Masuk“How about that?” nanunuyang tanong ni Hector, tila siguradong sigurado na hindi iyon tatanggihan ni Vincent.
How could he?
For years, Vincent had worked as hard as possible, trying to get close to him and get his attention. Ginagawa nito ang lahat para lang matuwa ito sa kanya, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napopromote.
Ngunit ngayon? By simply allowing Eunice to work for him, he’d become a Manager. Hindi niya iyon kayang tanggihan.
“Let me ask my wife first, Sir.”
Lihim na napangiti si Hector at tumango. “Kapag pumayag siya, have her come see me at the office tomorrow.”
“Understood, Sir.”
Si Eunice na nasa kusina pa rin ay tila gulong gulo. Puwede ba siyang maging personal assistant ni Hector? Kung tatanggi siya ay hindi na niya alam kung may darating pa bang bagong opportunity para makapagtrabaho siyang muli.
Nang magpaalam na si Hector na uuwi ay hinatid siya ng mag asawa sa front door.
“I need your answer tomorrow,” seryosong pahayag ni Hector at saglit na sumulyap kay Eunice.
“Yes, Sir.”
Hinihingal pa at pawis na pawis si Vincent nang bumagsak sa tabi ni Eunice matapos mailabas sa asawa ang pagnanasa nito, habang ang huli ay tulalang nakatitig sa kisame. Ni walang pakialam si Vincent kung nakatapos ba siya, basta siya ay oo. Ganon naman lagi ang set up nila.
As long as he was finished, he’d stop. Kahit kailan ay hindi siya nito tinanong kung satisfied at tapos na ba siya na para bang hindi iyon importante.
“Mr. Elizalde offered you a job,” ani Vincent matapos bumalik sa normal ang paghinga niya.
Tamad na hinila ni Eunice ang kumot at tinakip ito sa hubad niyang katawan.
“Anong trabaho?” Inosente niyang tanong na para bang hindi niya iyon narinig kanina lamang.
“As his personal assistant.”
“As in secretary niya?” Ulit niyang tanong.
“Oo. Nag resign bigla ang secretary niya. The current one is only a temporary replacement. Gusto niya yung puwede ring maging assistant niya,” paliwanag nito sa kanya.
“Ah…”
Iyon lang ang tanging nasabi ni Eunice dahil hindi pa rin siya sigurado sa offer na iyon. Ang kakaibang titig at hawak sa kanya ni Hector kanina ay nagbigay sa kanya ng ibang isipin. She wondered whether the offer was because of her abilities or the other way around.
“Gusto mo ba?” tanong sa kanya ni Vincent.
“Ano pang silbi ng sagot ko kung hindi mo naman ako papayagan?” balik na tanong ni Eunice, may pait sa kanyang boses.
Natahimik si Vincent, nanatiling nakatitig sa ceiling. The manager position was extremely tempting. Kailan pa siya makakakuha ng ganong offer? Probably not anymore. Hindi niya puwedeng sayangin iyon para lang kay Eunice.
“You should take it,” ani Vincent na ikinagulat ni Eunice.
“Ha?”
Talaga bang pumapayag na si Vincent na magtrabaho siya muli? Parang may kakaiba…
Iyon ay dahil hindi naman narinig ni Eunice ang offer ni Hector kay Vincent. Ang tanging narinig lang niya ay ang offer nito sa kanya.
“Take it. Don’t make me change my mind,” malamig na pahayag ni Vincent. “Go see Mr. Elizalde tomorrow,” dagdag pa nito bago siya tuluyang tinalikuran.
Maya-maya pa ay nabalot na ng malakas na hilik ni Vincent ang buong silid nilang mag asawa.
Kinabukasan, maaga gumising si Eunice at agad na nag ayos ng sarili. Nagsuot siya ng white blouse at black wide-leg trousers. Simple lang din ang kanyang make up ngunit angat na angat na ang ganda niya, lalo nang isuot na niya ang white ribbon headband.
“Totoo bang pinapayagan mo na akong magtrabaho?” tanong muli ni Eunice habang inaadmire ang sarili sa harap ng salamin.
“Ang dami mong tanong. Kung gusto mong magtrabaho, magtrabaho ka. Pagod na kong pakinggan ang pagpuputak mo araw-araw,” singhal na sagot sa kanya ni Vincent.
Sa sobrang saya ni Eunice ay hindi na niya pinansin iyon at humarap sa kanyang asawa.
“Thank you, hon!”
“Oo na!”
Tuluyan na niyang binalingan ng tingin ang asawa at doon natigilan. Aminado siyang kahit walang make up si Eunice ay maganda ito, lalo na ngayon. Part of him was reluctant, ngunit para din naman sa kanya ito. Hindi na siya makapaghintay na maging manager.
Nang makarating sa opisina, binigyan niya lamang ng simpleng instructions si Eunice kung nasaan ang opisina ni Hector.
