MasukDahil sa pagmamadali at inis, hindi na nag-abala pang kumain ng lunch si Reina. Itinutok niya na ang kaniyang buong isang oras sa pag-e-encode sa lintek na Excel. Mabilis ang bawat galaw ng daliri niya na tila nakikipaghabulan sa oras. Tinitiis ang pananakit ng balikat at gutom para matapos lang ito bago mag-ala-una. Eksaktong twelve fifty-five ng i-click niya ang save.
"Akala mo, huh," proud niyang sabi, nakataas pa ang kilay na tila hinahamon siya ng away. Wala siyang sinayang na segundo, mabilis siyang tumayo para pumunta sa pantry. Nang makarating, natagpuan niya ang isang mamahaling espresso machine. Nahulaan niya 'agad na walang instant coffee at lahat ay premium dahil para ito sa mga VIP at managers. Hindi niya alam kung ano ang una niyang gagawin. Sa mansyon nila, iba ang gumagawa nito para sa kaniya. Kahit isang beses ay hindi siya humawak ng ganitong machine. Pero minsan niya na ring nakita kung paano ginawa iyon ng kanilang barista, kaya pilit niyang inaalala ang bawat steps.Bakit kasi iniwan ko sa table ang cellphone ko? Sana nanood na ako ng tutorial ngayon sa YouTube. Pindot dito, lagay doon, at pagkatapos ay nilagyan ng gatas bago hinalo. Gumawa rin siya ng isang malaking tasa ng triple-shot espresso na may kaunting latte art—isang skill na natutunan niya kakapanood sa Tiktok kapag nababagot siya sa mansyon. She's so proud of herself. Inilagay niya ang tasa ng kape at ilang baso ng tubig sa isang tray bago binuhat. May ingat at kalkolado ang bawat hakbang habang pilit niyang binabalanse ang sarili dahil ramdam niya ang pagkirot sa parte ng paa niyang may sugat. Nang makarating ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng conference room. Bumungad sa kaniya si Enzo, nakaharap ito sa pinto habang ang kausap na tatlong lalaking nakasuot ng pormal na business suit ay nakatalikod. Seryoso ang mga itong nag-uusap tungkol sa mga materyales na para sa eco-housing project. Maingat siyang pumasok at diretsong tumungo sa tabi ni Enzo. Hindi man lang binigyang pansin ang mga taong kausap nito. "Ito na po 'yong kape pinapatimpla mo, sir," mahinang wika ni Reina habang bahagyang ibinaba ang tray, sinadyang ipinakita ang kapeng ginawa. Napahinto sa pagsasalita si Enzo at tumingin sa hawak niya. Bahagyang kumunot ang noo. Nang makita ang disenyo ng kape. Ngiting tagumpay naman siya. "I said black coffee, Ms. Olaso. Hindi ko sinabing mag-design ka." "Kung hindi mo po alam, triple-shot espresso 'yan, sir. Ipaalala ko lang din po, hindi mo sinabing black coffee. Napakaulyanin mo na po pala. At mas kailangan mo po 'yan para man lang magising ang natutulog mong konsensya," bulong ni Reina, bakas ang pagiging sarcastic sa boses. Siniguro niyang si Enzo lang din ang nakakarinig. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Enzo sa hirit ng kaniyang intern. Akmang kukunin na sana ni Enzo ang tasa mula sa tray nang mawalan ng balanse si Reina sa pagkakatayo dahil sa pananakit ng kaniyang sugat sa paa at pangangalay ng tuhod. "Shit!" matinis na mura ni Reina sa gulat. Dumulas sa kamay niya ang hawak na tray, at ang punong-puno na tasa ng triple-shot espresso ay diretsong tumapon sa dibdib ni Enzo. Ang mainit at maitim na likido ay kumalat sa maputi at bagong plantsang button-up shirt ng lalaki. "Shit! Lampa ka ba!" malakas na mura din nito habang mabilis na tumayo mula sa kinauupuan. Maging ang mga kliyente ay napaatras sa gulat. Habang si Reina ay napaupo sa sahig, hawak pa rin ang tray at walang lakas