MasukMatapos mahuli ni Caroline ang boyfriend niya at ang half-sister niya na nagsesex sa condo ng boyfriend niya ay nagpakasal siya sa isang lalaking hindi niya kilala. Hindi man niya pinag-isipan ng mabuti ang desisyon niya pero hindi na siya pwedeng umatras lalo na at nasa harapan na sila ng civil registrar. Nang pakasalan ni Caroline si Caleb ay puro panlalait at panghuhusga ang natanggap niya. Paulit-ulit din siyang ipinapahiya ng pamilya niya. Paano kung ang lalaking inakala ng lahat na mahirap, walang edukasyon at walang maipagmamalaki ay nagmula pala sa pinakamayamang pamilya? The CEO of Thompson Legacy Group.
Lihat lebih banyakIlang metro na lang ang layo ni Caroline mula sa pintuan ng kwarto ng boyfriend niya. Pinuntahan niya ito para sana isurpresa pero para bang siya ang masosorpresa dahil sa mga damit na nagkalat sa sahig sa sala. Napalunok si Caroline, nasa harap na siya ng pintuan at rinig na rinig niya ang maingay na ungol ng kung sinong babaeng kasama ng boyfriend niya. Tiningnan niya ang doorknob pero nanginginig ang mga kamay niya.
Tumalikod na si Caroline dahil para bang hindi niya kayang makita ang nangyayari sa loob pero napahinto rin siya. Kung hindi niya bubuksan ang pintuan hindi niya malalaman kung sino ang babae ng boyfriend niya. Gusto niyang makasiguro kung boyfriend niya ba talaga ang nasa loob ng kwarto. Lakas loob niyang hinarap ang pintuan at binuksan ang doorknob. Nang makita niya ang nangyayari ay natutop niya ang bibig niya. Nakadog style ang mga ito at nakaharap sila sa pintuan kaya kitang kita nila kaagad si Caroline.
“Oh shit!” gulat na saad ni Aubrey nang makita niya ang kapatid niya. Mabilis na umalis si Isaac sa ibabaw ni Aubrey at binalot nila ang katawan nila ng kumot.
“Caroline,” kinakabahan na tawag sa kaniya ni Isaac.
“Aubrey, why?” iyun na lang ang lumabas sa bibig ni Caroline. Hindi niya maintindihan kung bakit ang kapatid niya ang kasama ng boyfriend niya ngayon kahit na half-sister lang sila, kapatid pa rin niya ito. Iniwas na ni Caroline ang tingin niya saka niya tinalikuran ang mga traydor sa buhay niya.
“Caroline, please, let’s talk.” Wika ni Isaac nang habulin niya si Caroline pero hindi na siya pinakinggan ni Caroline. Tuluyan na siyang lumabas ng condo ng boyfriend niya dahil para bang sinasaksak ang puso niya na makita ang kapatid niya kasama ang boyfriend niya. Sa dami ng babaeng pwedeng maging babae ng boyfriend niya, bakit ang kapatid pa niya?
Pigil ang pag-iyak ni Caroline habang nagmamadali siyang umalis ng condo. Nakayuko lang siya dahil nahihiya siyang makita ng mga taong nakakasalubong niya na umiiyak siya.
“Caroline!” malakas na tawag ni Isaac sa kaniya pero mas binilisan na ni Caroline ang tumakbo hanggang sa makarating na siya sa labas at sumakay ng sasakyan niya. Inis namang sinabunutan ni Isaac ang buhok niya nang makaalis na si Caroline.
Dumiretso si Caroline sa isang bar-restaurant. Wala siyang balak mag-inom, hindi niya lang alam kung saan siya pupunta. Hindi masyadong maliwanag ang bar-restaurant kaya kahit umiyak si Caroline hindi yun mapapansin.
“What’s your order ma’am?” tanong sa kaniya ng isang lalaki. Hindi naman sumagot si Caroline, napatingin na lang siya sa panyong iniaabot sa kaniya. “Do you want to try our sorrowful sweetness?” masigla pang alok sa kaniya ng lalaki pero nananatiling nakayuko si Caroline. Tinanggap niya ang panyo at pinunasan ang mga luha niya.
“Do you want to marry me?” tanong niya sa lalaki na ikinagulat nito.
“I’m sorry ma’am pero hindi ako kasama sa menu.” Sagot ng lalaki.
