INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS

INNOCENT MAID FOR MR. ARROGANT BOSS

last updateLast Updated : 2026-07-20
By:  Sweet Chillie Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
85Chapters
5.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ang dalagang si Peachee Gellato, may kaakit-akit na magandang mukha may taglay pang alindog na hindi niya pa nadidiskubre dahil sa pagiging likas na inosente. Mapagkumbaba at madalas walang bilib sa kanyang sarili si Peachee dahil iyon ang mga kasinungalingang itinatak ng kanyang mga magulang sa mura niyang isipan. Lumaki siya sa malupit na mga magulang, pero sa kabila ng mapait na pag-trato nila nananatili pa rin siyang mapagmahal na anak. Kahit pa pilit itinatatak sa kanya na siya'y mababang uri lang ng babae na walang hustong halaga at nararapat lang din sa mababang uri ng trabaho. Pero nagbago ito nang makilala niya si Stefan Castellano nang pumasok siya bilang personal nitong kasambahay. Makisig si Stefan ngunit istrikto at arogante pang klase ng tao at mapaglaro sa babae, ang binatang panibagong huhubog sa kanya sa sarili niyang pamamaraan. At hindi mamamalayan ng binata na unti-unti pala siyang mahuhulog sa natural nitong kainosentehan na magiging dahilan ng unti-unti niya ring pagbabago. Ngunit hindi niya rin matatanggap na paulit-ulit lang din siya nito tatanggihan, ang pag-ibig niyang mapusok kalaunan magiging kay agresibo.

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE

Peachee Gellatto

"Ms. Peachee Gellato?"

Narinig ko nang tawag sa pangalan ko kaya napatayo ako agad mula sa hanay ng mga nakaupong mga aplikante para maging personal maid ni Mr. Stefan Castellano.

Ubod man ito ng sungit at arogante kilala naman sa pagiging liberal na magpasahod.

Kaya kapag ganitong bukas ang bahay niya para sa mga aplikante na gusto mamasukan ay talaga namang naguunahan ang mga babaeng taga-bayan para maging kasambahay sa mansion.

Pero sa pagkakataong ito, hindi lang basta kasambahay ang hinahanap kundi hustong mapagkakatiwalaan at dapat na maasahan at higit matatag ang loob hindi rin pusong mamon at kaya sabayan ang hindi nito magandang ugali.

Kaya ngayong araw dadaan kami sa mahigpit na pagsusuri at sa dami rin namin dito, isa lang ang maaaring makuha... kaya mapalad na lang ang mapipili.

Pinapasok na ako ng isang kasambahay sa loob ng isang katamtaman laki ng silid na tanggapan ng aplikante.

May lamesa pagpasok ko at nakita ang may edad na mayordoma ng mansion, nakaupo sa may upuan ng lamesa at nakaharap sa bandang direksyon ng pintuan.

"Magandang umaga ho," magalang kong bati dala ang brown envelope ko na laman lang ay biodata.

Hindi ito agad bumati sa akin pabalik, mapanuri niya muna akong tiningnan mag-mula sa suot ko.

Medyo nahiya pa nga ako na iniangat ang damit ko sa bandang dibdib dahil mababa lang ang kwelyo ng suot kong bestida kaya nakikita ang hiwa nito, at dahil din sa lusog at pintog nitong dibdib ko.

Hindi ko rin naman magawang maitago dahil medyo may kalakihan talaga ang hinaharap ko at suot din ang luma kong sling bag na pinaresan ng lumang sandalyas.

Hindi na ako nag-abala pa maging pormal o bumili ng damit para maging presentable at kasambahay lang naman ang a-apply-an at isa pa wala ako pambili kaya nga kailangan ko ng trabaho.

"Magandang umaga rin naman. Maupo ka." Tinuran niya na ang bakanteng silya kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras mabilis ako lumapit sa harap ng lamesa at naupo sa bakante nitong silya.

Inilahad ko ang dala ko. "Biodata ko po." Inilapag ko sa lamesa pero bigla siyang natawa nang makita.

"Resume na uso ngayon, hija." Kinuha niya pa rin naman kaya napaayos ako ng upo at napahawak sa batok at mahinang tumikhim sa hiya.

"Pasensya na po, hindi ho ako maalam gumawa ng resume eh, saka wala po akong budget para magpagawa kaya ayan na lang biodata na lang po," hinging paunmanhin ko na sandaling ikinatigil ng Mayordoma at sumeryoso ang mukha na muli akong pinagmasdan.

Humugot siya ng malalim na pag-hinga at binuklat na ang laman ng envelope kinuha ang biodata ko sa loob at binasa.

"Peachee Gellato, 19 years old, high school lang ang natapos," basa niya sa paunang nakasulat suot ng salamin sa mata.

