Mag-log inPinanood kong sumipsip ng kaniyang black coffee si Julian. Mas sumeryoso pa ito sa narinig na desisyon namin ni Maverick. Mas nagmumukhang sobrang matured na lalaki habang malalim na nag-iisip ng solusyon, as if he didn’t use to have such impulsive decisions in life or didn’t use to date two girls at the same time when we were in college. It’s as if the reckless and playboy Julian can no longer be traced in his body. Sa obserbasyong iyon, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaisip kung anong nangyari noon sa kaniya o kung sino ang dumating sa buhay niya that pushed him to becoming like this today. Malamang sa malamang, hindi ako ‘yon. Matagal-tagal ko na ring sinasabihan si Julian na magbago na noong magkaibigan pa kami, but his ears were always closed to listen. Matagal-tagal ko na siyang pinaliliwanagan na para rin sa kaniya kung mas magfo-focus siya sa trabaho, but he never did. Kaya napakaimposible lang kung sakaling may kinalaman ako sa kung bakit siya ganito ngayon. Ibinaba na n
Hinanap ko na si Vier pagkadating ko sa kaniyang school para sunduin ngayong hapon. Second day ng kanilang intramural sports at kalat ang mga bata sa paligid, kaya medyo nahirapan pa akong hagilapin siya. Ilang minuto ang lumipas, tatawagan ko na sana ang kanilang teacher nang matanaw ko si Vier sa malapit na bench, kumakain ng ice scramble kasama ang kaniyang mga lalaking kaklase.“Mommy!” sigaw niya, saka nagsimulang tumakbo nang makita akong papalapit.Bumaba ako para tanggapin ang yakap ni Vier. “Kamusta, anak?”“Nag-watch po kami ng soccer, Mommy, kasama po sila!” Bumitaw si Vier sa yakap para ituro ang mga kaklase na karamihan ay may mga sundo na ring magulang. Tumayo na ako at hinawakan ang kamay ni Vier. “Are you ready to go home now?”“Yes po, Mommy!” masiglang sagot ni Vier. Pinanood ko muna siyang kumaway sa mga kaklase, saka kami naglakad papuntang parking lot ng school at sumakay sa aking sa aking sasakyan. Mahigit 10 minutes ang byahe namin bago makarating sa harap ng
Alas sais y media na ng umaga nang magising ako kinabukasan. Mabuti ay naka-isa’t kalahating bote lamang ako ng beer, kaya hindi masyado masakit ang ulo ko, pero kabaliktaran naman nito ang aking mga mata. Halos hindi ko maimulat nang tumunog ang alarm ko kaninang alas singko, kaya naman ngayon lang ako babangon sa kama. Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin bago pumasok sa banyo. Namamaga ang ilalim ng mga mata ko sa puyat at kakaiyak kagabi. Habang naliligo ngayon ay hinihiling ko na kahit papaano’y mabawasan naman sana ang puffiness ng paligid ng aking mga mata. Nang hindi pa rin ito umayos, nag-cold compress ako saglit at ginamitan ko na rin concealer ang eyebags, kaya nang matapos ako sa pag-iintindi ng sarili, hindi na ito ganoon ka-visible tingnan. Ginising ko na si Vier nang 7:00 AM na. Pinaligo ko na siya mag-isa habang hinahanda ko ang kaniyang bag at lunch box. 7:30 na nang makalabas kami ng bahay, ngunit 10 minutes pa ulit ang naubos sa pag-aantay namin ng masasakyang
Matapos tulungan si Vier sa paglilinis ng kaniyang katawan, hinatid ko na siya sa kaniyang kwarto at inintay makatulog. Pagod siya sa mga nangyari ngayong araw, kaya naman wala pang ilang minuto ay nakapikit na at hindi na ako nagtagal doon. Sinilip ko lang din si Aria at Aya sa kabilang kwarto na parehas nakasuot ng earphones, may sari-sariling mundo habang nag-aaral. Saka pa lang ako lumabas ng bahay, kung saan naghihintay si Maverick sa patio, may hawak ng bukas na beer sa kamay. Tahimik akong naupo sa tabi niya at kumuha ng aking beer sa lamesa. It took me a few sips before I gathered enough courage to look at Maverick, na pansin kong kanina pang nakatitig sa akin at nag-aantay ng pulutan—ang problema ko.“Nawala si Vier noong nagpunta kami ng MOA,” panimula ko. “Pagkakita ko sa kaniya, kasama niya na si Julian… Sa dami ng tao roon that time, si Julian pa talaga… Alam mo, Maverick, parang teleserye lang eh… Nawala lang saglit ‘yung anak ko, tapos kasama niya na agad ‘yung tatay
