Mag-log inPeachee
Hanggang makauwi ng bahay hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako... sa dami naming aplikante, ako talaga? Kaya paglabas ko ng silid kung saan ako na-interview ang sasama ng tingin sa akin ng mga nakasama kong mag-apply. Hindi ko naman kasalanan nakitaan ako ng rason na maging personal na kasamabahay ni Mr. Castellano, hindi rin ako sobra umasa na ako ang matatanggap sa dami namin kaya nga ganito na lang ang gulat ko. Pag-uwi ko ng bahay, sinabi ko agad kay Nanay ang magandang balita, natuwa rin siya dahil alam niya kung gaano kagalante sa mga trabahador si Mr. Castellano, ngunit talaga naman hindi mawawala ang pangit na mga kataga ni Nanay. "Kapag nandoon ka na, kunin mo ang loob niya, akitin mo nang may silbi naman iyang ganda mo, tutal hindi ka na mag-GRO, mas mabuti pa subukan mo ang kapalaran mo mapalapit sa mayamang binatang iyan." Hindi ako tumugon habang nasa kusina kami kasalukuyan akong umiinom ng tubig mula sa baso at nakatingin lang sa labas ng bintana nang magpaalam na akong magpapahinga na. "Nay, medyo napagod ho ako at naglakad lang ako mula rito hanggang sa mansion ganoon din pabalik, at maaga rin ho ako bukas," pasintabi ko na pero ang totoo ay ayoko nang magpatuloy pa ang usapang ganito. Pero bago pa man ako makalabas ng kusina ay muli siyang nagsalita habang nakaharap siya sa kalan naming de uling at nagluluto ng gulay hawak ang sanse at ako naman nakaharap sa pintuan at palabas na sana. "Peachee... gawin mo na lang ang sinasabi ko kung gusto mo umunlad sa buhay natin ay matuto kang dumiskarte at gumawa ng paraan para sa ikagiginhawa ng buhay natin." Natin? Namin? Hindi ba responsibilidad nila bilang magulang na bigyan ng maginhawang buhay ang anak nila bago pa man ako isilang sa mundo? Paulit-ulit ko naririnig sa kanila na ako ang kailangan mag-ahon sa pamilya namin na ang bigat pakinggan dahil kailan man hindi naman sila gumawa ng paraan o nagpakita ng suporta sa akin, ni sa pag-aaral ko nga wala silang kapaki-pakialam. Tapos sa maling paraan pa nila gustong iahon ko ang pamilya. Inaasam-asam nila makapangasawa ako ng mayaman, ngunit ang tanong, ang katulad ko ba ay tipuhin ng mga lalaking mataas ang antas sa buhay? Ang alam ko lang... ang mayaman ay para sa mayaman, ang mahirap naman para lang sa mahirap. Kaya mahirap ang gusto nila mangyari. Ipinaghawak ko ang dalawang kamay ko sa harap at wala sa loob ko nalamukos. Gusto ng pag-unlad pero ayaw ako pag-aralin at iginigiit na kapos ang utak ko at wala ako kakayanang makapagtapos... At ang gusto mag-trabaho ako ng marumi. Isinantabi ko na lang ang sama ng loob ko dahil wala nang bago pa rito. Pinilit ko na lang matulog nang hindi na ako kumain ng hapunan, mahaba pa ang araw bukas kailangan ko magising ng maaga at may personal na interview pa ako kay Mr. Castellano... Ito ang unang beses na makikita ko siya ng personal at malapitan kaya abot-abot ang kaba ko... Ang sabi-sabi istrikto daw ito at arogante, bigla tuloy ako nabahala kung ano ang susuotin ko bukas... baka kutyain ako. Pero anong susuotin ko? Wala naman akong mga bagong damit mga luma na, karamihan may kagat-kagat pa ng daga at langgam. Ang suot ko kanina ang magsasabi kong pinaka-maayos ko pang damit kahit na papaano. Bahala na nga bukas. Kinabukasan maaga akong nagising, alas kwatro bumangon na ako, tulog pa sila at inalmusal ko na lang ang tinirang ulam at kanin nila sa akin kagabi at naligo na, nag-bihis at nag-ayos na. Saktong ala singko nagising si Nanay at si Tatay tulog pa nasa pintuan na ako nang tawagin ako nito na pupungas-pungas pa. "Ang aga mo naman ata, aalis ka na?" bungad niya kaya nilingon ko siya at tumango. "Ala-sais ho ay dapat nandoon