LOGINIlang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.
Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito. Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kaniyang ina. Alam niyang nagtatampo ito sa kaniyang pagrerebelde kaya’t mas pinipiling maging malamig sa kaniya. Muli niyang binasa ang mga naunang mensahe galing sa kaniyang ina. Nalulugi na ang kompanya ng kaniyang Tito Christian— ang bagong asawa ng kaniyang Mommy— at ang tanging paraan para maisalba ang kompanya sa mabilis nitong pagkakalugmok ay isang arrange-marriage sa mga Elizondo. Kapalit ng pagpapakasal ng anak ni Christian Rodrigo ay tutulong ang mga Elizondo na mabawi muli ang kompanya sa pagkalugi nito. Napakunot-noo siya. Hindi siya isang Rodrigo. Isa siyang Del Real, hindi niya pinabago ang kaniyang apelyido kahit noong nakiusap ang kaniyang ina na baguhin iyon noong pinakasalan nito si Christian Rodrigo. Hindi niya kailanman kalilimutan na isa siyang Del Real dahil ang kaniyang ama ay isang Del Real. Bakit siya ang pinapakiusapan ng kaniyang ina na pakasalan ang isang Elizondo kung hindi naman siya anak ni Christian Rodrigo? Bumaba ang kaniyang mga mata sa nahuhuling mga mensahe at saka lamang siya naliwanagan. Napaawang ang kaniyang labi at nahirapan siyang lumunok. Kagaya niya, lumayas din si Wenona sa kanilang tahanan. Umalis ito dahil ayaw magpakasal sa tagapagmana ng mga Elizondo. Si Wenona? Lumayas? Totoo ba ‘to? Unti-unting kumunot ang kaniyang noo. Paano nagawang lumayas ni Wenona sa tahanan ng mga Rodrigo? Hindi nito kayang mabuhay ng wala ang suporta at pera ng Daddy nito. Paano ito mabubuhay sa labas ng hindi na umaasa sa pera ng magulang? Napakagat-labi siya. Bigla’y naalala niya, siya rin naman ay nakadepende lang din noon sa allowance na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ina. Akala niya’y hindi siya mabubuhay kung wala ang suporta ng kaniyang Mommy. Pero simula nang magrebelde siya, napatunayan niyang mabubuhay siya nang wala ang tulong nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Sa nanginginig na kamay ay ibinalik niya sa bulsa ng kaniyang pants ang cellphone at mas piniling balewalain na muna ang problemang ito. Pabalik na siyang muli sa private room nila Dale nang natanaw niyang lumabas ang lalaki at sinalubong ang isang pamilyar na maliit at magandang babae na nakatayo sa harap ng pinto. Si Samantha. Hindi niya napansin na dumaan sa kaniyang likod si Samantha kanina. Masyado siyang abala sa pagbabasa ng mga mensahe. Hindi rin siya nito napansin dahil nakatalikod siya at halos sumiksik na sa gilid ng pasilyo para magbasa. Maingat na hinawakan ni Dale ang siko ng babae at hinila ito papasok ng silid. Napaawang ang bibig ni Rory sa gulat. Narinig niyang nakabalik na nga si Samantha ng Pilipinas, pero para makita ito mismo ng dalawa niyang mga mata ay sadyang… nakakapangilabot. Nang mawala sa kaniyang paningin ang dalawa, mabilis siyang naglakad at halos takbuhin ang distansya papunta sa harap ng pinto at maabutan si Dale at Samantha. Nakasarado na ang pinto, hindi kagaya kanina na may kaunting siwang pa iyon. Hinawakan niya ang seradura ng pinto at bahagya iyong pinihit, ngunit bago niya pa tuluyang maitulak ay narinig na niyang muli ang tawanan galing sa loob. Parang mas lalong nagkaroon ng enerhiya at lakas ang mga taong nasa loob. Nag-alangan siya noong una, pero nilakasan na lamang niya ang kaniyang loob. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pang itago ni Dale sa kaniya ang pag-uwi ni Samantha. Kung alam nito na magagalit siya dahil sa pagbabalik ni Samantha, bakit pa nito pinabalik ang babae? Kung tutuusin, maaaring makulong si Samantha dahil sa ginawa nito sa kaniya, pero dahil sa pakiusap nito sa kaniya ay hindi niya itinuloy ang pagsampa ng kaso. Naniwala rin siya sa pangako nitong ilalayo si Samantha sa kaniya para hindi na siya masaktan ng babae, pero isang taon pa lang ang nakakalipas ay parang nakalimot na agad si Dale sa usapan nila. Bumukas ang pinto at sabay-sabay na napalingon sa kaniya ang mga taong naroon. Malaki ang private room ng club na kanilang pinuntahan. Madalas si Dale at ang mga kaibigan nito na dito mag-inuman kaya pamilyar na sa kaniya ang club at ang mga private room. Pitong tao ang nakaupo sa