang bewang. Sinundan iyon ng tingin ni Dale saka siya humarap sa direksyon ni Samantha.

Isang hakbang lang ang pagitan nila kaya isang hakbang lang din ay nagawa na niyang abutin ang babae.

Malakas na dumapo sa pisngi ni Samantha ang buong pwersang lakas ng palad niya.

Namayani ang katahimikan sa buong silid ng ilang segundo bago sunod-sunod ang pagsinghap ng mga tao.

“Nakakarinig na siya?” Gulat nilang tanong.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 49

    Nasa dulo na ng dila ni Rory ang mga tanong. Para saan ang gamot? Bakit hindi ka makatulog hangga't hindi iyon naiinom? May sakit ka ba?Kuryuso siya, ngunit hindi niya alam kung sapat ba ang kaniyang lakas ng loob para magtanong.Ngunit bago niya pa maibuka ang kaniyang bibig, naglakad na paalis si Aeros at iniwan siyang nakatayo roon. Nagulat siya sa pagdaan ng lalaki sa kaniyang tabi.Is it sleeping pills? Hirap ba siyang makatulog dahil sa mental issue? May depresyon ba ito? O insomnia?Ngunit nakita niya rin noon si Aeros na umiinom ng walang label na gamot sa loob ng sasakyan nang sunduin siya sa airport.Magkaiba ba iyon sa gamot na ininom nito ngayon?Hindi siya mapanatag. Magulo ang kaniyang isip dahil sa kuryusidad sa kalusugan ng lalaki, ngunit hindi niya rin magawang magtanong.Pagpasok niya sa loob ng silid, naabutan niyang nakabukas pa ang pinto ng banyo, ngunit agad din naman iyong sumara.Narinig niya ang tunog ng umaagos na tubig pagkaraan, siguro'y maliligo ang la

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 48

    Dalawang taon pala ang agwat nilang dalawa ni Aeros. Siya ay bente sais pa lang, si Aeros ay bente otso na. Tama din siya sa kaniyang hula na nasa late twenties na ang lalaki.Ngunit nakakamanghang isipin na si Aeros, sa edad na bente otso ay marami nang na-accomplish sa buhay— pagiging CEO, malaking savings, maraming pera, at may penthouse pa. Samantalang siya’y parang hindi umuusad. Parang walang naaabot na pangarap.Then, for a moment, she realized something. Naalala niya kung gaano kahirap ang kaniyang sitwasyon noong nawalan siya ng pandinig. Doon niya mas lalong naramdaman na naging stagnant ang kaniyang growth. Kinailangan niyang magresign sa trabaho, para makapagpokus sa pagpapagaling. Ngunit dahil nasanay siyang tumutulong kay Dale sa kompanya, tinanggap niya ang offer na maging website manager. Siya ang nag-aasikaso at namamahala sa website ng kompanya. Sa bahay lamang siya nagtratrabaho, ngunit walong oras mahigit din siyang babad sa laptop at cellphone.Ngayo’y iniwan niya

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 47

    “We have properties in Samar.” Bigla’y saad ni Aeros.Wala sa sarili siyang napalingon sa lalaki at naabutang titig na titig ito sa kaniya. Ang tingin nito'y nakapako na sa kaniyang mga labi.Unti-unting napawi ang kaniyang ngiti.Kung sakali na matuloy ang plano ng kaniyang ina na ipalit si Wenona sa kaniya kapag nakabalik na ito, siguro’y hindi siya makakapagtago kay Aeros kapag dumating na ang panahong iyon. Marami ang properties nito sa Pilipinas. Kahit na magtago siya sa pinakasulok nitong bansa, malaki pa rin ang tyansa na magkatagpo sila ng lalaki.“My mother’s mom owns a land in Samar. Sa Northern Samar iyon kung hindi ako nagkakamali. Malaki ang kanilang hacienda. We can go visit it, if you want to.” Dagdag nito, hindi inaalis ang tingin sa kaniya.Maliban pala sa ina ni Marshall na si Mercedes, mukhang may ibubuga rin ang ina ni Lyanna. Hindi lang pala ang pamilya ng ama ni Aeros ang mayaman, maging ang pamilya ng ina nito ay mayroong mga hacienda. Talaga palang mayaman at m