na ako, maglalakad lang naman ako papunta roon mas mabuti nang maaga kaysa ho mahuli." Sabay talikod at lalabas na sana pero may pahabol siya. "Teka, kumain ka na ba?" "Oho, iyung tira kagabi." Nagmadali na rin akong lumabas ng bahay at tiningnan ang suot kong leather na relong kupas na rin, 45 minutes na lakarin papunta sa mansion, kaya binilisan ko ang lakad ko para maagang makarating. May isinigaw pa si Nanay pero hindi ko na narinig, dire-diretso lang ako sa paglalakad hawak ang lumang sling bag ko dala ang iilang personal na gamit. Pagdating ko sa mansion, saktong 5:50 nasa tapat na ako ng gate nila, hingal pa akong napahawak sa bakal ng tarangkahan at lakad takbo ang ginawa ko. "Magandang umaga ho," bati kong may ngiti sa dalawang house guard na nasa loob ng bakuran. Napalunok pa ako nang lumabas ang isa mula sa guard house post nila, at napansin ko ang nakasuksok nilang baril sa baywang pero isinantabi ko ang kaba at naging magiliw pa rin. "Anong kailangan nila? Sinong sadya?" may katigasan nitong tanong, mula ulo hanggang paa tiningnan ako tila sinusuri pa ako kung kahina-hinalang tao ako. Humawak ako sa dibdib ko para magpakilala buhat ng malumanay na boses . "A-Ako iyung bagong hired personal maid ni Mr. Castellano po, iyung isa sa mga aplikante ho kahapon?" Nagkatinginan ang dalawang bantay, sumenyas ang isa sa kasama kaya ang nasa loob, agad may pinindot na kung ano sa loob ng guard house at matic na bigla nag-bukas ang gate at napaatras pa ako pinagmasdan ang pagbukas nito. "Pasok na," pagpapatuloy na nila sa akin kaya dumiretso na ako papasok pero sandaling hinarap ko sila. "Saan ko po makikita si Manang dito? Iyung nag-interview po sa akin kahapon?" tanong ko na medyo lito kung saan ako pupunta. Siniko ng isa ang kasama. "Samahan mo nga," may kasungitan pa nitong utos kaya napalunok ako. At sinamahan nga ako ng medyo mukang mabait namang bantay na nagbukas ng gate kumpara doon sa isang nag-utos. Dinala ako nito dito sa likod ng bakuran kung nasaan ang backdoor ng kusina ata ito nang kausapin ako ng lalaki pero nagtataka ako nang matawa ito sa akin. Hindi ko namalayan nakatingin pala siya sa dibdib ko kaya ganoon na lang namula ang mukha ko at natakpan ng kamay ang unahan ng dibdib ko. "Naku... sigurado ka ba sa trabahong pinasok mo?" tanong niya na sandali kong ikinatigil kaya tumigil din siya at hinarap ako. "Oho, kasambahay naman ho ang—" Humalukipkip siya at napa-iling na tiningnan ang itsura ako... "Bihira ang tumatagal diyan kay boss, at madalas ang nagiging personal maid niya, nagiging parausan niya lang." Nanlaki ang mata ko sa pagkawindang. Nagiging parausan lang?? "Kung mapapansin mo, sa lahat ng aplikante ikaw ang napili ni Manang Agda, papaano'y sa lahat ng nag-apply kahapon ikaw lang ang maganda." Sabay tawa pa niya. Siyang awang naman ng bibig ko rin. "Isa sa mga gusto ni Boss sa personal maid niya, unang-una dapat may ganitong mukha ka." Bigla niya hinawakan ang baba ko sabay iniangat ang mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras pero nagpatuloy pa siya. "At ayaw niya sa pangit." Humalakhak pa saka lang ako binitawan. Saktong narinig namin si Manang Agda. "Augustus, ano iyan?" Kaya lumayo siya sa akin agad na may ngising nakakaloko at sinasabi ng tinging 'tingnan natin kung tatagal ka.' Lumapit sa amin ang Mayordoma at hinampas ang bantay na napaiwas. "Tigil-tigilan mo ang panlalandi sa bagong salta rito sa bahay ni Sir Stefan! Kung ayaw mong tuluyan ka na talagang matanggal!" bulyaw niya kaya napakamot ito sa ulo ngunit tatawa-tawa pa rin. "Binigyan ko lang ng ideya sa trabahong papasukin niya." Sabay umalis na nga rin sa harapan namin at sinundan ko na lang ito ng tingin