공유

Kabanata 4

작가: Divina Gracia
last update 게시일: 2026-06-05 06:27:00

Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.

Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.

“Walanghiya ka!”

Iniangat ni Samantha ang kanang kamay para gumanti ng sampal ngunit masyadong mabagal ang babae kaya mabilis niya iyong nahuli sa ere. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito na agad na nagpalukot ng mukha ni Samantha.

Sinubukan nitong bawiin ang kamay, binitiwan niya naman iyon at muntik pa itong mawalan ng balanse. Ngunit bago tuluyang makabawi, muli niyang sinampal sa kabilang pisngi ang babae.

Agad na bumaling sa kabilang direksyon ang mukha ni Samantha at ang mahaba at medyo makapal na kulot na buhok sa gilid ng mukha ay sumabog at tinakpan na ang buong mukha nito.

Hindi makagalaw ang mga taong nanonood sa kanila. Lahat sila ay nagulat sa unang sampal ni Rory.

Ngunit sa pangalawang sampal, bumalik sa reyalidad si Dale at agad na lumapit para awatin siya.

Bago pa siya nito mahila nakabawi nang muli si Samantha. Nanlilisik ang mga mata, pulang-pula ang mukha lalo na ang pisnging nasampal.

“I’ll kill you!” Sigaw ni Samantha at agad na sumugod.

Naabot nito ang kaniyang buhok at agad na hinila. Sumigid sa kaniyang anit ang matinding sakit nang malakas na hilahin ni Samantha ang kaniyang buhok. Ngunit hindi siya nagpadaig, hinawakan niya rin ang buhok nito at hinila iyon.

Dalawang kamay ang kaniyang salitang ginagamit sa paghila. Minsan ay sabay niyang hinihila sa magkabilang direksyon. Napapasigaw si Samantha at minumura siya, ngunit nanatili siyang tahimik kahit na may iniinda rin siya.

Masakit ang kaniyang lalamunan. Masakit ang kaniyang ulo, hindi niya alam kung dahil sa pagsabunot sa kaniya ni Samantha o bumabalik na naman ang kaniyang lagnat.

“Enough! Let go!” Sigaw ni Dale, pilit silang pinaglalayong dalawa ni Samantha.

Nabitiwan siya ni Samantha nang tumulong na rin ang ilang kalalakihan na paglayuin sila. Hawak niya pa rin ang buhok ng babae kay nang pilitin ng mga kalalakihan na ilayo sa kaniya si Samantha, napasigaw itong muli.

Nabitiwan niya ang babae ngunit maraming buhok ang nanatiling hawak niya pa rin.

“That’s enough, Rory!” Malakas na sigaw ni Dale nang susugod pa dapat siya.

Hinawakan nito ang kaniyang palapulsuhan at mariin siyang ipinirmi sa isang lugar.

Gusto niyang sumigaw, sabihin kay Dale na bitiwan siya dahil hindi pa siya tapos! Ngunit isang mahina at paos na hininga lamang ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Hindi siya makapagsalita. Mas lalong sumasakit ang kaniyang lalamunan kapag sinusubukan niyang magsalita.

Bumalik na nga ang kaniyang pandinig, ngunit bakit hindi siya makapagsalita?!

Biglang nakawala si Samantha sa lalaking pumipigil dito, sumugod ito, at dahil hawak ni Dale nang mahigpit ang kaniyang palapulsuhan, hindi niya naiwasan ang mabilis na pagsampal at kalmot ng babae sa kaniyang mukha.

Nalukot ang kaniyang mukha nang sumigid ang sakit sa kaniyang pisngi at alam niyang mag-iiwan iyon ng sugat.

Sa disperasyon na maipagtanggol ang kaniyang sarili, pinaikot niya ang kamay ni Dale kaya’t napilitan itong pakawalan siya. Saktong nasa harap na niya si Samantha nang susugod na naman ito, kaya itinulak na lamang niya ang babae. Mas malakas iyon kumpara sa kaniyang inaasahan. Nakita niyang natapilok ang babae at agad na bumagsak malapit sa mataas na estante ng mga bote ng alak.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang isa-isang magbagsakan ang mga bote ng alak. Huli na para matakpan niya ang kaniyang ulo, mabilis na nahulog sa estante ang boteng nasa taas ng kaniyang ulo. Nabasag iyon, kasabay ng sigawan at takbuhan ng mga taong malapit sa kanila.

“Sam!”

Halos magdilim ang kaniyang paningin nang maramdaman na may tumama sa kaniyang ulo at nabasag iyon at sumigid ang kirot sa kaniyang balikat nang madaanan iyon ng basag na salamin.

Nahihilo siya, kaya unti-unti siyang napaupo sa sahig na puno ng mga bubog. Ngunit hindi na niya alintana kung masugatan pa siya ng mga bubog, ayaw niyang bigla na lamang humandusay dahil sa pagkahilo.

Naramdaman niyang may umalalay sa kaniyang likod.

