Spring in the midst of Winter - CELESTIAL  02

Spring in the midst of Winter - CELESTIAL 02

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-07-22
Oleh:  Aphelion Riloa PresOngoing
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
8Bab
5Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Spring Salvejo has spent her entire life surviving under the cruel hands of her stepfather. To pay off a debt that wasn't hers, she was forced into the neon-lit shadows of a dark club—a life of rhythmic pain she never chose. When she finally escaped and found refuge as a house aid in the Celestial Sanctuary, she thought she had finally found peace. But the peace was fragile as glass. Trapped by her own trauma and coerced into becoming a spy for the ruthless Mr. Chua, Spring became a prisoner of her own fear. In the midst of her silent terror, one sound kept her grounded: the soulful, haunting notes from the guitar of Orion Vargas, the lead guitarist of the global sensation CELESTIAL. To the world, Orion is the "Fairy Prince," but to Spring, he was the only music in her desolate world. Through her secret confession to Haven (The Shadow Reaper), Spring found an unexpected anchor in Orion. When the smoke cleared and the war against Silas ended, Spring made a heartbreaking choice. She chose to vanish—carrying with her secret love and a silent vow. She didn't leave to run away; she left to rebuild herself from the ashes. Now, as Orion searches for the star that lit up his darkest winter, Spring is transforming into a version of herself the world isn't ready for. "In the midst of Orion’s frozen desolation, Spring is the only flame that can thaw his heart—but how do you find a star that has chosen to hide in the shadows?"

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue

WINTER’S MELODY

Ang bawat kumpas ng oras sa loob ng Celestial Sanctuary ay tila bumabagal, kasing bagal ng pagpatak ng tunaw na yelo sa gitna ng pinakamalamig na taglamig. Dalawang taon na ang lumipas. Dalawang taon na mula nang maging anino ang liwanag na nagligtas sa akin mula sa sarili kong kadiliman. Ngunit para sa akin, tila kahapon lang nung huli kong narinig ang mahinhing yabag ng kanyang mga paa sa pasilyong ito, ang amoy ng kape na kaniyang inihahanda, at ang boses niyang nagbibigay ng kulay sa bawat umagang kay lamig.

​Nakatitig ako sa kawalan habang nakaupo sa gilid ng bintana ng aking silid. Sa labas, masaya ang lahat. Ramdam hanggang dito sa loob ang masiglang enerhiya ng Celestial Sanctuary House. Ipinagdiriwang ng buong mundo ang unang kaarawan ng kambal nina Sirius at Haven. Naririnig ko ang malakas na tawa ni Sirius mula sa garden—ang boses ng "Unbothered King" na ngayon ay isang ganap at responsableng ama na. Masaya ako para sa kanila. Tunay na masaya. Pero sa bawat tawang naririnig ko mula sa malayo, mas lalong tumitindi ang nakabibinging katahimikan sa loob ng sarili kong silid.

​Hawak ko ang paborito kong gitara—ang instrumentong saksi sa lahat ng aking pangarap at pighati. Kinakalabit ko ang mga kuwerdas, ngunit ang bawat nota na lumalabas ay tila walang buhay. Wala ang dating ningning. Wala ang dating tamis. Ang bawat chord ay tila isang buntong-hiningang nawawala sa hangin.

​Dati, ang bawat kanta ko ay may patutunguhan. Noong narito pa siya, kahit ang simpleng pag-tune ko ng gitara ay nagkakaroon ng saysay dahil alam kong nakikinig siya mula sa kusina habang naghahanda ng kape ko. Ang bawat nota ay mensahe, at ang bawat kanta ay pag-aalay. Ngayon, ang musika ay naging isang malupit na paalala ng isang espasyong bakante.

"Dalawang taon na, Orion. Hanggang kailan mo titingnan ang p***o, umaasang papasok siya dala ang kape mo?"

​Hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino ang nagsalita. Ang malalim at baritono ngunit mainit na boses ni Neptune ay sapat na. Narinig ko ang mahina niyang paglakad papalapit sa akin, ang bawat yabag niya sa sahig ay tila pumupunit sa katahimikang aking binuo. Alam kong kahit ang "Social Butterfly" ng grupo ay nahihirapan na ring makita akong ganito—ang Fairy Prince na tila nalanta na ang mga pakpak.

"Hindi ko alam, Bro," sagot ko nang hindi pinuputol ang titig sa p***o. "Pero nararamdaman ko... malapit lang siya. Parang bawat hangin na umiihip sa paligid ko, dala ang pamilyar niyang amoy. Parang narito lang siya sa paligid, nagtatago sa mga aninong hindi ko maabot."

​"Orion, kailangan mong magpatuloy," untag ni Neptune, sabay tapik sa aking balikat gamit ang kanyang mahahabang daliri. "Tingnan mo si Sirius, tingnan mo si Haven. Naka-move forward na ang digmaan laban kay Silas. Ligtas na tayo. Pero ikaw, tila nakakulong ka pa rin sa huling gabi na nakasama mo siya. Hindi mo ba nakikita? Ang mga Stellars, ang mga fans, kailangan nila ang Fairy Prince nila. Pero mas kailangan mo ang sarili mo."

​Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na tinatakasan ang mga matang dati’y nagniningning sa ilalim ng spotlight—ngunit ngayon, tila naging malalim na balon na lamang ng pighati. Hindi pa rin mawaglit sa alaala ko ang huling sulyap ni Spring. Ang takot na hinaluan ng determinasyon sa kanyang mga mata.

​"Hindi ko siya nakalimutan, Neptune. At hindi ko rin kayang magpanggap na maayos ang lahat habang alam kong may kulang sa bawat kanta natin," mahina kong dagdag.

​Ibinalik ko ang tingin sa aking gitara. Kung ang Celestial ay isang symphony, si Spring ang pinaka-importanteng nota na nawawala. At hangga't hindi ko siya muling naririnig, mananatiling taglamig ang puso ko, kahit pa sa gitna ng pinaka-mainit na selebrasyon.

Binitawan ni Neptune ang isang mabigat na buntong-hininga. Sandaling tumahimik siya, ang kanyang presensya na dati ay nagbibigay ng sigla sa silid ay tila nababalot na rin ng mabigat na atmospera. Pinagmasdan niya ako—hindi bilang isang bandmate, kundi bilang isang kaibigang nakikitang unti-unting nilalamon ng sarili nitong dilim. Nang walang lingon-likod, lumabas siya, at ang pagbukas-sara ng p***o ay parang huling nota ng isang musikang hindi natapos.

​Naiwan akong muli sa yakap ng katahimikan. Muli kong dinitik ang aking mga daliri sa malamig na kwerdas. Sa bawat pagpindot ko sa fretboard, tila nararamdaman ko ang gaspang ng nakaraan. Ilang kanta na ba ang sinubukan kong isulat para sa kanya? Marahil ay daan-daan na, ngunit wala ni isa ang nakatapos. Paano mo tatapusin ang isang kanta kung ang inspirasyon mo ay bigla na lamang naglaho na parang usok sa gitna ng gabi?

​Tumayo ako at lumakad patungo sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon. Ang dating "Fairy Prince" na laging may matamis na ngiti para sa mga Stellars ay tila isang estranghero na ngayon. Ang aking buhok na medyo mahaba na at bahagyang nakatabing sa aking mga mata—mga matang tila nawalan na ng kislap. Ang aking mga labi, na dati ay laging handang magbigay ng payo sa mga ka-miyembro ko, ay naging tikom at tila nakalimutan na ang lasa ng tunay na kaligayahan.

​Dahan-dahan akong lumapit sa isang maliit na table sa tabi ng aking kama. Naroon pa rin ang All-Access Pass na binigay ko sa kanya, bahagya nang kupas ang kulay nito, ngunit malinaw pa rin ang nakasulat na pangalan ng aming banda: CELESTIAL. Hinaplos ko ang plastik na takip nito. Naalala ko pa ang kislap sa mga mata ni Spring nang iabot ko ito sa kanya. Noon, akala ko ay iyon na ang susi para tuluyan siyang manatili sa tabi ko.

​"Bakit ka ba umalis, Spring?" bulong ko sa hangin, habang hinahayaan kong lamunin ako ng lamig ng aircon na tila nagiging tunay na niyebe sa loob ng aking dibdib. Ang bawat sulok ng silid na ito ay may bakas ng kanyang pag-aalaga. Mula sa maayos na pagkakatiklop ng aking mga damit hanggang sa ayos ng aking mga gitara—lahat ay tila sumisigaw ng kanyang kawalan.

​Muli kong binalingan ang gitara. Sa pagkakataong ito, hindi ko na pinigilan ang aking sarili. Hinayaan kong dumaloy ang pait sa bawat nota. Isang malungkot na ballad ang nabuo sa gitna ng katahimikan—isang kanta para sa isang taong hindi ko alam kung nasaan. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig sa kawalan nang biglang tumunog ang aking phone. Isang notification mula kay Phil, ang aming manager.

​“Orion, Neptune, Sirius, Archer, Rigel—Meeting bukas, 9 AM. We have a major festival performance in two months. This is for the launch of The Thaw: Celestial Music Festival. Be ready.”

​Isang malaking festival. Isang pagkakataon para muling tumayo sa harap ng libo-libong tao. Pero sa gitna ng excitement na dapat kong nararamdaman, isang kakaibang kaba ang humaplos sa puso ko. Isang pamilyar na pintig. Para bang sa bawat tibok ng puso ko, may isang pangalang pilit na kumakawala.

​Habang ang mundo ni Orion ay tila nakatigil sa gitna ng isang walang katapusang taglamig, tatlumpung kilometro ang layo, sa gitna ng mausok at mabilis na takbo ng Makati, may isang mundong nag-aalab sa init, musika, at pagod.

​Sa loob ng isang sikat na underground dance studio, hindi ang malamyos na tunog ng gitara ang maririnig. Sa halip, ang bawat sulok ay nanginginig sa bigat ng bass at sa ritmo ng musikang yayanig sa iyong dibdib. Dito, ang hangin ay amoy pawis at determinasyon. Dito, wala na ang mahiyain at takot na si Spring Salvejo. Dito, ang tanging kilala nila ay si Vera.