papalayo... "Peachee," kuha ni Manang Agda sa atensyon ko kaya napapitlag ako sa gulat na ibinalik ang tingin ko sa kanya. "Ho! Magandang umaga, Manang!" Ibinalik ko ang giliw sa mukha ko kahit sa loob-loob ko nabagabag ako sa sinabi ng bantay na iyon pero isinantabi ko na lang. "Halika na sa loob mabuti sakto ang dating mo kumakain lang si Sir. Stefan at mamaya lang ang interview mo." At hinawakan na nga niya ako sa braso at iginaya ako sa loob na may kaba sa dibdib matapos kong tumango, nagpatangay na lang ako. Pagpasok namin ay malawak na kusina ang bumungad sa akin... Malinis, organisado at malawak din ang kilusan kaya namangha ako at bago pa ang mga kasangkapan... mga makabagong appliances. "Ito ang kusina nakikita mo naman bago ang mga gamit, kapag ayos ka kay Sir. Stefan ay saka ko na ituturo sa iyo paano gumamit nitong lahat." Ibig niyang sabihin... sa kanya ay aprubado ako pero na kay Mr. Castellano pa rin kung tanggap ba talaga ako o hindi? Bigla akong nanlambot. Paano kung hindi niya ako magustuhan? Anong gagawin ko nito? Sa beerhouse ang bagsak ko kung sakali... "Oh, wag kang mawalan ng pag-asa," saway niya nang makita ang naging ekspresyon ng mukha ko. "Sinabi ko sa kanya ang background mo, lalo na kung paano sa iyo ang pamilya mo kaya sigurado ako ikokonsidera niya iyon." Sabay ngumiti siya sa akin kaya kahit papaano naibsan ang pagkabahala ko. "Sa ngayon ito muna ang maipapayo ko, kahit anong iutos niya sa iyo dapat gawin mo..." may diin niyang sinabi na ikinatango ko. "Opo!" Tumuwid ako ng tayo at ngumiti. Pero sandali rin akong natigilan. Lahat... ba kamo? Naalala ko pa ang sinabi ni Augustus kanina, iyung bantay. Ang mga nagiging personal na kasambahay raw nito nagiging parausan lang, paano kung paghubarin ako? Kailangan ko ba iyun gawin? "M-May tanong ho ako... ang sabi nung nakausap kong bantay kanina ang mga nagiging personal na kasambahay ni Mr. Castellano nagiging parau—" "Tama." Namilog ang mga mata ko sa kumpirmasyon na narinig hindi pa man ako tapos magsalita ay may sagot na agad. "Totoo iyan," binigyang diin pa niya. "Pero hindi siya namimilit, kung ayaw mo wala namang problema sa kanya." Pero nanatili akong gulantang. "Madalas pumapayag ang mga babaeng nauna sa iyo hindi dahil napipilitan sila, kundi dahil gusto rin naman nila..." Suminghal pa siya. "Kaya ikaw, nasa sa iyo kung gagawin mo ang ginawa nila, kaso sa ugali ni Sir Stefan mabilis siya mag-sawa kapag umay na siya sa paggamit sa babae, sinisisante na niya." Nalaglag ang panga ko. "Kaya kung ako sa iyo." Hinarap niya ako at masinsinan pang kinausap. "Kung gusto mo tumagal, wag kang bibigay, dahil kapag ka nagpaubaya ka, nagpadala ka sa tukso, mahaba na ang isang linggo mong pag-sisilbi tanggal ka na." Napalunok ako kasabay ng pamimilog ng mga mata ko. May pagpipilian naman pala kaya kahit papaano nakahinga naman ako ng maluwag. "Kung gusto mo magtagal, piliin mo ingatan ang dangal mo kung meron ka pa niyan lalo kung birhen ka pa eh mas lalo ka mag-ingat." Sabay tawa niyang nanunudyo pero ang mukha pasinghal. "Pero iyun nga lang kung kaya mo tagalan ang temptasyon lalo kapag kayo na lang dalawa..." Nginisihan pa niya ako ng makahulugan. Muling nanlaki ang mata ko sabay napalunok. Temptasyon kapag kami na lang... dalawa? "Bumababa na ang tingin ni Sir sa mga babaeng mabilis niya lang nakukuha kaya mabilis din siya kung magsawa ilang araw ka lang niyang pakikinabangan kapag sawa na, tapos na agad ang kontrata mo sa kanya." Grabe pala... ibig sabihin mahilig siya. Marami pang bilin sa akin si Manang Agda na sinikap ko naman tandaan hanggang sa iginaya niya na ako papuntang living room at nandoon na raw si Sir. Stefan kaya habang papalapit