Pinagmasdan kong bumaba ng sasakyan si Maverick. Mukhang dito na siya dumiretso sa bahay matapos ang mahabang biyahe galing Japan dahil sa suot-suot na windbreaker jacket at jogging pants, may bitbit pang ilang paper bags ng pasalubong.“Maverick,” tawag ko nang papalapit na siya sa akin. “Si Julian pala… kaibigan ko dati.”Tumabi muna sa akin si Maverick, saka nagbaling ng tingin kay Julian. Nag-abot siya ng kamay rito. “Maverick Belmonte.”Tinanggap naman ni Julian ang kamay ni Maverick, kahit halatang nagtataka kung sino siya. “Julian San Agustin III,” pakilala niya pabalik.I watched them shake each other’s hand. Ngunit wala pang dalawang segundo, nagbitaw din agad at seryosong nagkatitigan na lamang na para bang sapat na iyon para mas makilala ang isa’t isa. Habang ako, pabalik-balik ang tingin sa kanila. It feels as if I am the only one feeling the awkwardness between us three.Mabuti na lamang at sandali ko lang tiniis iyon dahil binasag na ni Maverick ang katahimikan. “Nasaan
Tatlong buwan akong buntis nang makilala ko si Maverick. Tito siya ng noo’y tutee ko na si Marcus, at sa bahay nila kami may everyday session, tuwing hapon pagkatapos ng klase niya sa school. Palagi kong nakikita si Maverick na umuuwi bandang alas syete ng gabi, dala ang kaniyang malaking Hydro Flask tumbler. Sa isip ko’y he was the mysterious kind of guy dahil kapag nagtatama ang mga mata namin, he would always simply nod his head para bumati. Never nagsalita, never man lang ngumiti. Inakala kong suplado’t masungit siya, palagi pang kunot ang noo, kaya naman hindi ko kailanman pinangarap na magkaroon kami ng mas malalim na interaction, lalo’t baka masama pa siya sa listahan ng mga taong kinamumuhian ko dahil sa pinagsasabay ang pagiging mayaman at hindi magandang pag-uugali. But all it took me to prove that he was different was one chance. Tandang-tanda ko pa, mag-aalas syete rin ng gabi iyon, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nasa kanilang bahay pa ako’t nagtu-tutor kay Marcus,
Lumaki akong maraming dala-dalang sikreto sa buhay. Hindi naituro sa akin ng aking mga magulang na isa pala ito sa mga hindi matapos-tapos na pagsubok sa kagaya naming isang kayod, isang tuka. Itinatago ko kapag kulang na ang pera ko para makabili ng mas healthy na pagkain pamalit sa noodles o de l
Kasalukuyang malakas ang buhos ng ulan sa labas, ngunit mas naririnig ko ang kabog ng aking puso. Julian is staring at me with his gentle and alluring eyes, as if the person in front of him is not only his best friend but someone more fulfilling for me—the woman he loves the most. Bumilis pa lalo a
Hawak ko ang kamay ni Vier nang papalabas na kami sa AMS matapos ang awarding, patalon-talon pa habang naglalakad sa sobrang saya.“Mommy, are we going to kain po sa Jollibee?” tanong niya.Nagbaba ako ng tingin kay Vier at nakangiting tumango. “Of course! You’ve done a great job eh!”Simula noong
Iyon na lamang ang tumatak sa isip ko hanggang sa pinatay ko na ang tawag at hinintay siyang dumating. Habang umiikot ang kamay ng orasan, pabalik-balik ang tingin ko sa entrance ng gymnasium at kay Vier na nakasubsob pa rin sa kaniyang mga tuhod. Maya-maya, nabaling ang atensyon ko sa iba nang nag-







