
A Mistake Worth Keeping
Sabi nila, relationships come and go but friendship stays forever. Kaya para kela Julian at Belinda, kahit may namumuong spark sa pagitan nila, mas mahalaga ang kanilang pinagsamahan mula pagkabata. Bakit mo nga naman isusugal ang panghabambuhay na pagkakaibigan para sumubok sa walang kasiguraduhang pag-ibig?
But values and boundaries become blurred when the heart is vulnerable.
Kaya noong gabing nabasag ang puso ni Julian dahil sa hiwalayan ng kaniyang ex-girlfiriend, si Belinda ang sumalo sa bawat piraso nito. Drunk, hurting, and seeking comfort, Julian crossed the line, and Belinda let him. Ang gabing ito ang naging saksi ng mapusok na pag-iibigan na matagal nilang ipinagkait sa sarili.
Ngunit kinabukasan, ang malamig na katotohanan ang agad ding gumising sa kanila. “It was a mistake,” pag-amin ni Julian.
Lubos na nasaktan si Belinda sa narinig, at hindi niya maatim na patawarin si Julian when that ‘mistake’ left her pregnant. So Belinda packed her bags and disappeared, carrying a secret that would redefine who they were.
Seven years later, sinubok silang muli ng tadhana.
Julian crosses paths with Belinda and a six-year-old child who looks exactly like him. Unti-unting nabunyag ang sikreto, ngunit mabilis na sumiklab ang galit na nararamdaman nila para sa isa’t isa, as if the trust they spent a lifetime building is gone.
But their son has other plans. Longing for the father he never knew, the little boy becomes the unexpected bridge between two estranged hearts, encouraging them to risk all that they have for a second chance.
Kaya ba ng inosenteng pagmamahal ng kanilang anak na hilumin ang malalalim na sugat ng kanilang nakaraan? Or will the seven years of secrets keep them from becoming the family they were always meant to be?
Basahin
Chapter: Chapter 16Pinanood kong sumipsip ng kaniyang black coffee si Julian. Mas sumeryoso pa ito sa narinig na desisyon namin ni Maverick. Mas nagmumukhang sobrang matured na lalaki habang malalim na nag-iisip ng solusyon, as if he didn’t use to have such impulsive decisions in life or didn’t use to date two girls at the same time when we were in college. It’s as if the reckless and playboy Julian can no longer be traced in his body. Sa obserbasyong iyon, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaisip kung anong nangyari noon sa kaniya o kung sino ang dumating sa buhay niya that pushed him to becoming like this today. Malamang sa malamang, hindi ako ‘yon. Matagal-tagal ko na ring sinasabihan si Julian na magbago na noong magkaibigan pa kami, but his ears were always closed to listen. Matagal-tagal ko na siyang pinaliliwanagan na para rin sa kaniya kung mas magfo-focus siya sa trabaho, but he never did. Kaya napakaimposible lang kung sakaling may kinalaman ako sa kung bakit siya ganito ngayon. Ibinaba na n
Huling Na-update: 2026-06-28
Chapter: Chapter 15Hinanap ko na si Vier pagkadating ko sa kaniyang school para sunduin ngayong hapon. Second day ng kanilang intramural sports at kalat ang mga bata sa paligid, kaya medyo nahirapan pa akong hagilapin siya. Ilang minuto ang lumipas, tatawagan ko na sana ang kanilang teacher nang matanaw ko si Vier sa malapit na bench, kumakain ng ice scramble kasama ang kaniyang mga lalaking kaklase.“Mommy!” sigaw niya, saka nagsimulang tumakbo nang makita akong papalapit.Bumaba ako para tanggapin ang yakap ni Vier. “Kamusta, anak?”“Nag-watch po kami ng soccer, Mommy, kasama po sila!” Bumitaw si Vier sa yakap para ituro ang mga kaklase na karamihan ay may mga sundo na ring magulang. Tumayo na ako at hinawakan ang kamay ni Vier. “Are you ready to go home now?”“Yes po, Mommy!” masiglang sagot ni Vier. Pinanood ko muna siyang kumaway sa mga kaklase, saka kami naglakad papuntang parking lot ng school at sumakay sa aking sa aking sasakyan. Mahigit 10 minutes ang byahe namin bago makarating sa harap ng
Huling Na-update: 2026-06-26