palakas din nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Wag sana niya gawin sa akin ang mga ginawa niya sa mga nauna. Ang kailangan ko pangmatagalang trabaho, hindi mayamang kalaguyo.Peachee"Stefan?"Panabay kaming napalingon nang may baritonong boses ng lalaki ang tumawag sa pangalan ng binata kaya natigilan kami.Papalabas sana na kami ng exit ng hotel para maglakad-lakad at magpababa ng kinain nang makapasyal na rin sa tabing dagat, malibot ang isla hangga't maaga pa at hindi pa ganoon katirik ang araw.Nangunot ang noo ni Stefan nang harapin namin ang lalaking kasing taas niya lang din, nagulat naman ako dahil mukang gwapo rin at ang ganda pa ng ngiti suot ng isang sunglasses pero mukang maloko...Kung sa bagay, maloko rin naman siya."Kamusta!" Lumapit na ito sa amin at nang unti-unting mapag-sino ni Stefan bigla ding ngumiti ng abot tainga."Raul!" tawag niya rin dito na may pagtawa.At mukang magkaibigan nga sila nang makumpirma ko dahil sinalubong ito ni Stefan ng lalaki sa lalaking yakapan at parehong tinapik ang kanilang braso at kaagad din naman naghiwalay."Sabi na nga ba! Ikaw ang namataan ko! Kamusta na pare? Ang tagal mong hindi bumisita rito sa Re
Peachee "Good morning, Ma'am, Sir., Here's your food po." Inilapag ng babaeng server ang agahan namin na may pala-kaibigang ngiti. "Salamat," tugon ko nang may ngiti rin. "Kung may iba pa po kayong kailangan ay tawag lang po kayo, agad namin po kayong dadaluhan." At bahagya pa itong yumuko at umalis na rin at tinitulak ang food tray na de tulak nang hinarap ko si Stefan. Hindi man siya nakangiti pero kita ang saya sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako, at ang mukha maaliwas kaya umayos ako ng upo nanatiling nakangiti naman sa kanya. Medyo hindi nga lang ako komportable sa suot ko na blue floral hanging dress labas ang likod, hindi gaano expose ang harap. Siya ang pumili ng susuotin ko, tinulungan niya rin ako mag-bihis matapos namin sabay maligo, pati pag-tali ng buhok ko siya rin, ang galing nga niyang magpusod ng buhok ng babae kahit lalaki siya, malinis at walang gulo. Ang ganda ng view ng karagatan sa labas mula rito sa open dinning area ang hotel sa baba, kitang-kita an
Peachee "Hindi mo pa rin sa akin sinasabi kung bakit ka nagkaroon nito at saan mo nakuha," saad ko nang hinawakan ko ang kamay niyang nagkaroon ng sugat na pahilom na pero ayaw pa rin niyang sabihin sa akin. Nakahilig ako sa dibdib niya pareho kaming walang mga saplot at tanging kumot lang ang nakatakip sa hubad naming katawan. Habang nakahiga siya at padapa naman akong nakadagan sa kanya. Kararating lang namin dito sa isang five star Hotel and Beach Resort sa Ilo-ilo na... siya lang naman ang may-ari. "Stop asking me, you wouldn't like the answer," malamig niyang sagot na hindi pa rin naman ako sinasagot. Natahimik na lang ako habang nilalandas niya ang mga daliri niya sa balikat ko pababa sa braso. Pabalik-balik at dinadama ang lambot nito habang yakap niya ako at nakalahalik sa buhok ko, sa bunbunan ko. Kalmado sa pakiramdam na magkalapat ang mga katawan namin... kaya napapapikit ako, pagod ako sa biyahe kaya medyo antok na. Masaya ako, totoo. Pero ayaw ko lang ng pakiramda
Third Person's POV "So what's your plan now, Rivaly? Isusuko mo na lang ba ng ganoon sa katulong si Stefan?" tanong ni Matilde na may pagkauyam nang puntahan niya si Rivaly sa condo nito. Nalaman niyang isang linggo na itong hindi pumapasok sa trabaho nang bisitahin niya sa opisina pero assistant lang nito ang naabutan niya. At ilang araw na nga raw ito hindi dumadalo sa mga hearing na dapat siya ang Judge kaya nag-file ito ng sick leave. Pinagbuksan naman siya nito ng pinto nang mag-door bell siya pero nagulat sa nakitang ayos nito, parang bruha walang suklay suot lang pulang silk dress, mukang kagigising lang kahit tanghaling tapat na. Simula nung gabing nakita nitong nagalit si Stefan nang ganoon sa kanya nawalan na ito ng pag-asa na mapasakanya si Stefan, masyado itong natakot, higit ay nasaktan mula sa mga salitang natanggap. Nakahalukipkip si Matilde habang nakatayo sa harapan ni Rivaly na nakaupo lang talaga sa sofa at malayang nakasandal at walang class ang upo, par