“I’ll pay you triple of your salary just marry me.” Desidido pa ring saad ni Caroline. Tinitigan naman ng lalaki si Caroline, napapaisip kung broken ba ito o pressure lang siya sa buhay kaya nag-aalok ng kasal. “Please marry me,” wika pa rin ni Caroline saka siya tumingala para tingnan ang lalaking nasa harapan niya. Bahagya na lang siyang nagulat ng makita niya ang itsura nito. Gwapo ang boses ng lalaki pero hindi niya inaasahan na may mahahaba itong buhok at bigote.
Napangisi naman ang lalaki dahil naalala niya ang pangungulit sa kaniya ng kaniyang ina, kapag nagpakasal siya baka tumigil na rin ang kaniyang ina na pilitin siyang magpakasal sa ex-fiancee niyang manloloko.
“Okay, I’ll marry you.” Sagot ng lalaki sa kaniya. Tipid na lang na ngumiti si Caroline saka siya tumayo at hinila na ang lalaki palabas ng bar-restaurant. Nagtungo sila ng civil registrar para magpakasal sila. Hindi na alam ni Caroline kung anong pumapasok sa isip niya, masyadong masakit para sa kaniya ang nakita niya. Tatlong taon na sila ng boyfriend niya at hindi niya inaasahan na lolokohin siya nito lalo na at wala naman silang naging problema tungkol sa babae sa nakalipas na taon sa relasyon nila.
Nakatulalang tiningnan ni Caroline ang hawak niyang marriage contract. Hindi niya akalain an ikinasal na siya sa lalaking hindi niya kilala.
‘Tama ba ang ginagawa ko?’ tanong niya sa sarili niya saka niya tiningnan ang lalaking ilang metro lang ang layo sa kaniya. Napalunok na lang si Caroline saka siya tipid na ngumiti, nangyari na ang nangyari. Wala na siyang magagawa dahil kasal na sila. Siguradong isang malaking sampal kay Isaac kapag nalaman niya ng kasal si Caroline.
“Let’s go, Caleb.” Tawag ni Caroline kay Caleb saka sila sumakay sa sasakyan ni Caroline. Palihim na tinitingnan ni Caleb si Caroline at alam niyang tila ba pinagsisisihan na ni Caroline ang desisyon niya. Napangisi na lang siya dahil hindi na sila pwedeng umatras lalo na at nakarehistro na ang kasal nila.
Umuwi si Caroline kasama ang asawa niya at lahat ng pamilya niya ay naghihintay sa kaniya sa sofa. Masama ang tingin sa kaniya ng kaniyang ama dahil sa lalaking kasama niya.
“Who is he, Caroline?” malamig at seryosong tanong sa kaniya ng kaniyang ama. Napalunok naman si Caroline.
“He’s my husband, Dad.” Sagot niya. Tinawanan naman siya ng half-sister niyang si Aubrey.
“You’re husband? Kailan ka pa ikinasal? Magpapakasal ka na nga lang, sa isang lalaking mas mahirap pa sa daga.” Pang-aasar ni Aubrey. Masama namang tiningnan ni Caroline si Aubrey saka niya naikuyom ang kamao niya. Pagkatapos nitong agawin ang boyfriend ni Caroline, mas lakas pa siya ng loob na manlait ng ibang tao.
“In my office, now.” Maawtoridad na wika sa kaniya ng kaniyang ama. Sumunod naman si Caroline sa kaniyang ama at iniwan si Caleb sa sala. Nanghuhusga naman ang mga mata ng pamilya ni Caroline na nakatingin kay Caleb dahil sigurado silang nanggaling ito sa mahirap na pamilya, walang ari-arian, walang maipagmamalaki, walang education.
Napapikit na lang si Caroline nang hampasin ng kaniyang ama ang table nito.
“You’re husband?! Ano bang pumapasok sa isip mo Caroline?! Malapit nang magpropose sayo si Isaac at nagpaalam na siya sa amin. Why are you doing this?!” galit na galit na wika sa kaniya ng kaniyang ama. Sa lakas ng boses ni Winston ay rinig na rinig sila hanggang sa sala.
“Isaac cheated on me, Dad.” Sagot ni Caroline.
