LOGINReina Keshia Monteverde is a billionaire heiress and rebellious daughter of her family. She hates being controlled and refuses to follow her family's forced arranged marriage. To escape her fate, Reina ended up entering her own family's company as Reina Olaso, a graduating college student. But fate was harsh on her, because no matter what she did, her new supervisor, Enzo Alvendo, could never give her an easy time. Enzo is a ruthless Project Manager who despises spoiled rich kids. Reina wants, Reina gets. She forced herself to survive his toughest corporate tasks to prove her merit. But the more she pushed herself into his world, the more he pulled away with cold professionalism. But is he really the heartless monster she thinks he is? Will she ever win his respect and his heart, or will she finally stop playing? Will fate change and agree with her plans or will she be the one to give up and walk away when her real identity is finally exposed?
View MoreKung mayro’ng natutunan si Riena sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, iyon ay ang katotohanang iba ang magiging trato sa ‘yo ng isang tao kapag alam nilang may nakadikit na yaman sa dulo ng pangalan mo.
Kapag naglalakad siya sa isang mamahaling mall, kusang bumubukas ang mga glass door ng store. Kapag pumasok siya sa isang sikat na restaurant, kahit walang bakanteng upuan ay laging hinahanapan ng paraan at parang magic na bigla na lang susulpot ang VIP lounge para sa kaniya. Nabubuhay siyang napapaligiran ng karangyaan. Pinanganak siyang nakaukit na ang kapalaran—ang maging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng kaniyang Lolo. Pero ang gamitin siya para ipakasal sa anak ng partner ng kanilang kompanya ay ang hindi niya matatanggap. “Ma’am Reina, okay na po ba talaga kayo rito? Baka po pwedeng doon ko na kayo ibaba sa mismong basement ng tower?” bakas ang matinding kaba sa boses ni Mang Gary, ang personal driver niya mula no’ng high school pa lang siya. Nakatingin ito sa rear-view mirror ng mamahaling Mercedes-Benz habang dahan-dahang itinabi ang sasakyan, isang metro ang layo mula sa malaking tower ng Monteverde. “Yes, Mang Gary. Hindi naman ako iitim dahil lang sa isang beses na paglalakad,” nakangiting sagot ni Reina habang tinatanggal ang seatbelt. Sunod niya namang tinanggal ay ang kaniyang diamond rings at suot na Cartier watch sa loob ng isang velvet pouch atsaka itinago. “Pero paano po kung malaman ng Lolo mo… tapos pinaglakad pa kita sa gitna ng tirik na araw. Baka sisantihin ako no’n,” napakamot na lamang sa ulong dagdag ng matanda. Namamasa rin ng pawis ang noo nito kahit naka-on naman ang aircon. “Don’t worry po. Ako na ang bahala kay Lolo. In the first place, nagkasundo na kami. Atsaka... I have 2 months to prove myself,” aniya habang tinitingnan ang repleksyon sa salamin. Sa loob ng dalawang buwan na ‘yon, kailangan niyang patunayan sa Lolo niya na may silbi siya at kaniya niyang magsimula sa pinakamababang posisyon ng hindi ginagamit ang impluwensya ng kanilang pamilya. Dahil naniniwala siya na ang pagpapakasal ay para sa pag-ibig at hindi para sa kahit ano mang kasunduan. Kaya narito siya ngayon. Mula sa Reina Keshia Monteverde, siya na muna si Reina Olaso—isang graduating student na magpapanggap na isang intern sa building nila. Mula sa kaniyang namayapang ina ang apelyidong ginamit, no’ng dalaga pa ito. Siniguro niya ring kapag papasok