Chapter: Chapter 14Alas sais y media na ng umaga nang magising ako kinabukasan. Mabuti ay naka-isa’t kalahating bote lamang ako ng beer, kaya hindi masyado masakit ang ulo ko, pero kabaliktaran naman nito ang aking mga mata. Halos hindi ko maimulat nang tumunog ang alarm ko kaninang alas singko, kaya naman ngayon lang ako babangon sa kama. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin bago pumasok sa banyo. Namamaga ang ilalim ng mga mata ko sa puyat at kakaiyak kagabi. Habang naliligo ngayon ay hinihiling ko na kahit papaano’y mabawasan naman sana ang puffiness ng paligid ng aking mga mata. Nang hindi pa rin ito umayos, nag-cold compress ako saglit at ginamitan ko na rin concealer ang eyebags, kaya nang matapos ako sa pag-iintindi ng sarili, hindi na ito ganoon ka-visible tingnan. Ginising ko na si Vier nang 7:00 AM na. Pinaligo ko na siya mag-isa habang hinahanda ko ang kaniyang bag at lunch box. 7:30 na nang makalabas kami ng bahay, ngunit 10 minutes pa ulit ang naubos sa pag-aantay namin ng masasakyang
Huling Na-update: 2026-06-24
Chapter: Chapter 13Matapos tulungan si Vier sa paglilinis ng kaniyang katawan, hinatid ko na siya sa kaniyang kwarto at inintay makatulog. Pagod siya sa mga nangyari ngayong araw, kaya naman wala pang ilang minuto ay nakapikit na at hindi na ako nagtagal doon. Sinilip ko lang din si Aria at Aya sa kabilang kwarto na parehas nakasuot ng earphones, may sari-sariling mundo habang nag-aaral. Saka pa lang ako lumabas ng bahay, kung saan naghihintay si Maverick sa patio, may hawak ng bukas na beer sa kamay. Tahimik akong naupo sa tabi niya at kumuha ng aking beer sa lamesa. It took me a few sips before I gathered enough courage to look at Maverick, na pansin kong kanina pang nakatitig sa akin at nag-aantay ng pulutan—ang problema ko.“Nawala si Vier noong nagpunta kami ng MOA,” panimula ko. “Pagkakita ko sa kaniya, kasama niya na si Julian… Sa dami ng tao roon that time, si Julian pa talaga… Alam mo, Maverick, parang teleserye lang eh… Nawala lang saglit ‘yung anak ko, tapos kasama niya na agad ‘yung tatay
Huling Na-update: 2026-06-22
Chapter: Chapter 12Pinagmasdan kong bumaba ng sasakyan si Maverick. Mukhang dito na siya dumiretso sa bahay matapos ang mahabang biyahe galing Japan dahil sa suot-suot na windbreaker jacket at jogging pants, may bitbit pang ilang paper bags ng pasalubong.“Maverick,” tawag ko nang papalapit na siya sa akin. “Si Julian pala… kaibigan ko dati.”Tumabi muna sa akin si Maverick, saka nagbaling ng tingin kay Julian. Nag-abot siya ng kamay rito. “Maverick Belmonte.”Tinanggap naman ni Julian ang kamay ni Maverick, kahit halatang nagtataka kung sino siya. “Julian San Agustin III,” pakilala niya pabalik.I watched them shake each other’s hand. Ngunit wala pang dalawang segundo, nagbitaw din agad at seryosong nagkatitigan na lamang na para bang sapat na iyon para mas makilala ang isa’t isa. Habang ako, pabalik-balik ang tingin sa kanila. It feels as if I am the only one feeling the awkwardness between us three.Mabuti na lamang at sandali ko lang tiniis iyon dahil binasag na ni Maverick ang katahimikan. “Nasaan
Huling Na-update: 2026-06-22
Chapter: Chapter 11Tatlong buwan akong buntis nang makilala ko si Maverick. Tito siya ng noo’y tutee ko na si Marcus, at sa bahay nila kami may everyday session, tuwing hapon pagkatapos ng klase niya sa school. Palagi kong nakikita si Maverick na umuuwi bandang alas syete ng gabi, dala ang kaniyang malaking Hydro Flask tumbler. Sa isip ko’y he was the mysterious kind of guy dahil kapag nagtatama ang mga mata namin, he would always simply nod his head para bumati. Never nagsalita, never man lang ngumiti. Inakala kong suplado’t masungit siya, palagi pang kunot ang noo, kaya naman hindi ko kailanman pinangarap na magkaroon kami ng mas malalim na interaction, lalo’t baka masama pa siya sa listahan ng mga taong kinamumuhian ko dahil sa pinagsasabay ang pagiging mayaman at hindi magandang pag-uugali. But all it took me to prove that he was different was one chance. Tandang-tanda ko pa, mag-aalas syete rin ng gabi iyon, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nasa kanilang bahay pa ako’t nagtu-tutor kay Marcus,
Huling Na-update: 2026-06-20