로그인Kabanata 5
Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauze. Inilibot niya ang tingin at nakitang walang ibang tao sa loob ng silid kung hindi siya lang. Noong una’y hindi niya pa alam kung nasaan siya, ngunit nang maalala ang huling pangyayari bago siya tuluyang mawalan ng malay ay saka niya napagtanto na posibleng nasa ospital siya at nakaconfine. Sinubukan niyang ibaba ang mga paa sa gilid ng higaan, ngunit bago pa tuluyang makatapak sa tiled floor ay narinig na niyang bumukas ang pinto. Wala sa sarili siyang napalingon at nang makita ang pamilyar na doktor ay napaawang ang bibig. Dr. Tuscano. “Where are you going?” Nagtaas ng kilay ang lalaking doktor nang makita siya sa gilid ng higaan. Ibinuka niya ang bibig, ngunit wala pa ring boses na lumalabas kaya sumenyas na lamang siya. “Comfort room, Doc.” Mabagal niyang hinaplos ang tiyan. Agad na naunawaan ni Dr. Tuscano na nasusuka siya kaya mabilis itong lumapit at tinulungan siyang makababa. Napansin niyang may ilang sugat din pala siya sa kaniyang mga paa. Maliliit lang, malinis na ngayon pero halatang mga bago. Nang madala siya ni Dr. Tuscano sa pinto ng banyo, umatras ito at sinundan na lamang siya ng tingin hanggang sa makapasok. Hindi niya tuluyang isinara ang pinto, humilig siya sa lababo at agad nang nagsuka. Ilang minuto siyang nakakapit sa gilid ng lababo, kumukuha ng lakas habang inuubos ang laman ng kaniyang tiyan. Purong asido lamang iyon kaya sigurado siyang ilang oras na siyang walang-malay at natutulog sa hospital bed. Nang matapos siyang magsuka, nilinis niya agad ang kaniyang mukha, at nagmumog para maalis ang pait sa kaniyang bibig. Mabagal siyang naglakad palapit sa pinto, lalo pa’t nanlalabo na naman ang kaniyang paningin dahil sa pagkahilo. Nang makalabas siya ng banyo, agad na umalalay si Dr. Tuscano at halos buhatin na siya pabalik sa higaan. Nakakahiya. Isip niya. Pero matagal na rin silang magkakilala ni Dr. Tuscano dahil anim na buwan na niya itong doktor. Ito ang in-charge sa hearing rehabilitation treatment niya. Twenty-six years old siya, samantalang thirty-three naman si Dr. Tuscano. Kahit na medyo malaki ang agwat ng kanilang edad, hindi pa rin halata sa mukha ng binatang doktor na lagpas trenta na ito. Kaya para lamang silang magkasing-edad, minsan pa nga’y nakakalimutan niyang doktor niya ito. Nang makaupo sa kama, sinubukan niyang buksan ang bibig para magsalita, ngunit kagaya ng mga unang subok, garalgal na hininga lamang ang kumawala sa kaniyang lalamunan. “Huwag ka na munang magsalita. Maayos ang vocal cords mo, sadyang mayroon ka lang acute laryngitis dala ng mataas na lagnat simula noong Lunes. Babalik din ang boses mo sa susunod na mga araw.” Nag-angat siya ng tingin kay Dr. Tuscano at maliit na ngumiti. Mabagal siyang sumenyas, “Salamat, Doc. Dahil sa’yo, bumalik na rin sa wakas ang pandinig ko.” Hindi pa ganoon ka-fluent si Dr. Tuscano sa sign language, ngunit nakuha nito ang gusto niyang sabihin. Minsan nga’y nagtataka siya, nasa hearing rehabilitation center ang lalaking doktor pero halatang hindi naman ito magaling sa sign language. Para bang unang beses lang ni Dr. Tuscano na tumanggap ng ganitong case dahil sa ibang bagay talaga ito magaling. Ganoon pa man, nagpapasalamat siya sa husay nito at mahabang pasensya, dahil sa tulong nito bumalik na ulit ang kaniyang pandinig. Ngumiti ang binatang doktor at sa mababang boses ay nagsalita. “I’m glad your hearing is back. Mukhang tapos na ang misyon ko rito, hahayaan na niya akong makabalik ng Manila.” Malinaw na ang kaniyang pandinig kaya hindi siya maaaring magkamali sa kaniyang narinig. