Share

Substitute Bride of the Ruthless Tycoon
Substitute Bride of the Ruthless Tycoon
Author: Divina Gracia

Kabanata 1

Author: Divina Gracia
last update publish date: 2026-06-05 06:23:36

“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.

“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”

Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang banggitin ang pangalan na ’yon.

“Kung walang magsasabi sa kaniya, hindi niya malalaman na nakauwi na si Sam. And I warn you, all of you, don’t you dare tell her…”

Mahinang tawa ang sumunod.

“Kahit sabihin namin, hindi naman kami maririnig ni Rory. She’s deaf, right?” Mapanuksong saad ng boses ng babae.

Mas lalo lamang na nag-ugat ang mga paa ni Rory sa kaniyang kinatatayuan. Isang taon na siyang hindi makarinig dahil sa nangyaring aksidente noon. Alam niyang pinag-uusapan at kinukutya siya ng ilan, pero hindi niya naisip na kahit sa harap ng kaniyang boyfriend— fiancé— na si Dale ay nagagawa siyang pagtawanan ng mga kasama nito.

Lalo lamang siyang nagdalawang-isip na pumasok sa loob ng private room kung saan nagkakasiyahan ang mga kaibigan ni Dale. Kahit paano’y gusto niyang marinig kung ipagtatanggol ba siya ng lalaki, o sasawayin ang mga kaibigan nitong pinagtatawanan ang kaniyang kapansanan

Ngunit lumipas na lamang ang ilang minuto ay wala siyang narinig.

Napakagat-labi siya.

Kanina lamang ay tuwang-tuwa siya, hindi na siya mapakali, gustong-gusto na niyang tawagan si Dale sa telepono at sabihin ang magandang balita. Nakakarinig na siya. Hindi na siya bingi. Hindi na niya kailangan ng hearing aid para makarinig at masundan ang usapan ng mga taong nasa paligid niya.

Ang saya at kagalakan ay unti-unting napawi. Napalitan iyon ng kaguluhan at sakit na hindi niya maipaliwanag dahil sa kaniyang mga naririnig.

Sa tuwing magkasama sila ni Dale, pinapanatag nito palagi ang kaniyang loob. Palagi nitong sinasabi sa kaniya na magiging maayos din ang lahat at maibabalik din ang kaniyang pandinig.

Hindi nito hinahayaan na insultuhin siya ng ibang tao. Ayaw nitong kinukutya siya. Pero bakit… kapag ang mga kaibigan nito ang tumatawa at ginagawang biro ang kaniyang kapansanan ay wala itong kibo?

“Isang taon pa lang si Samantha sa Canada, hindi ba?” Tanong ng isang boses.

“Hindi na yata makatiis, miss na miss na yata si Dale kaya nagpumilit nang umuwi.”

Mas malakas na tawanan ang sumunod.

At hindi kagaya kanina, narinig niya ang saway ni Dale sa tawanang iyon.

“Don’t initiate something! Kapatid ko si Samantha.” Pagalit na saad ng lalaki.

Kaysa na matakot sa pagtaas ng boses ni Dale, mas lalo lamang nagtawanan ang mga tao sa loob ng private room.

“May kapatid din naman akong babae, Dale… pero hindi mo kami kailanman naabutang naghahalikan—”

“F*ck off, Caleb!” Sigaw ni Dale, halatang naiinis lalo.

“But what’s wrong with that? Hindi naman sila magkadugo ni Samantha, ampon lamang siya ng pamilya ni Dale kaya—”

“Stop it.” Putol ulit ni Dale sa isa pang nagsalita.

“Samantha is not just an adopted child for me. Kapatid ang turing ko sa kaniya, totoong kapatid. At isa pa, ‘yong naabutan mo, dahil lang ‘yon sa lasing siya. Inaalalayan ko siya dahil hindi makalakad ng maayos dala ng kalasingan. Hindi ko alam na hihilig siya sa akin at magtatama ang labi namin!”

“Mukhang hindi aksidente ang nakita ko no’n.” Dipensa ng kausap ni Dale.

Parang nahulog sa bangin ang puso ni Rory. Naalala niya bigla kung bakit galit na galit sa kaniya si Samantha at kung bakit nagawa nitong saktan siya.

Napahigpit ang hawak niya sa maliit na velvet box na kaniyang dala. Sa loob no’n ay isang bago at mamahaling singsing. Kahit na simple lamang ang design, hindi maipagkakamaling malaki ang halaga nito.