upang tumayo dahil sa matinding pagkakahiya, kaba at takot. Naiiyak siyang tumingin kay Enzo upang humingi ng tulong. Ngunit umaapoy sa galit ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Sorry po, sir! Hindi ko po sinasadya! Nadulas po ang sapatos ko," nanginginig ang mga kamay niya habang inaabot ang tissue sa mesa at nang lalapitan niya sana si Enzo upang punasan ang dibdib nito, ngunit marahas nitong kinabig palayo ang kamay niya. "Don't touch me!" galit na sigaw ni Enzo. Tila isang kidlat na bumagsak sa lupa. Umalingawngaw rin sa apat na sulok ng conference room ang kaniyang boses, sigurado rin siyang umabot hanggang sa cubicle ng mga empleyado. Pilit pinakalma ni Enzo ang sarili kahit nanginginig na siya sa galit bago humarap sa mga kliyento. "I apologize, gentlemen. Let's pause for ten minutes and resume shortly. I need to take care of... something here first." Naiilang na sumang-ayon ang mga kliyente at tahimik na lumabas ng silid. Halata ang dessapointment sa mga mata. Isang nakakatakot na katahimikan ang namagitan sa kanila ng magsara ang pinto. Nakaupo pa rin siya sa sahig habang nakatayo si Enzo, may hawak na tissue. Nagbabadya na ring bumagsak ang luha niya. Hindi siya umiyak dahil sa pagkakabagsak niya, kundi dahil sa hiya, takot, pagod, at ang katotohanang buong buhay niya ay ngayon lang siya napahiya. This is torture to her. Lumapit sa kaniya si Enzo, napatingala siya ng huminto ito sa harap niya. "First day, Ms. Olaso. Unang araw mo palang nga pero gulo na 'agad ang dala mo. Hindi ka lang mabagal, sumasagot ka pa sa supervisor mo, and now... sinira mo ang importanteng meeting dahil diyan sa katangahan mo. Are you treating this as a joke?" "Ilang ulit ko pa bang sabihin na nadulas nga ako at hindi ko sinasadya!" sigaw ni Reina. Tila umipon lahat ng emosyon niya at bigla na lang sumabog. Pumatak ang mga luha niya ay tuloy-tuloy na umagos sa kaniyang pisngi. "Ang sakit na ng paa ko, hindi pa nag-a-almusal at nag-l-lunch dahil diyan sa pisteng inuutos mo! Tapos ganyan ka pa magsalita, kahit ikaw naman ang dahilan! Wala kang awa!" Humagulgol siya pagkatapos niyang magsalita. Natigilan si Enzo ng makita ang pag-agos ng mga luha ni Reina. Bumaba ang tingin nito sa paa kung saan kitang-kita ang namamagang pantal sa paa ng intern, may bakas na rin ng dugo iyon. Ngunit bago pa lumambot ang ekspresyon at maawa, muli nitong pinatigas ang mukha at naiinis na pinaluwagan ang necktie. "Your personal circumstances are not a concern of mine, Ms. Olaso. Kung nagugutom ka pala, sana kumain ka sa tamang oras. Ang absenteeism mo at incompetence ay walang puwang dito sa kompanya," wika nito ng hindi tumitingin sa kaniya. "Now, leave my sight. Clean up your own mess, and then go back to your cubicle. Ihanda mo rin sarili mo, dahil mamayang gabi... sisiguraduhin kong ipaparanas ko sa 'yo kung ano ang totoong trabaho. Hind nakasagot si Reina dahil pagkatapos nitong magsalita ay basta na lang siyang iniwan. Tahimik niyang nilinis ang kalat at mabilis na lumabas ng conference room. Nahihiya pa siyang tinakpan ang mukha upang hindi makita ng mga kasama ang sitwasyon, at 'di tumatak sa isipin nila na balang araw kapag makilala na siya—hindi ang tagpong ito ang una nilang maalala.Isang nakakainsulto at malakas na tawa ang biglang pinakawalan ni Matthew mula sa kanyang kinaroroonan. "Unbelievable, Engr. Alvendo. You call this preparation for the Chairman? A one-billion-peso mistake? Or is this your way of pocketing the extra