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Ano’ng ibigsabihin ni Dr. Tunasco? May humiling ba rito na pokusan ang kaniyang pagpapagaling kaya hindi makabalik-balik sa Manila? Sino naman? Si Dale? Mas lalong kumunot ang kaniyang noo nang maalalang hindi nag-uusap ang dalawa tuwing may session siya. Malamig din madalas ang tingin ni Dr. Tunasco kay Dale sa tuwing magkakasama silang tatlo. Kaya para isipin na si Dale ang pumipigil kay Dr. Tunasco na bumalik ng Manila ay parang imposible. Kung ganoon, sino? Ngunit kahit na gaano siya kakuryuso, hindi niya na naitanong sa doktor dahil pagkatapos siya nitong bigyan ng reseta ay umalis din agad ang lalaki. Nang siya na lamang mag-isa, muli na namang binalot ng lungkot at sakit ang kaniyang puso— hindi na lamang ang kaniyang katawan. Naalala niya kung paanong binuhat ni Dale si Samantha galing sa sahig at halos itakbo ang babae palabas ng private room ng club para madala sa ospital, samantalang hindi naman kritikal ang kondisyon nito. Siya na may sugat sa ulo at dinudugo ng marami ay nilingon lamang at ipinagkatiwala sa ibang tao. Nilingon niya ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng maliit lamesa. Inabot niya iyon at mabagal na nagtipa. To Dale: Let’s break up. Nang makitang naipadala na ang mensahe, binura niya ang buong conversation nila at maging ang numero ng lalaki, saka niya ibinalik ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Napatulala siya. Hindi ito bugso ng damdamin. Hindi ito dala ng tampo o pagkadismaya. Sadyang naging malinaw lamang sa kaniya kung ano ang kaniyang halaga kay Dale. Kung noon, iniisip niyang pinagtatanggol siya ni Dale sa lahat ng mga taong nangungutya at nanghahamak sa kaniya dahil sa pagkawala ng kaniyang pandinig, ngayon malinaw na sa kaniya na may iilan palang tao na kahit harap-harapan na siyang nililibak at pinagtatawanan ay palalagpasin lang ni Dale… dahil hindi naman niya naririnig. Nanikip ang kaniyang dibdib. Dalawang beses nang nalagay sa tiyak na kapahakaman ang kaniyang buhay dahil kay Samantha. Sapat na iyon para maunawaan niyang hinding-hindi ipagpapalit ni Dale si Samantha sa kaniya kahit na sa tiyak na kamatayan pa. Muli niyang inabot ang kaniyang cellphone. Mabilis ang bawat pindot sa mga letra ng kaniyang keyboard. Huminga siya ng malalim bago pikit-matang pinadala ang mensahe sa kaniyang ina. To Mommy: Uuwi na ako. Pumapayag na akong magpakasal sa anak ni Mr. Elizondo.Nasa dulo na ng dila ni Rory ang mga tanong. Para saan ang gamot? Bakit hindi ka makatulog hangga't hindi iyon naiinom? May sakit ka ba?Kuryuso siya, ngunit hindi niya alam kung sapat ba ang kaniyang lakas ng loob para magtanong.Ngunit bago niya pa maibuka ang kaniyang bibig, naglakad na paalis si Aeros at iniwan siyang nakatayo roon. Nagulat siya sa pagdaan ng lalaki sa kaniyang tabi.Is it sleeping pills? Hirap ba siyang makatulog dahil sa mental issue? May depresyon ba ito? O insomnia?Ngunit nakita niya rin noon si Aeros na umiinom ng walang label na gamot sa loob ng sasakyan nang sunduin siya sa airport.Magkaiba ba iyon sa gamot na ininom nito ngayon?Hindi siya mapanatag. Magulo ang kaniyang isip dahil sa kuryusidad sa kalusugan ng lalaki, ngunit hindi niya rin magawang magtanong.Pagpasok niya sa loob ng silid, naabutan niyang nakabukas pa ang pinto ng banyo, ngunit agad din naman iyong sumara.Narinig niya ang tunog ng umaagos na tubig pagkaraan, siguro'y maliligo ang la
Dalawang taon pala ang agwat nilang dalawa ni Aeros. Siya ay bente sais pa lang, si Aeros ay bente otso na. Tama din siya sa kaniyang hula na nasa late twenties na ang lalaki.Ngunit nakakamanghang isipin na si Aeros, sa edad na bente otso ay marami nang na-accomplish sa buhay— pagiging CEO, malaking savings, maraming pera, at may penthouse pa. Samantalang siya’y parang hindi umuusad. Parang walang naaabot na pangarap.Then, for a moment, she realized something. Naalala niya kung gaano kahirap ang kaniyang sitwasyon noong nawalan siya ng pandinig. Doon niya mas lalong naramdaman na naging stagnant ang kaniyang growth. Kinailangan niyang magresign sa trabaho, para makapagpokus sa pagpapagaling. Ngunit dahil nasanay siyang tumutulong kay Dale sa kompanya, tinanggap niya ang offer na maging website manager. Siya ang nag-aasikaso at namamahala sa website ng kompanya. Sa bahay lamang siya nagtratrabaho, ngunit walong oras mahigit din siyang babad sa laptop at cellphone.Ngayo’y iniwan niya
“We have properties in Samar.” Bigla’y saad ni Aeros.Wala sa sarili siyang napalingon sa lalaki at naabutang titig na titig ito sa kaniya. Ang tingin nito'y nakapako na sa kaniyang mga labi.Unti-unting napawi ang kaniyang ngiti.Kung sakali na matuloy ang plano ng kaniyang ina na ipalit si Wenona sa kaniya kapag nakabalik na ito, siguro’y hindi siya makakapagtago kay Aeros kapag dumating na ang panahong iyon. Marami ang properties nito sa Pilipinas. Kahit na magtago siya sa pinakasulok nitong bansa, malaki pa rin ang tyansa na magkatagpo sila ng lalaki.“My mother’s mom owns a land in Samar. Sa Northern Samar iyon kung hindi ako nagkakamali. Malaki ang kanilang hacienda. We can go visit it, if you want to.” Dagdag nito, hindi inaalis ang tingin sa kaniya.Maliban pala sa ina ni Marshall na si Mercedes, mukhang may ibubuga rin ang ina ni Lyanna. Hindi lang pala ang pamilya ng ama ni Aeros ang mayaman, maging ang pamilya ng ina nito ay mayroong mga hacienda. Talaga palang mayaman at m
Hindi niya alam kung gaano kalaki ang lupaing kinatitirikan ng Casa Verde, ngunit sigurado siyang malawak iyon para magkaroon ng gubat sa tabi ng lawa. Hindi niya pa nakikita ang kabuuan ng Casa Verde, ngunit kung sakaling ma-explore niya nga ang bawat sulok ay mapagtatanto niya rin sa huli na ekta-ektarya ang lupaing ito. “Do you like it here?” Lumipas na ang ilang minuto na walang umiimik sa kanila kaya nagulat siya nang magtanong si Aeros. Hindi niya inaasahan na magsasalita si Aeros at mas lalong hindi niya inaasahan na ganoon ang tanong nito sa kaniya. Sinulyapan niya ang lalaki, malayo pa rin ang tingin nito. Kalahati lamang ng mukha nito ang kaniyang nakikita. Ang kalahati ng mukha nito'y nasisinagan ng liwanag ng ilaw sa kanilang kaliwa, ngunit ang kalahati'y nilalamon ng dilim. Sa ilalim ng mga ilaw at dilaw na liwanag ng buwan, parang mas nakakahipnotismo ang kaguwapuha ng lalaki. Ang matangos na ilong ay mas lalong nagyayabang at ang mahabang pilik mata ay kumukurba,