Bago siya pumunta rito sa club, napadaan siya sa isang jewelry store at bumili ng singsing na balak niya sanang iregalo kay Dale bilang pasasalamat sa mga nagawa nitong sakripisyo para sa kaniya at para na rin maging opisyal nang muli ang kanilang engagement.

Bigla’y may nalasahan siyang pait sa dulo ng kaniyang dila.

Isang taon na ang nakalipas simula nang napag-usapan nila ni Dale na magpakasal na, pumayag siya kahit na hindi naman ito nagpropose o lumuhod para makuha ang matamis niyang “oo”. Basta’t pumayag siya nang banggitin nitong magpapakasal na sila, pinangakuan siya nitong isasapubliko ang kanilang engagement party kung saan doon din nito ibibigay ang pangakong singsing.

Ngunit bago ang araw ng kanilang engagement party, isang aksidente ang naganap. Sadya siyang sinagasaan ng isang itim na sasakyan habang papatawid ng kalsada. Dahil sa nangyari, kinailangan siyang isugod sa ospital para magamot lalo’t marami siyang sugat at galos sa buong katawan. Sa lakas ng pagkabangga sa kaniya ng sasakyan, ilang araw siyang walang malay at isang buwan din siyang nanatili sa ospital. Ang pinakamalala pa, nawala ang kaniyang pandinig dahil sa aksidente kaya’t isang taon siyang bingi’t umaasa lamang sa pag-sa-sign language kapag may kausap.

Pagkatapos ng imbestigasyon, napag-alaman ng pulisya na ang lalaking nakabangga sa kaniya ay binayaran pala ni Samantha. Nagalit ang pamilya ni Dale kaya’t nagpasya silang parusahan si Samantha at ipatapon sa Canada.

Naalala niyang kinausap siya noon ni Dale, huwag na raw siyang magsampa ng kaso laban kay Samantha dahil ang pamilya na lamang nito ang bahalang umayos sa gulo. Sa awa kay Dale dahil sa pakiusap nito, lumambot ang kaniyang puso at pinagbigyan ang lalaki.

Akala niya’y habang-buhay na si Samantha sa Canada, ngunit isang taon pa lang nakabalik na agad ng Pilipinas ang babae. At talagang umuwi pa ito ng Cagayan de Oro.

Nasaan ang pangako ni Dale sa kaniya na ito ang magbibigay hustisya sa ginawa ni Samantha sa kaniya?

“Bakit hindi mo na lang sabihin kay Rory na nakauwi na si Samantha? Mukhang mabait naman si Rory, siguro napatawad na niya si Samantha kaya hindi niyo na kailangan itago sa kaniya na nakauwi na ang kapatid mo.”

“I doubt that.” Maagap na tugon ng panibagong boses ng babae.

Mas mahinhin ang boses, mas malamya.

“Kung ako ang nasa sitwasyon ni Rory, mahihirapan akong patawarin si Samantha. She’s deaf now because of what happened. Kung ako ‘yon…”

“Sam is only twenty. What do we expect? She’s still childish.” Pagtatanggol ni Dale.

Napaawang ang bibig ni Rory.

Childish?

That's what you call it?

Nag-agaw-buhay siya dahil sa ginawa ni Samantha. Hindi man ito ang sumagasa sa kaniya, hindi maitatanggi na si Samantha pa rin ang nagplano no’n.

Hindi na iyon pagiging isip-bata kung may plano ka nang patayin ang isang tao.

Iniangat niya ang kaniyang kamay, gusto nang itulak ang pinto para tumambad sa harap ng mga taong pinag-uusapan siya, pero napatigil din siya agad nang maramdaman ang sunod-sunod na vibration galing sa suot na pants.

Kinapa niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pants at nang makita ang sunod-sunod na mensahe galing sa kaniyang Mommy ay tuluyan siyang napaatras.

Kumunot ang kaniyang noo at wala sa sariling lumayo sa pinto ng private room nila Dale.

Sa isang sulok ay tumayo siya para makapagpokus sa pagbabasa ng mahabang mensahe ng kaniyang ina.

Ngunit bago niya pa masimulan, isang panibagong mensahe ang lumitaw sa screen at napatigil ang kaniyang mundo.