money?""Shut up, Matthew," matalim ang bawat salitang utos ni Enzo. Humigpit ang pag-iting ng panga nito, pinipigilan ang nabubuong emosyon. Ang tahimik na si Natasha ay mabilis na tumayo at pumagitna bago itinaas ang mga kamay bago itinuro kay Reina na tahimik na nakatingin sa kanila habang kinakabahan. "Sorry to interrup, gentleman. Pero hindi dapat si Engr. Alvendo ang sinisisi, dahil ang intern na 'yan ang huling humawak ng files kahapon! Siya rin ang nag-print at nagbigay sa inyo ng folders! Kaya sobrang linaw na sinadya o naging pabaya siya sa kaniyang task para masira ang presentation na 'to!"Lumakas ang bulungan sa boardroom nang marinig ang mahabang salaysay ni Natasha. Lahat ng mga mata ay nalipat sa direksyon ni Reina.Matindi
Mararamdaman kaagad ang mabigat ang dapya ng hangin pagkapasok sa loob ng Execiutive Boardroom. Ang malaking silid ay napapalibutan ng floor-to-ceiling glass windows, kitang-kita ang malaking syudad. Sa gitna ay may isang mahabang oval table na gawa sa mamahaling polished mahogany, kung saan nakaupo na ang member ng Board of Directors. Sa dulo ng table, prenteng nakaupo si Don Vincenzo Monteverde. May suot itong lapel pin na ginto sa kaniyang black tailored suit, habang nakapatong ang dalawang kamay sa kaniyang gintong cane. Seryoso itong nakatingin sa unahan kung nasaan makikita ang malaking projector, habang matyagang naghihintay na magsimula ang presentation.Sa tabi ng projector screen, nakatayo si Enzo Alvarado. Nakasuot ito ng kanyang pinakamagandang black suit, bagaman halata ang kaunting puyat sa ilalim ng kanyang mga mata. Subalit wala kahit na anong bakas ng kaba sa mukha. Sa gilid naman ng pinto, nakatayo si Reina habang hawak ang kape at notebook. Nanginginig ang mga dalir
Kanina pa nakatayo at nagtatago si Natasha sa likod ng malaking photocopying machine, pilit isiniksik ang sarili upang 'di siya makita. Kanina pa siya roon, naghihintay na umalis si Enzo at naghahanap ng pagkakataong makausap si Reina. Nanggagalaiti ang kanyang dibdib sa matinding galit at inggit. kakapasok niya palang kanina pagkatpos ng lunch break ng narinig na niya ang tsismis sa buong floor na dinala ni Enzo si Reina sa labas para ilibre ng tanghalian, isang bagay na hindi kailanman ginawa ng lalaki sa kahit kanino sa kanila! “Isang malandi at hampas lupang babae lang siya! Pero kapal ng mukha para dumikit kay Enzo!” gigil na bulong ni Natasha sa sarili habang nakakuyom ang kanyang mga kamay na may bagong dikit lang na nail extension. “Bakit ba siya ang binibigyan ng pansin ni Enzo? Bakit siya ang pinapahawak ng pinakamahalagang file para sa presentation bukas?Gano'n ba kalaki ang tiwala niya sa bruhang 'yan?!” Nang makitang tuluyang pumasok si Reina sa rest room, mabilis na lum
Halos mag-alas otso na ng gabi, nakapatay na rin ang mga ilaw sa mga cubicle, subalit nananatili pa ring nakabukas ang monitor ni Reina. May nagmumula ring ilaw mula sa nakabukas na p***o ng opisina ni Enzo sa dulo ng hallway. Pagod na pagod at halos pumikit na ang mga mata ni Reina habang nakatutok sa liwanag ng computer monitor. Sa loob ng ilang araw, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-type, mag-compute, at mag-recheck ng libo-libong figures para sa gaganaping Executive Budget Presentation para sa Eco-Housing Project. Alam niyang dito nakasalalay ang lahat, kung kaya hanggang maaari, sa abot ng kaniyang makakaya ay kaniyang tinutulungan si Enzo. Maging ito ay halos gano'n din ang ginagawa. Minsan hindi niya rin masisisi kung bakit ang bilis nitong magalit, hindi lang sa ibang empleyado, maging sa kaniya. At dahil siya naatasang mag-encode ng final financial data, hawak niya ang pinaka-crucial na bahagi ng project kaya isang pagkakamali niya lang, magsisimula ulit sa umpisa. H
