MasukBahagyang siyang napalunok. Hindi niya alam kung paalala ba ang sinasabi nito o isang babala. Halimaw? Galit sa mayayaman? Napataas ang isang kilay niya sa isip. Buong buhay niya, lahat ng managers ng kompanya nila ay yumuyuko sa tuwing dadaan sila ng lolo niya. Sino ang lalaking ‘to para katakutan ng lahat? At anong karapatan niya para magalit sa mga mayayaman?
“Pasok ka na, Reina. Sana umabot ka ng isang linggo. Mukhang matino ka pa naman,” huling hirit pa nito bago siya iniwan do’n na parang ayaw madamay sa kung ano mang gulo ang mangyayari sa loob ng silid na iyon. Hindi man lang ako tinuruan kung anong gagawin? Ang galing. Humingang malalim si Reina. Inayos ang nagusot na simpleng t-shirt at medyo kupas na blazer. Kumatok siya ng tatlong beses sa glass door at hinintay na papasukin siya. “Enter,” isang malalim, at malamig na boses ang narinig sa loob. Walang kahit anong bahid ng emosyon o init ang boses nito. Dahan-dahang binuksan ni Reina ang pinto at pumasok. Napansin niya kaagad na design ng opisina. Minimalist ngunit magulo. Masakit sa mata niya. May mga blueprint na nakasabit sa dingding, mga architectural models ng gusali sa gilid na basta na lang nilagay, at isang malaking malaking lamesa na puno ng mga documento, tasa ng kape, at tatlong magkakaibang monitor ng computer. Sa likod ng lamesa, nakaupo ang isang lalaki. He was wearing a crisp white button-up shirt na nakatapi hanggang siko, kitang-kita tuloy ang kaniyang lean ngunit muscular na braso. Medyo magulo rin ang kaniyang buhok, na tila ilang beses ng sinuklay gamit ang kamay dahil sa matinding stress. Aaminin niyang gwapo ito sa unang tingin palang, may matangos na ilong, makapal ang kilay, maugat ang kamay, at may matatalas na matang nakatutok sa harap ng computer. Mukha rin itong workaholic at walang balak makipagkaibigan. “Good morning, Sir Enzo. I’m Reina Olaso po, ang bagong Intern mula sa—” “You’re already late by three minutes, Ms. Olaso,” putol ng lalaki sa kaniyang sinabi nang ‘di man lang tumitingin sa kaniya. Ang mga daliri ay patuloy pa ring tumitipa sa keyboard, kaya’t paminsan-minsan ay na-d-distract siya. “Excuse me, sir? Late? Pero 8:00 A.M po ang start ng shift ko. Three minutes lang naman po ang lumipas, at dahil ang laki ng floor—” Huminto ang lalaki sa pagtipa atsaka dahan-dahang inaangat ang kaniyang tingin. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, naramdaman ni Reina ang kakaibang koryente ng kaba at inis. Kulay dark brown ang mga mata ni Enzo, matalas, at punong-puno ng awtoridad ang bawat iginagawad na tingin. “Three minutes is still late, Ms. Olaso. No more excuses. Admit your mistake,” mariing wika ni Enzo sabay sandal sa swivel chail bago pinagdikit ang dulo ng mga daliri. “Dito sa opisina, ang tatlong minuto ay puwedeng maging dahilan para mawalan ng million ang kompanya. We cannot accommodate a mindset that dismisses a three-minutes delay as insignificant; punctuality is expected here. Kung hindi mo kaya, bumalik ka na lang sa university na pinanggalingan mo at huwag ng ituloy ang internship na ‘to. I don’t tolerate mediocrity.” Naramdaman ni Reina ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa kaniyang pisngi. Ito ang unang pagkakataong pinagsabihan siya ng gano’n! Sino ba siya sa tingin niya? Kung alam lang nito na ang nasa harap niya ay ang apo mismo ng may-ari ng building na ‘to, baka magbago ang tono ng pananalita nito! Gusto niyang isigaw iyon sa pagmumukha nito, gusto niyang magtaray, ngunit bigla niyang naalala ang mukha ng kaniyang lolo at