"Hindi ka pumapasok sa kolehiyo?" tanong niya nang mag-angat siya ng tingin sa akin at tumaas pa ang isang kilay.

Umiling ako. "Hindi po eh... kailangan pa po ba ng college degree katulong lang naman po?" sagot ko na medyo nabahala kaya napatawa ito.

"Hindi naman sa required, naitanong ko lang," rason niya na ikinatango ko at nakahinga naman ako ng maluwag.

"Hindi po ako pumasok ng college ngayong taon dahil hindi po kaya ng mga magulang ko ang pang-matrikula at isa pa... hindi po ako matalino, baka hindi rin po ako makapagtapos..."

Nabigla siya sa sinabi ko.

"Hanggang katulong lang pangarap mo?" tanong niya at pinaningkitan ako ng mata.

"Hindi naman po sa ganoon... kaso mukang itong trabaho lang na ito ang kaya lang ho ng utak ko, at napunta po kasi ata lahat ng laman sa dibdib ko," biro ko kaya natagpuan ko siyang nakaawang ang bibig na para bang naging kaawa-awa ako bigla sa paningin niya imbis na matawa.

"Ang baba ng tingin mo sa sarili mo," pagalit niya at hindi nagustuhan ang sinabi ko pero nagkibit balikat lang ako at natawa ng kimi.

"Iyon po kasi sabi ng Nanay at Tatay ko... wag na raw ho ako mag-aral kasi wala rin naman ako matututunan kaya heto, mangatulong na lang daw ako."

Hindi siya nakapinawala. "Sinabi nila iyan?"

Tumango ako. "Opo..."

"At pinanindigan mo talaga? Ayaw mo ba patunayan na mali sila?" alinsunod niyang tanong na hindi ko agad nasagot.

"Peachee, tama?" Binasa niya ulit ang pangalan ko sa biodata at ibinalik din ang tingin niya sa akin.

"Tandaan mo, walang ibang taong makakapagsabi ng kapasidad ng isang tao kahit pa magulang iyan at buong buhay mo pa silang nakasama, may sarili ka dapat isip at paninindigan," payo niya na ikinangiti ko.

"Salamat po sa salitang masarap sa tainga pero hindi po talaga ako matalino kung may bagay na magaling po ako siguro ay ang mang-akit ng lalaki," biro ko na siyang ikinalaki ng mga mata niya.

Napahalakhak ako. "Biro lang po!" Sabay bawi at humagikgik. "Sinabi rin po kasi ng Nanay ko magtrabaho na lang daw ako sa isang beer house o club para naman daw makatulong ako tutal siguro magiging mabenta ako sa mga lalaki..."

Natawa pa nga ako at inaasahan ko rin na matatawa siya pero awa lang sa mukha niya ang nakita ko kaya napalis ng ngiti ko.

"Ganyan sila sa iyo?" Nauyam niyang tanong.

"Gusto nila kung hindi ka mangangatulong, mag-trabaho na lang sa isang beer house?" dagdag pa niya batid ang pagkadismaya.

Tumango naman ako. Wala akong dahilan para magsinungaling background interview naman ito.

"Opo... pero ayaw ko maging GRO, Ma'am," tapat kong sagot na ikinabigla pa niya.

"Gusto ko naman ho ng disenteng trabaho na kahit mababa lang ang titulo at least masasabi ko... marangal."

Tumagal ang tingin niya sa akin.

"Utak ko man po'y madalas kapos... pero iyung dangal ko gusto kong manatili sa akin dahil ito na lang ho ang bagay na meron ako na maipagmamalaki ko..."

Doon ay unti-unti siya ngumiti. Bigla na siyang tumayo kaya kinabahan ako dahil akmang aalis na sya nang walang desisyon kung tanggap ba ako o hindi pero ang sunod niyang sinabi ang nagbigay galak at labis na tuwa sa akin.

"Tanggap ka na, pwede ka na mag-umpisa bukas na bukas rin galingan mo sa trabaho."

Ibinalik niya sa brown envelope ang biodata ko. "Bukas, 6:00 ng umaga dapat nandito ka na, ibi-briefing kita sa magiging trabaho mo at itong biodata mo."

Itinaas niya para ipakita sa akin. "Kailangan ko itong ipakita muna kay Mr. Castellano, at bukas may final interview ka sa kanya kaya mag-handa ka."

Umalis na siya sa lamesa bitbit ang envelope ko at nag-tungo na sa pintuan at lumabas na...

At ako? Naiwang natulala rito at hindi pa makapaniwalang ako ang natanggap sa mga dalawampu na mga aplikanteng sumubok pero ako... ako ang... napili?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
85 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status