author-banner
Harte Miller
Harte Miller
Author

Novel-novel oleh Harte Miller

After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me

After My Husband Betrayed Me, His CEO Wanted Me

“Do you know your duties?” tanong sa kanya nito. Umiling si Eunice. “Sabi lang ni Vincent ay magiging assistant niyo raw po ako.” Tumayo si Hector at tumungo sa likuran niya saka marahang hinaplos ang kanyang leeg. “What if I want more?” Desperada na si Eunice Esquivel - Dela Fuente na bumalik sa pagtatrabaho dahil sa boredom at lungkot na nararamdaman sa bahay, bagay na ayaw ng kanyang asawang si Vincent Esquivel. Hangga’t naibibigay niya ang financial stability ni Eunice ay hindi nito kailangang magtrabaho dahil sa huli ay babagsak lang din naman ito sa kusina, iyon ang palaging rason nito. Ngunit ng isang beses na bumisita ang boss niya sa kanilang bahay at nakita ang potential na mayroon si Eunice, agad na nag offer ito ng trabaho sa kanya. Kapalit ng promotion ay pumayag si Vincent na maging secretary si Eunice ng kanyang boss. Little did she know… the job offer was never about her skills. Ang trabahong akala niya'y magiging daan tungo sa kalayaang matagal niyang hinangad ay siya ring maglalapit sa kanya sa isang tukso na hindi niya dapat pagbigyan.
Baca
Chapter: Chapter 112 Masamang Balak
“I'm sorry, Mr. Elizalde. Nagkaroon lang po ng kaunting hindi pagkakaunawaan,” mabilis na sabi ni Mr. Dizon, pilit pinapakalma ang sitwasyon.Lalo na at maaga pa. Kahit hindi pa nagsisimula ang office hours, halos puno na ang mga cubicle at nagsisimula nang dumating ang mga empleyado. Ayaw niyang lumaki pa ang isyung iyon.Salitan ang tingin ni Hector kina Dion at Eunice. Kalmado ang ekspresyon niya, pero matalim ang mga mata nito. Samantalang si Dion ay napayuko na lang. Hindi pantay ang paghinga nito, na para bang hindi na magkasya sa dibdib ang samu't saring emosyon na nararamdaman niya.Pero iba si Eunice.Para bang walang nangyari. Tahimik niyang binuksan ang computer, inayos ang mga folder, at sinimulang tingnan ang mga dokumentong nasa mesa niya. Bahagyang nanginginig ang mga kamay niya, pero nanatiling propesyonal at halos walang emosyon ang ekspresyon ng mukha niya.“Opisina ito,” sa wakas ay sabi ni Hector sa mababa ngunit matatag na boses. “Kung may personal kayong problema
Terakhir Diperbarui: 2026-07-31
Chapter: Chapter 111 Pamimilit ni Dion
“Bakit parang ilang na ilang ka?” panunukso ni Mara, halatang tuwang-tuwa sa reaksiyon ni Eunice.“Anong ilang?” mabilis na sagot ni Eunice. “Pinapakain ko lang si Hestia.”Napatawa si Brian. Kahit mukhang ipinagtanggol niya si Eunice kanina, nakakatawa rin talagang makita ang kaibigan niyang nagkakandarapa.“Sige na nga,” singit ni Brian. “Bilisan n'yo nang mag-almusal. Committee rin kayo. Kailangan na nating siguraduhin na ligtas na makakarating ang lahat sa venue ng activity ngayon.”“Committee ka rin naman, ah,” kontra ni Eunice.“Oo nga,” kaswal na sagot ni Brian. “Ang ibig kong sabihin, tayong tatlo ang nasa committee.”“Hindi rin naman ako masyadong makakatulong,” natatawang sabi ni Eunice. “Sabi ko na sa inyo, ngayong mismong event, si Hestia muna ang priority ko.”“Naku naman,” dramatikong reklamo ni Mara. “Niloloko niya tayo.”Napatawa si Eunice sa reaksyon ng dalawa niyang kaibigan. Wala pa silang dalawang taon na magkakakilala, pero mabilis silang naging malapit sa isa't i
Terakhir Diperbarui: 2026-07-31
Chapter: Chapter 110 One Heart
“Eunice...” tawag ulit ni Mara mula sa labas.Napahinto sa paghinga si Eunice.Ganoon din si Hector. Nanigas ang buong katawan niya.“Anong gagawin natin?” mahina niyang tanong.“Shh,” mabilis na bulong ni Eunice.Itinaas niya ang isang daliri at marahang idinikit iyon sa labi ni Hector, hudyat na manahimik siya.Sunod namang tumango si Hector, saka bahagyang ngumiti habang nakatingin kay Eunice. Hindi talaga ito nagbago.Bigla niyang naalala ang nakaraan, noong minsang nagtago si Eunice sa banyo dahil lang natatakot itong may makaalam na magkasama sila sa iisang kuwarto.“Siguro tulog na siya,” narinig nilang sabi ni Mara mula sa kabila ng pinto.Makalipas ang ilang sandali, unti-unting nawala ang tunog ng mga yabag sa pasilyo.Napabuntong-hininga si Eunice sa ginhawa. Pinili niyang manatiling tahimik at magkunwaring tulog. Kapag binuksan niya ang pinto at nakita ni Mara si Hector sa loob ng kuwarto niya, siguradong magdududa ito.At alam ni Eunice na hindi rin naman magiging walang