ang nakakalokong ngiti nito habang pinaplano ang kasal niya sa anak ng partner nito. Napilitan siyang pakalmahin ang sarili. Nilunok niya ang kaniyang pride, kahit gustong-gusto niya na itong ipahiya. “I’m sorry, sir. Hinding-hindi na po mauulit,” napipilitang sagot niya na may pekeng ngiti sa labi. Habang ang mga kamao niya’y mahigpit na nakakuyom sa gilid ng kaniyang hita. Hindi man lang gumalaw at tinitigan lang siya ni Enzo ng ilang segundo, sinusuri kung seryoso ba siya o nagpapanggap lang. Pagkatapos ay kinuha nito ang makapal na stack ng folder atsaka ibinaba sa harap ni Reina. Lumikha iyon ng malakas na tunog, kaya bahagya siyang nagulat. “Good. Dahil wala akong panahon para sa mga taong nagpapa-baby at intern na sobrang bagal kumilos na akala mo’y hindi tinuruan ng tama,” pabalang nitong sabi, malamig ang boses atsaka itinuro ang mga folder. “Here are the department’s project blueprints and financial reports from the previous year. I need you to arrange them alphabetically, log the summaries into Excel with the correct formatting, and archive them in the storage room down the hall. Now, get them and I expect everything to be completed before lunch.” Parang malaglag ang panga niya sa inuutos nito. Kung susukatin niya, umabot iyon hanggang sa itaas ng braso niya. And before lunch? Apat na oras na lang bago mag-lunch! Seryoso ba siya? Anong akala niya sa akin, kalahating kabayo? Apat ang kamay? Ang halimaw niya talaga! “P-pero ang dami po nito, sir. Atsaka may specific formatting ka po ba kayong ginagamit sa Excel sheet niyo para hindi po ako magkamali sa pag-input—” “Could you speak professionally, Ms. Olaso? Hindi ka nag-de-defend ng thesis mo para mautal,” sarkastikong hirit ni Enzo, ibinalik ang tingin sa screen ng computer. “Nakalagay sa resume mo na proficient ka sa basic office tools at computer operations. Kaya sa simpleng pag-e-encode at pag-a-alphabetize lang ay kailangan pa kitang i-baby? Are you serious, Ms. Olaso? Anong gusto mo, i-guide pa kita? Parang ako na rin ang gumawa. I do not hira interns to teach them basic skills. Find a way. Magtanong ka sa labas kung gusto mo, pero huwag mo akong tanungin sa mga bagay na dapat ay natutunan sa no’ng nag-aaral ka palang.” Napakagat labi si Reina sa sobrang gigil at hiya. Ang sungit! Ang yabang-yabang pa! Ang bastos ng ugali! Akala mo naman sobrang perpekto niya… porque gwapo siya, akala niya nakaka-cool ‘yon? Gusto niyang umiyak sa sobrang hiya. Buong buhay niya, apat na kasambahay ang nag-uunahan sa tuwing mayro’n siyang hinihingi. Ngunit ngayon, wala siyang awtoridad. Kahit paghinga, parang kailangan niya pang magpaalam dito. “Noted po, sir. Gagawin ko na po, ngayon din,” sagot ni Reina kahit gigil na gilit na siya rito. Binuhat niya ang mabigat na stack ng mga foldar. Halos mawalan pa siya ng balance dahil sa bigat, sabayan pa ng flat shoes niyang kanina niya pa pino-problema. Humakbang na siya palabas, pilit lumakad ng tuwid. Hindi na siya lumingon pa at baka mas lalo lang masira ang araw niya dahil sa nakakainis nitong pasaring, Naupo si Reina sa isang cubicle na para sa mga bagong intern. Maliit ang mesa, may lumang monitor, at isang upuan na gumigiwang sa tuwing gumalaw siya. Matamlay niyang tiningnan ang mga papel sa harap niya. Ramdam niya na kaagad ang matinding pagod kahit nagsisimula palang ang araw niya. Kung hindi lang dahil sa letcheng kasal na ‘yan ay hinding-hindi siya hahantong sa ganitong tagpo. Pero iba ‘ata ang plano sa kaniya ng tadhana. Kaya ito siya ngayon, kailangan niyang harapin araw-araw