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 46

    Hindi niya alam kung gaano kalaki ang lupaing kinatitirikan ng Casa Verde, ngunit sigurado siyang malawak iyon para magkaroon ng gubat sa tabi ng lawa. Hindi niya pa nakikita ang kabuuan ng Casa Verde, ngunit kung sakaling ma-explore niya nga ang bawat sulok ay mapagtatanto niya rin sa huli na ekta-ektarya ang lupaing ito. “Do you like it here?” Lumipas na ang ilang minuto na walang umiimik sa kanila kaya nagulat siya nang magtanong si Aeros. Hindi niya inaasahan na magsasalita si Aeros at mas lalong hindi niya inaasahan na ganoon ang tanong nito sa kaniya. Sinulyapan niya ang lalaki, malayo pa rin ang tingin nito. Kalahati lamang ng mukha nito ang kaniyang nakikita. Ang kalahati ng mukha nito'y nasisinagan ng liwanag ng ilaw sa kanilang kaliwa, ngunit ang kalahati'y nilalamon ng dilim. Sa ilalim ng mga ilaw at dilaw na liwanag ng buwan, parang mas nakakahipnotismo ang kaguwapuha ng lalaki. Ang matangos na ilong ay mas lalong nagyayabang at ang mahabang pilik mata ay kumukurba,

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 45

    Parang may nagbago. Iyon agad ang naisip ni Rory nang gumabi na at nasa magkabilang dulo sila ng kabisera ni Aeros. Tahimik na kumakain ang lalaki, samantalang hindi niya maiwasan na hindi mapasulyap sa direksyon nito. Sa tuwing umiinom siya ng tubig ay sinasadya niyang ipako ang tingin sa direksyon ni Aeros para mapagmasdan ito ng ilang segundo. Hindi siya nito tinitingnan, nakapokus ang atensyon nito sa pagkain. Hindi naman ito mukhang galit, pero may kakaiba sa mukha nito na hindi niya matukoy. Ayaw niyang isipin na may nangyari kanina habang inihahatid nito ang mga pinsan paalis ng Casa Verde. Simula kasi kanina no’ng iwan siya nito sa casita at binalikan ang mga pinsan para ihatid paalis, hindi na sila muling nagkausap ni Aeros. Hindi na siya nito binalikan sa casita. Saka na lamang ulit sila nagkita noong pinatawag siya nito para kumain na nang hapunan. Ngayon, mas nadepina ang katahimikan ng buong casa. Kung kanina’y maingay pa sila sa hapag dahil sa pag-uusap ng mga pinsan

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 44

    There is something how the way Rogan say it. Napaiwas siya ng tingin sa lalaki kasabay ng pagpigil sa kaniyang hininga. Ayaw niyang magbuntong-hininga. Ayaw niyang ipakitang may epekto ang sinabi ni Rogan sa kaniya. Kahit na ang totoo, meron naman talaga. Ang totoo, natatakot siyang baka tama si Rogan sa sinabi nito. Hindi lahat ng marriage for convenience ay convenient. Maaaring maging kapaki-pakinabang sa negosyo o kompanya ang pagpapakasal nila, ngunit ano’ng kapalit no’n? Kailangan nilang matali sa isang relasyon habang-buhay dahil sa kasunduan. Relasyon na posibleng magdulot ng kalungkutan o paghihirap sa kanilang kalooban. Siguro ay maswerte lamang ang kanilang mga magulang na naging maganda ang resulta ng arrange marriage sa kanila. Simula kay Marshall at Lyanna— mga magulang ni Max at Aeros— kay Nemfa at Rui, at sa kanilang mga magulang na sina Vasileious Jr. at Freya ay pinagkasundo lamang sila para mapatatag ang kompanya at mapalawak ang mga negosyo. Ang mga magulang ni

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 1

    “Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang bangg

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 30

    Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mapagpaumanhing mga mata ni Lorna. Dumaan ang pagsisisi roon, ngunit sandali lamang iyon bago napalitan ng takot at awa.Wala siyang ibang maramdaman kung hindi poot kaya malamig niyang tiningnan ang babae.Hindi pa rin pala talaga ito nagbabago. Saka lama

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 29

    “I don’t understand… sinadya niyo ba na gamitin ang dokumento ni Wenona? Sinadya niyong paniwalain sila na ako si Wenona?”Unti-unting binitawan ni Lorna ang kaniyang siko at bigong napailing. May kaunting awa sa tingin nito, ngunit mas lamang ang pagkabigo.“Hindi ka nila matatanggap, Rory… si Wen

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 22

    Inilabas nito ang cellphone at mabilis na nagtipa. Ilang sandali lang ay nasa tainga na nito ang cellphone at mukhang may kakausapin.“I want a fresh ceasar salad for my wife.” Saad nito saka ibinaba ang tawag.Kahit na alam niyang gagawin iyon ni Aeros ay nagulat pa rin siya. Isang tawag lang nito

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status