“Rory…”

“Sh*t, you’re bleeding, Sam!” Narinig niya ang natatarantang boses ni Dale.

Binuksan niya ang mga mata at nakitang nasa likod ni Dale ang natumbang estante. Sumugod si Dale para sagipin si Samantha nang mabuwal ang estante.

Nakahilig sa dibdib ng lalaki si Samantha habang ang hita at ilang parte ng paa nito ay may mga sugat. Hindi gaanong malaki, pero may mga dugo.

“I’m… I’m scared of blood, Dale.” Sa nanginginig na boses ay narinig niyang sabi ni Samantha.

Tumulong ang mga kaibigan ni Dale na ayusin ang estante. Binuhat agad ni Dale si Samantha at handa nang itakbo ang babae palabas ng private room.

Isang garalgal na hininga ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Hindi niya napansin na tinatawag niya ang pangalan ni Dale.

“Dale! Dinudugo rin si Rory.” Tawag ni Caleb nang mapansin ang mas maraming dugo na dumadaloy sa puti niyang damit.

Lumingon si Dale sa direksyon nila. Saglit na nagtama ang kanilang tingin. Puno iyon ng pag-aalala at pagkabahala.

“Ang sakit… Dale.” Nanghihinang saad ni Samantha saka niyakap ang leeg ng lalaki.

Naputol ang kanilang tinginan. Humarap si Dale kay Samantha saka napamura.

“I need to bring Sam to the hospital. Kayo na ang bahala kay Rory… Caleb…” naglakad papunta sa pinto si Dale, buhat-buhat pa rin si Samantha.

Napapikit si Rory nang mas tumindi ang kaniyang pagkahilo. Napansin niyang hindi na lamang si Caleb ang nakaalalay sa kaniya, may dalawa pang lalaki sa kaniyang likod na napapamura sa dami ng dugo na nakikitang umaagos galing sa sugat sa gilid ng kaniyang ulo.

“Sh*t. Sh*t. Anong gagawin natin, Caleb?”

“Call an ambulance!”

Iyon ang huli niyang narinig bago siya tuluyang hilahin ng dilim.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 49

    Nasa dulo na ng dila ni Rory ang mga tanong. Para saan ang gamot? Bakit hindi ka makatulog hangga't hindi iyon naiinom? May sakit ka ba?Kuryuso siya, ngunit hindi niya alam kung sapat ba ang kaniyang lakas ng loob para magtanong.Ngunit bago niya pa maibuka ang kaniyang bibig, naglakad na paalis si Aeros at iniwan siyang nakatayo roon. Nagulat siya sa pagdaan ng lalaki sa kaniyang tabi.Is it sleeping pills? Hirap ba siyang makatulog dahil sa mental issue? May depresyon ba ito? O insomnia?Ngunit nakita niya rin noon si Aeros na umiinom ng walang label na gamot sa loob ng sasakyan nang sunduin siya sa airport.Magkaiba ba iyon sa gamot na ininom nito ngayon?Hindi siya mapanatag. Magulo ang kaniyang isip dahil sa kuryusidad sa kalusugan ng lalaki, ngunit hindi niya rin magawang magtanong.Pagpasok niya sa loob ng silid, naabutan niyang nakabukas pa ang pinto ng banyo, ngunit agad din naman iyong sumara.Narinig niya ang tunog ng umaagos na tubig pagkaraan, siguro'y maliligo ang la

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 48

    Dalawang taon pala ang agwat nilang dalawa ni Aeros. Siya ay bente sais pa lang, si Aeros ay bente otso na. Tama din siya sa kaniyang hula na nasa late twenties na ang lalaki.Ngunit nakakamanghang isipin na si Aeros, sa edad na bente otso ay marami nang na-accomplish sa buhay— pagiging CEO, malaking savings, maraming pera, at may penthouse pa. Samantalang siya’y parang hindi umuusad. Parang walang naaabot na pangarap.Then, for a moment, she realized something. Naalala niya kung gaano kahirap ang kaniyang sitwasyon noong nawalan siya ng pandinig. Doon niya mas lalong naramdaman na naging stagnant ang kaniyang growth. Kinailangan niyang magresign sa trabaho, para makapagpokus sa pagpapagaling. Ngunit dahil nasanay siyang tumutulong kay Dale sa kompanya, tinanggap niya ang offer na maging website manager. Siya ang nag-aasikaso at namamahala sa website ng kompanya. Sa bahay lamang siya nagtratrabaho, ngunit walong oras mahigit din siyang babad sa laptop at cellphone.Ngayo’y iniwan niya