“Huwag na huwag mong babanggitin sa kahit na sino rito na mag asawa tayo,” mahigpit na bilin sa kanya ni Vincent bago sila tuluyang maghiwalay.
“Huh? Bakit?” Naguguluhan niyang tanong.
“Puwede bang huwag ka nang maraming tanong?!” Galit na buga sa kanya ni Vincent bago siya nito tuluyang iwan at tumungo sa kanyang opisina.
Napaismid na lamang si Eunice at sinunod ang mga sinabi ni Vincent. Wala pang ilang minuto nang makarating siya sa harapan ng isang pinto kung saan nakasabit ang nameplate roon.
Hector Jaime Elizalde — CEO
Nagdalawang-isip muna si Eunice bago kumatok.
“Come in!” Isang boses ang sumigaw mula sa loob ng silid.
Kinakabahang pumasok si Eunice sa loob at agad na sumalubong sa kanya ang amoy ng rose. Napaatas ang kanyang kilay, iniisip na may feminine side din pala ang isang matipunong lalaking katulad ni Hector.
“Eunice?” Gulat na bulalas ni Hector nang makita siya.
“Mr. Elizalde… Vincent said you needed an assistant and asked me to come,” nahihiyang pahayag ni Eunice at bahagyang napayuko.
“That’s right. Please have a seat.”
Naupo si Eunice sa katapat na upuan ni Hector. Ramdam na ramdam niya ang pagsunod ng titig sa kanya ng lalaki. Pakiramdam niya ay hinuhubaran siya nito. His gaze was piercing, yet filled with meaning. Gaya na lamang ng gabing iyon.
“Do you know your duties?” tanong sa kanya nito.
Umiling si Eunice. “Sabi lang ni Vincent ay magiging assistant mo ako.”
Tumayo si Hector mula sa kanyang upuan nang hindi pa rin inilalayo ang titig sa kanya at hinarap ang computer monitor sa kanya. Naglakad ito patungo sa likod niya saka tumayo roon. Ramdam na ramdam ni Eunice sa kanyang tainga ang mainit nitong hininga.
“These are your responsibilities as my secretary. Including managing all of my schedules,” Hector said as his hand rested on her shoulder.
Nanatiling tahimik si Eunice. She felt uncomfortable. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at para bang may kumikiliti sa kanyang tiyan.
Maya-maya pa, ang pamilyar na kuryenteng iyon ay muli niyang naramdaman nang marahang pisilin ni Hector ang kanyang balikat.
“How much salary would you like?” tanong nito sa kanya, sinasadyang padaanin ang mainit na hininga sa kanyang tainga.
“K-kayo po ang bahala, Mr. Elizalde,” sagot niya.
“Don’t be nervous. Just name a number, I’ll approve it,” anito at tuluyan nang binaba ang hawak nito sa baywang niya.
“Mommy, gusto ko ng ice cream.” Hinila ni Hestia ang kamay ni Eunice habang itinuturo ang ice cream shop na hindi kalayuan sa kinatatayuan nila.Sa totoo lang, kanina pa ito nagpapaalam kay Hector. Pero hindi ito pinayagan ng ama niya dahil hindi pa sila nagla-lunch. Nangako si Hector na ibibili siya ng ice cream pagkatapos nilang kumain. Para rito, hindi magandang kumain ng malamig kapag walang laman ang tiyan.Pero gaya ng karamihan sa mga bata, hindi basta sumusuko si Hestia. Kapag tumanggi ang isa, may iba pa naman siyang pwedeng kakampihan.Ngayon, ang target niya ay ang mama niya.Kahit mas maliit ang tsansang pumayag ito, susubukan pa rin niya.“Sweetheart, mamaya na tayo bibili ng ice cream,” s
“Hindi mo alam kung ano'ng magiging epekto nito sa'kin,” mahina'ng sabi ni Eunice. Nakayuko lang siya, na para bang masyadong mabigat ang dinadala ng dibdib niya para maisalita.Inabot ni Hector ang kamay ni Eunice at mahigpit iyong hinawakan. Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito, sinisiguradong nakikinig talaga ito.“Eunice, hindi si Mr. Dizon ang klase ng taong basta-basta nanghuhusga. Hindi niya sasabihin kahit kanino ang tungkol dito hangga't hindi ka pa handa. Kung paanong nagtitiwala ka kina Mara at Brian, ganoon din ang tiwala ko kay Mr. Dizon.”Malalim na napabuntong-hininga si Eunice.“Ang tagal n'yo pa lang magkakilala. Paano mo siya agad pinagkakatiwalaan?”“Isa rin
