Se connecterMy Greatest Sacrifice Masayang nagsasama sina Liza at Nick Monteverde sa loob ng maraming taon. Isang bagay na lamang ang kulang sa kanilang pagsasama-ang magkaroon ng anak. Sa paniniwala ni Nick, ayaw lamang magbuntis ni Liza dahil natatakot itong magbago ang kanyang katawan. Dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa, pinili niyang igalang ang desisyon nito kahit unti-unti nang nadudurog ang pangarap niyang maging ama. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, may isang lihim na matagal nang kinikimkim si Liza-isang lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang buhay. Upang matupad ang pinakamatagal nang pangarap ng kanyang asawa, gumawa si Liza ng isang desisyong walang sinumang asawa ang gugustuhing gawin. Naghanap siya ng ibang babae... Isang babaeng magdadala ng anak ng lalaking pinakamamahal niya. Hanggang kailan kakayanin ni Nick ang sitwasyong hindi niya maintindihan? At ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang tunay na dahilan kung bakit handang isakripisyo ni Liza ang sariling kaligayahan? Sa pagmamahal, may mga lihim na kayang magligtas... at may mga sakripisyong kayang wasakin ang puso. Dahil minsan, ang pinakamalaking sakripisyo ay ang ibigay sa iba ang taong pinakamamahal mo.
Voir plusLiza's POVIniwan muna namin ang dalawang kabayo na nakatali sa ilalim ng isang malaking puno habang naglalakad kami sa mas malawak na bahagi ng ubasan.Napahinto ako nang makita ang hanay ng mga berdeng ubas."Hindi lang pala purple grapes ang meron kayo?" pagtataka kong tanong.Napangiti si Emilio."Marami kaming varieties."Lumapit siya sa isang puno at pumitas ng isang kumpol ng ubas."Pwede na ba itong kainin?" tanong ko.Tumango siya."Safe na safe. Tikman mo."Pumitas siya ng isang ubas at isinubo ito."Wala kaming ginagamit na kemikal na pesticides. May sarili kaming natural insecticides na gawa sa mga halaman. Organic din ang patabang ginagamit namin."Habang naglalakad kami, itinuro niya ang malalaking sprinkler na nakapuwesto sa gitna ng ubasan."Kapag madaling-araw, kusang umiikot ang irrigation system na 'yan.""Tuwing weekends naman, pinapayagan naming pumasok ang mga bisita. Maaari silang mamitas ng ubas at bumili ng sariwang ani sa mas murang presyo."Napangiti ako."A
Liza's POVPagkatapos naming mag-almusal at magkuwentuhan, akala ko ay diretso na kaming pupunta sa wine at coffee tasting.Ngunit ngumiti lang si Emilio."May gusto muna akong ipakita sa'yo."Napakunot-noo ako.Ilang sandali lang ay pinatawag niya ang isa sa kanyang mga tauhan.Halos mapanganga ako nang makita kong may dalawang kabayong inilalapit sa amin.Isang kulay abo.At isang kulay kayumanggi.Napangiti ako at kusang lumapit sa mga ito.Marahan kong hinaplos ang kanilang leeg.Tahimik lang silang nakatingin sa akin na para bang matagal na nila akong kilala."Parang ang bilis nilang naging komportable sa'yo," sabi ni Emilio.Napangiti ako."Mahilig talaga ako sa kabayo."Napatingin siya sa akin."Marunong kang mangabayo?"Tumango ako."Noong bata pa ako, si Daddy mismo ang nagturo sa akin.""May hacienda kami noon.""Labindalawa ang kabayo ni Daddy."Napangiti ako habang inaalala ang nakaraan."Dalawa roon ang paborito ko.""Ano ang pangalan?"Napaisip ako sandali bago natawa."
Liza's POVMaaga akong bumiyahe papunta sa Monte de Emilio Winery and Coffee Estate sa Alfonso, Cavite.Ngayong araw ang wine at coffee tasting para sa magiging partnership namin.Madilim pa ang langit nang umalis ako ng bahay.Hindi ko alam kung nakauwi na sina Nick at Lorena mula sa bakasyon nila.At sa totoo lang...Hindi ko na rin gustong malaman.Mabilis lang ang naging biyahe kaya ilang oras pa lamang ay narating ko na ang estate.Pagkababa ko ng sasakyan, napahinto ako.Napakaganda.Sa isang banda ay tanaw ang malawak na hanay ng mga taniman ng kape, habang sa kabilang bahagi naman ay ang mga ubasan na kumikislap sa sinag ng papasibol na araw.Malamig ang simoy ng hangin.Tahimik.Payapa.Pakiramdam ko, pati ang mabigat kong dibdib ay gumaan."Ang ganda ng umaga, 'di ba?"Napalingon ako.Si Emilio.Simple lang ang suot niya—puting T-shirt, itim na shorts, at puting sapatos.Wala siyang mamahaling amerikana o pormal na kasuotan.Pero hindi iyon nakabawas sa natural niyang kagwap
Liza's POV"Parang masyado ka namang nagpapaganda ngayon."Napalingon ako nang marinig ang boses ni Nick. Nakangiti siya habang nakasandal sa gilid ng kotse.Napangiti rin ako."Ganito naman talaga ako," sagot ko habang inaayos ang hikaw ko. "Hindi mo lang napapansin."Sandali siyang natigilan.Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin, hinihintay ang nakasanayan na niyang halik bago kami umalis.Ngunit bago pa man ako lumapit, napansin kong may isang taong nakasilip sa pintuan ng bahay.Si Lorena.Tahimik niya kaming pinagmamasdan.Napabuntong-hininga ako."Beso na lang."Marahan kong hinalikan ang pisngi ni Nick."Baka magselos ang magiging asawa mo."Sandali siyang natigilan sa sinabi ko.Hindi siya agad nakasagot.Ngumiti na lamang ako bago tuluyang sumakay sa kotse.Sa rearview mirror, nakita kong nakatayo pa rin si Nick.Nakatitig lang siya sa akin habang marahang umiiling, tila hindi niya maintindihan kung bakit unti-unti na akong nagbabago.Nandito ako ngayon sa opisina












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.