Terakhir Diperbarui: 2026-07-31
Chapter: Chapter 109 Black Card
Muli siyang hinila ni Hector sa isang yakap.Sa pagkakataong ito, hindi na iyon padalos-dalos.Kalmado at puno ng kasiguruhan.Marahan niyang hinalikan ang noo ni Eunice at nanatili roon sandali.“Huwag mong sisihin ang sarili mo,” mahina niyang sabi. “At huwag mo na ring itago ang totoo mong nararamdaman. Nandito ako. Hindi na ako aalis. Sasamahan ko kayo ni Hestia. Pagkatapos nito, magpapakasal tayo.”Marahang itinulak ni Eunice ang dibdib ni Hector para magkaroon ng kaunting pagitan sa kanila. Tumingala siya rito. Hindi mabasa ang ekspresyon niya. Hindi galit, pero hindi rin masaya. Halo-halong emosyon ang makikita sa mukha niya.“Anong iniisip mo?” maingat na tanong ni Hector.“Sa tingin mo ba, ganoon lang kadaling magpakasal?” Napabuntong-hininga si Eunice. “Hindi lang tayong dalawa ang involved sa kasal. Nandiyan ang pamilya mo. Ang mama mo na simula pa lang ay ayaw na sa'kin. Ang daming taong masasangkot.”“Sa totoo lang, hindi ko naman naramdaman na parte talaga ako ng pamilya
Terakhir Diperbarui: 2026-07-30
Chapter: Chapter 108 Saloobin ni Eunice
“Mr. Elizalde, mali 'to,” paos na sabi ni Eunice. Halos pabulong na lang ang boses niya.Pero taliwas sa mga salitang lumabas sa bibig niya ang reaksiyon ng katawan niya.Gusto niyang umiwas. Gusto niyang tanggihan siya. Pero tila sabik ang bawat bahagi ng katawan niya sa bawat haplos ni Hector. Unti-unting umangat sa ibabaw ang pananabik na matagal niyang pilit itinago. Hindi na niya iyon maikakaila. Na-miss din niya si Hector. Na-miss niya ang init ng yakap nito at ang lambing ng bawat haplos.Hindi sumagot si Hector.Sa halip, muli niyang hinalikan si Eunice. Marahan, pero punong-puno ng damdaming matagal niyang pinigilan. Halik iyon na puno ng pananabik at pagmamahal.Sa umpisa, nagpigil pa si Eunice. Hindi niya agad sinuklian ang halik.Pero kalaunan, bumigay rin siya.Marahan siyang tumugon hanggang sa tuluyan na niyang sinuklian ang halik ni Hector. Nagsalubong ang kanilang mga hininga habang pareho silang nalulunod sa damdaming matagal na nilang kinikimkim. Wala ni katiting na
Terakhir Diperbarui: 2026-07-30
Chapter: Chapter 107 Unang Halik
“So?” tanong ulit ni Eunice sa mahinang boses. Halatang hindi pa rin siya lubusang nakaka-recover sa gulat.Maya-maya, umalingawngaw ang masayang tawa ni Hestia mula sa loob ng bahay. Magaan at walang bahid ng sakit ang bawat halakhak niya, na para bang tuluyan na niyang nalampasan ang lahat ng pinagdaanan.Naghanda si Wendy ng simpleng salu-salo bilang welcome home para kay Hestia. May ilang makukulay na lobo at ribbons na nakasabit sa sala, at sa isang sulok ay may mga regalong maayos na nakalagay. Hindi man bongga, ramdam na ramdam naman ang init ng pagtanggap.“Tatlong araw nang lumipat si Hector,” sagot ni Wendy habang itinuturo ang bahay sa tabi nila. “Yung kasama niya roon, kasambahay niya. Kahapon kasi, nagpatulong siyang maghanap ng maid, tapos nagkataon namang naghahanap din ng trabaho si Sonya.”Napabuntong-hininga si Eunice. Parang biglang sumikip ang dibdib niya. Kung magpapatuloy ang ganito, mawawala na ang distansya sa pagitan nila ni Hector. Araw-araw na nga silang nag
Terakhir Diperbarui: 2026-07-30
Anda juga akan menyukai
Arrange To You (Tagalog)
Arrange To You (Tagalog)
Romance · Unripenmasterpiece
10.3K Dibaca
Miss Kidnapper Has A Secret
Miss Kidnapper Has A Secret
Romance · cas_airen
10.3K Dibaca
HER REPLACEMENT: REGRETS
HER REPLACEMENT: REGRETS
Romance · JADE DELFINO
10.3K Dibaca
My Secret Lover is a Mafia Boss
My Secret Lover is a Mafia Boss
Romance · M.A.B. Writes
10.2K Dibaca
My Wife Is The Hidden CEO
My Wife Is The Hidden CEO
Romance · Bb. Graciella Carla
10.2K Dibaca
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status