Peachee "B-Bakit inilalagay po nila sa maleta ang mga damit ko?" tanong ko buhat ng gulat kong mukha na napatingin sa kanya. Pagpasok ko ng kwarto galing lang ako ng kusina para kumuha ng tubig sa baba ng sumunod na araw. Pero nadatnan ko na ang mga kasamabahay na inaayos at inilalagay ang mga gamit ko sa isang malaking maleta... At si Sir. Stefan nakatayo sa gilid ng habang nakahalukipkip na waring kauutos niya lang nang matawa siya sa akin dahil parang iiyak ang mukha ko. Kaya nilapatan niya ako agad at hinawakan ang magkabilang mukha ko habang hawak ko naman ang isang baso ng tubig. Tiningala ko siya habang mangiyak-ngiyak baka mamaya'y may nagawa ako na hindi niya nagustuhan. Sa isip ko papaalisin niya na ako? At bakit? "M-May nagawa po ba ako? Bakit niyo ako paaalisin?" tanong ko na nahahabag na at mukang paiyak na dahil hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang talaga siya sa akin. "Akala ko ho ba..." Pero biglang urong ng luha ko nang magulat nang bigla siyang tumawa ng
Peachee Tahimik ang hapag kainan habang sabay kami kumakain ng agahan dahil hindi siya pumayag na hindi ako makakaharap sa lamesa. Kaya sinuot ko ang simpleng pink dress na isa sa mga binili niya na ayaw ko pa sanang isuot pero nakita ko madilim na ang mukha niya kanina kaya napilitan na akong suotin. Walang imik kong inabot ng kamay ko ang baso ng tubig sa tabi ng plato ko habang hindi niya iniaalis ang tingin niya sa akin habang kumakain, may riin at may tiim. Kaya hindi ko maiwasan mailang at hindi makatingin sa kanya imbis na ako dapat ang nakatitig sa kanya dahil sa nalaman ko pero nawawalan ako ng lakas ng loob dahil sino ba naman hindi manghihina kung ganito ang lalaking nasa harapan mo... Nangangain ang presensya kaya umuurong tuloy ang galit o tampo na nararamdaman ko dahil sa ginawa niyang paglilihim sa akin, pero sa kabilang banda naman naiintindihan ko rin bakit niya iyon nagawa... Sadyang hindi ko lang maiwasan magdamdam naroon pa rin ang bigat na hindi ko maipaliwan
Third Person's POV Tumama ang maliit na liwanang sa mukha ni Stefan nang sindihan ang lighter at itinapat ang dulo ng sigarilyo sa munting apoy na nanggagaling dito hanggang nagbaga. Naka-ipit sa pagitan ng likas na mapupula niyang labi ang sigarilyo at humihithit dito habang nakahilig siya sa bar
Peachee Isinandal niya ako sa likod ng pinto pagpasok pa lang namin ng kwarto niya at gutom na sinalakay ang mga labi kong uhaw rin sa kanya... Hindi ko lubos maisip na sinasabi ng isip ko ito, basta ang alam ko lang tumutugon na ako sa mapusok at nagniningas niyang halik... Isa-isa niyang binakl
Peachee Hindi ko agad naramdaman ang sakit sa bandang tagiliran ko nang mapabalikwas ako ng bangon mula sa masamang panaginip dulot ng nangyari. Parang may makapigil hiningang napupunit, wari ko nabaling tadyang, inalalayan naman ako agad ni Sir. Stefan habang napapadaing na ibinalik ako sa pagkak
Third Person's POV Tumama sa magandang mukha ng dalaga ang maaliwalas na sikat ng araw mula sa bintana ng pribadong silid ng hospital na pinagdalhan kay Peachee. Ngunit wala pa rin itong malay habang nagpupuyos at labis ang konsensya na pinagmamasdan ito ni Stefan na nasa bintana at nakahilig dito







