Masuk“Do you know your duties?” tanong sa kanya nito. Umiling si Eunice. “Sabi lang ni Vincent ay magiging assistant niyo raw po ako.” Tumayo si Hector at tumungo sa likuran niya saka marahang hinaplos ang kanyang leeg. “What if I want more?” Desperada na si Eunice Esquivel - Dela Fuente na bumalik sa pagtatrabaho dahil sa boredom at lungkot na nararamdaman sa bahay, bagay na ayaw ng kanyang asawang si Vincent Esquivel. Hangga’t naibibigay niya ang financial stability ni Eunice ay hindi nito kailangang magtrabaho dahil sa huli ay babagsak lang din naman ito sa kusina, iyon ang palaging rason nito. Ngunit ng isang beses na bumisita ang boss niya sa kanilang bahay at nakita ang potential na mayroon si Eunice, agad na nag offer ito ng trabaho sa kanya. Kapalit ng promotion ay pumayag si Vincent na maging secretary si Eunice ng kanyang boss. Little did she know… the job offer was never about her skills. Ang trabahong akala niya'y magiging daan tungo sa kalayaang matagal niyang hinangad ay siya ring maglalapit sa kanya sa isang tukso na hindi niya dapat pagbigyan.
Lihat lebih banyak“Trabaho na naman? Wala ka na bang ibang bukam-bibig kundi yan na lang?!” Tila pikon na pikon nang bulalas ni Vincent sa kanyang asawang si Eunice.
Galit na kinalabog niya ang mesa dahilan para sabay-sabay na manginig ang mga plato, kutsara, at basong naroon. Tuwing umaga na lang kasi niyang naririnig kay Eunice ang kagustuhan nitong magtrabaho na para bang hindi niya naibibigay ang lahat ng gusto nito.
“Nabobored na kasi ako. Gusto ko lang may ibang gawin,” ani Eunice sa muling pagkakataon, hindi na rin niya mabilang kung ilang beses na niyang ginamit ang dahilan na iyon.
“Hindi mo kailangang magtrabaho kung nabobored ka lang, Eunice! Hindi ba’t sinabi ko na sayo na ang dapat mo lang alalahanin ay itong bahay?” Muling kontra ni Vincent.
“Pero—”
“I have to go! Sinasayang mo lang ang oras ko. Para kang sirang plaka!” pinal na sigaw niya saka padarag na kinuha ang bag at umalis na.
Ni hindi nito ginalaw man lang ang almusal na hinanda niya at ang tanging nagawa na lamang niya ay ang titigan ang alikabok na naiwan ng sasakyan ng asawa.
Pagod siyang bumuntong-hininga at agad na nakonsensya. Hindi na niya dapat iyon binanggit pa, pero hindi niya maiwasan na magbakasakaling pumayag na itong bumalik muli siya sa pagtatrabaho.
Dalawang taon na rin ang lumipas mula nang magtrabaho siya bilang Marketing Supervisor sa isang kompanya. Ngunit nang ikasal sila ni Vincent ay agad siyang pinatigil nito at hindi na muli pang pinayagang bumalik.
Noong una naman ay nagustuhan niya ang pagiging housewife. Ngunit nang tumagal ay nakasanayan na niya ang paulit-ulit na routine nito kaya pakiramdam niya’y nabuburn out na siya. Na pati ang nakaugalian niyang paglabas para itreat ang kanyang sarili sa salon o kaya naman sa coffee shop ay hindi pinahihintulutan ni Vincent.
Lalo na noong minsang nakasalubong niya ang mga college friends niya at walang tigil ang mga ito sa pagmamayabang ng mga successful career nila. Samantalang siya ay daig pa ang isang preso.
Kung sana lang ay may anak na sila, hindi sana niya ito mararamdaman. Kaya lang ay magdadalawang-taon na silang kasal ay hindi pa rin sila nabibiyayaan hanggang ngayon.
“Nasa huli talaga ang pagsisisi. Dapat talaga hindi muna ako nagpakasal at pinursue na lang ang career ko,” ani Eunice sa kanyang sarili at pabagsak na naupo sa sofa saka binuksan ang TV.
Iyon lang ang araw-araw niyang ginagawa.
Ring! Ring!
Naputol ang pagrerelax ni Eunice nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang makita niyang si Vincent ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.
“Yes—”
“Nasan ka?” Bungad na tanong ni Vincent.
“Nandito sa bahay.”
“Dadating si Mr. Elizalde mamayang gabi. Magluto ka ng masasarap na pagkain at linisin mo ang buong bahay. Huwag kang tatamad-tamad diyan!” Singhal sa kanya nito.