“Is that a valid reason para magpakasal ka sa lalaking mas mababa pa sayo? Tell me that you’re lying, sabihin mo sa aking hindi pa kayo kasal.” Lalong napayuko si Caroline. Kinuha niya ang contract marriage na nasa bag niya saka niya iyun ipinakita sa kaniyang ama. Inis namang napahilamos si Winston sa mukha niya.
“Are you crazy?!” napapikit na lang si Caroline nang muntik siyang sampalin ng kaniyang ama. Natatakot na rin siya at para bang nagising na rin siya sa naging desisyon niya na hindi niya pinag-isipan niya.
“I’m sorry, Dad.” Nakayuko niyang wika.
“Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Ginawa mo na ang hindi dapat! Ipapahiya mo ang pamilya natin dahil sa lalaking yun. Saan mo ba yun nakilala? Sa street, sa bar, saan?! Sa itsura niya, para siyang adik. Kapag may nangyari sa loob ng bahay na ‘to ng dahil sa lalaking yun, kaya mo bang akuin ang kasalanan niya?” hindi nakasagot si Caroline. Nanatili siyang nakayuko habang nilalaro ang mga daliri niya.
“Matalino ka Caroline pero saan napunta ang utak mo ngayon? Umalis ka sa harapan ko bago kita masaktan at itakwil bilang anak ko.” Bahagyang yumuko si Caroline saka niya iniwan ang kaniyang ama sa loob ng office nito. Nang makalabas siya ay tiningnan niya ang pamilya ng kaniyang ama.
“Maswerte ka dahil hindi ka pa itinakwil ni Daddy, alam mo namang magdidiwang kaming lahat kapag pinalayas ka na niya rito.” Nakangising saad ni Aubrey. Tiningnan ni Caroline si Caleb na blangko lang ang mukha na para bang walang pakialam sa paligid niya. Napabuntong hininga na lang siya saka niya hinila si Caleb papasok sa kwarto niya.
Kaya niya bang magkaroon ng kasama sa isang kwarto?
“Don’t worry, alam kong hindi ka komportable na makasama ako. Okay na akong matulog sa sahig.” Wika ni Caleb, nakahinga naman ng maluwag si Caroline pero hindi pa rin siya sigurado kung mabuting tao ba ang pinakasalan niya.
“Let’s eat outside, mainit pa ang ulo ng pamilya ko dahil sa ginawa ko. Let’s eat outside.” Ani ni Caroline saka siya naunang lumabas pagkatapos nilang ibaba ang mga gamit ni Caleb. Lumabas na silang dalawa ng bahay para sa restaurant kumain ng tanghalian.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Tinuloy na nila ang pagpaplano nila para sa gender reveal nila. Napagdesisyunan din nilang gawin na lang ang gender reveal sa hardin nina Jasper dahil malawak naman ang hardin nito.Siniguro nilang mahigpit na ang security nila kahit na nakakulong na si Arabella.Lahat sila ay excited na para sa gender reveal. Excited na rin si Jasper at Kirsten na malaman ang magiging gender ng anak nila. Makakapagsimula na silang mamili ng mga gamit ng anak nila.“Are you guys ready?!” Malakas na tanong ng host. Sabay-sabay namang sumagot ang mga bisita. Ramdam na ramdam nila ang kasiyahan na bumabalot sa buong paligid. May mga nagsuot ng blue clothes at pink shirt.Ready na rin ang dalawang mascot at ang finish line.“Magsisimula na tayo in a minute. Parents, please dito kayo.” Ani ng host. Lumapit sa harap ang mag-asawa. Magkahawak kamay si Jasper at Kirsten. Bumuga ng hangin si Kirsten dahil hindi niya alam kung kinakabahan ba siya o masyado lang nangingibabaw ang
Kompleto silang lahat sa bahay nina Kirsten at Jasper. Napagdesisyunan ni Caleb at Caroline na magstay pa sa Pilipinas dahil hindi nila magawang mag-enjoy dahil sa mga nangyari.Lahat sila ay nasa pool area. Maraming mga pagkain ang nakahain sa mahabang lamesa. Pinag-uusapan na nila ang gagawin nila sa gender reveal ni Kirsten at Jasper.“Alam niyo na bang lahat ang gender ng baby namin?” Tanong ni Kirsten. Hindi na magiging surprise sa pamilya nila ang gender ng baby nila at baka silang dalawa na lang ng asawa niya ang hindi nakakaalam.“Hindi pa. Wala rin namang nagsabi sa amin kung ano bang gender ng baby niyo.” Sagot ni Zara na sinang-ayunan naman ng iba.“Sigurado kayo?” tila ayaw pang maniwala ni Kirsten.“Hindi pa ate. Pagkatapos ng nangyari sa resort, hindi na namin nakausap ang dalawang mascot at ang mga organizer. Wala naman silang pinagsabihan sa amin tungkol sa gender ni baby. Alam naman nila na pwede pa nating gawin ulit ang gender reveal.” Sagot na ni Caroline. Napatango