Huminto sila sa isang makitid, siksikan, maingay, at pipitsuging karenderya. Malapit lang ito sa Monteverde tower ngunit ni minsan ay 'di niya man lang binigyang pansin ang eskenetang 'to. Sa labas may kay tarpauling nakasabit na may pangalang Tatiy's Manukan. Gawa rin sa lumang kahoy ang pundasyon. Nangingitim na rin dahil sa usok at paglipas ng panahon.What is this place? Napaatras siya, hindi niya inaasahang dito sila kakain. Sa rami ng pwedeng pagdadalhan, bakit dito pa? Hindi siya pamilyar sa lugar, at kahit kailan hindi pa siya nakaapak dito."May problema ba, Olaso?" tanong ni Enzo nang mapansin ang pag-atras niya."H-huh? W-wala, sir." Kumulo ang kalamnan niya sa nakikita. Hindi niya alam kong dahil ba sa gutom o dahil sa takot."Ito na ang pinakamurang kainan. Bukod do'n, malinis at masarap din sila magluto rito. Kaya 'wag kang mag-alala," nanunuksong hirit nito habang naghahanap na ng pwede nilang mauupuan. "Alisin mo 'yang pagkakunot ng noo mo, Olaso. Baka iisipin ng may-
Masama pa rin ang loob ni Reina dahil sa kaganapan kanina habang sa matapos niyang linisan ang madilim at puno ng alikabok na storage room. Nangangati na rin ang katawan niya, at malagkit dahil sa pawis. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaranas na maglinis ng ganito. Yes, she was definitely cleaning her room, but it wasn't this messy. "Ganito ba talaga sila rito mag-trato ng intern nila? Saan ang hustisya?" galit na usal niya, pabagsak na inilapag nag isang malaking lagayan ng mga dokumento. Sa tantiya niya ay mga report 'yon. "At isa pa, ang yabang ng Castro na 'yon. Pero kaharap si lolo, akala mo tuta kung magpa-cute at magsalita. Mas halimaw pa pala. Nasa loob talaga ang kulo." Pagod siyang umupo sa kupas na upuan sa pagod at pananakit ng kaniyang paa. Plano niyang mag-stay muna ro'n ng ilang minuto pa upang makapagpahinga. Pinangpunas niya na lang ang wipes na dala para mabasan ang lagkit ng katawan, at mawala ang alikabok na kumapit. Napahikab siya pagkatapos at napapik
Eight-thirty na ng gabi ng tingnan ni Reina ang orasan. Maliban sa nakakasilaw na liwanag mulay sa monitor niya, lahat ng mga malalaking ilaw sa buong floor ng department ay nakapatay na. Ang abala at maingay na opisina ay nababalutan na ngayon ng matinding katahimikan. Tanging ugong na lang ng cen
Bahagyang siyang napalunok. Hindi niya alam kung paalala ba ang sinasabi nito o isang babala. Halimaw? Galit sa mayayaman? Napataas ang isang kilay niya sa isip. Buong buhay niya, lahat ng managers ng kompanya nila ay yumuyuko sa tuwing dadaan sila ng lolo niya. Sino ang lalaking ‘to para katakutan
Tila naging isang parusa kay Reina ang halos apat na oras na lumipas. Hindi niya akalaing aabot siya sa ganito, dahil sa buong buhay niya ang tanging pinakamabigat na binuhat niya ay ang kaniyang designer bag. Pero ngayon? Pakiramdam niya, unti-unting nangangalay ang kaniyang likod dahil kanina pa
Kung mayro’ng natutunan si Riena sa loob ng dalawampu’t tatlong taon, iyon ay ang katotohanang iba ang magiging trato sa ‘yo ng isang tao kapag alam nilang may nakadikit na yaman sa dulo ng pangalan mo.Kapag naglalakad siya sa isang mamahaling mall, kusang bumubukas ang mga glass door ng store. Ka