sofa. Dalawa ang nakatayo malapit sa liquor counter at dalawa naman ang nakatayo sa likod ng sofa, nag-uusap-usap silang lahat kanina pero dahil sa kaniyang pagpasok, napatigil ang lahat. “Rory.” Dumaan ang pag-aalala sa mga mata ni Dale. Nakita niyang napatingin ito sa kaniyang tainga, alam niyang tinitingnan nito kung may suot siyang hearing aid. Nang makita ni Dale na wala, agad na guminhawa ang ekspresyon nito. Tumayo ang lalaki at mabilis na sumenyas gamit ang mga kamay, “Ano’ng ginagawa mo rito?” Mabagal niyang inilibot ang tingin sa mga kasama ni Dale. Lahat ng narito ay kaibigan ng lalaki. Wala si Samantha. Hindi niya mahagilap sa kaunting liwanag ng silid. Ngunit sigurado siya sa kaniyang nakita, hinila papasok ni Dale si Samantha. Nakita niya iyon galing sa labas ng silid. Pinilit niyang ngumiti nang nginitian siya ng mga babaeng kasama ni Dale. “Rory.” Mas lalong lumapit si Dale at isinenyas ang mga kamay. “Kanina ka pa ba? Sinong kasama mo sa pagpunta rito?” “Ako lang.” Sumenyas siya pabalik. Kanina lamang, hindi siya mapakali. Gusto niyang sabihin agad ang magandang balita sa kaniyang nobyo. Gusto niyang malaman nito na nakakarinig na siya kaya hindi na nila kailangan na magsign-language pa. “Kadarating ko lang. Nabasa ko ang text mo,” patuloy niyang idinaan sa pag-se-senyales ang pakikipag-usap. “Kaya naisipan kong dumaan dito para batiin ang mga kaibigan mo.” Ngumiti si Dale. “Aalis si Ervin mamaya papuntang Australia para sa photoshoot niya kaya inanyayahan niya kaming mag-inuman.” Nakangiting senyas ni Dale sa kaniya. Muling inilibot ni Rory ang mga mata bago sumenyas. “Kayo-kayo lang ba?” Itinaas ni Dale ang mga kamay para sumenyas pabalik pero bago pa iyon magawa ng lalaki, nakarinig na siya ng mahinang tawa galing sa kaniyang likod. Nakita niyang natigilan saglit si Dale pero pinagpatuloy nito ang pagsenyas, “Kami lang.” Ngunit kasalungat ng sinabi ni Dale, alam niyang nasa likod na niya ngayon si Samantha. Patuloy ito sa paghagikhik. “Buti hindi ka nauubusan ng pasensya sa pakikipag-usap sa kagaya niya, Dale?” Mapanuksong tanong ni Samantha sa matamis na tinig.Nasa dulo na ng dila ni Rory ang mga tanong. Para saan ang gamot? Bakit hindi ka makatulog hangga't hindi iyon naiinom? May sakit ka ba?Kuryuso siya, ngunit hindi niya alam kung sapat ba ang kaniyang lakas ng loob para magtanong.Ngunit bago niya pa maibuka ang kaniyang bibig, naglakad na paalis si Aeros at iniwan siyang nakatayo roon. Nagulat siya sa pagdaan ng lalaki sa kaniyang tabi.Is it sleeping pills? Hirap ba siyang makatulog dahil sa mental issue? May depresyon ba ito? O insomnia?Ngunit nakita niya rin noon si Aeros na umiinom ng walang label na gamot sa loob ng sasakyan nang sunduin siya sa airport.Magkaiba ba iyon sa gamot na ininom nito ngayon?Hindi siya mapanatag. Magulo ang kaniyang isip dahil sa kuryusidad sa kalusugan ng lalaki, ngunit hindi niya rin magawang magtanong.Pagpasok niya sa loob ng silid, naabutan niyang nakabukas pa ang pinto ng banyo, ngunit agad din naman iyong sumara.Narinig niya ang tunog ng umaagos na tubig pagkaraan, siguro'y maliligo ang la
Dalawang taon pala ang agwat nilang dalawa ni Aeros. Siya ay bente sais pa lang, si Aeros ay bente otso na. Tama din siya sa kaniyang hula na nasa late twenties na ang lalaki.Ngunit nakakamanghang isipin na si Aeros, sa edad na bente otso ay marami nang na-accomplish sa buhay— pagiging CEO, malaking savings, maraming pera, at may penthouse pa. Samantalang siya’y parang hindi umuusad. Parang walang naaabot na pangarap.Then, for a moment, she realized something. Naalala niya kung gaano kahirap ang kaniyang sitwasyon noong nawalan siya ng pandinig. Doon niya mas lalong naramdaman na naging stagnant ang kaniyang growth. Kinailangan niyang magresign sa trabaho, para makapagpokus sa pagpapagaling. Ngunit dahil nasanay siyang tumutulong kay Dale sa kompanya, tinanggap niya ang offer na maging website manager. Siya ang nag-aasikaso at namamahala sa website ng kompanya. Sa bahay lamang siya nagtratrabaho, ngunit walong oras mahigit din siyang babad sa laptop at cellphone.Ngayo’y iniwan niya