Mommy:

Please, do this for me. For us. Marry the Elizondo’s heir.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 49

    Nasa dulo na ng dila ni Rory ang mga tanong. Para saan ang gamot? Bakit hindi ka makatulog hangga't hindi iyon naiinom? May sakit ka ba?Kuryuso siya, ngunit hindi niya alam kung sapat ba ang kaniyang lakas ng loob para magtanong.Ngunit bago niya pa maibuka ang kaniyang bibig, naglakad na paalis si Aeros at iniwan siyang nakatayo roon. Nagulat siya sa pagdaan ng lalaki sa kaniyang tabi.Is it sleeping pills? Hirap ba siyang makatulog dahil sa mental issue? May depresyon ba ito? O insomnia?Ngunit nakita niya rin noon si Aeros na umiinom ng walang label na gamot sa loob ng sasakyan nang sunduin siya sa airport.Magkaiba ba iyon sa gamot na ininom nito ngayon?Hindi siya mapanatag. Magulo ang kaniyang isip dahil sa kuryusidad sa kalusugan ng lalaki, ngunit hindi niya rin magawang magtanong.Pagpasok niya sa loob ng silid, naabutan niyang nakabukas pa ang pinto ng banyo, ngunit agad din naman iyong sumara.Narinig niya ang tunog ng umaagos na tubig pagkaraan, siguro'y maliligo ang la

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 48

    Dalawang taon pala ang agwat nilang dalawa ni Aeros. Siya ay bente sais pa lang, si Aeros ay bente otso na. Tama din siya sa kaniyang hula na nasa late twenties na ang lalaki.Ngunit nakakamanghang isipin na si Aeros, sa edad na bente otso ay marami nang na-accomplish sa buhay— pagiging CEO, malaking savings, maraming pera, at may penthouse pa. Samantalang siya’y parang hindi umuusad. Parang walang naaabot na pangarap.Then, for a moment, she realized something. Naalala niya kung gaano kahirap ang kaniyang sitwasyon noong nawalan siya ng pandinig. Doon niya mas lalong naramdaman na naging stagnant ang kaniyang growth. Kinailangan niyang magresign sa trabaho, para makapagpokus sa pagpapagaling. Ngunit dahil nasanay siyang tumutulong kay Dale sa kompanya, tinanggap niya ang offer na maging website manager. Siya ang nag-aasikaso at namamahala sa website ng kompanya. Sa bahay lamang siya nagtratrabaho, ngunit walong oras mahigit din siyang babad sa laptop at cellphone.Ngayo’y iniwan niya

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 47

    “We have properties in Samar.” Bigla’y saad ni Aeros.Wala sa sarili siyang napalingon sa lalaki at naabutang titig na titig ito sa kaniya. Ang tingin nito'y nakapako na sa kaniyang mga labi.Unti-unting napawi ang kaniyang ngiti.Kung sakali na matuloy ang plano ng kaniyang ina na ipalit si Wenona sa kaniya kapag nakabalik na ito, siguro’y hindi siya makakapagtago kay Aeros kapag dumating na ang panahong iyon. Marami ang properties nito sa Pilipinas. Kahit na magtago siya sa pinakasulok nitong bansa, malaki pa rin ang tyansa na magkatagpo sila ng lalaki.“My mother’s mom owns a land in Samar. Sa Northern Samar iyon kung hindi ako nagkakamali. Malaki ang kanilang hacienda. We can go visit it, if you want to.” Dagdag nito, hindi inaalis ang tingin sa kaniya.Maliban pala sa ina ni Marshall na si Mercedes, mukhang may ibubuga rin ang ina ni Lyanna. Hindi lang pala ang pamilya ng ama ni Aeros ang mayaman, maging ang pamilya ng ina nito ay mayroong mga hacienda. Talaga palang mayaman at m

