Chapter: CHAPTER 8GEORGINA VALDEZPagpasok pa lang namin sa penthouse ni Alejandro sa Makati, gusto ko na agad maghubad ng sapatos at humandusay sa sahig. Grabe ang luwag ng lugar. Kulay puti at gray ang karamihan sa mga pader, tapos yung mga gamit, halatang mamahalin na kapag nabasag mo ang isang flower vase, baka kailangan mo pang magbenta ng tatlong kalabaw sa probinsya pambayad."Maupo ka muna," utos ni Alejandro habang tinatanggal ang suot niyang tuxedo jacket at isinasabit ito sa likod ng isang single sofa. Niluwagan din niya ang kaniyang necktie bago dumeretso sa kusina.Pabagsak akong umupo sa mahabang sofa. Ang lambot, parang yayakapin ka. Habang hinihimas ko ang sumasakit kong paa dahil sa lintik na heels na ’to, bumalik si Alejandro na may dalang dalawang bote ng malamig na tubig. Inabot niya sa akin ang isa bago umupo sa tapat kong couch, bitbit ang kaniyang ipad at isang makapal na notebook."O, anong gagawin natin diyan sa notebook na 'yan? Magpap
최신 업데이트: 2026-07-10
Chapter: CHAPTER 7 GEORGINA VALDEZGrabe ang titig ni Donya Remedios. Feeling ko para akong ini-scan ng supercomputer na naghahanap ng virus. Yung salamin niya, kahit makapal, kitang-kita ko kung paano lumiit ang mga mata niya habang tinitingnan ang suot kong alahas, ang mukha ko, hanggang sa dulo ng sapatos ko. Parang hinuhulaan niya kung magkano ang worth ng buong pagkatao ko, at base sa mukha niya, mukhang hindi siya kumbinsido."Lola, yes. This is Georgina," basag ni Alejandro sa katahimikan. Inilagay niya ulit ang kamay niya sa likod ko, bahagya akong itinulak pautay sa harap para mas makalapit sa matanda. "The woman I was telling you about.""Magandang gabi po, Donya Remedios," pilit kong pinatamis ang boses ko. Akmang magre-bless sana ako dahil 'yun ang nakasanayan kong kultura kapag may nakakaharap na matanda, pero bigla kong naalala na nasa high-society event pala ako. Baka isipin nito, masyado akong pang-probinsya. Kaya imbes na mag-mano, nag-bow na lang ako nang kaunti na parang ewan.Tumaas
최신 업데이트: 2026-07-09
Chapter: CHAPTER 6 GEORGINA VALDEZKung pwede lang matunaw sa kinatatayuan ko, ginawa ko na. Ang dila ko, parang pinipilipit habang nakatitig sa mukha ng ex kong si Kenneth, na ngayon ay mas maputi pa sa multo ang mukha. Yung mic na hawak nung reporter, halos idikit na sa labas ng labi ko dahil naghihintay ang lahat sa reaksyon ko.Inilapit ko ang bibig ko sa mic, pilit kong itinaas ang mga sulok ng labi ko kahit na ang totoo ay nanginginig ang buong tuhod ko sa apat na pulgadang takong na ’to."O-Opo. Hello po sa inyong lahat," maikli kong sagot, sabay sulyap kay Alejandro.Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Alejandro sa bewang ko. Swabe ang pagkakahawak niya, pero ramdam ko ang babala—umayos ka kung ayaw mong bawiin ko ang isang milyon. Kaya naman, huminga ako nang malalim, inayos ko ang balikat ko, at lalong idinikit ang katawan ko sa kaniya. Kung akala ni Kenneth ay siya lang ang pwedeng sumaya pagkatapos niya akong lokohin, nagkakamali siya. Pakiramdam ko, ito na ang pinakamatamis na resbak n
최신 업데이트: 2026-07-09
Chapter: CHAPTER 5GEORGINA VALDEZKung may mabilis pa sa internet ng Converge kapag madaling-araw, 'yun ay ang bilis ng pagbabago ng takbo ng buhay ko sa loob lang ng bente-kwatro oras.Galing sa pagiging basang sisiw na saksakan ng malas sa gilid ng highway, heto ako ngayon, nakaupo sa loob ng isang high-end salon sa Makati. Tatlong bakla ang sabay-sabay na humahawak sa buhok ko na parang nire-restore ang isang abandonadong building. May nagka-cutter ng nails ko, may naglalagay ng kung anong mabangong serum sa mukha ko, at sa tapat ko, nakatayo ang isang kulay emerald green na backless gown na mukhang mas mahal pa sa kabuuang sweldo ko sa loob ng tatlong taon."Jusko, teh, kaninong bangkay ba ang dinala mo sa amin? Charot!" bulong sa akin ni Bong habang kunwaring tsine-tsek ang extension na isasabit sa ulo ko.Dahil bago ako inayusan, tinawagan ko agad ang nag-iisang bff kong parlorista para siya ang gumawa ng makeup ko. Mahirap na, baka multuhin ako sa salamin kapag iba ang humawak sa akin."Basta, B
최신 업데이트: 2026-07-05
Chapter: CHAPTER 4GEORGINA VALDEZUnti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko, parang biniyak gamit ang mapurol na palakol. Kumurap-kurap ako para i-adjust ang paningin ko sa nakakasilaw na puting ilaw mula sa kisame. Ang lambot ng kama. Parang lumulutang ako sa ulap. At teka, bakit hindi amoy ospital? Walang amoy ng matapang na alcohol o gamot. Amoy... mamahaling lavender at aircon na bagong linis.Napabangon ako nang wala sa oras, pero napahawak agad ako sa tiyan ko dahil medyo humapdi. Tiningnan ko ang paligid. Malaking flat-screen TV, may sariling refrigerator, may magandang leather couch sa gilid, at may bintana kung saan kita ang buong city lights ng Manila. VIP room 'to ah! Patay, ibebenta ba nila ang kidney ko para pambayad dito?!"You're finally awake."Muntik na akong mapatalon palabas ng kumot. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Doon, sa dulo ng mahabang leather couch, nakaupo yung antipatikong lalaki kanina. Nakadekuwatro siya, may hawak na tablet, at seryosong nagbab
최신 업데이트: 2026-07-05
Chapter: CHAPTER 3GEORGINA VALDEZTuloy-tuloy lang ang paghampas ko ng putikang sapatos ko sa bintana ng sasakyan. Wala na akong pakialam kung anong brand ng kotse 'to. Porsche ba 'to? Ferrari? O kotseng pang-Batman? Basta ang alam ko, basang-basa ako ng maruming tubig-baha at mukha na akong espasol na inilublob sa imburnal dahil sa pagpapatakbo ng driver na 'to."Hoy! Bingi ka ba?! Ibabato ko talaga 'tong sapatos ko sa mukha mo kapag hindi mo binuksan 'to!" sigaw ko. Pilit kong inilalapit ang mukha ko sa tinted na salamin pero wala talaga akong makita sa loob dahil sa sobrang itim nito.Biglang bumukas ang pinto sa kabilang side, doon sa passenger seat. May lumabas na lalaking naka-itim na suit. Base sa tindig, sa suot niyang sunglasses kahit gabi, at sa earpiece na nakakabit sa tainga niya, mukha siyang bodyguard na laging handang bumali ng leeg gamit lang ang hintuturo."Miss, please step away from the vehicle," seryosong sabi nung bodyguard."Step away your face!" bulyaw ko sa kaniya. Itinuro ko an
최신 업데이트: 2026-07-05