“We have properties in Samar.” Bigla’y saad ni Aeros.Wala sa sarili siyang napalingon sa lalaki at naabutang titig na titig ito sa kaniya. Ang tingin nito'y nakapako na sa kaniyang mga labi.Unti-unting napawi ang kaniyang ngiti.Kung sakali na matuloy ang plano ng kaniyang ina na ipalit si Wenona sa kaniya kapag nakabalik na ito, siguro’y hindi siya makakapagtago kay Aeros kapag dumating na ang panahong iyon. Marami ang properties nito sa Pilipinas. Kahit na magtago siya sa pinakasulok nitong bansa, malaki pa rin ang tyansa na magkatagpo sila ng lalaki.“My mother’s mom owns a land in Samar. Sa Northern Samar iyon kung hindi ako nagkakamali. Malaki ang kanilang hacienda. We can go visit it, if you want to.” Dagdag nito, hindi inaalis ang tingin sa kaniya.Maliban pala sa ina ni Marshall na si Mercedes, mukhang may ibubuga rin ang ina ni Lyanna. Hindi lang pala ang pamilya ng ama ni Aeros ang mayaman, maging ang pamilya ng ina nito ay mayroong mga hacienda. Talaga palang mayaman at m
Hindi niya alam kung gaano kalaki ang lupaing kinatitirikan ng Casa Verde, ngunit sigurado siyang malawak iyon para magkaroon ng gubat sa tabi ng lawa. Hindi niya pa nakikita ang kabuuan ng Casa Verde, ngunit kung sakaling ma-explore niya nga ang bawat sulok ay mapagtatanto niya rin sa huli na ekta-ektarya ang lupaing ito. “Do you like it here?” Lumipas na ang ilang minuto na walang umiimik sa kanila kaya nagulat siya nang magtanong si Aeros. Hindi niya inaasahan na magsasalita si Aeros at mas lalong hindi niya inaasahan na ganoon ang tanong nito sa kaniya. Sinulyapan niya ang lalaki, malayo pa rin ang tingin nito. Kalahati lamang ng mukha nito ang kaniyang nakikita. Ang kalahati ng mukha nito'y nasisinagan ng liwanag ng ilaw sa kanilang kaliwa, ngunit ang kalahati'y nilalamon ng dilim. Sa ilalim ng mga ilaw at dilaw na liwanag ng buwan, parang mas nakakahipnotismo ang kaguwapuha ng lalaki. Ang matangos na ilong ay mas lalong nagyayabang at ang mahabang pilik mata ay kumukurba,
Parang may nagbago. Iyon agad ang naisip ni Rory nang gumabi na at nasa magkabilang dulo sila ng kabisera ni Aeros. Tahimik na kumakain ang lalaki, samantalang hindi niya maiwasan na hindi mapasulyap sa direksyon nito. Sa tuwing umiinom siya ng tubig ay sinasadya niyang ipako ang tingin sa direksyon ni Aeros para mapagmasdan ito ng ilang segundo. Hindi siya nito tinitingnan, nakapokus ang atensyon nito sa pagkain. Hindi naman ito mukhang galit, pero may kakaiba sa mukha nito na hindi niya matukoy. Ayaw niyang isipin na may nangyari kanina habang inihahatid nito ang mga pinsan paalis ng Casa Verde. Simula kasi kanina no’ng iwan siya nito sa casita at binalikan ang mga pinsan para ihatid paalis, hindi na sila muling nagkausap ni Aeros. Hindi na siya nito binalikan sa casita. Saka na lamang ulit sila nagkita noong pinatawag siya nito para kumain na nang hapunan. Ngayon, mas nadepina ang katahimikan ng buong casa. Kung kanina’y maingay pa sila sa hapag dahil sa pag-uusap ng mga pinsan
There is something how the way Rogan say it. Napaiwas siya ng tingin sa lalaki kasabay ng pagpigil sa kaniyang hininga. Ayaw niyang magbuntong-hininga. Ayaw niyang ipakitang may epekto ang sinabi ni Rogan sa kaniya. Kahit na ang totoo, meron naman talaga. Ang totoo, natatakot siyang baka tama si Rogan sa sinabi nito. Hindi lahat ng marriage for convenience ay convenient. Maaaring maging kapaki-pakinabang sa negosyo o kompanya ang pagpapakasal nila, ngunit ano’ng kapalit no’n? Kailangan nilang matali sa isang relasyon habang-buhay dahil sa kasunduan. Relasyon na posibleng magdulot ng kalungkutan o paghihirap sa kanilang kalooban. Siguro ay maswerte lamang ang kanilang mga magulang na naging maganda ang resulta ng arrange marriage sa kanila. Simula kay Marshall at Lyanna— mga magulang ni Max at Aeros— kay Nemfa at Rui, at sa kanilang mga magulang na sina Vasileious Jr. at Freya ay pinagkasundo lamang sila para mapatatag ang kompanya at mapalawak ang mga negosyo. Ang mga magulang ni
Dalawang taon na nanatili siya sa Cagayan de Oro at isang taon na halos dumepende na lamang siya kay Dale. Hindi niya kailanman naisip na posible pa lang iwanan niya ang lugar na ito at palakasin ang kaniyang loob gamit ang galit na nararamdaman para sa taong dati ay lubos niyang minamahal.Habang
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah

![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