na siya sa Monteverde Tower ay walang kahit na anong bakas ng kaniyang totoong pagkatao at walang makakilala sa kaniya. Huminga siya ng malalim atsaka hinubad ang kaniyang kulay white na Chanel heels bago palitan ng isang ordinaryong flatshoes na binili niya lang sa tiktok shop, sa halagang dalawang daan. Alam niya na ‘agad na magkakaroon siya ng paltos ng lumapat ito sa kaniyang paa, pero kailangan niyang tiisin. Pagkatapos ay sunod niya namang kinuha ang tote bag, at iniwan ang designer bag sa backseat ng kotse. “Wish me luck, Mang Gary! Huwag mo na akong sunduin mamaya, okay? Mag-co-commute ako,” masiglang bilin niya rito bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse. “Hala? Sure ka po, Ma’am? Baka maligaw ka po? O, baka pagtripan ng mga tambay riyan?” Nakasimangot siyang hinarap ito. “Pati ba naman ikaw Mang Gary? Malaki na ako, I can handle myself!” “Biro lang, Ma’am. Pero mag-ingat po kayo,” bungisngis nitong wika na parang bata sabay kamot sa ulo. Napatawa na lang din siya bago bumaba ng kotse. Tumataginting ang araw at mausok na hangin ng Maynila ang sumalubong sa kaniya. Bahagya pa siyang napaubo nang malanghap ang alikabok. Sanay siya sa malinis na paligid kaya ay parang sampal ng katotohanan sa kaniyang mukha ang mga nakikita. Ngunit sa kabila ng takot ay nakaramdam siya ng kakaibang excitement. Pakiramdam niya nasa isang kdrama siya na nagsisimula ng panibagong buhay. Humakbang siya patungo sa naglalakihang tower ng Monteverde. Sa bungad palang, kita na ‘agad ang malaking logo na nag-re-represent sa kanilang pamilya. Gusto niyang ipagmalaki iyon, ngunit siguradong pagtitinginan siya ng tao at pagkakamalang baliw. Nang makapasok sa building ay diretso siyang pumasok ng lobby ngunit nagulat siya ng harangan siya ng guard. Kusang tumaas ang kamay niya atsaka ngumiti bago binati ang guard. “A pleasant morning, kuya!” bati niya. Tumaas ang isang kilay nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Walang bahid ng paggalang. Walang malumanay na ngiti. Dahil para sa guard, isa lamang siyang ordinaryong tao na naliligaw sa building na ‘to. “Patingin ng ID or clearance, Miss? At anong sadya mo rito?” walang kainte-interes na tanong ng guard. Napatigil si Reina, bahagyang bumuka ang labi sa gulat. Ngunit bigla niyang naalala, malamang ay hindi siya nakilala ng guard dahil sa simpleng ayos niya ngayon. “Ah, sorry po, kuya. Bago lang po akong intern sa engineering department po. Ito po ang Endorsement Letter ko,” nauutal niyang sagot habang nanginginig na kinuha ang nalukoy na papel sa loob ng kaniyang tote bag. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ng kaba. Tiningnan nito ng mabuti ang ibinigay niyang papel. Pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa na parang tinatandaan ang siya bago pinapasok. Hanggang si Kuyang Guard ba naman, pinagdududahan din ako? 'Di bali na nga. Ginusto mo 'to Reina, panindigan mo. Wala ng tanong-tanong sa guard, eksperto niyang tinungo ang elevator na tila hawak niya ang blueprint ng building. Siksikan ang bumungad sa kaniya ng bumukas ang elevator. Gusto niyang umatras at huwag nang sumakay ngunit pinagtitinginan siya, ang iba pa nga’y naiinis na nakatingin dahil siguro ang tagal niyang sumakay. Wala siyang magawa kundi ang humakbang papasok. Umikot ang paningin niya sa mga empleyadong naroon. Ang iba ay may hawak na kape, may mga nag-uusap tungkol sa tambak na