“Hinihintay ko pa si Brian,” sabi ni Hector, pilit pinananatiling kalmado ang boses kahit magulo na ang isip niya.Lalo na nang makita niya ang tingin ni Mr. Dizon. Matanda na ang lalaki at alam na alam nito ang ibig sabihin ng eksenang nasaksihan nito.Lumapit si Mr. Dizon sa kama ni Eunice. Halatang pagod ito, pero bakas pa rin sa mga mata nito ang pag-aalala para sa isa sa pinakamahuhusay niyang admin.“Nasa presinto pa si Brian, sir. Agad naming isinuko si Dion sa mga pulis. Sa totoo lang, wala talagang nag-akala na aabot siya sa ganito. Sa buong panahong magkakatrabaho kami, mabait, magalang, at kalmado ang tingin namin sa kanya,” paliwanag ni Mr. Dizon.Bahagya lang tumango si Hector. Bumalik sa isip niya ang nangyari sa opisina—ang sa
“Huwag mong sabihin 'yan,” mahinang sabi ni Hector habang marahang hinahaplos ang buhok ni Eunice.“Pero—”“Wala kang kasalanan. Siya ang may kasalanan. At maniwala ka sa'kin, pagsisisihan niya ang ginawa niya.”Hindi pa rin mapigilan ni Eunice ang pagluha. Tuwing naaalala niya kung paano siya pinilit ni Dion, parang muling sumisikip ang dibdib niya. Noon pa man, kalmado at matiyaga naman itong manligaw sa kanya.Pero kanina...Para itong nawalan ng katinuan.“Gusto ko nang umuwi,” hikbi ni Eunice makalipas ang ilang sandali.Pakiramdam niya ay maayos na siya. Hindi rin niya maiwasa
“Ha?”Tulala lang si Brian, blangko ang titig nito. Lalong nagulo ang isip niya sa sigaw ni Mara. Para bang biglang tumigil sa pag-andar ang utak niya.Ang matapang na amoy ng dugo na pumuno sa ilong niya ay biglang nagpahigpit sa dibdib niya. Bumilis ang paghinga niya at nagsimulang mamuo ang malamig na pawis sa noo. Biglang bumalik ang matagal na niyang trauma.“Brian!” sigaw ulit ni Mara, mas malakas na kaysa kanina.Nang marinig ni Hector ang sigaw ni Mara, saka lang siya natauhan. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Maingat niyang binuhat si Eunice. Maputlang-maputla ang mukha nito, at ang dugong patuloy na umaagos mula sa likod ng ulo nito ay parang dumudurog sa puso ni Hector.“Dadalhin k
“Dion, huwag kang gumawa ng kalokohan,” matatag na sabi ni Eunice kahit halos sumikip ang dibdib niya.Pinipilit pa rin niyang manatiling kalmado. Nakatayo na siya at dahan-dahang umatras para magkaroon ng kaunting distansya sa lalaki.Mabilis na naglibot ang tingin niya sa buong silid, naghahanap kahit ng pinakamaliit na pagkakataong makalabas. Pero halos wala siyang makita. Hinugot ni Dion ang susi sa pinto at ipinasok iyon sa bulsa ng pantalon niya, na para bang sinisigurado nitong wala nang paraan para makatakas si Eunice.Lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya. Alam niyang ilang minuto pa bago matapos ang lunch break. At karaniwan namang nasa labas ang mga empleyado tuwing tanghalian.Nanginginig ang mga kamay na pinindot ni Eunice ang call button sa cel
“Nakauwi na ba si Vincent?” tanong ni Hector kay Eunice nang hindi pa rin inaalis ang titig niya.“H-hindi pa, sir,” kinakabahan niyang sagot.Hindi alam ni Eunice ang kanyang irereact. Kung iiwas siya ng tingin ay baka isipin nitong wala siyang respeto. Pero kung makikipagtitigan naman siya rito a
“What is it?” tanong ni Hector nang mapansin niyang kanina pa nakatitig si Eunice sa kanyang cell phone.Simpleng umiling lang si Eunice at binalik iyon sa bag niya.“Wala po.”“Pinapauwi ka na ba ng asawa mo?” tanong niyang muli.“Hindi po, Sir.”Dahan-dahang tumango si Hector saka kinuha ang kamay
“Kung ano na lang ang mas appropriate, Mr. Elizalde,” aniya.Hector chuckled and returned to his seat. Maya maya pa ay may kausap na ito sa telepono, apparently confirming Eunice’s appointment letter as his secretary to HR.“You start tomorrow,” sambit ni Hector matapos nitong makipag usap.Sinabih
Hindi sigurado si Vincent kung paniniwalaan niya iyon dahil hindi naman siya sinabihan ng boss niya na didiretso ito sa bahay nila.“Oo, kanina pa siya dito. Kalahating oras na,” ani Eunice.Hindi na siya pinansin ni Vincent at nagmadaling tumungo sa sala kung saan niya nakita si Hector na prenteng