ang bweset na Enzo na ‘yon. “Humanda ka talaga sa akin, Alvendo,” bulong ni Reina habang nakatingin sa glass door ng opisina ni Enzo. “Kapag natapos ko ang dalawang buwan na ‘to, at nakuha ang posisyon ko… sisiguraduhin kong luluhod ka sa harap ko.”Isang nakakainsulto at malakas na tawa ang biglang pinakawalan ni Matthew mula sa kanyang kinaroroonan. "Unbelievable, Engr. Alvendo. You call this preparation for the Chairman? A one-billion-peso mistake? Or is this your way of pocketing the extra money?""Shut up, Matthew," matalim ang bawat salitang utos ni Enzo. Humigpit ang pag-iting ng panga nito, pinipigilan ang nabubuong emosyon. Ang tahimik na si Natasha ay mabilis na tumayo at pumagitna bago itinaas ang mga kamay bago itinuro kay Reina na tahimik na nakatingin sa kanila habang kinakabahan. "Sorry to interrup, gentleman. Pero hindi dapat si Engr. Alvendo ang sinisisi, dahil ang intern na 'yan ang huling humawak ng files kahapon! Siya rin ang nag-print at nagbigay sa inyo ng folders! Kaya sobrang linaw na sinadya o naging pabaya siya sa kaniyang task para masira ang presentation na 'to!"Lumakas ang bulungan sa boardroom nang marinig ang mahabang salaysay ni Natasha. Lahat ng mga mata ay nalipat sa direksyon ni Reina.Matindi
Mararamdaman kaagad ang mabigat ang dapya ng hangin pagkapasok sa loob ng Execiutive Boardroom. Ang malaking silid ay napapalibutan ng floor-to-ceiling glass windows, kitang-kita ang malaking syudad. Sa gitna ay may isang mahabang oval table na gawa sa mamahaling polished mahogany, kung saan nakaupo na ang member ng Board of Directors. Sa dulo ng table, prenteng nakaupo si Don Vincenzo Monteverde. May suot itong lapel pin na ginto sa kaniyang black tailored suit, habang nakapatong ang dalawang kamay sa kaniyang gintong cane. Seryoso itong nakatingin sa unahan kung nasaan makikita ang malaking projector, habang matyagang naghihintay na magsimula ang presentation.Sa tabi ng projector screen, nakatayo si Enzo Alvarado. Nakasuot ito ng kanyang pinakamagandang black suit, bagaman halata ang kaunting puyat sa ilalim ng kanyang mga mata. Subalit wala kahit na anong bakas ng kaba sa mukha. Sa gilid naman ng pinto, nakatayo si Reina habang hawak ang kape at notebook. Nanginginig ang mga dalir
Kanina pa nakatayo at nagtatago si Natasha sa likod ng malaking photocopying machine, pilit isiniksik ang sarili upang 'di siya makita. Kanina pa siya roon, naghihintay na umalis si Enzo at naghahanap ng pagkakataong makausap si Reina. Nanggagalaiti ang kanyang dibdib sa matinding galit at inggit. kakapasok niya palang kanina pagkatpos ng lunch break ng narinig na niya ang tsismis sa buong floor na dinala ni Enzo si Reina sa labas para ilibre ng tanghalian, isang bagay na hindi kailanman ginawa ng lalaki sa kahit kanino sa kanila! “Isang malandi at hampas lupang babae lang siya! Pero kapal ng mukha para dumikit kay Enzo!” gigil na bulong ni Natasha sa sarili habang nakakuyom ang kanyang mga kamay na may bagong dikit lang na nail extension. “Bakit ba siya ang binibigyan ng pansin ni Enzo? Bakit siya ang pinapahawak ng pinakamahalagang file para sa presentation bukas?Gano'n ba kalaki ang tiwala niya sa bruhang 'yan?!” Nang makitang tuluyang pumasok si Reina sa rest room, mabilis na lum