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 47

    “We have properties in Samar.” Bigla’y saad ni Aeros.Wala sa sarili siyang napalingon sa lalaki at naabutang titig na titig ito sa kaniya. Ang tingin nito'y nakapako na sa kaniyang mga labi.Unti-unting napawi ang kaniyang ngiti.Kung sakali na matuloy ang plano ng kaniyang ina na ipalit si Wenona sa kaniya kapag nakabalik na ito, siguro’y hindi siya makakapagtago kay Aeros kapag dumating na ang panahong iyon. Marami ang properties nito sa Pilipinas. Kahit na magtago siya sa pinakasulok nitong bansa, malaki pa rin ang tyansa na magkatagpo sila ng lalaki.“My mother’s mom owns a land in Samar. Sa Northern Samar iyon kung hindi ako nagkakamali. Malaki ang kanilang hacienda. We can go visit it, if you want to.” Dagdag nito, hindi inaalis ang tingin sa kaniya.Maliban pala sa ina ni Marshall na si Mercedes, mukhang may ibubuga rin ang ina ni Lyanna. Hindi lang pala ang pamilya ng ama ni Aeros ang mayaman, maging ang pamilya ng ina nito ay mayroong mga hacienda. Talaga palang mayaman at m

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 46

    Hindi niya alam kung gaano kalaki ang lupaing kinatitirikan ng Casa Verde, ngunit sigurado siyang malawak iyon para magkaroon ng gubat sa tabi ng lawa. Hindi niya pa nakikita ang kabuuan ng Casa Verde, ngunit kung sakaling ma-explore niya nga ang bawat sulok ay mapagtatanto niya rin sa huli na ekta-ektarya ang lupaing ito. “Do you like it here?” Lumipas na ang ilang minuto na walang umiimik sa kanila kaya nagulat siya nang magtanong si Aeros. Hindi niya inaasahan na magsasalita si Aeros at mas lalong hindi niya inaasahan na ganoon ang tanong nito sa kaniya. Sinulyapan niya ang lalaki, malayo pa rin ang tingin nito. Kalahati lamang ng mukha nito ang kaniyang nakikita. Ang kalahati ng mukha nito'y nasisinagan ng liwanag ng ilaw sa kanilang kaliwa, ngunit ang kalahati'y nilalamon ng dilim. Sa ilalim ng mga ilaw at dilaw na liwanag ng buwan, parang mas nakakahipnotismo ang kaguwapuha ng lalaki. Ang matangos na ilong ay mas lalong nagyayabang at ang mahabang pilik mata ay kumukurba,

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 45

    Parang may nagbago. Iyon agad ang naisip ni Rory nang gumabi na at nasa magkabilang dulo sila ng kabisera ni Aeros. Tahimik na kumakain ang lalaki, samantalang hindi niya maiwasan na hindi mapasulyap sa direksyon nito. Sa tuwing umiinom siya ng tubig ay sinasadya niyang ipako ang tingin sa direksyon ni Aeros para mapagmasdan ito ng ilang segundo. Hindi siya nito tinitingnan, nakapokus ang atensyon nito sa pagkain. Hindi naman ito mukhang galit, pero may kakaiba sa mukha nito na hindi niya matukoy. Ayaw niyang isipin na may nangyari kanina habang inihahatid nito ang mga pinsan paalis ng Casa Verde. Simula kasi kanina no’ng iwan siya nito sa casita at binalikan ang mga pinsan para ihatid paalis, hindi na sila muling nagkausap ni Aeros. Hindi na siya nito binalikan sa casita. Saka na lamang ulit sila nagkita noong pinatawag siya nito para kumain na nang hapunan. Ngayon, mas nadepina ang katahimikan ng buong casa. Kung kanina’y maingay pa sila sa hapag dahil sa pag-uusap ng mga pinsan

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 44

    There is something how the way Rogan say it. Napaiwas siya ng tingin sa lalaki kasabay ng pagpigil sa kaniyang hininga. Ayaw niyang magbuntong-hininga. Ayaw niyang ipakitang may epekto ang sinabi ni Rogan sa kaniya. Kahit na ang totoo, meron naman talaga. Ang totoo, natatakot siyang baka tama si Rogan sa sinabi nito. Hindi lahat ng marriage for convenience ay convenient. Maaaring maging kapaki-pakinabang sa negosyo o kompanya ang pagpapakasal nila, ngunit ano’ng kapalit no’n? Kailangan nilang matali sa isang relasyon habang-buhay dahil sa kasunduan. Relasyon na posibleng magdulot ng kalungkutan o paghihirap sa kanilang kalooban. Siguro ay maswerte lamang ang kanilang mga magulang na naging maganda ang resulta ng arrange marriage sa kanila. Simula kay Marshall at Lyanna— mga magulang ni Max at Aeros— kay Nemfa at Rui, at sa kanilang mga magulang na sina Vasileious Jr. at Freya ay pinagkasundo lamang sila para mapatatag ang kompanya at mapalawak ang mga negosyo. Ang mga magulang ni

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 7

    Dalawang taon na nanatili siya sa Cagayan de Oro at isang taon na halos dumepende na lamang siya kay Dale. Hindi niya kailanman naisip na posible pa lang iwanan niya ang lugar na ito at palakasin ang kaniyang loob gamit ang galit na nararamdaman para sa taong dati ay lubos niyang minamahal.Habang

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 5

    Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 3

    Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 2

    Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status