​"Isa pa! Five, six, seven, eight!" sigaw ni Vera sa gitna ng kanta.

​Sa harap ng malaking salamin, pinagmasdan ni Spring ang sarili niyang repleksyon. Ang kanyang pangangatawan ay mas lalong naging toned at maliksi. Ang bawat galaw niya ay tila isang talim na humahati sa hangin—mabilis, matapang, at puno ng awtoridad. Ang pagsasayaw ang naging paraan niya para makahinga. Sa bawat padyak ng kanyang sapatos sa sahig, tila tinatapak-tapakan niya ang lahat ng sakit ng nakaraan—ang mga pasa mula kay Mang Carlo, ang madidilim na gabi sa club ni Mr. Chua, at ang matinding pangungulila sa lalaking iniwan niya.

​"Break muna, guys. Five minutes," anunsyo niya habang hinihingal.

​Kinuha niya ang kanyang towel at isang bote ng tubig. Lumapit siya sa sulok ng studio. Habang nagpapahinga, hindi niya mapigilang mapatingin sa kanyang mga palad. Wala na ang mga paltos mula sa paglilinis ng bahay, ngunit may mga bagong marka na roon mula sa matinding ensayo. Nagbago na siya. Nagtrabaho siya nang doble para lang makuha ang respeto ng industriya. Hindi na siya basta "house aid." Siya na ang misteryosong choreographer na hinahangad ng maraming malalaking kumpanya. Nailipat na niya ang kanyang nanay at si Tiya Lena sa isang ligtas na apartment, malayo sa abot ng kanyang stepfather. Ligtas na sila. Malaya na sila.

Ngunit sa kabila ng lahat ng tagumpay na ito, may isang bahagi ng puso niya na nananatiling nakasara. Biglang bumukas ang p***o ng studio at iniluwa nito si James, ang kanyang manager.

​"Vera, may bagong offer. Isang malaking music festival sa darating na dalawang buwan," panimula ni James. "Ito na ang pagkakataon mong makilala bilang head choreographer. Ang festival ay tinatawag na The Thaw: Celestial Music Festival."

​Napatigil si Spring sa pag-inom. Ang pangalang matagal niyang pilit na ibinabaon sa limot ay muling bumalik, mas malakas at mas mapanakit. Nanigas ang buong katawan ni Spring. Ang bote ng tubig na hawak niya ay dahan-dahang nayupi sa higpit ng kanyang pagkakahawak.

​"I can't do it," mabilis niyang sagot, ang kanyang boses ay bahagyang nangatal.

​"Pero Vera, ikaw ang partikular na hinahanap nila," hirit pa ni James. "Ang lead guitarist mismo ng CELESTIAL ang nakakita sa video ng performance mo. Sila ang pumili sa'yo."

​Si Orion. Pinili siya ni Orion nang hindi nito alam na siya ang nasa likod ng pangalang Vera. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Hindi mo ba naiintindihan, James? Hindi lang ito basta trabaho para sa akin."

​"Ikaw si Vera. Ang 'Master of Rhythm.' Ang babaeng walang inuurungang challenge. Hahayaan mo bang ang isang multo ng nakaraan ang kumuha sa kinabukasan mo?"

​Tumingin si Spring sa malaking salamin ng studio. Nakita niya ang isang babaeng matapang, ang buhok ay basa ng pawis, at ang mga mata ay may talim na hindi kayang baliin ng kahit sino. Pero sa kailaliman ng mga matang iyon, naroon pa rin ang 'Spring' na nangungulila sa 'Winter' ng isang lalaking nagngangalang Orion.

​"The Thaw..." sambit niya. Napaka-ironic. Layunin ng festival na tunawin ang lamig, pero para kay Spring, ito ang magdadala sa kanya pabalik sa gitna ng bagyo.

​"Bigyan mo ako ng isang gabi para mag-isip," huling sabi ni Spring bago kinuha ang kanyang gamit at naglakad palabas ng studio.

​Sa labas, sumalubong sa kanya ang malamig na hangin ng gabi. Huminga siya nang malalim at tumingala sa langit. “Orion... kung alam mo lang kung gaano kahirap magtago sa dilim habang ang puso ko ay gustong-gustong tumakbo patungo sa liwanag mo.”

Sa gitna ng kadiliman, isang p***o ang dahan-dahang bumubukas—ang p***o ng Celestial Sanctuary. Ngunit bago pa tumapak ang aking mga paa sa marangyang marmol ng mansyong iyon, bumalik ang eksaktong sandali kung kailan ang aking mundo ay tuluyang naglaho. Hindi ako agad naging 'Vera,' at hindi agad naging 'liwanag' ang Celestial. Bago ang lahat, may isang babaeng hinubaran ng pangalan at pangarap sa loob ng isang madilim na silid na puno ng usok at pagsisisi.

​Bago ang Sanctuary, mayroong Club de Oro. At doon nagsimula ang mahabang gabi na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matapos-tapos.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
8 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status