Halos mag-alas otso na ng gabi, nakapatay na rin ang mga ilaw sa mga cubicle, subalit nananatili pa ring nakabukas ang monitor ni Reina. May nagmumula ring ilaw mula sa nakabukas na p***o ng opisina ni Enzo sa dulo ng hallway. Pagod na pagod at halos pumikit na ang mga mata ni Reina habang nakatutok sa liwanag ng computer monitor. Sa loob ng ilang araw, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-type, mag-compute, at mag-recheck ng libo-libong figures para sa gaganaping Executive Budget Presentation para sa Eco-Housing Project. Alam niyang dito nakasalalay ang lahat, kung kaya hanggang maaari, sa abot ng kaniyang makakaya ay kaniyang tinutulungan si Enzo. Maging ito ay halos gano'n din ang ginagawa. Minsan hindi niya rin masisisi kung bakit ang bilis nitong magalit, hindi lang sa ibang empleyado, maging sa kaniya. At dahil siya naatasang mag-encode ng final financial data, hawak niya ang pinaka-crucial na bahagi ng project kaya isang pagkakamali niya lang, magsisimula ulit sa umpisa. H
Huminto sila sa isang makitid, siksikan, maingay, at pipitsuging karenderya. Malapit lang ito sa Monteverde tower ngunit ni minsan ay 'di niya man lang binigyang pansin ang eskenetang 'to. Sa labas may kay tarpauling nakasabit na may pangalang Tatiy's Manukan. Gawa rin sa lumang kahoy ang pundasyon. Nangingitim na rin dahil sa usok at paglipas ng panahon.What is this place? Napaatras siya, hindi niya inaasahang dito sila kakain. Sa rami ng pwedeng pagdadalhan, bakit dito pa? Hindi siya pamilyar sa lugar, at kahit kailan hindi pa siya nakaapak dito."May problema ba, Olaso?" tanong ni Enzo nang mapansin ang pag-atras niya."H-huh? W-wala, sir." Kumulo ang kalamnan niya sa nakikita. Hindi niya alam kong dahil ba sa gutom o dahil sa takot."Ito na ang pinakamurang kainan. Bukod do'n, malinis at masarap din sila magluto rito. Kaya 'wag kang mag-alala," nanunuksong hirit nito habang naghahanap na ng pwede nilang mauupuan. "Alisin mo 'yang pagkakunot ng noo mo, Olaso. Baka iisipin ng may-
Masama pa rin ang loob ni Reina dahil sa kaganapan kanina habang sa matapos niyang linisan ang madilim at puno ng alikabok na storage room. Nangangati na rin ang katawan niya, at malagkit dahil sa pawis. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaranas na maglinis ng ganito. Yes, she was definitely cleaning her room, but it wasn't this messy. "Ganito ba talaga sila rito mag-trato ng intern nila? Saan ang hustisya?" galit na usal niya, pabagsak na inilapag nag isang malaking lagayan ng mga dokumento. Sa tantiya niya ay mga report 'yon. "At isa pa, ang yabang ng Castro na 'yon. Pero kaharap si lolo, akala mo tuta kung magpa-cute at magsalita. Mas halimaw pa pala. Nasa loob talaga ang kulo." Pagod siyang umupo sa kupas na upuan sa pagod at pananakit ng kaniyang paa. Plano niyang mag-stay muna ro'n ng ilang minuto pa upang makapagpahinga. Pinangpunas niya na lang ang wipes na dala para mabasan ang lagkit ng katawan, at mawala ang alikabok na kumapit. Napahikab siya pagkatapos at napapik
Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan. Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng cen
Dahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang it
Tila naging isang parusa kay Reina ang halos apat na oras na lumipas. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, dahil sa buong buhay niya ang tanging pinakamabigat na binuhat niya ay ang kaniyang designer bag. Pero ngayon? Pakiramdam niya, unti-unting nangangalay ang kaniyang likod dahil kanina pa
Kung mayro’ng natutunan si Riena sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, iyon ay ang katotohanang iba ang magiging trato sa ‘yo ng isang tao kapag alam nilang may nakadikit na yaman sa dulo ng pangalan mo.Kapag naglalakad siya sa isang mamahaling mall, kusang bumubukas ang mga glass door ng store. Ka