Makalipas ang isang linggo matapos madischarge silang tatlo ay magsisimula na rin ang hearing sa kaso ni Arabella. Tahimik lang silang lahat nang makapasok na sila sa loob ng court. Hindi pa nila nakikita si Arabella dahil wala pa rin ang mga prosecutor at mga judge sa loob ng korte.Tahimik lang sila hanggang sa dumating na ang judge. Sabay-sabay silang tumayo at naupo lang nang makaupo na rin ang judge. Nauna nang nagsalita ang isang prosecutor at iprinisinta niya ang lahat ng mga ebidensya laban kay Arabella. Binanggit na rin nito ang sakit ni Arabella sa isip.Mariing ipinikit ni Marlon ang mga mata niya habang napapayuko na lang si Florabell. Matagal na panahon nilang itinago ang tungkol sa sakit ng anak nila pero ngayon dahil sa krimeng nagawa ng anak nila, malalaman ng lahat ang kalagayan ni Arabella.Tahimik lang si Arabella na nakaupo. Nakasuot na ito ng yellow t-shirt at nakayuko."The first victim was Ms. Angela Domingo. According to forensic findings, the victim suffered m
Hinayaan nilang mga personal lawyers nila ang nag-asikaso sa pagsampa nila ng kaso laban kay Arabella. Si Clarissa ang namumuno sa imbestigasyon habang ang ibang lawyers ay nakasuporta sa kaniya at ginagawa ang mga utos ni Clarissa.Sa paglipas ng mga araw ay nagiging okay na rin ang kalagayan ni Kirsten, Jasper at Caleb. Nang makita ni Kirsten at Jasper sa monitor ang baby nila ay napangiti sila. Tila ba nawala ang lahat ng pag-aalala nila dahil kitang-kita nila kung gaano kalikot ang anak nila sa sinapupunan ni Kirsten.“Ang likot-likot niya.” Nakangiting saad ni Kirsten habang sa monitor siya nakatitig.“Alam niyo na ba ang gender niya?” tanong ng OB sa kanila.“Hindi pa doc pero may result na ang gender niya. Hindi kasi natuloy ang gender reveal namin dahil sa nangyari.” Sagot ni Jasper.“Kung ganun hindi ko na muna sasabihin dahil malinaw naman na rito sa monitor ko kung anong gender niya.” Nakangiting saad ng doctor. Nasa hospital pa rin silang tatlo at sabay-sabay na rin silang
Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ni Kirsten. Hindi siya makapaniwala na tutuparin ni Jasper ang pangarap niya bilang isang babae. Tumingala si Kirsten saka niya pinunasan ang mga luha niya at bumuntong hininga.Tiningnan niya si Jasper na nakaluhod pa rin at naghihintay ng sagot niya.“Of cour
Napapatingin na lang si Michael kay Jasper dahil hikab ito nang hikab.“Gusto mo ng kape sir? Bakit parang hindi ka nakatulog kagabi?” nang-aasar ang boses ni Michael habang umiinom ito ng kape.“Itimplahan mo na lang ako.” Utos ni Jasper saka ito muling humikab dahil sa antok na nararamdaman niya.
Kanina pa nakatingin si Kirsten sa cellphone niya. Sinusundan niya ang location ni Jasper. Palihim niyang nilagyan ng apps ang cellphone ni Jasper para makita niya ang location nito. Ayaw niyang mag-isip, ayaw niyang magduda pero hindi niya maiwasan dahil ilang araw ng palaging busy si Jasper pagka
Nang dumating na sila sa bahay ni Jasper ay dumiretso sa kusina si Kirsten para kunin ang first aid kit. Naupo naman si Jasper sa sofa habang tinitingnan niya sa salamin ang mukha niya. Hindi siya nakailag dun kaya tinamaan siya.Akma na sanang tatayo si Jasper para magbihis nang dumating si Kirste






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak