MY SUGAR DADDY'S DIRTY LITTLE SECRET
Paano kung isang araw kusang dumating ang oportunidad na hatid ay maginhawang solusyon sa lahat ng iyong problema ngunit ang kapalit naman ay ang iyong dangal? Tatanggapin mo ba?
Mapagmahal, maalaga at matatag na anak at kapatid si Reese Adelai Montello, likas ring inuuna muna ang iba, bago ang sarili.
Siya ang sumalo sa mabigat na obligasyon nang maiwan sa kanya ang bunsong kapatid na may malubhang karamdaman matapos maghiwalay ang kanilang mga magulang.
Nagsisikap kasabay ng pag-aaral sa kabila ng suportang patuloy na natatanggap mula sa mga magulang hanggang dumating sa puntong hindi na nasasapat...
Kaya napilitan siyang tanggapin ang maruming trabahong inalok ng kaibigan sa kawalan na ng pagpipilian dala ng kanyang pangangailangan.
Pumasok siya bilang isang ekslusibo at pribadong babae ng misteryosong mayamang binata na si Lucien Heroux, ang lalaking magbibigay sa kanya ng lahat ngunit magpaparanas din ng mga hindi makakalimutang karanasang magsisilbing isang bangungot.
Kaginhawahan kapalit ng laya, desisyong gusto nang pagsisihan ngunit wala nang labasan.
Hanggang saan kaya kakayanin ni Reese ang sakripisyo para sa kapatid kung kapalit naman ay pagtitiis at pagdurusa sa kamay ng lalaking kay lupit naman pala? At wala nang balak na siya'y pakawalan pa?