Parang may nagbago. Iyon agad ang naisip ni Rory nang gumabi na at nasa magkabilang dulo sila ng kabisera ni Aeros. Tahimik na kumakain ang lalaki, samantalang hindi niya maiwasan na hindi mapasulyap sa direksyon nito. Sa tuwing umiinom siya ng tubig ay sinasadya niyang ipako ang tingin sa direksyon ni Aeros para mapagmasdan ito ng ilang segundo. Hindi siya nito tinitingnan, nakapokus ang atensyon nito sa pagkain. Hindi naman ito mukhang galit, pero may kakaiba sa mukha nito na hindi niya matukoy. Ayaw niyang isipin na may nangyari kanina habang inihahatid nito ang mga pinsan paalis ng Casa Verde. Simula kasi kanina no’ng iwan siya nito sa casita at binalikan ang mga pinsan para ihatid paalis, hindi na sila muling nagkausap ni Aeros. Hindi na siya nito binalikan sa casita. Saka na lamang ulit sila nagkita noong pinatawag siya nito para kumain na nang hapunan. Ngayon, mas nadepina ang katahimikan ng buong casa. Kung kanina’y maingay pa sila sa hapag dahil sa pag-uusap ng mga pinsan
There is something how the way Rogan say it. Napaiwas siya ng tingin sa lalaki kasabay ng pagpigil sa kaniyang hininga. Ayaw niyang magbuntong-hininga. Ayaw niyang ipakitang may epekto ang sinabi ni Rogan sa kaniya. Kahit na ang totoo, meron naman talaga. Ang totoo, natatakot siyang baka tama si Rogan sa sinabi nito. Hindi lahat ng marriage for convenience ay convenient. Maaaring maging kapaki-pakinabang sa negosyo o kompanya ang pagpapakasal nila, ngunit ano’ng kapalit no’n? Kailangan nilang matali sa isang relasyon habang-buhay dahil sa kasunduan. Relasyon na posibleng magdulot ng kalungkutan o paghihirap sa kanilang kalooban. Siguro ay maswerte lamang ang kanilang mga magulang na naging maganda ang resulta ng arrange marriage sa kanila. Simula kay Marshall at Lyanna— mga magulang ni Max at Aeros— kay Nemfa at Rui, at sa kanilang mga magulang na sina Vasileious Jr. at Freya ay pinagkasundo lamang sila para mapatatag ang kompanya at mapalawak ang mga negosyo. Ang mga magulang ni
Pakiramdam ni Rory hindi niya kayang malampasan ang unang gabi nila ni Aeros. Maliban sa kahiya-hiyang bagay na nangyayari sa kaniya ay dinadagdagan pa ni Aeros ang kaniyang hiya at kaba sa pamamagitan ng mga panunukso at pagbabanta.Pagkatapos siya nitong bumulong tungkol sa kaparusahan ng sunod n
Bakit kailangan niyang magsinungaling tungkol sa kaniyang katauhan? Mukha namang mabait si Senora Mercedes… matatanggap naman siguro siya kung sakaling sabihin niya na ang tunay niyang pangalan ay Lorelie Tuazon Del Real. Anak siya sa unang asawa ni Lorna Tuazon. Hindi siya isang Rodrigo. Si Wenona
“Aeros?” Napalingon sila sa may hagdan nang marinig na may tumawag sa pangalan ni Aeros. Isang matandang kasambahay ang umaakyat sa hagdan. Nakasuot ito ng unipormeng pangkasambahay. Puno na ng puti ang buhok nito, ngunit kahit na mukhang lagpas sesenta na ito ay malakas pa rin. “Ngayon ko lang
Magiliw silang binati ng assistant habang papasok sa opisina ni Judge Quirino. Mukhang alam na nito na pupunta sila ngayon kahit na gabi na.Minimalist ang interior design ng opisina, halatang hindi mahilig sa mga palamuti ang judge kaya isang beses lang na pinalibot ni Rory ang kaniyang tingin ay