Hindi maiwasang makaramdam ng pangmamaliit si Eunice sa kanyang sarili. Pakiramdam niya’y isa lang siyang yaya sa tuwing inuutusan siya nito at hindi asawa.
Bago naman sila ikasal nito ay hindi ganon si Vincent. Hindi makabasag-pinggan ito noon at nag uumapaw ang respeto sa kanya. Ngayon ay tila hindi na ito ang Vincent na pinakasalan niya.
“Eunice! Nakikinig ka ba?” Tawag muli ni Vincent nang hindi siya sumagot agad.
“Bakit pupunta ang boss mo rito sa bahay?” balik niyang tanong.
“Basta sundin mo na lang ang utos ko. Ang dami mong tanong! Huwag na huwag mo ‘kong ipapahiya kundi malilintikan ka sakin!” asik nito bago tuluyan nang pinatay ang tawag.
Lumipad ang mga mata ni Eunice sa wall clock. Hapon na kaya kailangan na niyang maglinis at magluto.
Mabuti na lang ay marami pang stock na ingredients na puwede niyang lutuin kaya hindi na niya kailangan pang mag grocery.
Basang-basa na si Eunice ng pawis lalo na ang manipis niyang puting dress ngunit hindi niya iyon alintana. Matapos magluto ay saka siya nagsimulang maglinis.
“Bakit kasi sinabi niya kung kailan hapon na?” Reklamo ni Eunice habang pinapalitan ang tablecloth. “Tingin ba niya ay madali ang magluto at maglinis? Alas singko na!” pagpapatuloy niya saka pinunsan ang pawis sa noo.
Natigilan lamang siya nang marinig ang door bell. Sa isiping dumating na ang package ng mga skincare na inorder niya noong nakaraang araw ay walang pagdadalawang-isip siyang tumungo sa pintuan upang buksan iyon.
“Wait lang!” sigaw niya habang pinupunas ang kamay sa white dress niya saka pinatong sa balikat ang basahan.
Ngunit natigilan siya nang hindi mga package ang tumambad sa kanya kundi isang matangkad, matipuno, at nag uumapaw na presensya ng isang lalaki. Agad na nanlaki ang mga mata niya at napalunok si Eunice.
Teka, hindi kaya ito na ang boss ni Vincent? Pero sabi niya ay mamaya pang gabi ang dating nito?
“Uh… Mr…” nauutal na bati ni Eunice, hindi alam ang sasabihin.
Agad na napako ang malalim na titig ni Hector sa babaeng nasa harapan niya.
“I'm sorry, Mr. Elizalde. Nagkaroon lang po ng kaunting hindi pagkakaunawaan,” mabilis na sabi ni Mr. Dizon, pilit pinapakalma ang sitwasyon.Lalo na at maaga pa. Kahit hindi pa nagsisimula ang office hours, halos puno na ang mga cubicle at nagsisimula nang dumating ang mga empleyado. Ayaw niyang lumaki pa ang isyung iyon.Salitan ang tingin ni Hector kina Dion at Eunice. Kalmado ang ekspresyon niya, pero matalim ang mga mata nito. Samantalang si Dion ay napayuko na lang. Hindi pantay ang paghinga nito, na para bang hindi na magkasya sa dibdib ang samu't saring emosyon na nararamdaman niya.Pero iba si Eunice.Para bang walang nangyari. Tahimik niyang binuksan ang computer, inayos ang mga folder, at sinimulang tingnan ang mga dokumentong nasa mesa niya. Bahagyang nanginginig ang mga kamay niya, pero nanatiling propesyonal at halos walang emosyon ang ekspresyon ng mukha niya.“Opisina ito,” sa wakas ay sabi ni Hector sa mababa ngunit matatag na boses. “Kung may personal kayong problema
“Bakit parang ilang na ilang ka?” panunukso ni Mara, halatang tuwang-tuwa sa reaksiyon ni Eunice.“Anong ilang?” mabilis na sagot ni Eunice. “Pinapakain ko lang si Hestia.”Napatawa si Brian. Kahit mukhang ipinagtanggol niya si Eunice kanina, nakakatawa rin talagang makita ang kaibigan niyang nagkakandarapa.“Sige na nga,” singit ni Brian. “Bilisan n'yo nang mag-almusal. Committee rin kayo. Kailangan na nating siguraduhin na ligtas na makakarating ang lahat sa venue ng activity ngayon.”“Committee ka rin naman, ah,” kontra ni Eunice.“Oo nga,” kaswal na sagot ni Brian. “Ang ibig kong sabihin, tayong tatlo ang nasa committee.”“Hindi rin naman ako masyadong makakatulong,” natatawang sabi ni Eunice. “Sabi ko na sa inyo, ngayong mismong event, si Hestia muna ang priority ko.”“Naku naman,” dramatikong reklamo ni Mara. “Niloloko niya tayo.”Napatawa si Eunice sa reaksyon ng dalawa niyang kaibigan. Wala pa silang dalawang taon na magkakakilala, pero mabilis silang naging malapit sa isa't i