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 46

    Hindi niya alam kung gaano kalaki ang lupaing kinatitirikan ng Casa Verde, ngunit sigurado siyang malawak iyon para magkaroon ng gubat sa tabi ng lawa. Hindi niya pa nakikita ang kabuuan ng Casa Verde, ngunit kung sakaling ma-explore niya nga ang bawat sulok ay mapagtatanto niya rin sa huli na ekta-ektarya ang lupaing ito. “Do you like it here?” Lumipas na ang ilang minuto na walang umiimik sa kanila kaya nagulat siya nang magtanong si Aeros. Hindi niya inaasahan na magsasalita si Aeros at mas lalong hindi niya inaasahan na ganoon ang tanong nito sa kaniya. Sinulyapan niya ang lalaki, malayo pa rin ang tingin nito. Kalahati lamang ng mukha nito ang kaniyang nakikita. Ang kalahati ng mukha nito'y nasisinagan ng liwanag ng ilaw sa kanilang kaliwa, ngunit ang kalahati'y nilalamon ng dilim. Sa ilalim ng mga ilaw at dilaw na liwanag ng buwan, parang mas nakakahipnotismo ang kaguwapuha ng lalaki. Ang matangos na ilong ay mas lalong nagyayabang at ang mahabang pilik mata ay kumukurba,

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 45

    Parang may nagbago. Iyon agad ang naisip ni Rory nang gumabi na at nasa magkabilang dulo sila ng kabisera ni Aeros. Tahimik na kumakain ang lalaki, samantalang hindi niya maiwasan na hindi mapasulyap sa direksyon nito. Sa tuwing umiinom siya ng tubig ay sinasadya niyang ipako ang tingin sa direksyon ni Aeros para mapagmasdan ito ng ilang segundo. Hindi siya nito tinitingnan, nakapokus ang atensyon nito sa pagkain. Hindi naman ito mukhang galit, pero may kakaiba sa mukha nito na hindi niya matukoy. Ayaw niyang isipin na may nangyari kanina habang inihahatid nito ang mga pinsan paalis ng Casa Verde. Simula kasi kanina no’ng iwan siya nito sa casita at binalikan ang mga pinsan para ihatid paalis, hindi na sila muling nagkausap ni Aeros. Hindi na siya nito binalikan sa casita. Saka na lamang ulit sila nagkita noong pinatawag siya nito para kumain na nang hapunan. Ngayon, mas nadepina ang katahimikan ng buong casa. Kung kanina’y maingay pa sila sa hapag dahil sa pag-uusap ng mga pinsan

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 44

    There is something how the way Rogan say it. Napaiwas siya ng tingin sa lalaki kasabay ng pagpigil sa kaniyang hininga. Ayaw niyang magbuntong-hininga. Ayaw niyang ipakitang may epekto ang sinabi ni Rogan sa kaniya. Kahit na ang totoo, meron naman talaga. Ang totoo, natatakot siyang baka tama si Rogan sa sinabi nito. Hindi lahat ng marriage for convenience ay convenient. Maaaring maging kapaki-pakinabang sa negosyo o kompanya ang pagpapakasal nila, ngunit ano’ng kapalit no’n? Kailangan nilang matali sa isang relasyon habang-buhay dahil sa kasunduan. Relasyon na posibleng magdulot ng kalungkutan o paghihirap sa kanilang kalooban. Siguro ay maswerte lamang ang kanilang mga magulang na naging maganda ang resulta ng arrange marriage sa kanila. Simula kay Marshall at Lyanna— mga magulang ni Max at Aeros— kay Nemfa at Rui, at sa kanilang mga magulang na sina Vasileious Jr. at Freya ay pinagkasundo lamang sila para mapatatag ang kompanya at mapalawak ang mga negosyo. Ang mga magulang ni

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 2

    Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 30

    Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mapagpaumanhing mga mata ni Lorna. Dumaan ang pagsisisi roon, ngunit sandali lamang iyon bago napalitan ng takot at awa.Wala siyang ibang maramdaman kung hindi poot kaya malamig niyang tiningnan ang babae.Hindi pa rin pala talaga ito nagbabago. Saka lama

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 29

    “I don’t understand… sinadya niyo ba na gamitin ang dokumento ni Wenona? Sinadya niyong paniwalain sila na ako si Wenona?”Unti-unting binitawan ni Lorna ang kaniyang siko at bigong napailing. May kaunting awa sa tingin nito, ngunit mas lamang ang pagkabigo.“Hindi ka nila matatanggap, Rory… si Wen

  • Substitute Bride of the Ruthless Tycoon   Kabanata 22

    Inilabas nito ang cellphone at mabilis na nagtipa. Ilang sandali lang ay nasa tainga na nito ang cellphone at mukhang may kakausapin.“I want a fresh ceasar salad for my wife.” Saad nito saka ibinaba ang tawag.Kahit na alam niyang gagawin iyon ni Aeros ay nagulat pa rin siya. Isang tawag lang nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status