trabaho, at may mga mukhang puyat at stressed kahit alas-otso palang ng umaga. Nang ‘di namamalayan ay unti-unti siyang naiipit sa sulok at halos ‘di na makahinga sa liit ng space. Sanay siya maluwag at pribadong elevator, kaya ang ganitong tagpo ay nagpapainit sa ulo niya. Dagdagan pa ng masakit ang paa niya dahil mayro’ng umaapak. Kaya laking pasasalamat niya nang bumukas ang elevator sa 14th floor, kung saan ang opisina ng mga engineer. Paglabas niya palang sinalubong na kaagad siya ng tunog ng mabilis na pagtipa sa keyboard, walang tigil na pag-ring ng telepono, at mga empleyadong pabalik-balik habang may hawak na sandamakmak na mga documento. Walang pumansin sa kaniya, patuloy pa ring nakatutok ang mga mata sa screen ng computer. Tila lahat ay naghahabol ng oras. Humakbang siya papunta sa malapit na table, hula niya’y receptionist desk kung saan may isang babaeng seryosong nag-aayos ng dokumento. “Excuse me po. Good morning, can I ask a question po?” Umangat ito ng tingin, sabay inayos ng salamin. “Yes?” Tumaas ang mga balahibo niya sa batok dahil bigla siyang kinabahan. Ngunit tingin niya ay mukhang hindi naman ito nakakatakot, kaya nilakasan niya ang loob. “I’m Reina Olaso po, ‘yong bagong intern,” masiglang bati niya, sinusubukang maging magalang at friendly. Ngunit nagulat siya ng tingnan siya nito ng may awa. “Ah, ikaw pala ‘yon…” mahina nitong sabi at napabuntong hininga. “Bakit po? May problema po ba?” “Wala naman... By the way, I’m Karen, you can call me Ate Karen, ang HR assistant para sa floor na ‘to. So, lets go? Hatid na kita sa supervisor mo bago pa tayo tamaan ng bagyo rito.” Nagulat siya sa biglang pagbago ng boses nito. Kung kanina ay matamlay ito pero ngayon ang sigla na. Napailing na lang siya at sumunod rito ng may pagtataka. Naging curious siya sa inaasta nito, pero natuon ang atensiyon niya sa mga cubicles. Wala man lang nagbigay atensiyon sa kaniya, lahat ay nakatutok sa ginagawa. “Ang sisipag po pala ng mga nagtatrabaho rito. Now I feel motivated, kahit hindi pa ako nagsisimula,” excited niyang sabi. Ngunit muntikan na siyang mapasubsop sa likod ni Karen ng huminto ito sa harap ng isang pinto. May nakasulat na plake sa pinto: ENZO ALVENDO - ENGINEERING MANAGER. “No choice lang, kaya sobrang sipag nila.” “Po?” Humarap si Karen sa kaniya. “Dahil na-assign sila sa pinaka kinatatakutan department sa buong Monteverde Holdings,” bulong nito na tila natatakot na mayro’ng makarinig. “Huh?” nalilitong tanong niya. “Ang department na ‘to ang iniiwasan ng maraming empleyado. Maliban sa maraming gawain, kundi dahil din kay Sir Enzo. Ang halimaw na manager ng kompanyang ‘to.” “H-halimaw? A-ang magiging Supervisor ko?” nauutal niyang tanong. Hindi niya na-me-meet ang magiging supervisor niya ngunit kinakabahan na siya kaagad. Huminga ito ng malalim atsaka naaawang tumango sa kaniya. “Sinasabi ko na agad sa ‘yo, ngayong bago ka palang, kaya handa mo ‘yang katawan, puso at kaluluwa mo. Walang sinasanto ‘yon. Sobrang higpit, laging nakakunot ang noo, naninigaw, at galit na galit sa mga tamad. At higit sa lahat… galit siya sa mga mayaman o ‘yong taong akala mo kung sinong fragile. Kaya mag-ingat ka.”Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan.Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng centralized aircon at marahas na pag-click sa keyboard ni Reina ang naririnig."Gusto mo pala ng totoong trabaho, huh" pabulong na wika ni Reina sa sarili, paos ang boses. "Oh, ayan, Reina. Magdusa ka. Lasapin mo ang ganti."Matapos ang naging tagpo kanina sa conference room, tinupad nga ni Enzo ang sinabi nitong tambakan siya ng maraming trabaho. Akala pa niya'y nagbibiro ito at makaramdam man lang ng awa pero likas na 'ata sa ugali nito ang pagiging halimaw. Mga folder na patong-patong ang ibinagsak nitosa table niya, mga report ng expense mula sa nakaraang buwan na kailangan i-reconcile bago pa man pumasok ang mga empleyado bukas. Walang kahit na anong tulong. At walang naglakas loob na tumu
Dahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang ito bago mag-ala-una. Eksaktong twelve fifty-five ng i-click niya ang save."Akala mo, huh," proud niyang sabi, nakataas pa ang kilay na tila hinahamon siya ng away.Wala siyang sinayang na segundo, mabilis siyang tumayo para pumunta sa pantry. Nang makarating, natagpuan niya ang isang mamahaling espresso machine. Nahulaan niya 'agad na walang instant coffee at lahat ay premium dahil para ito sa mga VIP at managers. Hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin. Sa mansyon nila, iba ang gumagawa nito para sa kaniya. Kahit isang beses ay hindi siya humawak ng ganitong machine. Pero minsan niya na ring nakita kung paano ginawa iyon ng kanilang barista, kaya pilit niyang inaalala ang bawat step
Tila naging isang parusa kay Reina ang halos apat na oras na lumipas. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, dahil sa buong buhay niya ang tanging pinakamabigat na binuhat niya ay ang kaniyang designer bag. Pero ngayon? Pakiramdam niya, unti-unting nangangalay ang kaniyang likod dahil kanina pa siya pabalik-balik sa pagbuhat ng mga folder mula sa madilim at maalikabok na storage room sa dulo ng hallway.Dagdagan pa ng paltos sa kaniyang paa dahil sa suot niyang flat shoes na parang sumisingil ‘ata ng utang sa sobrang kirot, at wala man lang siyang magawa kundi ang tiisin. Kahit lagyan niya pa ng band aid, wala pa ring maitutulong. Pasalamat na lang talaga siya at walang heels ang kaniyang sinuot.“Gosh. Bakit kasi nauso pa ‘tong Excel? Sino nag-imbento nito, pasampal isa lang,” nayayamot na bulong ni Reina sa sarili habang mariing nag-ta-type sa mga pyesa ng kaniyang lumang computer.Halos nasa seventy percent pa lang ang natapos niya sa pag-encode. Napapaubo pa siya minsan sabay b
Bahagyang siyang napalunok. Hindi niya alam kung paalala ba ang sinasabi nito o isang babala. Halimaw? Galit sa mayayaman? Napataas ang isang kilay niya sa isip. Buong buhay niya, lahat ng managers ng kompanya nila ay yumuyuko sa tuwing dadaan sila ng lolo niya. Sino ang lalaking ‘to para katakutan ng lahat? At anong karapatan niya para magalit sa mga mayayaman? “Pasok ka na, Reina. Sana umabot ka ng isang linggo. Mukhang matino ka pa naman,” huling hirit pa nito bago siya iniwan do’n na parang ayaw madamay sa kung ano mang gulo ang mangyayari sa loob ng silid na iyon. Hindi man lang ako tinuruan kung anong gagawin? Ang galing. Humingang malalim si Reina. Inayos ang nagusot na simpleng t-shirt at medyo kupas na blazer. Kumatok siya ng tatlong beses sa glass door at hinintay na papasukin siya. “Enter,” isang malalim, at malamig na boses ang narinig sa loob. Walang kahit anong bahid ng emosyon o init ang boses nito. Dahan-dahang binuksan ni Reina ang pinto at pumasok. Napansin n


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.