“Eunice...” tawag ulit ni Mara mula sa labas.Napahinto sa paghinga si Eunice.Ganoon din si Hector. Nanigas ang buong katawan niya.“Anong gagawin natin?” mahina niyang tanong.“Shh,” mabilis na bulong ni Eunice.Itinaas niya ang isang daliri at marahang idinikit iyon sa labi ni Hector, hudyat na manahimik siya.Sunod namang tumango si Hector, saka bahagyang ngumiti habang nakatingin kay Eunice. Hindi talaga ito nagbago.Bigla niyang naalala ang nakaraan, noong minsang nagtago si Eunice sa banyo dahil lang natatakot itong may makaalam na magkasama sila sa iisang kuwarto.“Siguro tulog na siya,” narinig nilang sabi ni Mara mula sa kabila ng pinto.Makalipas ang ilang sandali, unti-unting nawala ang tunog ng mga yabag sa pasilyo.Napabuntong-hininga si Eunice sa ginhawa. Pinili niyang manatiling tahimik at magkunwaring tulog. Kapag binuksan niya ang pinto at nakita ni Mara si Hector sa loob ng kuwarto niya, siguradong magdududa ito.At alam ni Eunice na hindi rin naman magiging walang
Muli siyang hinila ni Hector sa isang yakap.Sa pagkakataong ito, hindi na iyon padalos-dalos.Kalmado at puno ng kasiguruhan.Marahan niyang hinalikan ang noo ni Eunice at nanatili roon sandali.“Huwag mong sisihin ang sarili mo,” mahina niyang sabi. “At huwag mo na ring itago ang totoo mong nararamdaman. Nandito ako. Hindi na ako aalis. Sasamahan ko kayo ni Hestia. Pagkatapos nito, magpapakasal tayo.”Marahang itinulak ni Eunice ang dibdib ni Hector para magkaroon ng kaunting pagitan sa kanila. Tumingala siya rito. Hindi mabasa ang ekspresyon niya. Hindi galit, pero hindi rin masaya. Halo-halong emosyon ang makikita sa mukha niya.“Anong iniisip mo?” maingat na tanong ni Hector.“Sa tingin mo ba, ganoon lang kadaling magpakasal?” Napabuntong-hininga si Eunice. “Hindi lang tayong dalawa ang involved sa kasal. Nandiyan ang pamilya mo. Ang mama mo na simula pa lang ay ayaw na sa'kin. Ang daming taong masasangkot.”“Sa totoo lang, hindi ko naman naramdaman na parte talaga ako ng pamilya
Eunice’s body tingled as she felt Hector’s breath so close to her. Yet she made no attempt to move away.Ngunit bago pa man mangyari ang inaasahan nilang dalawa ay nagulat sila sa malakas na busina ng dalawang motor ng mga security guard na rumuronda nang mga oras na yon.Mabilis na umatras ang dal
“What is it?” tanong ni Hector nang mapansin niyang kanina pa nakatitig si Eunice sa kanyang cell phone.Simpleng umiling lang si Eunice at binalik iyon sa bag niya.“Wala po.”“Pinapauwi ka na ba ng asawa mo?” tanong niyang muli.“Hindi po, Sir.”Dahan-dahang tumango si Hector saka kinuha ang kamay
“Kung ano na lang ang mas appropriate, Mr. Elizalde,” aniya.Hector chuckled and returned to his seat. Maya maya pa ay may kausap na ito sa telepono, apparently confirming Eunice’s appointment letter as his secretary to HR.“You start tomorrow,” sambit ni Hector matapos nitong makipag usap.Sinabih
“How about that?” nanunuyang tanong ni Hector, tila siguradong sigurado na hindi iyon tatanggihan ni Vincent.How could he?For years, Vincent had worked as hard as possible, trying to get close to him and get his attention. Ginagawa nito ang lahat para lang matuwa ito sa kanya, ngunit hanggang nga












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.